‘fishball vendor’

madalas kung madaanan si mang pinong tuwing hapon habang nagtitinda ng fishball. dun kase siya madalas pumuwesto sa dinadaanan ko pauwi ng bahay kaya naman hindi maiiwasang hindi ko siya mapansin.

madalas ko siyang makitang masaya. pakanta-kanta habang nagluluto ng fishball. dahil dun nakuha niya ang attention ko. “mabuti pa siya nakukuha niyang maging masaya at parang enjoy sa kanyang ginagawa samantalang ‘yong iba, halos nasa kanila na lahat ng luho pero puno parin ng reklamo sa buhay”.

minsan nanibago ako sa kanya dahil sa parang matamlay siya. naisip ko, baka kailangan niya ng kausap kaya lumapit ako, “mang pinong, kumusta ba?” tanong ko habang tinutuhog ang tatlong piraso ng fishball at dahan-dahan itong isinawsaw sa ‘sauce’ na ang lalagyan ay may label pang “HOt”. “eto…” matipid na sagot at may pilit ang ngiti habang nagpatuloy sa kanyang ginagawa. ako naman, patuloy lang sa pagkain kahit halos maluha sa anghang ng sawsawang napili ko. hindi naman kami ‘close’ kaya hindi ko rin inaasahang i-kwento niya sa akin kung anuman ang nasa isip niya.

hindi nagtagal may isang grupo ng kabataan ang lumapit sa amin at bumili ang mga ito. ako naman, tumuhog uli ng apat pang fishball, at hindi narin naglakas loob pang magsawsaw ULI sa maanghang niyang sauce. Nagbayad ako pagkadukot ng bente pesos sa bulsa ko at umalis na pagkatapos niyang ibalik ang aking sukli.

kinabukasan, naisipan kong dumiretso muna sa palengke bago umuwi ng bahay. mahilig din kase akong maglakad-lakad tuwing hapon lalo pa’t alam kong wala naman akong mahalagang gagawin sa bahay. bago makarating ng palengke, natanaw ko ‘yong mahabang pila ng mga tumataya sa lotto.“ang dami nanamang nangangarap” nasambit ko bahang dinudukot ang cellphone sa bulsa ko para tingnan kung may message ako.

papalampas na ako sa lotto outlet nang napansin ko ang tribike ni mang pinong na siya niyang ginagamit sa pagtitinda ng fishball. nagpalingalinga ako at maya-maya lamang ay nakita ko siya na nasa harap ng pila–tumataya ng lotto si mang pinong. saglit akong huminto sa aking paglalakad at tumingin sa nakapaskil sa harap ng lotto outlet na iyon at eto ang nabasa ko “MEGA LOTTO JACKPOT 95M”. bago pa ako makumbinsing tumaya ng mapanuksong nakapaskil na iyon nakita ko si mang pinong na inaabot ang tickiet mula sa kahera. pagkaabot umalis na ito ng pila at lumapit sa kanyang tribike. dahan-dahang tinutupi (ng maayos) ang ticket ng lotto at inilagay ito sa kanyang wallet.

kakaiba ang napansin ko kay mang pinony habang hawak-hawak ang ticket ng lotto. isang mang pinong na punong puno ng pag-asa’t abot tenga ang ngiti habang animo’y may mga bagay na kumikiliti sa kanyang isipan. tumingin uli ako sa mga taong nakapila at nakita ko ang iba’t ibang klase ng tao– may tindera sa palengke, kargador, tricycle driver, mga propisyonal, mga empleyado ng iba’t ibang ahensya at mayroon ding businessman.

