bak 2 skul

Si Elyong, nagpapakuha ng school ID.

Si Elyong, nagpapakuha ng school ID.

Ngayon ko lang DIN nadiskubre, si Elyong pala ay kaapuapuhan sa tuhod ni Crisostomo Ibarra at ni Maria Clara.πŸ˜‰ !
Syempre, imbento lang yan.! Seykreyt lang to ha walang sumbungan sa NHI.πŸ™‚


Ito (raw) ang mga good news ngayong pasukan:

  • WALA na raw kakulangan sa classroom, libro, at maging sa teachers ngayong school year 2008-09.
  • Hindi raw katulad sa mga nakaraang school year na sa unang araw pa lamang ng pasukan ay marami na agad reklamo kagaya ng pagsisiksikan sa classroom, kawalan ng libro at kakulangan ng mga guro.
  • Maayos na raw ang mga silid aralan, silya, pisara at pati comport rooms.
  • Patuloy din ang feeding program ng DepEd para sa mga batang katulad ni elyong.

Mga tanong ngayong pasukan:

  • Wala na kayang magdadaos ng klase sa hallway o kaya ay sa ilalim ng mga puno?
  • Mabasa pa kaya ni elyong ang mga gutay-gutay na libro na ipapasa sa kanya?
  • Nagkaroon na ba ng correction ang mga textbooks na noon pang nakaraang taon inirereklamo dahil sa mga maling impormasyong nakasulat dito?
  • Matigil na kaya ang mga illegal na collection na karaΒ¬niwang nirereklamo ng mga magulang kapag ini-eenroll ang kanilang mga anak?
  • Anong school supplies kaya ang dapat bilhin ang walang masamang epekto sa kalusugan pero hindi masakit sa bulsa?”
  • Ilang bata nanaman kaya ang matitigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan?
  • Ilang pangarap kaya ang guguho sa pasukang ito?
  • Ilang batang musmos na tulad ni elyong pa kaya ang makakapanuod ng sex video ni doc hayden at katrina at kung sinu-sino pa? (libre lang nilang mapapanood ito sa mga internet cafΓ©, mp4 o kaya ay cellphone ni kuya! Tsk..tsk..? wag ganun!)

——————-

Si busyok
Gusto ring mag-aral nitong si busyok ngunit ayaw itong tanggapin sa eskwela. Nakiusap pa ako sa principal na kung pwede ay tanggapin na siya kahit na SALING PUSA lamang. Lalong nagalit ang principal, pano daw magsasaling pusa ang isang KALABAW?!
Nakilala ninyo si busyok bilang isang kalabaw na pa-sosyal at sunod sa uso. Ngayon, ayaw na raw nitong magmukhang kalabaw kaya naman naisipan nitong patulan narin pati ang aesthetic surgery. Sa katunayan, kinuhana ko sya ng picture bago at matapos ang operasyon

busyok noon, busyok ngayon.

busyok noon, busyok ngayon.

.

.

.
Nung nag-aaral ako pansinin at sikatΒ  β€˜yong mga kaklase kong may mga notebook na lotus o kaya ay catleya ang tatak. Pero ngayon, palagay ko hindi narin pansinin ang mga ito. asa ka pa! pero kung gusto mo talagang mapansin at sumikat sa klase, kapag bumili ka ng notebook yong may tatak na acer, asus, dell, hp, o kaya ay apple.πŸ˜‰

hindi pala sapat na magkaroon lang ng pangarap. dapat pala kapag nangarap ka, kabitan mo rin ito ng mga pakpak upang makalipad ito at madala ka sa buhay na pinapangarap mo

.

.

.

tulungan natin ang mga batang kapos palad na iguhit ang kanilang kinabukasan… i-click lamang po ito.

[BACK TO HOMEPAGE]

82 thoughts on “bak 2 skul

  1. hindi pala sapat na magkaroon lang ng pangarap. dapat pala kapag nangarap ka, kabitan mo rin ito ng mga pakpak upang makalipad ito at madala ka sa buhay na pinapangarap mo-HAYLABIT!

  2. nice post! nung nag aaral ako, simple lang ang buhay estudyante. hindi naman kapos sa libro at silya ang eskwelahan namin. siguro swerte dahil sa siyudad. sana wala ng bubong na tumutulo. wala ng kulang na libro. wala ng silyang sira. wala ng pisarang kalahati na lang. wala ng estudyanteng magugutom dahil walang pera.

    making a difference, i like it! nice blog!

