pantawid gutom

title: pantawid gutom/ medium: digital graphics

title: pantawid gutom/ medium: digital graphics

sa panahon natin ngayon, usong-uso na ang instant pantawid gutom. ‘yon bang bubuhusan mo nalang ng mainit na tubig at maiibsan na nito ang pagkalam ng sikmura.

.

.

——————–
pero hindi tungkol sa gutom ang i-share ko sa inyo ngayon.

minsan ay tinagawan ako ng isang kaibigan at nagtatanong tungkol sa mesh fill(a type of fill that lets you add patches of color to the inside of a selected object)  ng coreldraw. Nakita daw kase niya ito sa tools ng coreldraw ngunit hindi niya magamit.
Dahil dyan, gusto kong ibahagi sa inyo ang mga nasabi ko sa kanya upang sa ganun ay maibahagi ko rin sa inyo ang konte kong nalalaman (hindi pa ako ganun ka-expert dito nagkataon lang na may alam akong konte dito). Para sa mga nag-uumpisa palang sa paggamit ng software na ito at para sa mga interesadong matututo para sa inyo ito. bagaman, hindi step-by-step ang prosesong ipapakita ko sa inyo, layunin naman nito na higit nating maunawaan at malaman ang prinsipyo ng paggamit ng mesh fill para makalikha ng makatotohanang larawan. Paunawa: mahalaga na alam mo na ang basic ng coreldraw upang higit mong maunawaan ang tutorial na ito.

screen shoot 1

screen shoot 1

^ Ito ang ‘screen shoot’ habang ginagawa ko ang graphics na ito. medyo close up ang kuha para masmakita nyo ang mga effects nito. Matapos kulayan, ginamitan ito ng interactive mesh na siyang bumuhay at nagbigay ng 3d effect sa larawan.

wireframe view

wireframe view

^ Ito naman ang wireframe shoot. Mapapansin n’yo na ang bawat object (include lines, shapes, graphics, and text) ay binubuo lamang ng mga guhit o linya–mga guhit kase ang bumubuo sa vector graphics na tinatawag. Dahil ang coreldraw ay isang vector-base software, pwedeng ikaw mismo ang magdo-drawing ng  mga object para makabuo ng isang larawan. Challenging diba? Imagination at skill mo ang limitasyon nito kaya naman kailangan ang praktis. Pansinin ang guhit na bumubuo sa kutsara, noodles at pati sa lalagyan.

noodle with mesh

mesh on noodle

^Ipinapakita sa larawang ito ang mesh na nakalagay sa isang hibla ng noodle. Kung mapapansin nyo, ang mesh ay parang isang sapot – kaya nga tinawag na mesh toinkz!

mesh on spoon

mesh on spoon

^ Ganito naman ang itsura ng mesh na ginamit sa kutsara.
Ang mesh ay inilalagay matapos kulayan ang isang object (makikita ang detalye sa huling bahagi). Ang bawat hibla ng noodle, image ng kutsara at pati yong lalagyan at iba pang bagay na nasa larawan ay ginamitan ng mesh. Mabusisi ang proseso pero kapag na-enjoy mo, hindi ka maiinip bagkus ay malilibang ka.

Para higit ninyong maunawaan kung ano ang ‘mesh fill’ na tinatawag, suriin natin ang larawan sa ibaba:

watta mesh :-)

watta mesh🙂

a. may kulay na object matapos itong i-drowing
b. nilagyan ng mesh
c. ‘yan ang itsura matapos lagyan ng mesh. mapapansin na binuhay ng mesh ang kanina lamang ay ‘flat’ na object.

Maaaring makalikya ng  kakaibang effect kapag nilagyan ng mesh fill ang isang object. Halimbawa, maaari kang makagawa ng ‘magandang transisyon ng kulay sa alinmang direksyon na hindi gumagamit ng blends at contour .

Kapag nag-apply ka ng mesh, maaari mong baguhin ang bilang ng ‘columns at ‘rows sa grid at ang intersecting points ng grid na ito. pagkatapos lumikha ng mesh object, maaari mong I-edit ang mesh fill grid sa pamamagitan ng pagdagdag at pagtanggal ng nodes o intersections. Maaari ring tanggalin ang mesh. dapat ding tandaan na hindi maaaring baguhin ang kulay ng isang object kapag mayroon itong mesh.

Mahalaga ring tandaan ng maaari lamang  ilagay ang mesh fill sa mga saradong objects (kailangang sarado ang isang object para makulayan).