naalala ko ‘yong minsan na tumaya ako ng lotto (una at huling pagtaya ko). inutusan ako ng amo ko nun  (working student ako at nagtatrabaho sa isang computershop) para bumili ng bond paper na gagamiting namin. nakita ko yong mahabang pila ng mga tumataya ng lotto kaya pumila rin ako–halos 25 milyon yata ang jackpot. pagkatapos kong tumaya naisip ko, “kung papalarin akong manalo hindi ko na kailangang magtrabaho para makapag-aral. hindi na rin kailangang magtrabaho pa ni nanay sa bukid,  makakabili na ako ng mga bagong damit, mapapalitan ang pudpod na sapatos, maipapaayos ang aming bahay at maililibre ko narin ‘yong mga kaibigan kong madalas manlibre sa akin”. Hindi ko namamalayan naglalakbay na pala ang isip ko at unti-unting pinaplano kung saan ko gagamitin ang perang papanalunan ko sa lotto 🙂

Bagama’t ibaiba ang estado  ng mga taong nakapila, iisa lang ang nakita ko sa mukha nila ng hapong iyon. punong-puno sila ng pag-asa. ibinalik ko ang atensiyon ko kay mang pinong pero malayo na siya.

pagdating ng bahay, hindi maalis sa isip ko ‘yong kakaibang ngiti ni mang pinong. Oo nga’t madalas ko siyang makitang nakangiti  pero ibang iba ang ngiti niya nang hapong iyon, NGITING MAY NAKADIKIT NA PAG-ASA.

.

.

pagkatapos kong kumain ng hapunan, natanaw ko ‘yong blankong canvas na nasa taas ng bed ko na sa wari  ko’y inip na inip na sa paghihintay sa akin (ang tagal ko na kase itong pininturahan ng puti para pagpintahan pero agosto nanaman ngunit ni isang dampi ng brush ay hindi pa ito nakatikim).

“Magpipinta ako ngayong gabi.” ito ang nasambit ko sa sarili ko habang inaabot ‘yong remote ng tv. pagkaabot nito, pinindot ko ‘yong OFF.

.

.

siguro miss na miss na nila ako :-(

siguro miss na miss na nila ako 😦

i-sketch muna natin

i-sketch muna natin

ayan medyo nagkakabuhay na. nangangapa ako, ang tagal ko kaseng hindi nagpinta.

ayan medyo nagkakabuhay na. nangangapa ako, ang tagal ko kaseng hindi nagpinta.

ayan medyo nagkakabuhay na. nangangapa ako, ang tagal ko kaseng hindi nagpinta.

dahil sa tagal kong hindi nagpinta parang nag-aalangan din ako sa mga kulay na gagamitin (sayang walang undo dito). malikot rin at hindi na ganun sa dati ‘yong paghawak at pagpahid ko ng brush.

.

“hay, madaling araw na pala, itigil ko na nga ito’t 7:30 pa ang pasok ko bukas.”

.

.

.

dumaan ang ilang linggo, hind ko parin ito binalikan. salamat sa maulang weekend (may bagyo at signal number 1 dito). hindi ako makagala kaya nagkaroon uli ako ng oras para ituloy ang pinipinta ko. september 12, natapos ko rin ito sa wakas–ang aking 1st painting ngayong 2009. sana naman masundan pa ito.

FISH VENDOR/ acrylic & oil on canvas / size: 15 in x 15 in

FISHBALL VENDOR/ acrylic & oil on canvas / size: 15 in x 15 in

.

.

susunod:

'ANG TRAKTRAKAN AT ANG INIHAW NA MAIS NI JUNJUN'

'ANG TRAKTRAKAN AT ANG INIHAW NA MAIS NI PIPOY'

50 thoughts on “‘fishball vendor’

  1. wow! astig ng obra mo! totoo ngang bawat canvas na ginagawa ng isang taong tulad mo ay may mga kasamang kwento at hindi iyon nagmula kung saan lang. kung dumating man yung panahon na maging sikat ang “FISHBALL PAINTING” mona to at magkaroon ako ng pagkakataon na makita sya sa isang exhibit.. proud ako na alam ko ang kwento ng painting na yon…

    si mang pinong..

