Si eli, si busyok at ang libreng pangarap

busyok_ani

Ang buhay ni eli ay maihahalintulad kay busyok na nagsimula sa isang simpleng guhit lamang. Sinamahan ng ilang mumunting hugis at nang pinagsama-sama ay nakabuo ng isang larawan. At ngayon nang mabuo na ang larawan minsan pa ay pinangarap niya itong makitang buhay at gumagalaw.

Mula nang magkaisip ay nakagisnan na ni eli ang mangarap. Madalas siyang  nangangarap ng gising noon habang mag-isang naglalaro ng mga laruang gawa na kaniyang ama. Bihira siyang maibili ng laruan noon marahil ay dahil sa hirap ng kanilang buhay. Bagaman at ganun, masaya naman siya sa piling ng kanyang mga laruang tulad ng traktrakang yari sa lata, trumpo, barilbarilan, at iba pa.

nangangarap ng gising...sabagay libre naman eh

nangangarap ng gising...sabagay libre naman eh

Madalas din siyang mamastol ng kalabaw noon at madalas mangarap habang nakasakay dito. Sa totoo lang…wala siyang kamalay-malay noon na nangangarap siya. Basta ang alam niya, gustong gusto niyang buuin sa isip niya ang mga bagay na nais niyang mangyari pagdating ng araw. At sa bisa ng lapis na mongol (yong black na mataba) na pudpod at ubos na ang pambura, hindi lang sa isip niya binuo ang mga pangarap kundi sa likod ng bawat pahina ng kanilang kalendaryo, sa dingding at sa bawat pahina ng notebook na luma ng kanyang kuya. Oo, mahilig siyang gumuhit sa murang idad pa lamang.

Masaya naman siya sa ganoong kalagayan noong una, bagama’t hindi maiiwasang maapektuhan sa tuwing sasapit ang pagkakataong halos wala o kulang ang pagkaing nakahain sa kanilang mesa. Maswerte na siya noon kapag nagkaroon ng baon na humigit sa isang piso. Hindi niya namamalayan ang mga bagay na ito pala ay tumatatak sa kanyang puso at isipan. Ngunit dahil sa kamusmusan, hindi niya maunawaan ang mga bagay na iyon… ang alam niya, kakambal na ng buhay ang kahirapan.

Pero nang magkaisip at lumuwang ang kanyang mundong ginagalawan, doon niya naunawaan na hindi lang pala ganun, may iba pa palang anyo ng buhay. Mayroon palang higit na magagandang laruan, mayroon palang mga hindi lang pala lapis at papel ang dapat ay nasa bag niya… dapat pala ay may krayola din. Ang piso palang bihira lang niyang mahawakan ay maaari palang madoble o mashigit pa kung ang buhay nila ay masmasagana.

Siguro nga, kung hindi libre ang mangarap, malamang hindi nagkaroon nito si eli. Sa hirap ng buhay nila noon, malamang hindi niya kayang bumili kahit na kapirasong pangarap lang.

“Kailangan kong pagsamasamahin ang mga pangarap ko upang sa ganun ay mapagdikit-dikit ko ito. Kapag napagdikit-dikit ko na, tatalian ko ito ng mahabang-mahaba upang sa ganun ay mapalipad ko ito ng matayog na matayog na tulad ng isang saranggola.”, minsan ay nasabi niya.

Natupad ang pangarap niyang makatapos ng high school at mapalad ring nakapasok sa kolehiyo. Alam niyang libre ang mangarap ngunit sa pagkakataong iyon, pinili niyang ilihis ng kaunte ang kanyang pangarap. Nag-aral siya sa isang State U at doon ay kumuha ng kursong agrikultura. Kinalimutan muna niya ang pangarap na maging isang arkitekto dahil alam niyang hindi naman talaga pwede. Sa unibersidad na iyon lang siya pwedeng mag-aral kaya dapat ay makontento nalang muna siya kung ano ang kaya nyang abutin. Basta ang pangarap nalang niya noon, makatapos ng pag-aaral. Kahit anong kurso, ang mahalaga ay magkaroon siya ng diploma.

Sa kolehiyo unti-unting nagkaroon ng kulay ang mga dating pangarap na iginuhit ni eli. Pano ba namang hindi magkakakulay e pintura at brush ang lagi niyang tangan dahil pati paggawa ng streamer at pagtatatak ng t-shirt ay pinatulan niya nung mga panahong kailangan niyang maghanap-buhay para makapag-aral.

