Tagu Taguan Boom, Taya!

Sa larong taguan, maliwanag ang buwan..

Magbibilang,

Maghahanap.

Maghihintay,

Maghahagilap.

Laro kung saan magtatago sa lalim ng gabi.

Pagkatapos ng hapunan, may tambayan na nagaganap sa ilalim ng posteng patay sindi ang ilaw na nagsisilbing kabaret ng mga batang nasa lansangan. Mag-uusap usap ang grupo, ang edad ay nasa pito hanggang labindalawang gulang, ng tungkol sa buwan. May makakaisip na takutin ang mga nakababatang miyembro ng barkadahan. Ngunit babalik ang kanilang usapan tungkol sa buwan–ang hinihiram nitong liwanag mula sa kung saan at ang mga bituin na tinatabunan ng ulap. Itinuro ng pinakamatandang miyembro ang isang maliwanag na tala at tinawag niya itong Benus. Matatahimik ang buong barkada habang nakatitig sa langit.

Tatamlay ang ilaw ng poste.

At babalutin ng ulap ang bituin kasama na ang tala na binansagang Benus. Kasabay ng pagbalot ng dilim ang hudyat ng isang larong nakagisnan ng mga bata sa lansangan.

Tagutaguan maliwanag ang buwan, pagbilang kong.. nakatago na kayo!

Simula na ng paghahanap. Nakita niya ang mga paggalaw ng puno at isinigaw ang ‘Boom’ at lumabas ang dalawang bata. Nakita niya ang mga matang nakasilip sa bakod, at muli ay isinigaw niya ang mahiwagang salita at lumabas ang dalawa pa ulit. Nakita niya ang nagtatakbuhang kaibigan at isinigaw niya ang salitang makakapagpatigil dito. Maya maya ay nakita niya ang isang anino na humakbang sa di kalayuan.

Binanggit niya ang mahiwagang salita ngunit hindi ito lumabas. Inulit niya ang salitang ‘Boom’ ngunit ang tanging nagpakita ay ang buwan matapos itong itago ng ulap.. sa pagdungaw ng mga bituin, ang anino na kanina lamang na humakbang ay naglaho na.

Ganito ang larong tagutaguan. May mga bagay na nagtatago na kailangan mong hanapin. Ang tanging pinanghahawakan mo lamang ay ang liwanag ng buwan.

OT: May kaibigan at kalaro ako na ang pangalan ay Pag-Ibig. Tuwing maglalaro ng tagu taguan at nagkataong ako ang taya, at kung mahanap ko siya, sumisigaw ako ng “Boom, Pag-Ibig, nakita na kita!” Pero di pa rin siya nagpapakita๐Ÿ˜„ Weird.

Isa pang OT: Yay, di po ako si Kuya Eli. Hehe. Si Akso Rojasย po ito!

eto pa OT: Medyo palaboy-laboy lang si Kuya Eli! Pagbalik niya may hatid siyang magandang balita! Hm, oo, magandang balita yun kaya kami muna ang bahala dito! Hehe.

74 thoughts on “Tagu Taguan Boom, Taya!

  1. wow..nice one ax. galing galing.

    salamat sa pagbabantay sa e-bahay ko.

    medyo matagal pa bago siguro ako makapagpost. busy lagi eh. ang daming nilalakad na mga bagay-bagay. tapos ang globe wireless broadband ko medyo pangit pa ang signal sa location ko ngayon.

    God bless…๐Ÿ™‚

    • ah, ganun ba kuya eli! hehe. nakauwi na ako, ewan ko lang sila jason at alvin! oo naman, enjoy nga ako dito sa blog bahay mo! hehe.

      sige lang, post lang kami dito ng post!

  2. aba.. kaya pala! ang galing ng pagkakasulat..๐Ÿ˜‰

    nakakatuwa yung pangalan ay “pag-ibig”

    kudos sa inyong dalawa Eli at Ax!

    • actually mas gusto ko magsulat ng tagalog! hehe.

      ayoko ng english, nag eenglish lang ako para optimized yung search engine artics ko! hehe.

  3. naks! galing ah kala ko horror nung umpisa eh..pang regal shocker? Ang ganda rin ng metaphor ng pag-ibig na ginait ni Ax – kalaro sa taguan. Awwwts! Congrats!

    Uy eli…datung ba pinagkakaabalahan mo? Paberger ka ha!

