sumpak

medium: digital graphics

medium: digital graphics

Ang laruang sumpak ay yari sa kawayan (bayug) at ginagamitan ng balang bulaklak ng ipil-ipil (‘yung mura pa) o kaya naman ay basang papel upang pumutok. Medyo masakit ito kapag tumama kaya naman hindi masyadong ‘advisable’ na laruin ng mga bata lalo na sa mga iyakin.

PAAK!

PLUK!

PLAAK!

Araaaay!

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong tinamaan ng bala  ng sumpak ng mga kalaro ko. Sa bawat pagputok at pagtama ng bala nito ay talaga namang mapapaARAAY ka! Mahapdi lalo na kapag malapitan. Pero sa bawat tama nito, natuto akong maging matapang…maging magatag. ‘Yong tipong hindi umiiyak kahit masakit. Kesa naman umiyak e di puro kantiyaw ang napala ko.

Iyakin..iyakin!

Ayaw kong tatagawin akong iyakin kaya naman pinilit kong maging matapang. Sa bawat tama ng bala, pinilit kong hindi maapektuhan nito. Pinilit kong maging matatag at pinilit na iwasan ang bawat balang paparating upang hindi na muling tamaan at masaktan.

Sa pakikipaglaro ng sumpak ko natutunan kung kailan dapat pumutok at kung kailan dapat tumakbo. Kung kailan dapat sumugod at kailan dapat umatras.

Alam kong may hapding hatid ang bawat putok ng sumpak pero nakakawili paring laruin ito. Siguro dahil ang bawat putok nito ay maihahalintulad sa isang pagsubok. Minsan masakit at halos di makayanan pero sa bandang huli nasa atin parin ang desisyon. Dadaanin nalang ba sa iyak ang hapdi ng bawat tatamang bala o maging masmatapang upang hindi na gaanong maramdaman ang sakit?

———————————

ito ang outline wiew ng larawan sa itaas. makikita n'yo dito kung paano ito nabuo

ito ang outline wiew ng larawan sa itaas. makikita n'yo dito kung paano ito nabuo

———————————

bisitahin ang e-bakasyunan ko sa blogspot. i-click lang ang larawan sa ibaba.

CLICK NA!

CLICK NA!

———————————

.

.

.

MY VOTE FOR THE BLOGGERS’ CHOICE AWARD (NATIONAL)

I VOTE FOR TAYMPERS

BLOGGERS’ CHOICE AWARD

2009 PHILIPPINE BLOG AWARDS

49 thoughts on “sumpak

  1. Yahoo, yahoo…o..paano mga kids, si Lolong Kulisap, naka base din…BASEEEEEEE..belat..base…nakukuha yan sa tyaga at destiny.

    Sumpak, napakasakit ng tama, mahapdi sa balat. Mas rayot kapag nagkapikunan ang mga batang naglalaro, nadadamay pati mga magulang, tamaan mo ba naman sa mata ang iyong kalaro.

    Doon yata nagsisimulang sukatin ang pagkalalake, dapat kahit masakit..hindi ka iiyak dahil kung hindi, kantyaw ang kauuwian mo, susuot ka sa saya ng nanay mo.

    Base….lalalallala..maisubmit na nga…baka may makauna pa..lalalallala

  2. Pa 2nd beys pa ang isang Lolo..hehe.

    Oo tanda ko ito nung bata pa kami…pero kontrolado lang ang laki ng mga sumpak…ang bala namin ay papel na binabasa.

    Talaga parte na pagiging bata ang ganitong laro. ‘No guts No glory’ ika nga. Natututong dumiskarte ang isang bata para makaiwas sa matinding tama ng sumpak.

    Maaaring ganito na rin ang ating buhay…kung di makikipagsapalaran ay maaaring di makakamit ang tagumpay.

    • kami nun naghahanap ng kawayanng bayug na mahahaba talaga ang biyas. masmalakas kase ito. kaya masmasakit rin. masmalakas ang putok..maskinakatakutan.

      oo tama ka jan superlolo. dahil dito natututo tayo ng sariling diskarte.

  3. PRESENT…

    Bwisit ako pag eto na ang laro… madalas ako matamaan pero ang nakakainis di ako makaganti, laging supot ang tira. Hahaha… Pero di ko naman naalala na umiyak kahit madalas ako matamaan, sila ang iiyak kasi sinusumbong ko sila.🙂 PIKON lang!

    KaEli, pentool ba gamit mo jan?

    • haha..dapat kase medyo mahigpit yong lagay na bala at malakas ang kamay mo para itulak ito. kpag mahina ang pagtulak mo, hindi rin ito puputok ng malakas.

      astig ah..pati pala ikaw nakikigyera sa sumpakan. hehe

      naku ako nun ayaw kong kalaro yong mga sumbungera..takot akong mapagalitan ng mga nanay ng may nanay.

      present ka… + 3 ka lang ngayon kase late ka.hehe nakaka 25 points kana. kailangan mo pa ng 75pts para makakuha ng libreng sumpak.🙂

  4. ah ang saya maglaro nyan, naalala ko nung bata ako bawal kami maglaro nyan kasi baka daw matamaan ang mata namin, pero naglalaro pa naman kami pag wala si nanay. haha.. masakit ngang tamaan nyan, lalo na pag nakahubad ka pantaas. i lab it. di kaya magkakambal ang blog natin at mga panlarong bata ang mga laman at kwento?hahah

    btw, salamat sa boto. di ko inasahan to.🙂

      • Ang sakit niyan sobra. Awts. Naaalala ko dati straw lang gamit namin. Minsan bumibili kami ng sago’t gulaman o di kaya yung bunga ng maliit na coconut. hehe. ayun, pero di naman gaano kasakit. dapat magaling ka magtago at magaling kang tumakbo.. at dapat magaling ka umilag.

        ayun lang, pag pumasok sa tenga o natamaan sa mata. paktay kang bata ka!

