lipad agila, lipad!

didipio

Nahalungkat ko lang sa mga lumang files ko ang larawang ito. Mabuti na lamang at naitabi ko ang file ng kuha kong ito. Kung papansinin, hindi maganda ang pagkakakuha nito. Di bale, may paraan para mapaganda ito.

i-open natin sa Photoshop. [click]

erase background [click, click…]

gamitan ng malufet na brushes, lagyan ng effects..[click..click..click]

balik sa sa menu..effects uli, etc. [click..click..click]

i-save [click]

graphics design by eli

graphic design by eli

^ Eto na s’ya ngayon. Nag-improve ba?

Minsan, napasama ako sa isang medical mession sa Didipio (sa bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya). Sumakay kami sa malaking jeep at ilang ilog ang tinawid at ilang bundok ang inakyat nito bago kami makarating sa pook na iyon,

Habang nasa daan, tuwang tuwa ako kase nakakita ako ng agila na nakadapo sa isang malaking puno (sayang kase wala akong dalang sariling camera nun).

Sa layo ng byahe, medyo madilim na nung dumating kami sa lugar na pupuntahan namin. Dahil sa pagod at wala di naman kaming mapaglilibangan, maagang natulog ang grupo namin.

Kinabukasan, nagtungo na kami sa eskwelahan. Dito kase gaganapin yong medical mission. Medyo malayo layo parin ‘yong nilakad namin bago makarating sa eskwelahan at kinailangan parin naming tumawid ng ilog. (hay…kapagod pero enjoy) .

Sa wakas ay narating na namin yong eskwelahan. Nasa taas ito ng burol kaya naman tanaw na tanaw ang mga taong papunta sa pook na iyon.

Nagsimula ang program.. nagsimula ang pag-palo sa gong[musical instrument].. pumailanlang ang mga una’y mahina ngunit papalakas na tunog nito. “Anong musika ito?” naitanong ko sa sarili ko. Pero maya maya lang, nakita ko nang sumasayaw ‘yong isang grupo ng matatanda. Unti-unti ay naramdaman kong tumayo yong mga balahibo ko (pers taym kong makapanuod ng live na sayaw ng ifugao).  Bakit ganun? Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kakaiba ang pakiramdam. Parang gustong sumama ng emosyon ko sa bawat pagtunog ng kanilang musika. Lalong nag-iba ang pakiramdam ko nung nagpalit sila ng step. Sa pagkakataong ito’y nakataas ang dalawang kamay nila at animo’y mga pakpak ng agila na lumilipad sa papawirin. Ahhh… hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang gusto kong maiyak sa kakaibang kagalakang nararamdaman ko. Sa totoo lang, gusto ko na ring pumunta sa gitna at makisalo sa kanilang pagsasayaw pero mabuti na lamang at di ko ginawa yon kase baka magkalat lang ako’t kaladkarin pa palabas. hehe . Gusto kong sabayan ang bawat pagpwagayway ng kamay nila at lumipad tulad ng isang agila. Isang agila na malayang lumilipad.

Teka lang, paano kung nawalan na ng tirahan ang mga agila? Malaya pa kaya silang makalipad? At kung makalipad man, saan pa sila dadapu pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na paglipad? Naitanong ko ito dahil tulad ng mga agila, nanganganib rin na mawalan ng tirahan ang mga taong ito dahil sa pagmimina lalo pa’t napasok na ang kanilang pook ng isang Australian mining firm.

Ganito nga pala ang naabutan naming kalagayan ng pook na iyon:  kontaminadong ilog, butas-butas at unti-unting  gumuguhong mga bundok. Oh ha ‘san ka pa? Haay… nakakalungkot.

Never doubt that a small group of thoughtful, committed people can change the world. Indeed, it is the only thing that never has. – Margaret Mead

.


dagdag kaalaman: Alam nyo ba na dito sa Kasibu, Nueva vizcaya matatagpuan ang pinakamalalawak na plantasyon ng citrus? Dahil dito, ang Nueva Vizcaya ang tinaguriang CITRUS CAPITAL OF THE PHILIPPINES. totoo yan, promise. kahit pa itanong n’yo kay pareng google.🙂.

Tingnan ang website ng nueva vizcaya.

.

.

i-promote ko na rin ‘yong pinoy blogospehe badge na gawa ko (noon pa). maraming designs na maaari nyong pagbilian kaya pumunta na sa site na ito at pumili ng badge na trip nyo http://www.pinoyblogosphere.com/badges

isa sa mga pbs badge

isa sa mga pbs badge

————————–

Graphics Resources:
Sa mga naghahanap ng mga dabes na free photoshop brushes i-click lamang po ito.

samantala, kung gusto n’yo naman ng LIBRENG graphics design software. Baka namamahalan na kayo sa kabibili ng orig na photoshop o kaya naman sawa na sa paggamit ng piniratang installer (nyahaha) pumunta lang kayo dito. Open source software yan kaya wag po kayong mahihiyang pumindot.🙂

99 thoughts on “lipad agila, lipad!

