Grilled eggplant inspired text holder designs

Walang pasok sa araw na ito dahil kay bagyong Juan kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon para gumawa ng iba’t ibang design ng ‘text holder’. At dahil nagkalat na ang mga desenyong katulad nito sa internet, sinikap kong maiba at dito lang sa website na ito n’yo makikita ‘yong ganitong klase ng design: kakaiba at pinoy na pinoy. Mabuti na lamang at kinuhanan ko ng larawan ‘yong talong na inihaw ko nung nakaraang araw (medyo na-miss ko kaseng mag-ulam nito kaya nag-ihaw ako..sarap eh.) kaya heto’t nagamit ko ngayon. Syempre, sinamahan ko narin ng kamatis ‘yong inihaw na talong. Kumbaga, bagoong  nalang ang kulang at ulam na!

design palang ulam na!

pengeng kanin, pls.

sawsawan nalang ang kulang

Nagustuhan n’yo ba? Susunod, kakanin naman ang isasama ko sa mga graphic design na aide-display ko🙂 tamang-tama malapit na ang pasko.

nakapost din ito sa kabilang blog ko🙂 .

6 thoughts on “Grilled eggplant inspired text holder designs

  1. Wow… Ang gaganda nila…😀 Naisip ko tuloy kapatid, maaari kang maging themes developer ng WP… Whenever I am here in your blog or yung kay Busyok, I always feel that I am in the presence of a much higher talent… ;D

    At dahil pagkain yan, tuwing umuuwi ako sa amin, di ko nakakaligtaang magpaluto ng tortang talong…😀
    Mas masarap ang tortang talong kung grilled or inihaw yung talong kaysa pinakuluan…😀

    Btw, matapos ang nakakapagod na paghahakot, nakapaglipat bahay na rin ako…
    Heto na ang address ko ngayon:

    http://www.travelandsnaps.com

    • kapatid, actually gusto ko ngang gumawa ng design ng theme at nagtry narin ako. kaso nahihilo ako sa coding.hehe. yong visual lang mismo kaya kong gawin. diko makuha sa programing.

      tnx kapatid. dadalaw ako sa bagong site mo.

  2. Wow ang sarap naman nitong text holder mo! Hahaha.. Kakatuwa!

    Napagaling ng talent mo ah. Marami kang pwedeng sideline sa talentong iyan. Sige abangan ko yung rice design mo. Hahahah..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s