Double Exposure Photography

Hindi ako masyadong mahilig sa photo manipulation kaya naman hindi ko masyadong gamay ‘yong iba’t ibang  paraan o teknik nito (maliban sa pag-adjust ng brightness and contrast at pag-dagdag ng filter).

Pero may nabasa ako sa isang blog, masaya daw ‘yong double exposure kapag ginawa sa photoshop.Tapos ipinakita n’ya ‘yong resulta ng mga ginawa n’ya. Madali lang yong teknik na pinakita n’ya, magbukas lang ng dalawang larawan at i-copy ‘yong isa at i-paste sa kabila para makagawa ng double exposure. Pagkatapos, pumunta lang sa blending layer option at pumili ng gustong epek. Pwedeng Overlay, Hard light, Vivid light, etc. Bahala ka kung anong trip mo. Basta ang rule, ‘wag gagamit ng brush! Ang hirap kayang gumamit ng brush kapag naka-mouse lang.

At dahil natuwa ako sa mga sample na nakita ko, eto’t gumawa din ako ng sarili kong version. Natuwa ako sa resulta. Mauulit  ‘to, promise!

bata, bata, panno kayo ginawa?

Kuha ko ito sa Kayapa, Nueva Vizcaya. Masyado akong natuwa sa mga batang ito kase may pagka-camera shy sila (‘di ba halata?).

“For most of us, dreams come true only after they do not matter, Only in childhood do we ever have the chance of making dreams come true when they mean everything.”– unknown

2 thoughts on “Double Exposure Photography

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s