  1. base ELI! nice clicks! click! click! click! save! awwwts!
    ganda ng kwento naramdaman ko ung ambience nung pagtunog ng GONG! masarap pumunta sa mga lugar na ganyan mas maaapreciate mo ang kasalukuyang kaginhawang natatamasa sa buhay na sa kabilang banda naman eh nakakainggit dahil sa kasimplehan ng buhay na meron sila…

    astig nung agila na nakita mo on the way! madalang na ang ganun at sana nga hindi tuluyang masira ang kanila mga tirahan.. ganun din ang mga katutubo…

    sana lahat tayo maging simula at maging bahagi ng pag iingat nito…

    nice post bro!

    nueva ecija lang ako,. kalapit lalawigan ng nueva viscaya…

    • Kabayan!hehe novo ecijano kaya ako at d2 lng nagtarabaho sa vizcaya.o2 tama ka.masmaapreciate ntin ang buhay kpg nasubukan nating mkipagsalamuha sa mga taong simple ang pamu2hay.
      At sana nga ay dumami ang mga taong di lang may malasakit sa kalikasan at sa bayan kundi un bang kikilos talaga.🙂

      • aww ganun pala! wow! astig novo ecijano bigla ko tuloy tinignan ung site ni alvinstain nandun ka din pala sa blogrool nya ng mga taga nueva ecija!

        ayos!! astig magka probinsya pala tayu!!! wohoooooo!

    • weeeeeeeeee nakakita na naman ako ng igorot, at habang tumatagal gustong gusto ko ng pumunta ng north,..

      btw, pareng eli, astig ng pagkaka edit

      kamukha na nya si Red 1 na power ranger.. hehehehehe😀

      nakakalungkot na part:

      uu nga nakakalungkot isipin na tayo ding mga tao ang salarin kung bakit nawawala ang mga ibon partikular ang Agila. tsktsk..

      pareng eli, ibig sabihin halaw sa sayaw ng ibon ang kadalasang sinasayaw ng mga ifugao?

  2. wow, bilib na ako sa photoshop.. haha. mas bilib pala ako kay eli, taragis napamura ako sa nakita kong enhanced photo. sana marunong ako nyan. haha.

    seryoso tayo..napakanda ng iyong entry ngayon. nakakataba ng puso na isa ka sa mga iniidulo ko na may malasakit sa mga kapatid nating katutubo at pagpapahalaga sa kalikasan at likas na yaman ng bansa. nakakalungkot nga isipin na marami sa ating mga kapatid na katutubo ang nadi-displace, nawawalan ng ikinabubuhay – kagagawan ng mga “programang” sinasabi ng ating pamahalaan ay para sa ikauunlad ng bayan. maaaring sila ay tama, maaaring hindi, ang importante ay mabigyan ng sapat na kaalaman, programang pangkabuhayan, at maayos na lugar na malilipatan ang sinumang maapektuhan ng mga pagbabago sa lugar na kinamulatan.

    naalala ko tuloy noong mag-volunteer ako sa isang NGO (center for environmental concerns), umakyat kami sa isang bundok sa mindoro upang gumawa ng isang pag-aaral para tutulan ang pagmimina doon. sa kabila ng mga kabikabilang paglapit sa pamahalaan, natuloy pa rin hanggang ngayon ang exploration doon. marami sa ating mga kapatid na mangyan, mga residente ng isla ang maapektuhan doon, hindi lamang mangyan, halos ang bung isla ng mindoro at ang karagatan sa paligid nito ay apektado din. maaaring malaki ang maitutulong nito sa pag-unlad ng ating ekonomiya, pero gaano din kaya ang pinsalang maaaring idulot ng malawakang pagmimina sa buong isla ng mindoro sa hinaharap?

    we can make a difference, let’s start within ourselves. even in a very least way, things like minimizing and recycling our own household garbage can really make an impact in saving our environment, saving our mother earth. huwag tayong pasaway. haha.

    nadala naman ako doon, taragis pagdating sa mga katutubo at kalikasan, maaasahan mo ko kabayang Eli. salamat sa napakaganda mong post. mabuhay ka. mabuhay ang mga katutubo. mabuhay ang Pilipino. Ang ganda ng Pilipinas.