Taong 2000 (wag nyong itanong kung anong taon ako pumasok sa unibersidad..hehe), ay naka-graduate (din sa wakes!) si eli. Natupad ang kanyang pangarap na makakuha ng diploma at maswerte rin naman sa paghahanap ng trabaho bagaman ilang beses din itong nagpalipat-lipat.

Bagaman natupad na ang pangarap na makapagtapos at makakuha ng pirmihang trabaho, syempre hindi parin siya tumitigil sa pangangarap. Pangarap niya ngayong magkaroon ng sariling negosyo upang sa ganun ay higit pa niyang matulungan ang kanyang pamilya. Siya lang kase ang nakapagtapos sa kanilang magkakapatid. Pangarap din niyang makatulong sa mga batang dati ay katulad niya…katulad niyang nangangarap ng magandang buhay sa gitna ng unos, kahirapan at kawalang pag-asa.

The poorest man is not he who is without a cent, but he who is without a dream

– Pennysylvania School Journal

.

.

.

ang post na ito ay entry ko sa pa-contest ni OTEP para sa kanyang nalalapit na ikaw-3 taon ng pagba-blog.

Maaari rin kayong sumali at manalo ng limited edition ng LLM t-shirt. Kung kayo ay interesado o para sa  iba pang impormasyon tungkol sa pa-contest niya, i-click lang po ito.

.

.

.

Si joycee ay may pa-contest din. Sali na!

.

.

+++ sayang… hindi binasa yong GIF file. dapat gumagalaw si busyok sa unang picture nya.

193 thoughts on “Si eli, si busyok at ang libreng pangarap

    • oo nga. at napatunayan ko na gaano man kadilim ang pinanggalingan mo maaari itong maging isang makulay.

      animated gif yong unang photo.makikitang gumagalaw si busyok. sayang nga lamang at hindi mabasa ng wordpress. nakita nyo sana ang mga simpleng ‘moves’ ni busyok

      • “at maganda ang creations mo na nakadamit ng LLM shirt si busyok!”

        ganyan pala yang message na yan! hindi kase maganda yung keyboard dito sa public PC ng opis! hehe! huwaw! animated pala yan, tsk. sayang naman! dapat yata flash ang gamit mo Kuya Eli!

    • hindi rin kase pwde ang flash file dito at inisip ko na pwde ang gif. hehe. pero kpag hindi ito nakapublish gumagalaw sya eh. kug gusto mo makita galaw nya, save mo nalang tapos open mo sa picture viewer mo. nyahaha.

  1. wow! ang isang eli pala ay may simpleng pangarap rin at ngayon ay lumalawig. i admire your perseverance parekoy. walang imposible sa mga pangarap kung may determisyon at pag-asa ka sa puso. lalo na at kung ang pinagyayaman mo ay yung talentong ibinigay sayo nung nasa Itaas.

    tama ka eli, keep on believing🙂

    • nagpapasalamat nga ako eh kase natuto akong mangarap kung hindi siguro baka hindi ako nakakapag-blog ngayon.🙂 oo tama ka, determinasyon lang ang kailangan.

      malaki ang naitulong ng talent ko sa pag-aaral ko. at sa ngayon din sa work ko, napapakinabangan ko parin ito 😉. mabuti na lamang at napagkalooban ako ng isang talento. salamat kay Bro.

    • 🙂 tnx po. hehe nakakatuwa ring malaman na may nainspire paka sa kwentong hinalungkat ko sa aking lumang baul😉

    • hehe..salamat naman kung nainspire kayo. gusto ko nga sanang gawing masdetalyado yon bang tipong pang MMK pero wala kase time.🙂

  2. Awww nakakainspire naman ang kwento na ‘to Kuya. Thanks for inspiring us at salamat sa pagpromote ng contest nyahaha.

    Lahat ay nagsisimula sa pangarap, at walang imposible kung magtitiwala tayo sa Kanya.🙂

    • salamat din po sa pagbabasa🙂 ok lang yun walang anuman, basta mga blogfriends promote ko talaga activities nila dito sa blog ko.

      tama ka dun…kaya dapat ang bawat bata sa murang idad ay matuto nang mangarap. walang imposible kung magtitiwala tayo sa Kanya.

