blographics bente diyes

2010 na!

Pero bago natin harapin ng buong buo ang taong ito gusto ko munang i-kwento sa inyo ang ilang bagay na napala ko sa pagba-blog noong 2009.

– nagkaroon ako ng maraming kaibingang bloggers

– alam kong hindi ako marunong magsulat pero napilitan kong gawin ito para mabigyang buhay ang mga kwentong nais kong ihatid sa inyo sa pamamagitan ng blog na ito.

– nakagawa uli ako ng mga bagong obra para may maipaskil ako dito. Ang tagal ko kayang hindi nagpinta.

– dahil din sa pagba-blog, may nakapansin sa mga obra ko at sa kabutihang palad ay nai-feature ang mga ito (artworks ko tungkol sa laro ng lahi) sa The Manila Times (link lost youth on canvass) noong September 11, 2009.

– napatunayan ko na buhay na buhay ang salitang ‘bayanihan’ sa mundo ng pagba-blog lalo na sa panahon ng kalamidad.

– naging mabisang libangan ko ang pagpa-blog (at blog hopping) sa panahong wala akong magawa sa buhay 

– nakigulo, nakisaya at nakisali sa ilang paligsahan sa dito blogospero at dahil dyan nagkaroon ako ng LLM shirt mula kay Otep

– nakituwa, naki-emo, nakisaya, nakiusyoso sa iba’t ibang kwento ng mga ka-x-link

– at pang huli, napatunayan ko sa sarili ko na pwede palang makahanap ng mga tunay na kaibigan dito sa internet. mga kaibigang sinsero kahit na hindi pa nakikita ng personal.


Ngayong 2010, hindi lang ang mga obra ko ang gusto kong maipakita sa inyo. Gusto ko ring (ipagyabang) ipasilip sa inyo ang ilan sa mga gawa ng kaibigan kong alagad ng sining.

Eto ang bwenamano, ang mga guhit ni Daniel S. Geneta. Isang estudyante ng CLSU (Central Luzon State University), may kursong BS Textile and Garment Technology at kasapi rin ng Artist Club (Samahang Makasining),Inc.

Nang tanungin ko siya kung ano ang inspirasyon niya sa pagguhit, “mukha po, kasi po ang mukha ay nagkukwento ng buong pagkatao ng isang indibidwal🙂, pero ngayon po nahihilig ako sa cartooning at lumilikha na po ako ng sarili kong istilo (ang hirap pla…), sagot niya. Ayon pa kay Daniel, “hobby ko lng po kasi ito( drawing) kumbaga, at wala po akong balak seryosohin ang pagguhit… pero,madalas akong manalo sa mga kompetisyon, kaya medyo naseryoso na rin po…instant money po ang hatid ng talentong(?) ito.” Si Daniel ay ang kasalukuyang cartoonist ng CLSU Collegian.

Narito ang ilan sa kanyag mga obra:

napulot ko ang mga obrang ito ni daniel sa kanyang facebook account at ipinaskil ng may pahintulot.

2010 na po…Sa patuloy na pagtiklop ng taong 2009, huwag sana nating kalilimutan ang mga aral na inihatid nito sa buhay natin. Tandaan at isabuhay natin ito dahil alam kong magagamit natin ito sa pagharap sa taong sa 2010.

26 thoughts on “blographics bente diyes

  1. May nakalimutan ka KuyaELi.. natuto ka ring mag check ng attendance! ahihihi Joke lang po!

    Newei, ang galing ni Daniel kakagaling ko lang sa FB nya… hayss naingit na naman ako! hehehe at the best ang artworks nya (may nakita ako… ahihi), haysss… bat ba wala akong ganun skill!?? Kahit si busyok di ko madrawing!😉 Keep safe Kuya Eli!

  2. Ako yong pangatlong pinta kapag ang nangbablackmail sa akin ay nagtagumpay. Hahahaha.

    Kamusta Eli.

    May hatid na pagkakatuto ang bawat salitang binitawan dito sa blogosperyo. ‘Yan ang natutunan ko.

  3. your friend is amazing and i know you are too.

    madami din akong kabigang bloggers nuon. 2 years ago tapos naging busy ang lahat ayun di na kami nagblog ngayon sinusubukan ko ulit bumalik. sabi nga nila once a blogger always a blogger

  4. Mabuhay ang Ecijano at mabuhay ang bente diyes!!!

    nakakatuwang balikan ang nakaraan lalo na at sing kulay ng iyong mga obra. Tulad ng bawat pagpinta mo at pagtimpla ng mga kulay. Ang ating buhay ay parang isang canvass na tayo mismo ang magpipinta at magtitimpla ng tamang kulay o disenyo nito.

    Masaya ako dahil isa ka sa maraming kulay na naisama ko sa aking obra…. Salamat sa pagkakaibigan kuya!

    Godbless and stay safe!

  5. Maraming Salamat din sa iyo Eli. Isa ka sa mga nakilala sa blogisperyo at itinuring na kaibigan.

    Di ko rin akalain na makapagsulat ng blog at magkaroon ng maraming kaibigan.

    Patuloy tayo sa ating pakikibaka sa 2010. God Bless!

  6. wow..galing naman nya..ang astig nung unang drawing..

    at thanks din kuya nakilala kita..at isa ka rin sa naging kaibigan ko dito sa blog.,:)

    good luck and god bless kuya..:)

  7. one word: w-o-w.

    ang galing ng kaibigan mo. i’m always a fan or the visual arts. and really incredible to meet real artists and see their works…

    2009 has been a good year for you i see, brace yourself for 2010! wohoo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s