haaay buhay

title: in the beginning/ digital graphics

in the beginning/ digital graphics

Dito nagumpisa ang lahat.  kasama ang di mabilang na mga kapwa ko punlay maswerte ako dahil ako  ang nagwagi ( I am such a winner..yeah! :-)  Tuwang-tuwa ako nung iluwal ako at binigyan ng pagkakataong makita ang kagandahan ng mundong ito. Akala ko noon, tapos na ang laban, pwede nang magpahinga, pwede nang magrelax. Pero hindi pa pala dahil masmatindi  at mashigit na mahirap ang kasalukuyan kong laban—ang laban sa hamon ng buhay.  Magkaganun paman, alam kong sa bandang huli…panalo uli ako!

Ang buhay ay parang kape, ang sarap wala sa tamis kundi nasa pait

lifeless/ water color

lifeless/ water color

Mula sa dating kalagayan na tinitingala ngayo’y hindi na sila halos pinapansin. Parang kahapon lang, ang kawayang ito ay nakatayo’t kulay luntian ngayon wala na itong buhay. Matapos putulin at pakinabangan, ngayo’y pinabayaan na’t unti-unting nabubulok.  Ang lata namang dati’y naglalaman ng masarap na pagkain, nangingintab at iniingatan ngayo’y kinakalawang at nakakalat nalang.

landslide/ acrylic on board

landslide/ acrylic on board

Pati ang kabundukan na dati’y hinahangaan dahil sa taglay nitong ganda’t yaman. Ngayo’y isa itong panganib na nakaambang gumuho’t kumikitil ng buhay.

———————————-

Nga pala, napasyalan n’yo naba ang mga nasa pinoy ad-blog-cacy na links ko? kung hindi pa, palagay ko dapat nyo na silang pasyalan dahil ibang level ang mga blogs na ito.

  • Meta advocacy. A blog about our different pursuits in life. a circle of young people that believes in the power of the arts, music and dreams.
  • Singgit . No matter how challenging it would be, we will SINGGIT in the form of songs, dances, ink, paint, brushes, the stage, crumpled pieces of paper.

…because to SINGGIT means to DARE and to DARE means to FEAR NONE.

  • Pens of Hope. Pens of Hope aims to gather as many pens as possible for poor schoolchildren in remote parts of the country.
  • Tsinelas diaries. TSINELAS envisions a just and humane society where the basic right to education is upheld and where poverty is not a hindrance to learning. It is a society where those who have more in life help those who have less, and where everyone works for the common good.
  • Binhi creatives. Binhi Creative Arts and Crafts Workshop, Inc. is a charity project founded by young artists in Negros Occidental. It is an Art Workshop offered to underprivileged children and youth, both in school and out-of-school, held at Brgy. Banago every Saturday for a whole school year for free. The workshop is given by volunteer artists who are willing to spend their time with these younglings and share their skills and wisdom for the benefit of these children and youth.
  • Dynamic teen company (DTC) is a group of concerned young people with a mission of making a small yet significant difference in other people’s lives, particularly the small children in slum areas who have no access to education, basic hygiene and sometimes, even love from their families. The group was founded in August 1997 by four teenagers from Cavite National High School. The initial group made up of around 20 members started as a friendship club which aimed to divert the attention of students from joining violent gangs and notorious fraternities that were thriving on the campus. Their major platform then was to cater youth awareness projects, talent and self development activities, and community services.

——————
Alam n’yo ba ang tungkol sa bayan ng Pantabangan? kung hindi pa, panoorin n’yo ito.

61 thoughts on “haaay buhay

  1. wow, thanks for the links. i’ve been supporting N’s pens of hope and it feels so good.

    it’s great to know that there are still some “unsung heroes” here in your blog. i’ll visit them right after i post this comment.🙂

    • Opo.suportado ko ang mga yan kase npaka noble nga mga proyekto nila.

      Sana nga mgtagumpay sila s kanikanilang hangarin at syempre mangya2ri yang kung sa2mahan natin sila

    • hhmmmmm!!!!what I can say no words.Sadness comes to me ng makita ko ang YouTube na ito.I’ts been a long time.I think almost 28 yrs na wala ako sa Pantabangan.I saw Kuya Noel and my Batch 82 In this tube Kuya Anton na kinakapatid ko ang kasama namin sa samahan.Isa din ako sa one of the schoolars ni Father Joey so how can I forget those day’s.If I can do something about this blog let me know you, know where to find me.REally old is Gold,bad or good memories is a jag of treasures.MY mail add afifaishrat@yahoo.com

  2. wow naman. may ‘public service’ pa pala ‘tong blog mo. galing naman! oh sige bisitahin ko mga links mo maya! i’m interested with Pens of Hope.

    bisita ka rin sa munting bahay ko.

  3. huwaw! ang galing naman ng creations mo! isa ka talagang gifted/genius! at may mga explanation pa ha!

    Yung kay ate Nortehanon pa lang ang nabibisita ko! sige, puntahan ko rin sila! salamat sa info!

  4. Maganda ang shading sa pangalawang imahe.

    Napanood ko ang music video “Bayang Pantabangan”. Ang masasabi ko ng diretso – natabangan ako sa bidyo, at marahil po di ko hilig ang ganyang genre, pero nakuha ko naman ang mensahe nito.