    • maswerte ka nga..alam mo ba sa mga liblib na lugar, ang mga librong pinagpapasapasahan halos hindi na mabasa sa sobrang kalumaan. bagaman may mga maaayos na klasrums, kulang naman ang mga ito at sa iba naman, wala talagang room.😦

  3. Marami ng pinagbago ang estudyante noon at ngayon. Marami na ring hi-tech na tinuturo sa school. Gone are the days na super basa rin ang estudyante para matuto. Web-surfing, surfing na lang. ^_^

    • hahaha..oo nga. pero sa mga nasa syudad lang yan. yong mga bata sa liblib na lugar siguro hindi pa alam kung ano ang itsura ng tinatawag na internet at kung alam man nila malamang walang access ang mga ito.πŸ˜‰

  4. i love the graphics..yeah yeah yeah

    natatandaan mo ba nung elemntary days may mga kung ano anong mga ticket na binebenta sa ating mga estudyante- BSP/GSP, DSWD ticket, Red cross, Xmas raffles, yung nagbebenta ng ensayklopedya kuno, mga lahar products, mga nagsosolicit, nanlilimus, at pati test paper ni madam; lahat yan pinababayaran or binebenta sa mg kawawang estudyante na kahit pambili lang ng santol o karamay na may sili sa canteen wala pang pambili..tsk tsk tsk..

    • tama ka sa lahat ng sinabi mo. mga babayaring para ka lang bumili ng hangin dahil di naman pinapakinabangan ng estudyante ang binabayaran nila.

      uy nabanggit mo yong karamay..masarap yun ah.

  5. sana nga totoo lahat ng iyan. nakakaawa kase ang mga mag-aaral ng public schools. mga pulitiko kase inuuna pamumulitika e. hindi bigyan ng pansin ang problema lalo na sa edukasyon.

    • oo tama ka..lahat naman tayo alam natin ang sagot… pero masakit at mahirap tanggapin ang katotohanan. mapapabuntunghininga ka nalang sabay “hay…buhay..”😦

  6. Naku back to school na nga po! Huhu.. Hindi ko rin ma-imagine kung anong mangyayari sa akin. Galing din po ako sa pampublikong paaralan noong elementarya kaya naiintindihan ko talaga ang mga pangangailangan ng mga estudyante. Mabuti lang ay nabibiyayaan kami ng kaunti dito sa lungsod ng Makati.

    Natawa ako dun sa last part po. Yung notebook na may tatak na Acer, Dell, etc. Huhu.. Na-pressure tuloy ako. Kailangan ko na rin siguro talaga makabili ng ganyang notebook.

    • wow..taga makati ka pala, maligaya..maunlad… yan ang makati! hehe nakigaya lang po sa ad.

      aba e bumili kana kase. ako rin eh, gusto kong makabili ng notebook na ganyan, kaso sobrang mahal. dipa kaya ng powers ko.πŸ™‚

  7. [Nagkaroon na ba ng correction ang mga textbooks na noon pang nakaraang taon inirereklamo dahil sa mga maling impormasyong nakasulat dito?]

    i was really shocked na yung libro namin sa history nung HS ay may mga errors. paborito ko pa naman din yung Araling Panlipunan nun. hehe! as in karir! hehe!


    salamat, parekoy!πŸ™‚

    • sana eh mawala na ang mga maling libro na yan..baka kase pagtanda nila, madala nila ang mga maling info–pano sila mananalo sa pa-contest na KAKASA KABA SA GRADE 5!kung mali ang natutunan nila!
      hehe
      ganun ba? naku pareho pala tayo ng paboritong subject.

  8. Nakakaaliw ang post na ito kapatid… naalala ko tuloy ang student life ko, kahit mahirap meron rin namang excitement na dala…πŸ˜€

    kasama mo ako sa panawagang lumahok sa mga gawaing makabuluhan para sa mga bata…

    oy, nakigaya pala ako sa theme mo… hehe…

    • oo nga. ako rin nung bata, sirasira ang bag ko eh. tapos nung grade 3 kami…naka-share kami sa room ng grade 4. isa lang din ang teacher namin. para itong doble kara na pupunta sa grade 3 mamya nasa grade 4. totoo to walang biro. pero nung grade 4 na, nag transfer ako sa isang masmalaki pero pribadong skul parin. alam mo nakatulong sa akin yong isama kami sa grade 4. kase alam ko na ang tinuturo nung titser. hehe

      maganda ang layunin mo..sana makagawa tayo ng isang website tungkol lang sa mga itinataguyod nating programa o adbokasiya. (gud ideya yta yun ah)

    • sa totoo lang lungkot lang naman ang kaya natin. di naman natin kayang baguhin ang buong sistema. siguro paisaisa kaya nating tumulong..pero ang buong sistema nandyan lang yan.😦

      thanks po sa pagdalaw.