    ..“mabuti pa siya nakukuha niyang maging masaya at parang enjoy sa kanyang ginagawa samantalang ‘yong iba, halos nasa kanila na lahat ng luho pero puno parin ng reklamo sa buhay”.

    great work eli!!
    goodluck pa sa mga susunod na painting! congrats uli sa kauna unahang pinta mo sa taon na to!

  2. una na inspire ako kay mang pinong..
    kahit na fshball vendor sya, meron syang dedikasyon dahil sa kanyang
    masayang awra, marami syang naaakit na customers.

    di sya nawawalan ng pag-asa kaya nagsisikap sya. sinusubukan nya rin ang lotto
    dahil baka nga naman palarin. wala namang mawawala..

    pag tumaya ka kasi sa lotto, nakaktulong ka narin sa mga charity, tama?

    at..

    at…

    ang obra. nakakabilib kuya eli

    isang masterpiece waw!!!!!!

    paturo
    😀

  3. Wow!!!

    Galing!!!!

    Wow uli!!!

    Haha! Mahilig din akong magsketch dati… Noon, parati akong may dalang sketch pad kung gumagala. Upo na lang kahit saan at magsketch… Okay naman, pero natanggap ko na hindi para sa akin ang sketching or other art forms related to it…

    Kakainggit ang talent mo kapatid!

    May haplos sa puso ang kwento ni Mang Pinong at ng marami pang Mang Pinong sa Pinas… Kung minsan, nakakalunos na sa labas ng export prcoessing zone na pinagtatrabahuhan ko ay may hinuhuling mga vendors at kino-confiscate ang mga paninda nila… Sabi nga sa Latin: Dura lex cit lex… The law may be harsh but it is the law…

    Sa ganang akin, there is honor and dignity to any form of work as long as it is within the framework of moral ethics… Naghahanapbuhay ka na nga ng marangal ay aapihin ka pa… Nasasaktan ako doon kasi sabi nga rin: Those who have less in life should have more in law… There is a social issue here that our local leaders failed to notice or simply shrugged their shoulders to…

    Kaya hindi ko rin minsan masisisi ang mga marami nating mga kapatid na naghihikahos ngunit nangangarap na maging mayaman sa pamamagitan ng pagtaya sa lotto… Sugal na matatawag ang pagtaya sa game of chance na kagaya ng lotto kung ultimong ang dapat mong gastusin sa mga basic needs at ginagamit na pangtaya….

    Nagulat ako minsan sa sinabi ng isa kong elder sa SFC: “Kung gugustuhin ng Diyos na manalo ka sa lotto, talagang mananalo ka…, naniniwala ba kayo?”
    Sagot namin: “Opo!”
    Elder:”Naniniwala ba kayong makapangyarihan ang Diyos sa lahat ng bagay?”
    Sagot namin: “Opo!”
    Elder:”Kung ganun, maniwala kayong kung gasto ng Diyos na manalo kayo sa lotto, mananalo kayo kahit hindi pa kayo tumataya!”

    Hihintayin ko ang final output mo sa ikalawa mong gawa kapatid…

    Oi, ang kasalukuyan kong paskil ay tungkol sa isang compositional style…

  4. alam mo kuya kung saan ka magaling, hindi lang sa pag guhit ng larawan, magaling ka pang sumulat ng kwento…

    maliit ang porsyento ng pagtama sa lotto, pero siguro ang pagkakaroon nila ng pag-asa mula sa pag taya ang malaking bagay na na nagpapasaya sa kanila…

    sabi nga ng mga sugarol na tulad ni mang pinong…

    “MALAY MO…”

  5. wow! frustration ko talaga ang drawing!

    di talaga ako marunong magdrawing.

    pero proud akong sabihin na noong bata pa ako ay nagdrawing ako ng bahay na may flowerpot na nakalagay sa bubong…iginuhit ko ito sa pader ng aming bahay…

    at hanggang ngayon di un nabura….

    kakahiya pag napadaan ako sa bahaging un ng pader ng bahay namin. natatawa ako sa sarili ko…hahahaa. un ay gawa ko, mga 4 years old siguro ako…

  6. simple lang: this entry (from the content hanggang sa art/graphics) is one of the reason i am a reader of boss eli!

    you deserve boss eli my applause! astig e!

