kutsara’t tinidor

kutsara at tinidor

“Matagal na panahon ko ng nararamdaman ang emosyon na ito, subalit kelan ko  lang nalaman na hindi pala ito perpekto.”

Naiwan na ako ng huling byahe,

konti nalang din ang taong pumaparoo’t parito sa aking harapan

Malamig na ang paligid at mula sa langit ay pumatak ang malakas na ulan..

Narinig ko ang tunog mula sa aking sikmura, kinapa ko ang bulsa ko…ngunit puro papel lang ang nadukot ko, kinapa ko ang aking bag…ngunit hindi pamatid – gutom ang aking nakita…bagkus ay isang baluktot na tinidor at kutsara…

Unti – unti nang tumatahimik ang paligid ngunit maingay pa rin ang aking sistema…

Hinawakan ko nalang nang mahigpit ang dalawang bagay na iyon..dahil tama nga sila, wala ng silbi ang dalawang bagay na wala ng nararamdaman para sa isa’t – isa.

P.S

Ako nga pala ang isa sa mga guest blogger ni eli —ako si ellieshe🙂

Medyo matatagalan pa konti bago siya makabalik.. pero malay natin, andyan lang naman yun sa tabi – tabi..hehe..naeexcite na ako sa surprise comeback..haha tama ba?

40 thoughts on “kutsara’t tinidor

  1. hehe, huwaw! ayun pala yun. alam mo, hindi ka man lang pinakilala sa amin ni kuya eli. grabe yun, ayaw daw niya ng guest blogger – guest blogger relationship. hehe. biro lang.

    ayos ah, akala ko si kuya eli na! hehe.

    • haha… isa sa mga unang kaibigan ko dito sa blogospero si ellieshe. kung babalikan mo ang mga lumang post ko makikita mo yong ibang kwento na ipinsulat ko sa kanya. astig din siyang magsulat diba?

      ax, i want you to meet ellieshe..ayan magkamay kayo.🙂

  2. ahaha..madaya talaga yan si eli, hindi niya rin kau ipinakilala saken..

    weron akong blog kaso private muna…hehe di ko pa maharap ayusin eh..

    wag ka maingay baka mabuko siya..haha

  3. Hello sa lahat.Natuwa ako nung nkita ko nakapost yong artwork ko.habang ginagawa ko kc ito, nagdidiscus kmi ni ellieshe sa ym. Aftr namin mgdiscus sinend ko sa kanya ang artwork na ito.at natuwa ako kc ganda ng interpretation nya.

  4. -wala ng silbi ang dalawang bagay na wala ng nararamdaman para sa isa’t – isa.

    haizzz true!

    nagutom ako bigla!

  5. wow…xuxal naman pala si pareng eli. at tlagang may guest blogger pa! hehehe!

    i agree in what you said. at talagang mahirap kumain gamit ang baluktot na kutsara at tinidor! ahehe!

  6. aba! aba!

    heheehee napadaan ako d2
    kasi naisipan kong

    uhmmm..
    magbloghop yun lang!

    hehehehehe
    🙂

    bagay naman ba si kutsara kay kutsilyo?

  7. nag blog hop… este! wordhop lang ako Ka eli…pede pa add dito?

    nag palit lang ako ng mundo…heheh

    salamat…

    Bai

  8. eli… ellieshe? hindi kaya nagpasex change ka na ka eli kaya ang inaasahan namin na big surprise mo eh eto na? aheks! joke lang po. ang tagal kasi bumalik. ano ba talaga ang meron? hindi kaya nakidnap na ng alien si eli? hmm… ax magpaliwanag ka!🙂

    buti na lang at astig ang mga nakuha mong writers. parang hindi ka rin nawala “,)

    good job ellieshe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s