  9. aheks! parang familiar sa kin yung last statement mo ah. kabitan ng pakpak ang pangarap upang madala ka sa gusto mong marating. parang nakita ko yan dun sa komento mo sa post ko. ahaha! ayan… dapat lagi tyong positive. sa kabi-kabilang delubyo sa ating buhay na sinabayan pa ng swine flu, dapat positive pa rinπŸ™‚

    hindi ako naniniwalang nasolusyunan na ang problema sa mga paaralan. maaaring doon lang sa mga madaling maabot ng politika. pero pano na lang ang mga nasa sulok ng Pilipinas. i’m sure marami pa rin ang walang maayos na eskuwelahang papasukan.

    • ganun ba? oo naalala ko nga..sinulat ko nga pala sa comment ko sa yo yan. eh ano na, may pakpak naba? grabe nga, swine flu namay hayden flu pa (hehe)!

      oo tama yun, sa mga lugar na madali lang abutin at inaabot ng pudlisidad pero sa mga lugar na halos hindi maabot ng kuryente… ng signal ng cp ang solusyon sa problema na yan ay hirap ding makaabot.

      • papatubo pa lang ang pakpak ng mga pangarap ko. ang tagal nga maging ganap na “wings”. hehehe! lintek sa hanep si hayden. sa kabila ng maamong mukha ay isang nilalang na may sungay pala. a devil in disguise. sana tamaan siya ng swine flu (oopss, masama pala yun… churi po Bro)

        may swine flu na rin dito sa singapore, 3 cases na. ingat po tayong lahat…

    • eh malapit na yan..ilang sandali lang at lilipad kana sa pamamagitang ng mga pakpak moπŸ™‚ aba, at bigla ka yta nag highblood ngayon..ang puso mo! hehe

      meron na pala jan, ingat ingat po.

  10. “Ngayon ko lang DIN nadiskubre, si Elyong pala ay kaapuapuhan sa tuhod ni Crisostomo Ibarra at ni Maria Clara. ”

    ume-imbento ka na rin? parang Good Times Manila? hehe

    yow waapu parekkoy! hehe

    • parang libro lang yan na ipinamimigay ng DepEd, MALI ANG NAKASULAT NA INFO”! hehe

      salamat parekoy, at congratz sa pagka-nominate sa 10 inFLUential bloggers!

  11. wow namiss ko ang alma matter ko hehe..
    oo nga bakit dati payabangan sa mga magagandang gamit..ako pampalengke ang gamit pero ayus naman dahil dami ko natutunan kesa sa mga klasmeyts ko na maganda nga ang notebook wala naman laman..heheh wala lang kuya na share ko lang..

    lalagyan ko rin ng pakpak pa ang mga pangarap ko para mas lalo kong makamit un..
    thanks kuya…

    hindi malalaman ni NHI ang sinasabi mo hehe..may blog na ba nung panahon nila heeh..

    • oo tama yun.wala naman talaga sa ganda ng gamit pangeskwela yan eh nsa estudyante rin. kahit lumang notebuk lang kung mag-aaral kang mabuti daig mo ang mga may bagong notebook na tamad naman mag-aral.πŸ™‚

      sige, at kapag nakarating ka balitaan mo ako ha.

      naku kung may internet na noon, baka number 1 sa influential blogger ang blog ni Gat. J.R.πŸ™‚ kung blog nya yong NOLI!

