Sketch: Iba’t ibang mukha ng kalikasan

Kagabi, nagkaroon ako ng pagkakataon para mag-sketch bago matulog at ngayon ay gusto kong i-share sa inyo ang mga ito.

Mukha ng kalikasan 1

Mukha ng kalikasan 1


Mukha ng kalikasan 2

Mukha ng kalikasan 2

Mukha ng kalikasan 3

Mukha ng kalikasan 3

Mukha ng kalikasan 4

Mukha ng kalikasan 4

Mukha ng kalikasan 5

Mukha ng kalikasan 5

Ang mga larawan sa itaas ay ang iba’t ibang mukha ng unti-unting nasisirang kalikasan. Hindi ko na isusulat dito kung bakit at kung anu ang magagawa ng bawat isa para pigilan ito. Hindi ko narin aaksayahin pa ang panahon ko para isaisahin ang maaaring maging epekto nito sa buhay natin—alam ko namang damang dama natin ito ngayon.

Hindi sa atin ang mundong ito dahil hiram natin ito sa susunod na henerasyon. Kung masisira ito ngayon, saan pa titira ang mga anak o apo natin? Sa Mars? Jupiter o Saturn? Alien ka ba? Hehe

47 thoughts on “Sketch: Iba’t ibang mukha ng kalikasan

  1. pinaka gusto ko ung mukha ng kalikasan 4, para bang ang concept ay ‘nature tends to accept defeat with out a choice’…. wla syang magawa kasi either sya ang mabubuhay o ang mga taong nakasalalay sa kanya ang mamamatay…. both naghihingalo sa pangyayari. your sketches really reflects what our present situation right now.

  2. Sapat na ang mga guhit para maramdaman ang pagbabagong nangyayari sa kapaligiran.

    Bawat mulat ng mata, bawat pakikinig sa kulog at pag-iwas sa kidlat- may nararamdaman pa tayo pero kapag dumating ang panahon ng paniniil, magmimistula tayong papel na unti-unting matutunaw.

    Hindi natin kayang pigilin ang pagbabago ng panahon. Nararanasan natin ito ngayon dahil tayo ang saksi, tayo ang sabdyek ng KALIKASAN. PANAPANAHON

  3. tama ka na hindi na mo na nga kailangan i-interpret pa yung mga sketches mo. yung tugtog mo na lang sapat na rin para i-explain lahat ng nasa iginuhit mo.

    ano nga ba ang kaya nating gawin para isalba pa ang ating mundo? sa mga nagaganap sa ating kapaligiran ngayon, parang nakakatakot isipin na isang hakbang na lang at nalalapit na tayo sa tuluyang pagkawasak nito. hindi pa huli ang lahat para mamulat tayo. sana lang ay marealize agad natin ito ng mas maaga.

    • oo nga po ate enjoy. saka madami nang nakasulat tungkol sa pagkasira ng mundo..nagkalat sa google kapag hinanap mo.

      oo nga..sana nga..🙂 salamat sa dalaw.

  4. Pinakagustoko rin yung #4, pinapakita ng sombrero na tao pa rin ang nasa ibabaw ngunit kung hindi pangalagahan ang kalikasan, mawala sa isang saglit ang TAO, tulad sa pagkaWALA sa guhit ni anino man lang na nagmamay-ari ng sombrero. Kasabay ng pagkawasak ng kalikasan ang pagkawasak din ng Katauhan…keep it Ka Eli. Thanks for the sketches.

    • ako rin pinakagusto ko yong number 4. actually hindi ko inilagay lahat ng sketches..siguro ilagay ko sa susunod. hehe

      ang ganda naman ng interpretation mo. oo tama ka. masmataas ang tao sa puno..pero di pwedeng mawala ito..kase puno ang mistulang tungtungan natin para maging safe lalo na sa mga kalamidad. —claps..claps..claps..yan ang tatlong bagsak para sa napakaganda mong interpretasyon..hehe

      salamat din ka loren.