  7. kuya eli po, ryt? perstaym ko yata d2? ayun..^,^

    napakahusay niyo pong gumuhit. ang makukulay na pastel ang sumisimbolo ng buhay ni manong vendor na tulad ng buhay naming mga maralitang tagalungsod din..merong “ups and downs” pero si mang pinong kinakitaan ng pag-asa..hindi pag-urong sa laban ng buhay..ganda po!

    galeng2! ^,^

  8. Hi Eli…unang daan ko dito.

    Ang ganda ng kuwento…sana balang araw ay ganito na rin ako sumulat…parang sa mga kuwento sa libro.

    Binigyan ako ni Lord ng konting talento sa pag-drawing pero malayung-malayo pa sa talento na ipinagkalaoob sa iyo ng Diyos. Pangarap ko pa rin na makaguhit ng katulad ng mga guhit mo balang araw.

    Babalik ulit ako.

  9. ang ganda Kuya. naalala mo yung sinabi ko sayo, ‘magdrawing ka nalang.’ tas ang reply mo ata ‘pudpod na ang lapis.’ basta parang ganun. tanong ko, ‘literal ba o metaphorical.’ ‘pareho,’ sabi mo. ganyan ang buhay. minsan, inaakala nating napudpod na ang lapis, ang pampinta, pero ang totoo, hindi, nandyan lang sila, hindi nauubos. napapagod tayong mangarap kung paanong itinigil ko rin ang pangarap kong maging manunulat nang nawala ang aking G-tech pen. pero dumarating ang mga gabi na bumabangon at parang tangang naghahanap ng panulat. sa mga panahon na yon, sa pagpapakawala ng nararamdaman natin, sa pagsabay sa agos ng emosyon, nakakagawa tayo ng isang obra.

    sa pagtaya sa lotto, hindi ang premyo ang binabayaran, kungdi ang pag-asa. pag-asang minsan, magbabago ang kapalaran. pag-asang magbabaliktad ang takbo ng mundo. kaya lang, nagiging obsesyon sya para sa karamihan. na sa huli, kahit manalo man sila ng milyon-milyon, talo pa rin sila.

    pinangarap kong mag-aral magdrawing pero wala talaga. pinangarap magsulat. hanggang ngayon, pangarap pa rin. pero hindi kelangang tumigil. dahil ang lapis, nandyan lang. ang pen, naghihintay lang.

    siguro dapat kong subukang tumaya sa lotto mamaya. mabalik man lang sakin ang pag-asa. 😉

  10. sakto, kakataya ko lang kanina sa lotto. at sa lahat ng lugar sa pilipinas na pinupuntahan ko, tumataya pa rin ako. hindi man tayo palarin na manalo, nakakatulong naman tayo ng kahit papaano sa mga taong mas higit ang pangangailangan.

    ganda ng painting, ganda ng mensahe. pwede ko bang bilhin? haha. paborito ko din kasi ang fishball, hanggang ngayon nga binabalik-balikan ko pa ang fishball sa diliman. haha. sarap.

  11. ang galing mong magkwento parang naramdaman ko din kung gaano kaanghang yung sawsawan ng fishball, parang nakit ako ang sarili kong nakapila sa tayaan ng lotto, parang nakita ko ang ngiti ni mang pino…. pero mas may malupet pa pala don, ang pag-guhit mo.

  12. Bakit nga ba ang ibang tao, kapag nakuha mo na ang iyong gusto, parang hindi ka pa rin kuntento?

    Bilib din naman ako kay Mang Pinong, naka “tribike” na siya. Mas mainam nga ito at mas marami siyang maabot kaysa sa de-tulak.

    Maswerte siya dahil sa kabila ng lahat, masayahin siyang tao. Wala ng iba pang mas hihigit pa dito.