  12. ang kyut2 ng blog mo. aliw ako sa mga nakikita ko. pero mejo busy lang po ngayon. maya-maya babalik ako at kakalkalin ang blog mo.πŸ˜‰

    salamat sa pagdaan sa aking bahay.πŸ™‚

    add na kita sa blogroll.πŸ™‚

  13. Oo nga pala Eli pasukan na. Maaga na naman akong gigising nito para sa aking dalawang estudyante.
    Totoo sana ang mga pangakong pagbabago ng DepEd, gaya ng nasolusyonan na kukulangan sa libro, silid-aralan, silya, at maski na guro.
    Mabuti na lang noon kapanahunan ko hindi kami gaano siksikan sa loob ng public school na pinapasukan ko.

    nga pala…salamat sa pagdalaw mo sa site ko habang ako ay nakaratay sa banig ng karamdaman (hehe). salamat sa pag-alala. Kabait na bata nireng si Eli.πŸ™‚

    • tama poπŸ™‚ na-add ko narin po kayo.
      in per nes naman po sa kanila, makikita rin naman natin ang pagsisikap nila. at salamat sa mga pagbabagong ito.

      mabuti naman po at ok na kayo. hehe.. inborn po yta ang kabaitan ko…hahaha tnx

  14. hindi pala sapat na magkaroon lang ng pangarap. dapat pala kapag nangarap ka, kabitan mo rin ito ng mga pakpak upang makalipad ito at madala ka sa buhay na pinapangarap mo
    ====> very nice statement indeed!

    nung nag-aaral pa ako, di importante sa akin ang magagandang notebook. ang ginagawa ko eh iniipon ko ang mga unused leaves ng lumang notebook ko at tinatahi ko para makabuo uli ng notebook. yan ang maliit kong tulong sa mga magulang ko para makamenos ng gastos.

    pero tama ka, ang mga kabataan ngayon, iba na ang tatak ng notebook… napaka-hitech na nila!

    i soooo love your graphics. ang galing ng pagkakagawa.

    • napansin ko kaseng kailangang makalipad ang pangarap…kpag maglalakad lang kase, baka malte ng dating.. jowk!

      naku ang ganda nung ginagawa mo. ambait!πŸ™‚ ako rin nun may mga notebook akong tinahi galing sa mga lumang notebook na may mga dahon pang hindi nasulatan.

      salamat po sa pagdalaw.πŸ™‚

  15. mahirap kabitan ng pakpak kung talgang madaming gustong pumutol tulad ng pangaabuso sa bata, ang pondo para sa pagpapaganda ng skul kinukurakot, madaming disgrasya sa daan at di napprotekhan ang mga bata, etc, etc.

    kawawa naman ang mga batang nabibiktima bossing!

    • aba at ambilis maglakbay ng imagination mo. parang movie scene ah..yong batang may pangarap ang bida at binahabol ng mga monster na problema habang aktong papalipad itoπŸ™‚

  16. ang swerte ko pala, kasi kahit sa pampublikong paaralan ako nagaral e hindi ko nasubukang makipagsiksikan sa kwarto, bagamat luma, hindi kulang ang libro namin, hindi kame nagkaklase sa hallway… ang laki ng pagkakaiba ng paaralan namen kumpara sa ibang mga kagaya nito… kaya naman…

    Viva… STA. MARIA ELEMENTARY SCHOOL
    Sta. Maria, Licab, Nueva Ecija

    • oo nga! sa totoo lang, kung madaming napapabalitang ganyang hindi naman ibig sabihin lahat na sa public school ganyan ang sitwasyon. mayroon din namang mga magagandang eskwelahan tayo.

      yeahh! viva novo ecijano. taga licab ka pala. batang novo ecijano rin ako.

  17. hehehe… kulit post. astig ang transformation ni busyok. sana nga magiging maayos ang pagpasok ng school year na ito para naman may nangyayari sa mga proyekto. tama, hindi tama ang mangarap lang dapat gawin at galingan din ito.

    • oo nga dong. saka may plano kase akong gawin kay busyok kaya medyo ne revise ko sya. mahirap i-drawing yong dati eh. hehe…kaya sa susunod na labas ni busyok, bago na talaga sya.

  18. Hay naku, ang ganda talaga ng mga kaisipanmo Ka Eli…Sana may matamaan dyan. AAAGgggghhh!!

    Tuloy kaya natin ang Digital Arts Niche mo Ka Eli? Isama natin si Jake F. Ilac. Sya ay webmaster, bahala sya sa templeto ng site.

  19. medyo mahal na ang mag-aral ngayon di tulad noon na kayang kaya pa ng ating mga magulang.. ang laman ng bag ay notebook, libro at panulat pero ngayon iba na.. may nadagdag.. celphone, ipod at iba pang teki gadgetsπŸ™‚

  20. una sa lahat bago mahuli eh salamat po sa pagdalaw sa bahay ko…sana eh nabusog kayo sa mga libreng pakain ko don na para lang mga libreng pakain sa skewalahan! hihihi

    public school din ako nag elementary kaya yung iba sa mga tanong mo eh naranasan ko…tulad ng sharing ng libro na sobrang luma na..kung ano anong contribution na sinisingil ng teacher at isa pa eh ang pagtitinda sa loob ng classroom instead na magklase,hehehe naman

    hay..ilan pa nga kayang bata ang hindi mabibigyang katuparan ang pangarap na makapag aral…ilang bata pa ang magtitiis at magpapakahirap ng sobra makatapos lang ng pag aaral…ilang bata pa??

    bow!

    ang galing ng mga graphics mo…saludo ako taas pa ang kamay at paa pati na ang tenga! pwamis!