  4. masarap magtaguan lalo na sa dilim. kaya lang dapat may ilaw kahit kunti,
    mahirap kasi magkapaan di mo alam kung may nataya ka o wala

    ang galing sana makilala ko rin si pag-ibig… teka kelan naipaskil ito. hehehe
    di ko namalayan buti lagi ako bumibisita d2 sa bahay ni pareng Eli.

    ANg magandang balita? ano ba kasi yun? hhehhee

  5. i so love this post. ahm. palagi rin akong nadedeceive nyan. akala ko, nahanap ko ang hinahanap, only to realize na natanga lang pala ako. pero ganun naman talaga ata. hintay nang hintay sa mga bagay-bagay na alam nating nandyan lang (kahit sinasabi nang karamihan na wala.) maniwala lang siguro tayo.

    aba, pakamusta naman sa kaibigan mo. pasabi, hinanap ko rin sya minsan pero sumuko ako. haha. gulatin nya nalang kamo ako minsan.๐Ÿ˜‰

  6. kuya ax nasan ka na ba…

    ang larong ito, naalala ko pa, taya ako noon, tapos nawawala yung dalawa kong kalaro, sina nene at andoy, nung makita ko sila sa sagingan nakatuwad naman na si nene at si dudong tinutulak-tulak sya.

    bakit ganon sila, naglalaro kame tapos may iba naman na pala silang laro….

    huhuhuhu….

  7. sabi ko namimiss ko na si ka eli kaya naman bigla akong bumisita rito. kasi nga ang tagal ko rin namang nawala sa blogosperyo. akalain mo, mamimiss ko pa rin pala siya dahil pansamandali ay may umuupa sa kanyang bahay. transient na rin pala ang blog-house ni ka eli. pero in fairness, parang di rin nawala si ka eli (maliban sa walang illustration ngayon ang entry), dahil may pagka-makata pa rin ang pagkakasulat nitong entry mo ax.

    kudos to you ax!๐Ÿ™‚

    • nakow, salamat! hehe. hm, matatagalan kase bago bumalik si kuya eli, pero babalik siya na sobrang saya! hehe. kailangan niya maging super gwapo kaya kami muna dito sa bahay niya!

  8. Awww guestblogger si Ax dito wuhuuuuuuuu! Nice one Ax, mukhang nakita ko na nga din si pag-ibig ayeeeee!

    At anu naman kaya ang good news ni Kuya Eli? Hmmm..๐Ÿ™‚

  9. huwaw ang galing naman…ang lalim!

    pero kakamiss yang laro na yan…lalo na kung kalaro mo yung crush mo,hihihi ang lantod ko..bata pa ako may crush na,hihihi

  10. i really have to say this or else i’ll choke:

    this is the best narrative i’ve read from you. you caught me with every word and the images take me to your imagined place. no pictures needed, well done๐Ÿ™‚

  11. wow may guest blogger si eli. talaga higit pa sa pagkakaperahan pinagkakaabalahan nya?hmmm…ano kaya yon?!

    favorite kong laro ang taguan noong bata pa kaming magkakapatid, masaya kase. ang ganda ng pagkakasulat mo. ang galing mo po.

    • higit pa sa pera.

      isipin mo ang mga bagay na higit pa sa pera. sa akin kase makapanood lang ako ng naruto o bleach ng five hours straight, higit yun sa pera ha!

      • hahhaha ako marathon ng price macakaroo all day pede na sa kin
        teka kelan daw magpopost si pareng eli ng bago?
        at yung isa pang guest nya?

      • uhm, jason magpost na kaya tayo ng bago?! sino mauuna sa atin? sige, tadtarin lang natin ng kung ano ano tong blog ni kuya eli. masyado ng matagal ang four days! naging busy lang ako these days atsaka nagkatrangkaso ako!

  12. I love hiding from people and things. Ayoko kasing ipakita ang isang bahagi ng sarili kong maaaring hindi magawang matanggap ng ibang tao sa akin.

    Pero, masarap makipagtaguan. Lalo na kung alam mong darating ang araw na mahahanap ka rin ng taong matagal mo nang hinahanap. (^^,)

    Sana makita na po natin sila.

    • salamat sa pagbisita! malawak ang bloganidad. malaki ang blogosperyo. pero ang isang bloganismo na katulad mo ay napadpad pa rin dito! maraming salamat!

  13. Pingback: Bakit Mas Mahaba ang kay Kuya | Ax Realm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s