  5. i love art made with just ink on paper. very subtle but very moving in my opinion. raw and yet moving… and PLUS the song!!! hehe! napapasayaw ako eh!😛

  6. i love them!🙂 sa drawing, ganyan talaga ang trip ko. yung isang kulay lang tas sketch pa. parang ang personal. waha.

    yung message, as usual, malalim, may pinanggagalingan. napakaclear ng message: umiiyak na ang kalikasan.

    hindi ako environmentalist, pero it doesn’t mean na apathetic ako sa nangyayari. kung matutunan lang ng lahat ang basic na pangagalaga sa kalikasan, hindi na siguro mangyayari ang mga nangyayari ngayon. easier said than done. pero wala namang imposible.🙂

    pinakagusto ko yung una.🙂

    • HINDI natin kailangang maging enviromentalist sa mga panahon na to para maunawaan ang nangyayari sa ating paligid. pero yun nga..dapat talaga eh seryosohin ito..sama-sama at hindi ng iilan lang.
      🙂

  7. Bilib ako sa galing mo…
    Sana ay may kakayahan din akong gumuhit katulad mo, maski konting-konti lang. Pwede po bang magpaturo sa inyo?
    Salamat. (Babalik-balik po ako dito, ha?)

  8. madadagdagan pa yang sketch mo kung hindi pa rin magbabago ang karamihan sa atin. di pa rin natuto ang iba matapos magdaan ang 2 bagyo. wag na sana nilang hintaying may mas grabeng mangyari bago sila magising.

    • actually madami ito..pinili ko lang ang inilagay ko. mabigat kase kpag madami. pero ‘yong on ondoy kase ang tema ng iba kaya hindi ko na ipinaskil..kase crowded na rin ang net ng puro ondy. hehe

      hindi lang paggisising ang kailangan kundi samasama at seryosong pagkilos🙂

  9. I love your sketches Eli. Mahilig ako ng konti sa sketches. Ganda ng mensahe. Gusto ko rin magsulat sa mga susuod kong post ng mga dapat gawain ng tao para makatulong sa mga isyus ng preserving the environment.

  10. grabeh ang galing mong mag drawing karapat dapat kang i CLAP CLAP
    hilig kong mag drawing kso ang drawing ayaw sa akin kse kaliwete ako hehehe🙂

    kya kamera at photoshop and ulead ang mga sandata ko sa sining…🙂
    para makalikha ng ikakaganda sa aking paningin… heheehe🙂

    galing talaga……… namiss ko mga kada ko sa redfox kse ang galing mag drawing ng mga yun
    parang ikaw…

    may idol na ako dito sa wp sa potograpiya- si mark coolwaterworks
    tapos sa drawing – ikaw.., at jason kse pambatang pambata
    sa malikhaing lathala si kuya blu., F3(Fr.Felmar Fiel) at marami para rito sa wp
    hmmmmm gawa kya ako ng post at ipamagat na PINOY HENYO ng wp ehehehe🙂

  11. oo nga noh,,, baka in the future hindi na alam ng magiging anak ko kung ano itsura ng puno. Baka sa picture niya na lang yun makita. Nakakalungkot ang nangyayari sa atin, sabi mo nga pinahiram lanmg sa atin ito, pero hindi natin iniingatan. Paano na ang magiging angkan ko?🙂

  12. no words could match the message that your sketches evoke in the mind and heart of those who see them….

    ………………..super galing…………………………………………

  13. yung sketch #3 parang yung scenario lang after ng baha dito sa satin.. pero yung #5 mas malaim yung impact napaka suggestive nung message lalo na samga pamilyado na kagaya ko. ang galeng manong eli! apir!