    • oo nga..daming fud sa bahay mo..babalikan ko yunπŸ™‚ ako nun ipinaubaya ko nalang sa ka-share ko yong libro..para kpag diko nagawa yong assignment ko sasabihin ko ta titser, eh mam wala po akong libro eh.. heheπŸ˜‰ naku at ang dami mo ring tanong…pero saka na natin sagutin yan😦 tnxπŸ™‚

  21. Ironic, pero palagay ko swerte din ang mga estudyante na nararanasan ang hirap makapg-aral khit bata pa. Maagang ma-aappreciate ang halaga ng buhay.

    And admit it, their victories are the sweetest in the end! Cheers!

    • oo tama ka rin dun. minsan yong hirap e parang apoy na nagpapainit sa damdamin para mangarap ng masmatayog..yon bang pangarapin mo lang na maalis ka sa ganung sitwasyon sa murang idad palagay ko malaking bagay na yun.

      tama uli! parang pag-akyat sa bundok, masproud ka kapag masmamataas at masmahirap ang pinagdaanan mo bago mo ito naakya.

  22. hahaha… talagang may subtitle na ilocano…

    nwei, one thing for sure, di pa rin maalis sa ibang skuls ang mga listahang nabanggit mo… cguro may iba na mataas ang morale ng skul but for sure meron ding walang morale esp sa mga public skuls…

    sna mapalitan na din ang reputation na yun ng public… hehe

    • oo nga eh..πŸ™‚ oo nga at hindi pa talaga kayang iwasan ang mga yan sa ngayon at ewan lang din natin kung kailan at hanggang kailan maso-solve ang mga iyan.

    • yun ang maganda kpag nasa sa elementarya ka palang..wala pang wala pang masyadong maraming iniintindi at puro laro pa lang ang mga nasa isip natin.

      at bakit mo naman babalikan ang dramang yun?

    • oo babaguhin mo na. may pakulo kase akong naisip at palagay ko mas magiging epektive sya sa ganung itsura.

      hehe..hindi naman..teka diko pa naisip yan eh. yong name palang ng lolo nya naisip ko.πŸ™‚ pero magandang i-consider na name nya yan.

  23. seriously, hindi nagiging maganda ang quality education sa Pinas. Pasukan na naman, malakas ang ulan…hays… the youth is the future, pero it’s very disappointing na parang hindi sapat yung attention sa kanila…just my ywo cents..hehe!

    great artworks once again but with a cause… God bless!

    • oo nga at yan ang isa sa matinding bumubalot na problema. haaay… pano pa sila magiging pag-asa kung wala silang naabutang pag-asa?😦

      tnx ron.

  24. Ang dami ng pagbabago sa edukasyon nuon at ngayon. Sa paraan ng pagtuturo, sa mga attitude ng mga bata etc. Sa ngayon ang mga bata ay mas namomotivate kapag merong kaharap na mga computers, mga graphgics etc. Mas maikli ang attention span ng mga bata ngayon. Ngunit nakakalungkot dahil hindi lahat ng school ay ma afford na makabili ng mga computers, OHP,etc… Pero ito ang isang malaking challenge sa mga guro ngayon…..

    • oo nga..may punto ka jan bro. sana nga, abuti ng pagbabago ang kasuluksulukang mga pook para sa ganun ay makatikim din sila ng haytek.πŸ™‚

  25. Uyy ngayon ko lang nalaman grade 4 pala si elyong. Saka bakait naman parang naging kikay si Busyok after the surgery? bading na ba sya? wahaha

    Kapapanood ko pa lang ng news nung nakaraang araw. may isang classromm sa grade 1 na umabot na nga ng 90 ang mga estudyante. Sa isang upuan nga dalawa ang nagshe-share na estudyante. Alangya. Kelan pa kaya gaganda ang takbo ng edukasyon para sa mga mahihirap sa tin tsk tsk.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s