lakbay turo (3)

Narito ang mga nauna kong post tungkol sa aming lakbay turo: lakbay turo 1 at lakba turo 2

Upang makita at matutunan ng mga bata ang tamang paraan ng pagpipinta ay nag-demo si Bro. Tolitz (ang kanyang mga gawa ay makikita sa http://www.amangpintor.net). Sa demo na ito makikita kung alin ang dapat unahin kung magpipinta ng isang landscape at ganun din ang paghahalo ng pintura para makabuo ng ibat’ ibang kulay.

Habang nagde-demo ay halatang manghang-mangha ang mga bata sa ganda ng ipinipinta ni Bro. Tolitz. Lahat sila sa iisang bagay lang nakatuon ang pansin—sa ginagawang painting.

Hand painting ang karaniwang demo namin sa pagpipinta dahil sa masmabilis ito (sa loob lamang ng 20-30 minuto ay tapos na ang isang obra) at naniniwala rin kami na masmai-enjoy ng mga bata ang pagpipinta sa ganitong paraan.

Nagsipinta narin sila.

kamayan na!

At ito ang mga nagawa nila.

nakakatuwang makita ang mga gawa nila. kaya naman masayang-masaya kami sa pag-uwi namin.

Habang nasa daan ay naisipan muna naming mag-dinner. Kaya naman sinadya namin ang ISDAAN sa Gerona, Tarlac. Talagang nag-enjoy kami dito kase ang sarap ng pagkain ang ganda ng paligid..talaga namang nakaka-relax.

gold ba ito? uwi ko nalang kaya?

at ito pa ang kakaiba sa kainang ito..ang TAKSIYAPO. kung saan pwede kang kumuha ng mga plato o appliances tulad ng tv at pwde mo itong ibalibag sa pader..pero syempre basag mo bayad mo!

blaaag!

.

.

To be endowed with artistic ability means a mission has been given to encourage people to look and turn to the essentials in life—creativity, joy, love, service, kindness, generosity and peace. –Ver Cristobal

46 thoughts on “lakbay turo (3)

  1. regular nyo ba ito ginagawa? tagal ko na kasing di nakapag-bloghop. basahin ko muna yung ibang lakbay turo entries mo hehe. Hand-painted din ba yung 2nd image? ang galing naman nun!

    • sa ngayon bihira namin itong gawin. mahirap kaseng humanap ng ‘common’ time. actually yang activity na yan ang tagal na nila kami nire-request pero kelan lang kami nakapunta. oo hand painting lahat yan.

    • masaya nga po. baka type mong ibalibag yong TV..tanggal ang stress habang binabalibag mo ito..pero palagay ko kapag naka 5 TV sets ka ng naibalibag sakit ng ulo ang kasunod..hehe

  2. BASE din! aheheehe

    Nung bata ako nahilig na din ako sa pagpipinta, wala kasi akong outlet nun, at mula nung mag binata naman na ako, pagsasayaw at pagkanta na ako nahilig, pero sumusundot pa din ng pagpipinta minsan. At ngyon, na ako ay ganap na mama na, hindi na ako tuluyang nagpipinta, ako na ang pinipinta! toinks! may ganun?!@ buwaahahahahah.

    Nakakatuwang tignan ang mga gawa ng kabataan.😀

    • base nga!

      lahat tayo ay may talento..yun nga lang sa paglaki natin naiiba ang atensiyon natin at malaki ang kinalaman ng mga nasa paligid natin. hanga ako sa yo..pang super star ang talent mo.hehe

      naks..modelo kana!

      salamat sa pagdalaw.

  3. naaalala ko pa noong bata pa ako.. hilig ko mag paint. pero noong natuto akong tumugtog nakalimutan ko na ang painting.. pero nakakamiss nga naman noon.. kasi talagang pinaghihirapan ko ang bawat painting na ginagawa ko..

    galing naman ng post na ito..

    padaan lang po..

    • alam mo ba na frustration ko ang music?hehe ganun siguro talaga. di pwdeng pare-pareho tayo ng talent.

      pwde pa uli magsimula…painting ka uli..malay mo diba?🙂

  4. waah! nakakainggit naman, nainspire tuloy akong magpinta…. nanghihinayang ako na di ko na natuloy ang pag-guhit…sayang ang best in art from grade 1 to 6…hehehe, sana nga magkaron ako ng panahon.

  5. huwaw! anlufet naman nung hand painting na yun! pahitch din ako one time sa lakad.. kaso ano ituturo ko? di ako marunong magpinta kahit drawing lang..😦

  6. Wow… at Wow uli.. at isa pang Wow!

    Naalala ko tuloy kabataan ko… nahilig naman ako magdrawing kaya lang ang madalas ko iguhit yung bahay(triangle at square lang), sa tabi ng bahay may bulaklak na mas mataas pa sa bahay, at sa likod bahay may bukid na parang rectangle lang at shempre may circle sa gawing taas hmm… yun ang tinatawag na “SUN”. At shempre uli, di mawawala ang mga ibong lumilipad… madali lang naman kasi i-drawing yun, parang letter “m” lang. You think kuya eli, may future ako sa ganyang larangan? (Taksiyapo!) hehe🙂

    Ang gaganda ng mga paintings! Thanks for sharing Kuya Eli!

  7. hellow.. kuya eliii… i’m back… ako rin manghang mngha.. khit ditoko lng nkita… tlgang ang galing nyang magpaint….sana man lng biyayaan rin ako nilord ng ganyang kamay para magaling ako magpinta…. ang galing…

  8. di ako masyadong mkadalaw bossing kasi busy.

    teka may trivia ako tungkol sa sarili ko

    hahaha

    kasi noon nag-aral din ako ng ganyan. lumalaban din ako ng poster making kaso nga lang di ako naka push thruogh sa fine arts or anything realted pero sa archi ako bumagsak pero arts pa din nman yun kaso nga lang di ko na napraktis. pero tingin ko magkasing galing pa din tayo hahha

    joke

    syempre ikaw ang master boss eli!
    😀

    merry christmas!!!

    • salamat kapatid. sana nga mapalawig pa namin ang programang ito. bagaman hindi ito basic need ng mga bata nakikita rin kase naman na malaki ang naitutulong nito sa kanila at napakasarap din ng pakiramdam na napapasaya sila sa pamamagitan ng art.

  9. ang galing ng ginagawa nyo.. mahilig din ako sa art at nagpi-painting noong highschool at college days, pero natigil na nun magka-trabaho. libre ba ang mga turo na ginagawa nyo?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s