      • mahina lang yong straw ax..at baka dimo pa marinig yong putok. o kung hinihipan lang yong straw..sumpit naman ang tawag dun.

        oo kailangan ang bilis at diskarte sa larong ito. kung hindi ka madiskarte..kawawa ka.

  5. naalala ko yan, yan ang paborito kong laro dati.kaya lang madalas akong pagalitan ni nanay baka kasi tumama daw sa mata…pero wala pa naman ganun nangyari. bala namin yung balat ng santol.

    • oo nga yun din ang fear ng nanay ko nun yong makatama o tamaan ako sa mata. pero wala nang tinamaan sa mata. kaya yun, kahit masakit at binabawal ng mga nanay, tuloy parin kami sa paglalaro nito.

  6. ang naalala ko lang na sumpak..
    ung katawan ng ballpen tapos ang panira balat ng dalandan o orange..
    masakit din un..mga klasmeyt ko nung elem mdalas maglaro nun..
    pati kming gels ntatamaan hehe..nakakainis talaga ang boys..hehe..

    • masmasakit yong kawayan at masmalakas pa ang putok. kapag tinamaan ka sa batok o kaya leeg mapapakamot ka sa sakit at talagang mamumula ito.

  7. iba ba yan sa sulpit? yung mga batang lalake na kapitbahay namin nglalaro ng ganon, binabalahan din,gusto ko sumali kaso yung tatay ko pababa pa lang ako sa hagdanan tinatawag na ang pangalan ko haizzz…

    • joyo, iba ang sulpit.hehe hinihipan naman yon. ang sumpak nilalagyan ng bala. may stick na maliit na nakalakagay sa hawakan na karugnong nung kawayan. ipapasok yong bala at tutusukin ito gamit yong maliit na stick na kasyang kasya lang yong butas. dapat may naunang bala na sa unahan para yong pangalawang bala kpag ipinasok mo magkakaroon ng malakas na pressure ng hangin at yon ang magiging dahilan kaya ito pumuputok.

      ay higpit ni tatay..hehe saka hindi kase laruang pambabae to. kaya siguro ayaw ka nyang payagan.

  8. ay laruan pala yan?! akala ko adult weapon cya. kasi madalas kong marinig yan kapag may away sa amin… gamit ng mga lasing na tambay! hehehe!

    sorry po kuya eli, ngayon lang nakabisita… busyness sa facebook. whehehe!

    • Iba naman yong sumpak na yari sa tubo.totoo ang bala nun kaya nkakamatay.bad yun.hehe

      busyness ba?okay lang yun.bsta wag lang maging adiktus sa fb ha🙂

  9. ibang klaseng sumpak yung nakilala ko. yung mga sumpak na naglipana dun sa lugar namin sa nova na ilan na rin ang binawian ng buhay. sana yan na lang ang natutunan nilang gamitin… tsk.

  10. huwaw.. gustong gusto ko yung illustration na ginawa mo.. may storya talaga!! huwaw!

    hmmm sumpak parang sumpit ba na jumbo size?
    o kaya Boga sa bagong taon?

    hehehe

    gusto ko makasubok nito!!
    hi kuya eli kamusta?
    kamusta si misis?

    • tnx jason,

      iba to. pumuputok ito sa pamamagitan ng hangin na naiipon sa loob. itutulak yong bala sa pamamagitan ng stick papasok sa butas. magkakaroon ng malakas na pressure at biglang lalabas ang bala kaya puputok ito.

      igawa kita.padala ko LBC.haha

      ok naman siya jason.

  11. Mahirap nga ang ganitong laruan. Kase maaring magkasakitan, magkapikunan at mauwi sa awayan. Delikado din kapag sa mata tumama. Parang mas tanda ko pa ang sumpit, tapos munggo ang bala.

    • hehe..mas delikado ang sumpit. hehe

      wala namang nauuwi sa away sa ganitong laro. laro lang walang iyakan ang role. kapag umiyak ka..naku wala nang makikipaglaro sa yo nxt time

  12. Wow! Thank you for featuring that pic. Naaliw talaga ako. Suddenly, naalala ko yung mga boys sa neighborhood namin nung bata pa ako. Madalas silang maglaro ng ganyan. Pero hindi ko yata sila nakitang ginawang bala ang bulaklak ng ipil-ipil. Basang papel lang. I thought nga sa Samar lang meron niyan hehehe.

    I remember, the boys also made a gun made of bamboo rin, halos ganyan. Pero ginawa nilang parang baril na uzi. Ang bala naman ay bunga ng papaya na hiniwa-hiwa into thin strips tapos ipapasok sa daanan ng bala ang isang long strip. Yung lagayan na yun, may nakapasok na bamboo stick which pushes inward yung bala na papaya. Naku, sunud-sunod ang putok nun!

    Haaaay, salamat at nakabalik na uli ako sa blogging.

  13. huwaw astig ang outline di ako marunong nyan. basta ako gawa lang ng gawa sa photoshop hehehehehe..

    btw, kami ang sumpak samin yung sago mula sa palamig. Nyahahahah kakadiri pero masakit din yun at enjoy.😛

  14. Buti na lang sago ang binabala sa sumpak ng mga kalaro ko, piso lang may palamig na, instead na kainin ang maliliit na sago eh aba gagaweng bala sa sumpak na straw lolz, hi Eli.

    I saw your Quadro blog, niice.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s