Obrang Kalawang

Kalawang. Kadalasan, negatibo ang dating sa atin ng salitang ito dahil nagpapahiwatig ito ng pagkasira, kalumaan o kawalang silbi pero hindi yan ang paniniwala ni Ramon Lopez.

Si Ramon ang kinikilala ngayong kauna-unahang ‘RUST PAINTER’ [dito sa Pilipinas] o pintor na gumagamit ng kalawang sa kanyang mga obra sa halip na pintura. Kakaiba diba?

Gusto ni Ramon na  makilala siya sa kanyang kakaibang estilo sa paggawa ng mga obra kaya naman naisipan niyang mag-eksperimento. Dito nga niya natuklasan na pwede palang gumawa ng magagandang obra gamit ang kalawang.

Dahil sa kanyang mga kakaibang obra si Ramon ay unti-unti nang nakikilala ngayon. Sa katunayan, ilang beses nang naipalabas sa TV ang ilang mga panayam tungkol sa kanya. Kabilang na dito ang pagka-feature niya sa programang Unang Hirit ng GMA 7.

Isinilang siya sa San Jose City, Nueva Ecija noong 1983 buwan ng Pebrero. Bata pa ay mahilig na siyang magpinta. Isa siyang aktibong kasapi ng Samahang Makasining, Inc. [San Jose Chapter].

Narito ang ilan sa kanyang mga obra gamit ang kalawang.

Anong masasabi n’yo?

Makikita ang iba pang obrang kalawang ni Ramon sa kanyang Facebook account.

————

* Ang lehitimong pangalan ngayon ng samahan na nakatala sa Securities and Exchange Commission (SEC) ay ARTISTCLUB PHILIPPINES, INC.

12 thoughts on “Obrang Kalawang

  1. kuya eli!
    talented talaga ang mga Pinoy, perstaym kong nadinig at nakakita nung Rush Painting na kung tutuusin Ginto sa paningin!
    wow na wow lang!

    ibig sabihin tinutunaw pa po ang kalawang. Potential kind of painting craft (tama ba term ko?) na naman po ito!
    Ang galing!

    • sa pagkakaalam ko ganun nga. diko pa kase sya nausisa tungkol dito. pero ang sabi nya, purong kalawang lang talaga gamit nya. tinutunaw lang talaga.

  2. hongaleeeng! gusto ko ung gawa niya. bumalik tuloy ang mga elementary days ko na sinasali pa ako sa mga drawing contest hehehe and omaygasss, halos kasing edad ko lang si ramon! ahetchu!😛

    pano ginawa yung greeen na color? lumot?hehehe galeng talaga!

  3. salamat po sa inyong lahat lalo na sayo bro eli at naisulat mo ko dito sa blog mo… salamat ulit at mabuhay!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s