  3. parehas pala tayo ng laruan noong bata pa dahil naging laruan ko rin ang mga traktrakan na yan at sa ka baril barilan na akala mo e mga pulis kung bumaril..ang di ko lang naranasan ay yung mamastol ng kalabaw dahil wala kaming bukid noon…

    • ganun ba..ayos dahil alam kong dama mo rin kung gano kasaya laruin yon kahit papano.
      magsasaka kase yong tatay ko at malaking asset sa isang magsasaka ang kalabaw.
      sa bukid, kpag may kalabaw kang lima o mahigit, aba, astig ka na!😉

  4. naglue ako agad kuya(parang close naman na us)sa site mo…ang gaganda ng mga graphics at kapareho pala kitang… nagtratrabaho ako ngaun para matulungan ko ang mga magulang ko sa aking pag-aaral…

    walang pangarap,walang asenso…kaya mangarap tayo at ating tuparin ito…

    • oo sige close na tayo🙂 galing naman..at di ba ang sarap ng pakiramdam pagkatapos nun?

      oo tama ka jan kaya…let’s volt in!😉

  5. you have a beautiful life story, eli. i appreciate you decided to share it with us. everything in life usually starts in simple lines and dots. and you made yours really colorful. you breathe and live art.


    thanks, eli🙂 ang lamig nga! ang sayaaaaaaa!

  6. huhuhu, naiyak naman ako dito pareng eli, nakakabagbag damdamin ang iyon kwento na hindi naman sana ganun ang mararamdaman ko, affected lang siguro ako kasi nakakarelate ako.

    • ganun ba…haay, ang sarap sarap din ng pakiramdam kung pagkatapos ng matinding unos ay nakatayo ka parin diba. para sa akin, motivation ko ang pag-alala sa nakalipas. kapag may problema ako ngayon, iniisip ko lang ang pinagdaanan ko at lumalakas na ako at ready na uli sa bagong pakikibaka.🙂

  7. “Kapag napagdikit-dikit ko na, tatalian ko ito ng mahabang-mahaba upang sa ganun ay mapalipad ko ito ng matayog”

    eto pinaka maganda sinabi mo boss ely. pero minsan tandaan natin hindi lahat kayang pagsabay sabayin. pero lahat kayang itali tas isa isahing paliparin ng sunod sunod!😀

      • bakit ba dito kayo nagkwentuhan ha? hahaha joke lang.

        naku alam nyo sigurado naman akong bibigyan tayong lahat ng t-shirt ni otep h. si otep pa! naisip ko nga eh..bakit kaya hindi nagpa-sponsor sa kandidato si otep..palagay ko madaming willing na magbigay ng t-shirt kesa magpadyakpadyak pa sila. dito maiba-blog pa sila..kaya lang naisip ko rin, baka mawala yong mga mukha natin at mapalitan ng mukha ng kandidato (de design). wahaha🙂

        oo tama ka pareng dencio, minsan dapat isa-isa lang..di nakukuha sa apurahan ang pangarap. pero dapat ding siguraduhin na matibay ang tali kase baka makawala ito.

      • oo nga! baka bigyan tayo lahat ni otep ng shirt! atsaka bakit walang sponsor si otep? hm, hehe. ako pag nagpa kontes ako baka walang mag sponsor! hehe.

  8. Sana makasakay rin po ako sa likod ng kalabaw gaya mo. Alam niyo po bang pangarap ko noong bata pa ako na makasakay ako sa likod ng kalabaw? Kaso natupad lang iyon sa Luneta – sa istatwang kalabaw. Siguro kung makakapunta man ako sa mga probinsya hindi ako mag-aatubiling sumakay sa hayop na iyan. Hehehe. ^_^

    Nag-aarkitek ka na po ba?

    • hehe..dapat ma-try mo talaga kase masarap ding sumakay sa kalabaw. wag ka lang sumakay sa kalabaw na nagloloko at baka itakbo ka😦 piliin mo yong maamo at sanay sakyan.

      nag-arkitek? hindi parin eh. nalimutan ko na yta ng tuluyan. kase sa ngayon kung mag-aaral man ako, gusto ko sa IT programming saka 3d animation🙂

    • Aba at mukhang mkulay ang buhay m?trip k yang name m.naging close kc kmi ng mga acrylic paint nung mga panahon n 2matanggap ako ng artworks. Sige ibuhos m n ang ibat ibang kulay upang mkbuo tau ng bahaghari!

  9. uyy congrats kapatid makakabag bag damdamin naman pala ang istorya mo. At syempre ang kagandahan nun eh yung hindi mo pa rin nakakalimutan ang pagtulong sa iba sa pamamagitan ng talento mo. Kung nasan ka man ngayon sa pangarap na nais mong abutin…sana tuloy tuloy lang ang pag-usad. Wish you all the best bro at syempre…

    PEACE ON EARTH hihi.