    Taga Bayang Pantabangan ka po ba? Ayon sa aking pagsasaliksik sa Nueva Ecija pala ang bayang Pantabangan. Maaliwalas na bayan.

  5. i visited the sites. meron palang malapit samin.🙂

    nakakatuwang isipin na maraming handang magsakripisyo at magbigay ng oras at talento para sa ibang nangangailangan nito.

    kudos!

    • oo nga at nakakatuwang malaman na ang mga simpleng bagay pala na galos di natin pinapansin ay malaking bagay sa mga ibang tao.

      dito ko napagtanto na hindi mo naman pala kailangang magkaroon ng milyones para magkaroon ka ng impak sa bayan mo. galing nila. sana dumami pa ang katulad nila🙂

    • Kase kung puro tamis at walang pait dina kape yun.hehe ganun daw ang buhay boring kung walang pait o trials.
      Parang movie, walang kalatoylatoy kng di epektib yong kontrabida!
      Salamat s pgdaan

  6. Brother Eli, thanks for sharing these links… I am happy to be also part of Pens of Hope… And I am surprised to see this link from my home: Bacolod…

    And as always, superb art…😀

  7. speechless par in ako sa mga arts mo pareng eli.
    lalo na yung una… parang parang….. wala akong masabi..

    iisa isahin ko ang mga links na binigay mo.

    mahal na mahal mo talaga ang bayan..

    5 thumbs up para sa yo

  8. nakakataba ng puso na may mga taong handang tumulong ng walang kapalit. naglalaan sila ng panahon at oras sa mga makabuluhang proyekto. konti na lang ang mga taong kagaya nila.

    ang ganda ng artworks mo. ako din mahilig gumuhit kaya lang hindi ko mapaglaanan ng panahon. more power to you at sa iba pang makabuluhang blogs.

    • naku kakaunti nalang talaga sila kaya kailangang kailangan nila ng kasama.

      ganun ba? ako din halos wala nang panahon para dito. karamihan sa mga painting ko na nandito ay gawa ko noon pa. yong mga digi art ko lang ang bago.

      tnx po🙂

  9. very inspiring lahat ng gawa mo bro! mula sa graphics, sa post, pati sa mga links mo.. sarap siguro pagaralan ng vector graphics no?

    Congrats! Kudos.

    • 🙂 salamat po..nakaka-blur (hehe) naman ang sinabi mo.

      oo, tama ka. magandang libangan ito kaya enjoy na enjoy ako at sa katunayan pati pag-sketch ay hindi ko na ginagawa..puro graphics nalang🙂 masgusto ko nang humawak ng mouse kesa lapis. nginig na kase ang kamay ko😦

  10. ciempwe hindi na bago ang mga magaganda mong artworks..galing galing..

    at eto pang isang magaling..

    “Ang buhay ay parang kape, ang sarap wala sa tamis kundi nasa pait”

  11. im also planning to support advocacies but im still choosing. i might consider this options though im looking more of environment and travel related. thanks for sharing!

      • dong and ax, oo maganda yan. ako rin naghahanap ng maliliit na grupo ng mga envi advocates. ayaw ko lang muna yong mga bigtime🙂.

        ax, talaga lang ha. pero tama ka dyan, dapat pinoy muna!

  12. galing ng mga masterpiece mo ha. kung ako talaga tatanungin mas gusto kong mas magaling ako sa handpaint kesa sa computer🙂 kasi mas may labor of love.

    gusto ko ito:
    Ang buhay ay parang kape, ang sarap wala sa tamis kundi nasa pait

    ang tunay na sarap ng buhay ay galing sa pinaghihirapan, tama?🙂

    • 🙂 salamat pareng dens. at may labor or love ka pa! pero tama ka dun. ako rin masgusto ko ang gawa sa kamay at nakakamiss din kase ang amoy ng pintura🙂

      at dahil sa nasabi mong yan tungkol sa quote….MAY TAMA KA!

  13. buong akala ok ang pantabangan, mga mga luha palang nakakubli dito, ang ang alam ko lang 3 barangay ang sakop ng dam. hindi ko alam na may mga bagay palang nangyari ng sapilitan…

    • maraming nakatagong kwento sa likod ng dam na yan. kung makikipagkwentuhan ka sa mga matatanda, mararamdaman mo ang bawat panaghoy at luhang dumilig sa lupa ng pantabangan bago pa nagawa ang dam.😦 madami kase akong kaibigan dun kaya naman may mga pagkakataong madalas ako dun.

  14. Wagi ito…

    “Ang buhay ay parang kape, ang sarap wala sa tamis kundi nasa pait”

    Hindi mo makakamit ang tunay na kasiyahan kung hindi mo ito pinaghirapan…

    a very interesting blog!

    spread your talent!

    be an inspiration…
    🙂

  15. Bihira yung mga katulad mong may ganyang talento at napapamahagi pa sa iba. Worthy ang bawat posts. Sana mapagpatuloy mo pa yan at ma-inspire ka pa to create more meaningful works o art.

  16. “Ang buhay ay parang kape, ang sarap wala sa tamis kundi nasa pait”

    so right on this..and life, like coffee, must be savored whatever it may taste like..😀

    newey, bibisiota din ako sa mga binanggit mong site..😀 habagudey!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s