Lakbay turo(2)

Matapos ang mahaba habang biyahe at tanungan (dahil hindi namin alam ‘yong pupuntahan namin) ay nakarating din kami sa O’ Donnel High School sa Capas, Tarlac at natuwa kami dahil sa halatang pinaghandaan nila ang pagdating namin.

Nakita rin namin ang tuwa sa mukha ng mga estudyanteng naroroon at handa nang makinig sa aming mga lecture kaya naman pati kami ay excited na rin sa nasabing workshop.

Pagbaba palang namin ng sasakyan, syempre kumuha na ako ng mga pictures  at lalo pa akong natuwa nung sabihan kaming bago magsimula ang programa ay mag-lunch muna kami (nakakagutom kayang mag-biyahe)..salamat sa masaganang tanghalian (~ ^).

At syempre pagkatapos kumain ay nagsimula na agad kami. Nakakatuwa dahil sa nandun din ‘yong PTA president ng skwelahang yun at siya ang nag-welcome sa amin.

Narito ang karaniwang laman ng ‘basic’ lecture namin para sa mga ganitong uri ng aktibidad:

1. pagpapakilala sa samahan

2. sining at kultura (pagpapakilala sa sariling kultura, pagpapahalaga at kahalagahan nito)

3. ‘mediums, elements and principles of art’- kasama sa lecture na ito ang paghihikayat sa bawat isa na humanap ng mga bagay na pwedeng i-recycle o gumamit ng mga indigenous/lokal na materyales sa pagpipinta

4. Iba’t ibang kahulugan ng sining ayon sa paniniwala at pilosopiya ng isang alagad ng sining

5. Aktuwal na Demo sa pagpipinta

Kung kayo ay interesado sa aming lecture, makipag-ugnayan lamang po kayo sa akin sa pamamagitan ng email🙂. conceptworx@gmail[dot]com. Kami po ay nagbibigay ng libreng art workshop. Wala kayong iintindihin dahil pati transpo ay sagot namin. Ngayon kapag nakarating na kami sa lugar n’yo, nasa inyo na yan kung pakakainin n’yo kami. Hehe

.


aba, ganado sila!

Bago ang aktuwal na pagpipinta (ng lecturer at ng mga estudyante) pinagawa muna ang mga participants ng isang ‘gawain’ na kung saan ang bawat isa ay maglalagay ng pintura sa isang bond paper at hahayaan itong umagos sa kahit saang direksiyon. Pagkatapos ay hihikayatin silang hanapin ang mga bagay na ‘hindi sinasadya’ ay nabuo mula dito. Nakakatuwa ang nagging resulta kase halatang enjoy ang mga bata habang ginagawa ito lalo na nung biglang may sumigaw “naging paruparo!”. “ako kabayong tumatakbo ang nabuo ko” sabad pa ng isa.

Sa palagay n’yo, mag-i-enjoy din kaya kayo sa ganitong activity?

 

Susunod: Ang aktuwal na hand painting demo🙂

30 thoughts on “Lakbay turo(2)

  1. morning!! Fr. 2nd base naman ako, hehhe

    when i was in hyskul, active din ako sa ganyan, mahilig ako sumali sa mga activities, kung anu anu, kasi nakaka excite, at nakakadagdag kaalaman, peru now, wala na! hehehe..

  2. Saludo ako sa misyon ninyo na ito para sa pagtuturo sa mga kabataan ng sining…at libre pa. Magi-enjoy ako kasi nung nasa elementarya ako ay naka-third place ako sa buong Laguna sa isang klase ng drawing contest(water color yata). Pnahon pa ng kopong-kopong. Kaya lang sana may nagturo rin sa akin nuon na katulad ng ginagawa ninyo ngayon.

    • gusto lang po naming ibahagi ang kaalaman namin. at sa totoo lang, natututo rin kami sa pamamagitan ng pagtuturo. at galing nyo po pala.

      hindi pa naman po huli ang lahat.pwde pa ulit magsimula..🙂

      • Salamat Eli…ang paborito kong ipinta nuon ay yung may ilog…may puno ng niyog..at may bahay kubo…yung gabi na may liwanag ng buwan(ginagawa ko yata ito sa black illustration board nung araw)…mahina ako sa mga pagguhit ng tao. Tama sabi mo siguro masumpungan ko ulit ang mag guhit na isang libangan.

  3. Nice KaEli…

    Una, ang galing ng grupo nyo, libreng pagtuturo at pati transpo sagot nyo, san ka pa! Two thumbs up!

    Pangalawa: ang ganda ng naging resulta na gawa ng mga estudyante.🙂

  4. hindi ko alam eh..pero ang alam ko po..mapa abstract man yan o hindi basta ginawa mo ng may pagpapahalaga at nai-express mo ang sarili mo sa pamamagitan nito..sining yan!🙂

  5. wow ang galing naman niyang kuya eli….

    dapat pala inimbitahan ka naman sa MOA kc we also had a portion their where the kids can create their own artwork out of rice… for sure matuturuan mo rin sila ng ganyang art…

    galing… kudos to you and your fellows…😉

  6. “Sa palagay n’yo, mag-i-enjoy din kaya kayo sa ganitong activity?”>>>> I sure will! Ako pa, e frustrated artist ako hehehe. sa totoo lang, ni hindi ko marunong gumuhit ng tuwid na linya hehehe. Pero interesado akong matuto ng kahit konti man lang sa pagdo-drawing.

    I salute you and your group for taking time out in bringing art to these kids. At libre pa ha. Galing!

    Kumusta Eli? Salamat sa pagdaan mo sa blog ko habang nakabakasyon ako. Heto, kababalik ko lang. Hindi pa nga ako nakakapag-unpack hehehe

  7. ”di kailangan mag-enroll mis joyo..hehe basta bumibisita lang kami sa isang lugar na mag nag-i-invite sa amin at dun kami nagtuturo.🙂

  8. Pingback: lakbay turo (3) « BLOGRAPHICS

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s