    • salamat kapatid. ganun din sa iyo. sana ay matupad lahat ng pangarap mo at syempre, at syempre sana happy love life. para peaceful at makulay ang mundo mo

  10. Nice post naman😉

    Sabi nga ni Doraemon :
    “Parang pag-akyat ng bundok lang yan. Nasa baba ka palang pero tanaw mo na ang tuktok. Pero bago mo marating iyon, kailangan mo munang humakbang ng paisa paisa.”

    Wala talagang imposibleng pangarap sa taong desidido at nagsisikap..hehe!

    • huwoow! galing naman ng sinabi ni doraemon na yan.kaya paborito ko sya eh.

      oo tama ka dun kaya, keep on believing!

  11. napaka talimhaga ng mga salita sa entry na to kuya eli… hehehe…

    gayundin ang makabag bag damdaming kwento ng buhay mo kuya… hehe…
    😉

    gusto ko yung point na ang pangarap ay di natatapos hanggat nabubuhay maaring mangarap…😉

    • Ako rin natalinghagaan sa mga sinulat ko e.matalinghaga daw kase ang buhay!pero na enjoy ko sya.parang gusto ko na tuloy karirin ang pagsu2lat.🙂

  12. wownes, madami na pa lang natupad sa mga ginusto mo, alam mo nung nakagraduate na ko tsaka ko lang nalaman ang malaking halaga ng diploma, totoo palang magiiba na ang level mo after non… padaan lang…

  13. sa widgets

    piliin mo yung texto o text.. lagyan mo ng title,
    sa loob i paste mo to:

    viola!!!! meron ka ng damit sa kanang bahagi ng screen mo.

  14. makabagbag damdamin naman pala yung istorya sa likod ni eli. now i know!

    your story is a concrete evidence na “walang imposible sa taong nangangarap”. naks! goodluck sa lahat ng plano mo sa buhay. wish you all the best.

    ipadala mo kaya sa MMK ang story ng buhay mo. suggestion lang.

    btw, bukas na bukas ang pintuan ng munting bahay ko kung sakaling maisipan mong dumaan. *winks*

    ingat!

  15. Brother Eli…

    Nakarelate ako sa kwento mo… Pareho pala tayong salat sa buhay dati, at halos pareho rin nga mga pangarap…😀

    Tama nga ang quote dito, ang taong pinakamahirap ay ang taong walang pangarap…

    Sa patuloy nating pangangarap!!!

  16. uy astig ka! at yung quote mo panalo ulit. agree ako dun, “people who don’t have dreams, don’t have much” sabi din sa isang lumang quote. Click mo yung link dun sa name ko, its a video about a man na hindi sumuko. Watch mo lang pag may time ka. hehe

  17. wow…

    naniniwala talaga ako na walang imposible sa taong marunong mangarap…

    ang ganda ng pangarap mo…

    Nakakainspire…

    Nice one!

  18. Pingback: Libre Lang Mangarap! :)

  19. Pingback: LLM T-SHIRT LAST UPDATE « Libre Lang Mangarap! :)

  20. Dito lang ako jasön.sige samahan m kami magbonding ni busyok.uy metro manila kb? Jan ako sa tuesday,june 23.may launching ako ng photo album ko.nyahaha

  21. libre lang mangarap managinip ka habang gising..

    naririnig ko yan sa blogbahay ni master Otep

    galing ng pakulo nya no??? dami na anting nangangarap!!

  22. Pingback: LLM T-SHIRT MAKINIG KAYO! :) « Libre Lang Mangarap! :)

  23. yay! kuya eli, baka mag out na rin ako! nilalagnat kase ako! pahinga muna! nag spam lang ng comments kay hamster, stain at sa’yo! hehe.

    sorry sa mga di ko na napuntahan! masama kase ang pakiramdam ko! hehe.

  24. Pingback: We write to taste life twice, in the moment and in retrospect. « …ɐʍɐƃɐɯ ƃuoʞɐ ɐןɐʍ ɐs ɥǝ

  25. “Kailangan kong pagsamasamahin ang mga pangarap ko upang sa ganun ay mapagdikit-dikit ko ito. Kapag napagdikit-dikit ko na, tatalian ko ito ng mahabang-mahaba upang sa ganun ay mapalipad ko ito ng matayog na matayog na tulad ng isang saranggola.”

    Gusto ko tong sinabi mo, punong puno ng pag-asa, pero ramdam ko parin ang lungkot.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s