  14. galing ng pagkakaguhit…
    kakalungkot lang talaga isipin na unti unting nasisira ang ating kalikasan..
    sana di pa mahuli ang lahat..sana kaya pang maisalba ang kalikasan…

    pwede din ba akong magpaturong gumuhit on line?? hehehe

  15. Bro Eli…

    Ang ganda ng mga sketches… Pwede bang makahingi? hehehe… Lagyan mo na rin ng signature… hehehe… Para naman pagdating nga panahon na national artist ka na eh, meron na akong isang original na “AVELLANOSA”…. hehehe…

    Seriously, ang pinakanagustuhan ko sa lahat ay ang number 5… Simpleng simple at mas malawak ang kahulugan… hindi limitado sa mukha lang ng kalikasan… Ito ang napili ko kasi malaya niyang pinag-iisip ang nagmamasid… pero mapapatigil ka dahil sa realization na maaaring ang iniisip mo ay hindi akma sa dahilan kung bakit sya ginawa…

    At ito sa palagay ko ang tatak ng isang tunay na alagad ng sining, na kaya niyang pagalawin ang isipan ng tagapagmasid ngunit ibinabalik din sa temang naaakma… At pag nakabalik ka na, mauunawaan mo kung bakit kailangang maglakbay ang iyong pag-iisip…🙂

    • Gusto ko yung 1, 3 and 4. Sobrang talented ka talaga Kuya Eli! Yan ang di ko nakuha sa Dad ko. Kuya ko kase magaling din sa sketches at sa drawing. Daddy ko rin. Ultimo sa lettering sobrang galing nila. Dati nga sila gumagawa ng mga projects ko eh. Ayun!

      Tama si Kuya Mark! Isa kang alagad ng sining! Teka, masyado kang adik sa FB nitong mga nakaraang araw! ako nga tinitigil ko na! hehe.

  16. ang astig nung 3 and 4..
    kuya..
    kaya kami din sa marikina..
    ibabalik namen ang dating kilalang malinis na lungsod..hindi lang dun saan pang lugar alam ko pinag titibay na ulit ang pangalagaan ang kalikasan..:)

  17. hahahaha kawawang kalikasan, lahat na nga ibinibigay pero ganyan pa din ang kinakahinatnan…

    kalikasan, subukan mo namang magpahinga, masyado ka na kasing api…

    kuya bago po akong blogger, sana po ay suportahan nyo ako… salamat

  18. choice ko ‘yung number 3..dahil sinisimbolo nun ang imbalance sa ecosystem natin..”Eco” cam from the greek word “oikos,” which means “house” kaya tamang tama..at kung tuluyang masisira ang kalikasan natin, ang mundong tinitirhan natin, magiging katulad tayo ng mga taong nakatira sa bahay na ‘yon ‘pag tuluyang bumagsak at nawasak, homeless, hopeless..😐

  19. yung sa kalikasan 5 napipicture out ko na parang ang hirap ng makita ang ganyang kasiyang pamilya kasama ang kalikasan kaya naman nasa postcard nna lang to at nakasabit sa sampayan. ang lungkot

    yung sa kalikasan 1 ako pinaka nakadama ng pagkaawa sa kalikasan natin.

  20. gusto ko po lahat ng sketches nyo kasi po may mensahing ipinahahayag ang drawihgs o sketches nyo tulad po ng no.1 ito po ang nagpapahayag ng kalungkutan ng inang kalikasan dahil sa pagputol ng mga puno na hindi pinapalitan ng new ones at sa no.2 naman po eh ito po ay nagsasabi ng dahilan sa naunang konklusyon na patuloy na pag puputol ng mga puno eh magkakaron ng global warming na sanhi ng pagdami ng karbon sa atmospera.Ang carbon dioxide ay kailan ng mga halaman during photosentesis o paggawa ng sugar na siya namang pagkain ng mga halaman at during photosentesis ay naglalabas ang mga halaman ng oxygen na siya namang kailan ng tao sa paghinga.

  21. ang ganda tnx nakagawa aq ng project dahil jan sa sketch na yan tnx talaga mahilig din ako mag draw pero nakita q yan kea ginuhit q narin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s