Maaaring magdagdag ng kulay sa patch ng mesh fill at sa indibidwal na intersection nodes. Maaari ring pumili at maghalo ng kulay para masmaganda ang blending ng mga kulay sa gagawing larawan.

pihitin ng konte... okay diba?

pihitin ng konte... okay diba?

O ayan, sa ngayon ay may idea na kayo tungkol sa mesh fill, subukan nyo rin. Masarap at kakaiba ang pakiramdam kapag nakakalikha ng isang larawan lalo na kung napapa-wow ang mga tumitingin dito.

.

.

.

Tulad ng mga ibon sa parang, iba-iba ng hugis ang kanilang mga tuka… may matulis, may malapad, may mahaba at may makitid. Ito ay para magamit nila sa kanikanilang sariling paraan para mabuhay –ang bawat pagkakaiba ay may dahilan.

[MORE TUTORIALS ]

may ipinasa nga palang isang panawagan si DAN sa akin. eto at ipapakita ko sa inyo.

poh

para sa iba pang impormasyon bisitahin ito http://modernpatadyong.i.ph/blogs/modernpatadyong/2009/05/28/paglaum/

.

.

gusto mo bang magkaroon ng limited edition ng LLM shirt? i-click mo ito.

56 thoughts on “pantawid gutom

    • ganun po ba? pwede ka mag-download ng trial version muna. at mag-start sa basic. anyway, madaming tutorial ang mahahanap sa web. kaya nga tinagalog ko para maiba naman. hehe🙂

    • salamat kabayan…🙂😉 try mo rin. practice lang yan saka kung hilig mo talaga matututunan mo.

      gob employee ako… at kapag sa pakiramdam ko masakit na sa ulo ang mga pressure at kung anu2 pang paikot ikot ng mga bagay-bagay sa upisina, nagpapahinga ako sa kandungan ng sining. drama ano? hehe

  1. Ang galing mo kuya eli…. Your work requires not only skills but talent as well. Without talent your artwork would not be as striking as it is. keep it up…..

  2. nako…medyo naguluhan ako. wala kasi akong corel at hindi ko pa siya nagagamit. is it possible to make that same image using adobe? hmmm…

    complicated pala ng paggawa ng ganung image.


    my friends are the main reasons why i miss school, pero ayoko na maging estudyante ulit! hehehe!

    • kung may adobe graphic suit ka try mo yong adobe illustrator, yon ang counter part ng coreldraw sa adobe. vector base din yun at illustrations software din na tulad ng coreldraw. gumagamit din ako ng illustrator dati kaso medyo dito ako mas komportable.

  3. gusto ko yang mga ganyang tutorial! hehe. natutuwa ako. nakakapraning pero kapag nagawa mo, aba! ayos yung feeling. yung binasa mo lang..! pero nagawa mo!

    sa ganyan ako natuto bumuo ng rubik’s cube!

    • paturo daw…astig mo din kaya sa graphics!😉

      sige kapag nakagawa ako. minsan trip-trip lang kaya nakakagawa ako eh. gusto ko ngang maglagay ng maraming tutorial kaso bihira ako makagawa.

      • iemail na nga sana kita ngayon e, formality ba. sir, may i ask your good office if i can have a good tutorial from you to be posted on my blog hehehehe

        sige na pre, uunahin ko muna yung sayo bago yung iba, sige na please please. kahit simple lang yung tipong 5 steps ba.

        uray anya nga drawing ditan mabalin.

        sigen manung

  4. natuwa ako sa image nung pinihit. Parang Dutch tilt sa photography. Wow, galing-galing! Nasaan na yung portfolio mo? hehehe. Hinahanapan kita ng raket eh. Hinahanap na sa akin ng friend ko hehehe.

    Salamat pala sa pagbanggit ng effort nina Dan. Sobrang na-touched ako sa ginawa nila. Gagawan ko pa nga lang yan ng blog entry eh.

    • oo tama ka. sa photography ko nga kinuha yong style na yun. malaki ang maitutulong ng kaalaman sa style sa photography sa computer graphics.

      tuwang tuwa din ako sa effort nilang ito. frend ko si dan at si tinay at nakikigulo din ako sa mga pakulo nila minsan.

      sana sa susunod makapag contribute ako ng artworks ko.

      yong portfolio, medyo nawala sa isip ko, hehe sige gagawa ako. hindi kase mga pambata yong gawa ko eh. pero try ko rin magsend sa iyo. salamat po.