    Ako parang ang dami kong gustong ipinta. Pero bakit kahit anong gawin ko kakaibang abstract ang dating. hehe. Mabuhay ka, Ka Eli, at ikaw ay may taglay na talento.

    Bigla tuloy akong nagutom. Gusto ko ng fishball.

  13. huwaw naman at sobrang nagustuhan ko ang entry na ito.

    gusto kong nakawin at ipost sa blog ko. hehehe

    napakaraming inspirasyon ang nakapaloob dito,

    at siyempre hindi nawala ang adhikain tulad sa blog ko

    -ang kahalagahan ng pangarap sa buhay ng isang tao at ang kahalagahan din na salitang ‘pag-asa’ sa bawat puso nito.

    yung ngiti ni manong vendor nangunguhulugan yun ng napakalaking pag-asa na sa kabila ng kinakatayuan sa buhay, may magagawa pa s’ya para baguhin ang buhay nya.

    oo suntok sa buwan ang pagtaya o manalo sa lotto, pero nangunguhulugan itong wala rin pa lang mangyayari kung hindi tayo gagawa ng paraan para baguhin ang estado mo.

    masarap mangarap lalo na kung may natatanaw kang pag-asa.

    at tulad ng painting mo. marami pa ring bagay ang nagbibigay sa’tin ng liwanag at kulay ang gagawin lang, ay paganahin na’tin ang ating mga kamay 🙂

  14. Ang galing, puno ng emosyon yung kwento nadala naman ako dun, at ung painting kahit makulay parang may lungkot pa rin. Sabi nga ni Bon ang bawat canvas may mga sariling kwento baka lahat ng canvas na makita ko ngayon ay hanapan ko na rin ng kwento. hehe

    Gandang araw!

  15. sana naakaroon din aku ng ganynag talento sa pag drawing..hehe, may talento naman pala akung manira ng drawing! hakhak 🙂

    naalala ko momy ko, kasi mahilig saya tumaya sa lotto, nanalo naman sya dati nsa thousand lang, kaso hndi na ata naulit.. saka nakakamiss ang fishball.. 🙂

    magandang araw! 🙂

  16. i like the story, kase bumili rin ako ng isang lotto ticket minsan. naisip ko na kailangan ko ng malaking pera para sa mga pangarap ko. so yun, bumili ako ng ticket pero hindi rin ako nanalo. hahaha 🙂

    at ang ganda ng painting. 🙂

  17. ako naman… hindi pa nakakataya ng lotto kahit isang beses… pero ung tatay ko dati… masipag tumaya… tulad ng sinabi mo… nagkakaroon ng pag-asa at nangangarap kapag nakataya na… pinaplano kung anong gagawin sa mapapanalunan kung sakali…

    ganda ng painting… 😀 namimiss ko n din tuloy ung mga brushes ko.. kaso… pinaglaruan na ng mga bata.. kulang kulang at sira sira na… hahaha… natuto kc ng photoshop eh… aun… saka nanginginig na kamay ko sa paggamit ng lapis at mga brushes… hahaha…

    goodluck… abangan ko ung next mong obra… 😀

  18. Nahalina ako sa iyong kulay, binibigyan mo ng kulay ang kariton, ang usok na nagmumula sa mantika at kawaling nakasalang sa kalan ni Mang Pinong, dahil ba si Mang Pinong ang tumama ng jackpot na 95 M sa mega lotto?

    Pangarap ng lahat ang pera, bakit naman hindi, ito ang nagpapagalaw sa atin ngayon.

    Pero mas mainam pa ring tandaan, kapag nakuha mo na ang 95 Million pesos, hindi na magbabalik pa sa dati ang payak na takbo ng iyong buhay.

  19. I don’t know If I said it already but …Great site…keep up the good work. 🙂 I read a lot of blogs on a daily basis and for the most part, people lack substance but, I just wanted to make a quick comment to say I’m glad I found your blog. Thanks, 🙂

    A definite great read..Jim Bean

Leave a reply to jason Cancel reply