bilog ang mundo (updated)

gusto kong i-share sa inyo ‘yong ilan sa mga kuha kong larawan (gamit ang sony cybershoot w-55) na nilagyan ko ng bagay na may butas na bilog yong harapan ng lente. ‘yon bang parang tipong nakasilip ka sa butas… Wala lang..natutuwa lang ako sa ginagawa kong ito kaya naman napadalas ang pagkuha ko ng larawan gamit ang ganitong estilo. .

kay sarap maging bata/ photo by emavellanoza

kay sarap maging bata/silip sa packing tape

father and daughter/ photo by emavellanoza

father and daughter/ silip sa packing tape

kanin/ photo by emavellanoza

nasaan 'yong ulam?/silip sa rolyo ng sinulid

si daniel

si daniel/silip sa butas ng laruan

ang basura..bow

ang basura..bow/ silip sa butas ng lata

“The circle symbolizes eternity as it has no beginning or an end. “

bakit nga ba napunta sa bilog ang usapan natin ngayon? ‘di ko rin alam eh..basta trip trip nalang. haha.

bakit nga ba bilog ang hugis ng mundo? ..ng araw at ng mga planetang nakapaikot dito? bakit umiikot ang bilog sa kapwa bilog? siguro, para ipaalala sa atin na sa buhay na ito kahit anong gawin natin, gaano man kalayo ng lakbayin natin..babalik at babalik tayo sa kung saan tayo nanggaling.

tulad ng araw..kailangan nitong lumubog upang muling sumikat sa kinabukasan at tulad ng mga butil ng palay kailangan itong anihin upang muling itanim..kailangang itanim, upang muling may anitin.. pagkatapos mag-ani, kailangan uli nating magtanim, para sa ganun ay may anihin. kapag nakapag-ani na, kailangan uling magtanim at bakit nagtatanim? para may anihin kung saan ang aanihin ay muling itatanim. nyahaha..ang haba dun din pala matatapos!

We don’t have a clue how great we already are and how great we can become – bo sanchez

[TRANSLATE  IT]

58 thoughts on “bilog ang mundo (updated)

  1. Magandang kuha ng iyong mga litrato. Para ka ngang sumisilip sa butas na bilog. Ang galing ng iyong kuhang basura. Punong puno ito ng mga de-lata.

    Tama ka Kabayan. Buhay ay paikot ikot lamang.

  2. naalala ko sa first pic nung sumali ako poster making contest nung elem at highshool. haha.

    cool pix at talagang may pinupunto.

    tama bilog ang mundo

    sa bawat kuha mo boss eli sa iyong kamera, iikot at iikot ang panagarap na parang bilog. minsan maligaya minsan naman tila hindi maabot ng kamay ang mga pangarap

    pero ang totoo hawak mo ang ikot ng buhay!

    lets choose to be happy, mabilis lang ang buhay para sa malulungkot na bagay!

    yey!

  3. ang galing naman atleast naiincourage ang mga bata sa arts at saka lalabas ang mga talent nila kung meron man!

    gusto ko yung kuha kay daniel..parang nakatingin lang sya sa keyhole!

    • oo nga. isa sa mga activities ng grupo namin yan. yong magturo ng libre sa mga bata. para sa ganun e matulungan silang madevelop yong nakatago o hindi pa nadedevelop na mga talento nila.

  4. uyyy ayos yun ah, pwede pala yun. para-paraan lang yan eh no. gusto ko rin yung kuha ng mga de lata at kay daniel. more tips sa susunod. congrats!

    • oo pwede nga. kung anu ano kaya ang tina-try ko para lang makakuha ng maganda yong P&S Cam ko. madaming pwedeng gawing sa totoo lang.

      ako rin, pinakagusto ko yong mga lata.

  5. bilog….

    kasi closure ganun ba yun?
    naiipit tayo sa loob ng bilog..
    nagpapatumbling tumbling sa loob nito
    ngunit may kulang. ano?
    gustong kumawala sa bilog.. bakit?

    di ko maintindihan sarili ko. sino?
    maraming bumabagabag sa akin. bakit uli?

    ang mundo bilog. oo iikot ng iikot. kailan?
    darating ang oras na hihinto rin sa pag-ikot.

    paalam.

  6. Nice idea, Eli! Very creative. Who says that our hands are tied pagdating sa point and shoot?😉 Meron ako dating napanood na isang bata, he is an autistic child. Pero suuuper galing kumuha ng pictures using a point and shoot cam. Talo pa ang may SLR hehehe.

    Super na-miss ko dito ah.

  7. panalo! nice concept. ang galing. pwede bang gayahin, haha. pero panalo talaga yun. thanks pards for sharing.mahilig din kasi ako sa photography,pero nagsisimula pa lang.

    add kita sa link. tnx.

  8. very true…🙂 life goes through a cycle, and ends don’t matter. it’s the journey, actually. aheheh! senxa na ngayon lang ako nakatambay ulit dito. anong gamit mong cam??? hays… gusto ko ng magka-SLR!

  9. “bakit nga ba bilog ang hugis ng mundo? ..ng araw at ng mga planetang nakapaikot dito? bakit umiikot ang bilog sa kapwa bilog?”

    Angular momentum ang sagot dito Bro Eli… Sabi ng physics professor ko dati, ang unang mga katagang binigkas daw ng Panginoon during creation ay hindi “Let there be light.” Ito daw ay “Let there be angular momentum.” It is because the law of the conservation of angular momentum keeps the motion of the heavenly bodies in order… At dahil sa kakaikot, kaya nagiging hugis bilog na medyo flat sa surface kung saan dumadaan ang axis of rotation…🙂

    Enough of geek talk… hehehe…

    Galing ng idea mo dito… Iba talaga pag artist, kakaiba ang creative idea!… Nasubukan mo na pa ito using black paper dun sa bilog? Para mas ma-emphasize ang subject mo…🙂

    Ang ganda ng huli mong kuha… Two thumbs up!

  10. astig naman dito! sobrang malikahain!! add kita sa blogroll ko ha mAng ELI! alien!?!? alien!!!

    “gaano man kalayo ng lakbayin natin..babalik at babalik tayo sa kung saan tayo nanggaling”

  11. Nice idea sa photos. That’s really cute. The circles have made a huge impact on making the photos look really outstanding. Great work!

    Special Life Events Photography: Capturing life’s special moments for as low as Php 5000 for 4 hours of unlimited shots and a 20 page colored photobook!

  12. Maraming salamat sa pagbisita sa aking website! Salamat din sa suporta. Wow daming visitors sa website! Siguro sa week end na darating ay matindi ang gagawing kong pagsasaayos at pagpopromote sa aking site. Nilagay na din kita sa blogroll ko. Muli, maraming salamat!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s