  5. just amazing! at kahit basahin ko yata ito ng paulit-ulit eh di ko kakayaning makagawa ng ganyan. hehehe! but seriously, i really want to learn corel or photoshop… di ako marunong, ganyan ako ka low-tech. hehehe!

    thanks for sharing this. it’s always nice to visit here.

    • siguro madanga kung mag-start ka muna sa basic. madaming tutorial na mahahanap sa web mula sa pinaka-basic hanggang sa pinaka-complex na gamit ng software na ito.

      salamat po at i-try ko rin maglagay dito ng basic tutorial. mag-start siguro ako sa basic shapes. abangan nalang po.hehe🙂

    • magagawa mo basta gugustuhin mo. basta start ka sa basic.

      una mag-experiment ka muna sa basic shapes at i-try mong i-modify ang mga ito ng unti-unti.
      nxt time maglalagay ako ng basic tutorial.🙂 ACTUALLY, isa ito sa layuning ng paglalagay ko ng blog..medyo nawala lang ako sa focus. hehe😦

    • i don’t want to compare these two software because they are different–i mean they have different functions. coreldraw is an illustration software while photoshop is a photo editing software. understanding their uses/functions would help us a lot to understand their capabilities.😉

  6. waa! hanggang photoshop pa lang ang kaya kong pag-aralan. parang mashado ng complicated ang corel draw at baka ma-mesh up (mess up) nito ang buhay. aheks! pero ang galing mo talga parekoy. elibs na naman ako sayo🙂

  7. wah photoshop at editing lang ang kaya ko sana makagawa rin ako ng ganito..
    dami ko naiisip na subject hehe..mapag aralan nga kaso problema ko kung pwede xa i install dito sa pc ko..na ka block kasi badtrip hehe..

    • 🙂 sige para gawa ka rin para kpag nagawa mo pakita mo rin sa amin pero bakit nakablock?😦 sayang naman?

      lapit ka nalang sa mga may alam kung pano solusyonan ang problema mo para sa ganun magawa mo na ang mga naiisip mong gawin. ok ba?😉

  8. hi! I always thought madali lang aralin ang photoshop at corel. Ate at kuya ko kasi ay yan ang work. web designers. pero kulang ang knowledge. dpt meron talent at dpat creative! kainnget ka naman!

    • chyng, ang isang graphics software ay maihahalintulad sa isang lapis. i-try mong bigyan ng tig-iisang lapis ang dalawang bata at mapapansin mong magkaiba ang magagawa nila sa parehong lapis. parang ganun, depende sa hilig at siguro sa motivation narin. galing naman pala ng mga kapatid mo… baka pwde mag-sideline sa kanila. hhe🙂

  9. wow.. super advocate ka din pala ng Pens of Hope. Keep it up!😉

    anyway, yang graphics achuchu na yan napakatagal ko na gusto pag-aralan.. kaso naman andami na nakalinya sa kin di ko na alam uunahin hehe. question lang, lahat ba ng magaling sa graphics magaling din magdraw using the traditional media like pens, pencils, crayons, paint, etc etc.. ?🙂

  10. waw..kakainggit naman..ako kasi talagang mahilig sa graphic arts pero walang time para makapagaral ng mga imaging softwares gaya ng Photoshop at Corel.. so patingin tingin na lang muna ako sa gawa ng iba..😀

  11. Ka Eli, mejo sinusubukan ko ngayon ang Pentool sa Adobe para makagawa ng vector, pero dapat nga yata i-praktis ko muna ang PASENSYA ko. Haysss… ang hirap! Kaka inggit ang skill at talent mo. ANG DAYA! Hehe GodBless Ka Eli! Thanks!

  12. gusto kong gastusin yun75 pesos ko gayo pambili ng mga ballpen. at ibibigay ko sa mga bata
    para sabay sabay silang guguhit ng kanilang mga pangarap gamit
    ang permanenteng tinta

    • permanent talaga ha… sabagay ok yan. para hindi madaling mabutra at upang hindi nila makalimutan ang mgapangarap nila.🙂

    • oo maganda ito.malaking advantage kong marunong ka o mahilig magdrawing. kase yon ang magiging foundation mo kpag naggawa ka na ng graphics. bili ka ng tablet ah. hehe ako mouse lang gamit ko muna at dipa nakahawak ng tablet na yun.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s