  3. Naks, iniidulo daw!nyahaha
    alam mo bang may time din na naging laman ng mga balita ang bayang ito dhil sa dami ng protesta sa pgdating ng mga dayuhang magmimina? Pero yun nga, khit pa anung gwing protesta nga mga taga rito e nkaköntrata na ky ang gobyerno sa kanila.
    Bgaman madami silang ipinapalad na mga programa kpalit ng mina sa bayang ito, in the long run talo parin tau kc bayan ntin ang nasira.haay.imosyonal ako kpg ganitong topic kya iniiwasan ko.hehe pero s kbilang banda, sinisira din naman kc ntin ang sarili nting yamang kalikasan.e di mbuti na to.ki2ta pa ang gobyerno.haha
    sana nga e ituro sa mga eskwelahan ang mga simpleng pag i2ngat sa kalikasan upang sa ganun bka pglaki nila.sila ang mgsalba sa pgkasira ng ating mundong ginagalawan.
    Teka lang. Napa2 emo ako😦 salamat sa pgdaan mo.mabuhay ka!

  4. kuya eli

    naramdaman ko rin ang shivers at chills na naramdaman mo
    nung sumabay na sa kkaibang tunog ang mga ifugao..

    yun yng pakiramdam na parang na eexcite tapos nakakarelax at the same time..

    nakanaman. ang galing talaga magphotoshop!! nakakaelibs😀

    nagkasuper powers si manong!!

    …..

    citrus capital waw!!!

    penge ponkang a!!

    • Ka2iba nga yong pakiramdam na yun grabe.
      Iba ang citrus d2.may satsuma, perante (ito ung version nila ng orange.npakatamis nito.di lang pumapatok kc kulay green n orange.hehe sk medyo mahirap balatan pero ung tamis nya da bes) at dko maala2 yong pangalan nung iba!hehe nkatikim knb ng bunga ng yantok?nku yun ang da bes🙂

      • nakisabit lang sa hamster, kasi masarap nga yong orange dyan. palagi ako nag-uuwi nyan pag nagagawi ako ng solano. tsaka yong littuko, bunga ng yantok, tama ka eli, panalo yun. samahan pa ng tupig! hahaha. ang batang mangyan, eh lagalag talaga. may masarap pa na buko pie dyan sa may bagabag/bagbag??, am not sure kung tama yong place, pero yun yong malapit sa may daan going to banaue. haha. kaya hamster, pag nagawi ka sa lugar ni eli, hanapin mo ang bunga ng yantok. mag-uwi ka dito sa manila.🙂

      • Bagabag yun parekoy.alam mo ba na nagka2traffic dun sa lugar na yun dahil sa dami ng humihintong sasakyan para lng bumili ng bukopie?

  5. ang ganda ng pagkakagawa!

    ang sarap sumama sa mga misyon na ganyan..kahit sobrang pagod eh talagang nawawala pagdating sa pupuntahan! eli nadala ako sa palitan nyo ng comment ni sandugong mangyan,hihihi…parang naguumalpas din ang concern ko sa katutubo dahil sa mga pag gahasa nila sa likas na yaman,hihihi

    • Ang sarap tlga ng pakiramdam na nka2tulog at hndi rin mta2waran yong experience sa mga ganung activities.

      O2 nga e.nakakadala talga.para ngang gusto ko ng sumigaw kanina e.MAKIBAKA! PLAYASIN ANG MGA DAYUHAN NA YAN!Haha

      • Sandugo! MAKIBAKA..HUWAG MATAKOT! Haha. mag-aklas ba sa blog. pareng eli, pahingi na lang ng TUPIG! ipapadala ko kay sandugong Pokwang na nasa kabilang bahagi ng mundo. hahaha.

  6. Ako naramdaman ko kung pano yung transformation ng image at kung pano nag click click ang mouse mo haha! Thanks for sharing those links makakatulong yun. I-trip mo naman ako sa lupang sinilangan mo.

    • Haha.ganun!dpat pla denetalye ko.haha
      lupang sinilangan ko?o2 ba.anytime!🙂 pero di ako tga dito ha.bk un expek mo.taga ONION CAPITAL tlaga ako.haha

    • Naku, alam mo ba na milyonaryo na ‘yong mga naunang nagtanim ng citrus sa lugar na yun?
      Hndi sila nagbi-venture sa processing kase mataas ang demand sa fresh na citrus.

  7. Ang ganda ng pagkakagawa! Ngayong taon lang talaga ako nagsimulang buksan ang photoshop dito sa kompyuter ko. Ayoko kasi magpaturo sa ate ko dahil gusto kong matuto ako mag isa, kayat pag may nakikita akong magandang mga larawan na edited ay namamangha talaga ako!

