Kwentong Diwata

Minsan noong siya’y labing-pitong taong gulang ay nagawi siya sa isang parte ng gubat. Dito ay napagtanto niya na ang mga halaman ay nakagagalaw at ang Tubig Lawa ay pinamamahayan ng mga kakaibang nilalang. Ang naglalakihang pitak ng bato ay nakapagsasalita habang ang hangin ay may dala-dalang espiritu. Sa madilim na parteng ito ng gubat, sumasayaw ang mga puno kasabay ng mga alitaptap at paniking nakikipag-unahan sa bilis ng pagbabagong anyo ng sinag-araw.

Sa paghahanap ko ng daan upang makalabas ng kagubatan ay nakita kita sa isang sitwasyon na ipinagbabawal ng moral ng aking isipan. Ikaw ay lumusong sa kristal na batis na nagtatago ng kalahati ng iyong katawan. Kusang sumasabay sa iyong galaw ang bawat nagliliparang dahon at ang ulap sa kalangitan ay tumatakip sa bawat pagtahak ng iyong nilalakaran. Saan ka man magpunta ay hindi ka masikatan ng haring araw sapagkat sumusunod sa iyo ang mga ulap na tila iyong mga alagang tagak.

Sinundan kita hanggang sa pusod ng kagubatan at sa bawat paglakad, napapatanong ako kung isa ka ba talagang diwata? Isa ka bang diwata ng ilog? ng ulap? o isa kang diwata na lagalag? Anuman ang iyong kasagutan ay nais kong humingi ng kapatawaran sa aking kamangmangan sapagkat sa unang hagip pa lamang ng aking balintataw sa iyong katauhan, ako ay napaibig mo.

Patuloy kitang sinundan hindi dahil ako ay ginamitan mo ng haraya~ kundi dahil hindi kayang kalabanin ng aking puso na mapalagpas ang oportunidad na makilala ka. Alam ko sa aking kamalayan na kung hindi kita makikilala ngayon ay hindi na kita makikilala pang muli sa kabuuan ng aking buhay.

Ang mga ganitong pangyayari ay nagbibigay sa akin ng ligalig sapagkat ang pagsunod sa iyo ay nangangahulugan ng isang kapahamakan, at ang gubat ay puno ng leon, reptilya, at ahas na handa akong salakayin bilang kanilang tanghalian. Gayunman, mas pinaniniwalaan ko na isa kang diwata na magliligaw sa akin dito sa kakahuyan.

Kung sakali lamang at ako ay nagkakamali, may huli akong katanungan lambana. Kung iibig ka sa isang tulad ko, isasakripisyo mo ba ang iyong mahika kapalit ng pagiging mortal?

2pm

Bakit ba puro pag-ibig ang post ko? Isa lang naman ang dahilan at yun ay para magbalik na si Kuya Eli! Isa po akong guest blogger dito sa blog niya😄 Si Akso Rojas po, lumalagda at nagsasabing gusto kong maligaw sa kagubatan!

72 thoughts on “Kwentong Diwata

  1. wow! may diwata cheverlin chenes pa ax, anyway ang ganda ng kwento mo ax, mahiwaga?
    na picture ko yung diwata ax, si anne curtis, oo tama! uchusero ba?

    ayun..

    si ka eli?

  2. nice post kumpareng axe!!
    sana eh bumalik na si kuya eli.

    Pupuntahan ko nga sana sya
    kaso may pasok ako.😦

    hehehehehe

    teka nangangamoy inlababo ka ax? di kaya?

  3. keganda ganda naman… kung ako ang diwata na yan… oo naman isasakripisyo ko ang lahat maging tao lang ako hehehe…😉

    mukhang inalababo ang bata…

  4. hi ax! di mo pa ba ako nakita? eto na tinago ko na pak pak ko..haha

    nice nice! eto ang mga gusto kong basahin ehhh…good job!

  5. Halika Akso, humimlay ka dito sa layak na nakalatag, ipikit mo ang iyong mga mata, damhin mo ang ligamgam ng tubig-sapa, ang lawiswis at hampas ng dahon ng kawayan, ang bango ng bulaklak ng ilang-ilang, ang batong dapi, napakaganda ng hubog, tiyak na ang iyong kaligtasan.

    Nakikita mo ba ako?

      • Alas sais ng hapon, apat kami doon sa Kabatuan. Daladala ang ginto, gusi at pilak, nasa banga, naagaw namin mula sa kaharian ng mga Diwata pero mas palalo ang mga tao, hindi nila pinaghirapa’y inangkin ang aming yaman.

        Kailangang maitakas namin si Ada at Lambana kapalit ng aming mga anak, nasa kaharian ng mga Diwa.

        Maeengkanto ka, alamin mo ang lagusan doon sa kweba kung saan ang patak ng tubig ay isang hiyas, ang dahon ay isang kasuotan, ang bato ay bahay.

        Hihintayin kita Akso.

  6. piksyon naman ang lahat ng kwento tungkol sa mga diwata……………………………..
    kung totoong may diwata san sila mahahanap o
    dikaya san sila makikita……………………
    ang sabi ng lolo ko kuwento lang daw yan para
    matakot ang ibang tao sa kanila at para wala ng
    may sumira ng kalikasan ng mundo………………
    kaya ang dapat nating gawi mag tanim ng mga punong kahoy,
    mga bulaklak at mga gulay para kung wala tayong pang bili’
    ng mga gulay mayron naman tayong aanihin kaya ang payo ko lang
    sa inyang lahat mag tanim tayong lahat at itapon sa tamang lugar
    ang mga basura natin para iwas pulusion at iwas baha’………..
    /\ /\
    / \ / \

    \———– /
    \IIIIIIIII /
    \IIIIIIII/
    \______/

  7. Wow! Ganda ng poem…nangyari na sakin yan sa totoong buhay…seryoso, totoo ang mga diwata at naka-encounter nako 5 years ago saming lugar sa bacolod city…seryoso…

  8. Pingback: Kuwentong Pantasya | Kronokiyang Umaalab

  9. Pingback: Halimbawa ng Maikling Kwento | Kronokiyang Umaalab

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s