langit at lupa

Isang anghel mula sa langit

Isang anghel mula sa langit

ito ang lupa

ito ang lupa


Kapag masaya tayo bukambibig natin ang Langit.
“Hayyyy para kong nasa Langit..”
“Ale, nasa langit na ba ako??”

Ano bang meron sa langit?

Mga nag-gagandahang anghel, paraiso, payapang kapaligiran, walang hanggang kaligayahan. Pero pano mo naman nasabi eh di ka pa nakakarating doon? Habang nangangarap tayo na tayo ay nasa langit, maaliwalas ang pakiramdam. Pero kelangan nating bumalik sa realidad pagkatapos ng ilang minuto. Bawal magtagal sa langit.

Dumako tayo sa lupa.

Sa lupa lagi kang taya . Lagi kang may hawak na responsibilidad. Sa lupa maraming problema. Maraming pagsubok. Diba gusto natin palagi na may tinutungtungan o kaya ay nasa isang mataas na lugar? Habang nasa lupa ka tandaan mo lang ang isa sa pinaka importanteng rule:

“Tumakbo ka lang ng tumakbo ng deretso,
maaari kang lumiko pero
huwag na huwag kang tatakbo ng paatras.”

Langit, Lupa, Impyerno, Im – Im – Impyerno. Saksak puso tulo ang dugo….
O sumampa ka na sa upuan para hindi ka mataya. Ang bilis pa naman naming magtakbuhan.

ikaw anong interpretasyon mo sa larong ito? at sino nagpauso nito?

Teka bat naligaw ako dito? Ang bilis nya kasing tumakbo-
Tinaya ako ni pareng Eli. Hahahahaaha
http://jasonhamster.wordpress.com

36 thoughts on “langit at lupa

  1. Sa lupa lagi kang taya . Lagi kang may hawak na responsibilidad.>>>Totoo, kapatid. At sana’y wag tayong mapapagod at magsasawang tuparin ang mga ito😉

    Gusto ko ang unang image. Parang biglang naging feeling Pasko sa heart ko😉 Nung bata pa kasi ako at pinagagawa kami ng Christmas card sa school, laging yang image na yan ng anghel ang iginuguhit ko.

  2. WOW! Ang galing….Wala pa to kanina ah?
    Tpos may comment kaagad? kala ko kay Kuya Eli tong post na to…
    Jason pala ang name…
    Sino ba tong si Jason?
    Anyway okey lang…Hehehe….Psssstttt!!!!!
    Langit at lupa nilalaro ko din yan noong kabataan ko….
    Hahay back track…Back to childhood memories…
    Nakakatuwa isipin na malaya kang maging bata…

    Ang ganda ng Angel…Hahay Salamat at ng balik na talaga ako sa senses ko ngayon,
    kasi nakaka appreciate na ako ng ARTS ulit
    MARAMING SALAMAT SA BLESSINGS!!! ^_^

  3. wow na amaze ako sa unang larawan naiisip kong valentines at pasko hehe..

    saksak puso tulo ang dugo..larong wlang humoay samen nung mga kabataan pa..

    tama kapag sa lupa madaming problema,responsibilidad pero masaya..mabuhay sa lupa..

    kuya eli ikaw na ulit ang taya..:)

  4. guest blogger, uso na pala ngayon yan… laro yan langit lupa.

    heaven, luffa, infairness, in, in, infairness, okray heartness flowing ang dugesh..chuging alive, dis-a-ppear na u diyan..

    nyahahahaha….

  5. Sali ako ha? saksak puso tulo ang dugo, patay buhay alis ka na dito…

    ang “im-im-impiyerno” ay binigyan ng diin dahil ito ang puwedeng kahinatnan ng mga tao. si hesus ang maghuhukom (“saksak puso, tulo ang dugo”), at walang takas—buhay man o patay na (“patay, buhay”). ang ibig sabihin ng “alis ka na dito” ay ang pagpapadala ni hesus sa mga makasalanan sa impiyerno, na binigyang diin sa kanta (“im-im-impiyerno.)

    ang langit at lupa is referring to kristiyanismo… thank you sister Annie🙂

  6. Wow, jason astig ang post na to ah.galing!
    Sa mga visitors po ng blographics wag kayong mgtataka at sigurado ring hindi naliligaw ang link nyo.naimbitahan ko kaseng mag-guest muna si jasonhamster habang narito ako sa at palaboylaboy. May mahalaga lang po akong inaayos.lagi na kase akong napagsasabihan ng AYUSIN Mo Ang BUHAY MO!🙂
    may dalawa pa akong guest bloggers.watch out.hehe
    salamat jason.ganda nito!

  7. nung bata kami binabawal kami maglaro kasi masama daw dahil may salitang impyerno..ang mga matatanda nga naman..

    Jayso? sino si jayson? nasan si eli?

  8. post din sana ako today ng artic! kaso naunahan ako ni hamster! hehe. hm, siguro after na lang kase may nakasunod pa! di ko pa nababasa. pauwi na ako!

    • hm, hindi naman ako pwede mag post sa 26. kelan ka ba mag po post ng panibago hamster? hehe. para maunahan kita?! ayos ah, langit lupa.

      mahirap kung lagi kang nasa langit. lagi kang nakayuko para tingnan ang nasa baba.

      dun ka na lang sa lupa, minsanan ka lang tumingala at tingnan ang langit kase kailangan natin magpatuloy sa buhay natin! hehe.

  9. Hehehe… Nagtaka nga ako bakit Jason at hindi ang usual na ELIment ang author…

    Good post Jason… Natawa ako sa langit – lupa… Haha!

    At ang drawing, di nga Eli-finesse pero Jason-kiddy naman…😀 Kakatuwa rin yung mga digi-art mo Jason…😀

    Hmmm, at nag-aayos pala ng buhay si Brother Eli… Di kaya kasama mo si ano? Yan kasi, basa kayo ng basa… Hehehe…

  10. @boss eLi

    san ka na naman papalaboy ha? haha. lagi ka na lang nawawala. make sure pagdating mo e may pasalubong kang maganda post ha. aantayin talaga kita hehe🙂

    @jason

    dud kaka broken hart ko lang kaya di ako makarelate haha

  11. sa lupa laging may pagsubok na kahit kelan yata di na matatapos..walang hanggang pagsubok na kailangan nating ayusin para sa ating bukas na naghihintay…

  12. classic ang larong ito! fun fun fun!

    sa paint mo ginawa yung drawing noh? sa paint ako mahilig gumawa ng images eh. hehe!

    takbo lang tayo, mate🙂

  13. Pingback: Bakit Mas Mahaba ang kay Kuya | Ax Realm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s