  8. wow, napapamangha mu naman aku sa kagalingan mu sa arts! galing! clap, clap!

    ganda din ng istorya, hindi pako nakakakita ng sayaw ng mga ifugao na live, sana din makapanood aku,parang ang ganda nga noh?! =)

    • Enkyu…enkyu🙂

      ewan ko ba kng bakit kaiba pakiramdam pero cguro dhil kaiba to sa mga kinagisnan nting sayaw.bkit ganun tau nau2na pa natin matu2nan ang sayaw ng banyaga kesa sa mga sariling atin.

      sama kau tour tau dun🙂

  9. Mukhang ang lahat ay nagkomento na sa iyong galing sa pag-photoshop. Wala na siguro akong maidadagdag pa dahil wala akong talento sa larangang ito.

    Sana ang mga tao doon ay magtulong-tulong upang ang suliraning iyong tinukoy ay maayos din. INgat Kabayan.

  10. napaganda mo nga ung kuha kuya dahil sa effects na ginamit mo..

    naalala ko ung mga mangyan na dumadayo dito sa syudad na tumutugtog ng (di ko alam tawag basta ung parang kawali na maliit tapos nipapalo nila..at nabibigyan nila ng ritmo un)habang sumasayaw..

    naalala ko lang sila dahil dun sa picture..

    • Nagmukha bang epeks na nilagyan ng pix?hehe sa totoo lng mastype ko ang vector illustratn kesa photo manipulation.

      Yun nga yong gong.yung parang kawali sa sbi m0.!

  11. Hi Eli!

    Very informative itong blog. Ngayon ko lang nalaman na Citrus Capital pala ang NV. And very helpful din ang mga links na binigay mo lalo na sa gaya kong nahihilig din sa Photoshop. Ito pa ang isang link na pwede mong mapagkunan ng ideas. Gusto ko lang din i-share. Dyan naman ako madalas kumuha ng techniques. At dito naman ako kumukuha ng iba pang brushes.🙂

  12. speaking of agila, naalala ko yung isang agila sa atin na hinuli at kinain ng magsasaka ata.

    di daw nya alam na aguila e.

    tsk tsk

    and yung piktyur mo na na edit. mas maganda. astig ng concept. minsan aaralin ko din ang graphic design kasi magaling na din ako sa foto shop. hahahaha. ang yabang ko!

  13. wow naiwork out na pala na ang Nueva Viscaya eh maging Citrus capital of the Philippines. Congratulations… hehe

    ang galing talaga ng graphics mo kuya eli…

    namiss ko tong tahanan mo… siya nga pala baka ako na kukuha ng shirt mo if evr dka makapunta kuya ha…😉

  14. kuya eli, ayos tong experience mo..

    siguro kung ako din un madadala din ang damdamin ko.. lalo na first time yun..

    kuya.. galing ng pag-edit mo.. hehe..

  15. Salamat sa link eli, matagal nku naghahanap ng libreng software for photoshop. Kc gus2 ko iretoke ang site ko with powerful brushes. Dinadownload pala ang mga brushes para maidagdag sa adobe? Ngay0n qo lang nalaman. AnyWay, ang ganda ng pagkakagawa mO dun sa pictUre, parang naglaBas ng kamehamewave c man0ng.Hehe.Kulit. Oo nga malaya clang napapahayag ang knlang damdamin. Sana bgyan ntin cla ng pagresPETo at karangalan..

  16. hello kuya eli..congratulations sa bago mong accomplishment isa nanaman itong hit na design and continue sharing your knowledge about arts..

  17. J.Kulisap po mula sa kabilang ibayo ng iyong mundo.

    Ang kanilang indak, ang musika, ang instrumento, bakit ka tinayuan ng balahibo at bakit nangapal ang tapat ng iyong dibdib?

    Dahil ba lumukob sayo ang pagmamalaki sa iyong lahi?

    Tayo ay may sariling kultura, tradisyon at paniniwala, isa ng patunay ang mga taga Ifugao.

    Magandang araw po Ginoong Eli.

  18. Bat ba wala akong comment dito? Hmm… Hehe

    Ganda ng photo manipulation… at salamat sa brush link. Yehey, may magagamit na ko. hehe

    Newei, ang sarap basahin ng post na toh, sa pag tunog pa lang ng GONG ramdam ko at narinig ko hanggang dito yung tunog (oo nga kasi!), gusto ko tuloy makisayaw at lumipad na parang agila. Malaya sa simpleng pamamaraan, malayo sa ingay at gulo ng syudad. Nadaan na rin ako ng Nueva Vizcaya – Solano pero sana sa pag daan ko uli jan mahinto naman ako promise makikisayaw ako sa kanila, pero sana sabayan mo ko… para naman kaladkarin man ako, mauna ka muna ha. ahihi Seriously, gusto ko nga sumabay sumayaw sa kanila. Sige practice na ko ha, mag practice ka na rin! nyehehe

    click – click – click – click – click – click – click – SAVED!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s