ALSUNG

Pambayo ng palay is compose of “husong” [wooden mortar] and “ahu” (pestle) are used to unhusk the rice grain.


Pambayo ng palay …marahil ay higit na popular ang kagamitang ito sa mga laking probinsya na katulad ko–nasubukan ko ngang gumamit nito nung bata ako eh.

Isa ang bagay na ito sa listahan ng mga kagamitang pinoy na masasabi nating nawawala o nalilimot na. Sa ilocano, ang tawag namin sa bayuhan ay ‘ALSUNG’ at ang dalawang kahoy naman na ginagamit na pambayo at “AL-U”.

Kapag nagbayo ka ng palay gamit ito, hindi mo na kailangang pumunta ng gym at magbayad para pagpawisan ka. Dahil siguradong tatagaktak ang pawis mo dito. Oh diba? Nakapag exercise kana, nakatulong ka pa sa pag-save ng gas at kuryente! (Re-post po ito)

.

.

:-) ;-) ————-

sa pamamasyal ko sa blogosphere may nakita akong isang pa-contest. ito ang Top 10 Emerging Influential Blogs for 2009 Writing Project ni Ms.Janette Toral.

Dahil dyan, naisip kong pumili rin ng Top 10 ko para mai-nominate. at syempre hindi na ako lumayo pa. pumili na lamang ako sa aking links dahil sa naniniwala akong may kalidad at nakita ko ang kanikanilang identity sa pamamagitan ng kanilag blogs.

narito ang napili kong sampo (10):

1. Miss N’s nortehanon

2. hisnameisdencios

3. roneilberania

4. joycee

5.  flamindevil

6. monzavenue

7. SANDI J. MARTIN

8.  emilayskie

9. millionaireacts.com
9. kelvinonian

———————–

may pa-contest na rin pala si pareng otep. sali kayo kung gusto nyong magkaroon ng t-shirt na ‘to!

LLM SHIRT BY OTEP

LLM SHIRT BY OTEP

JOIN NA! KUNG INETERASADO KA…I-CLICK LAN PO ITO PARA MALAMAN ANG IBA PANG IMPORMASYON!

.

———————–

SI JOYCEE AY MAY PA-CONTEST DIN.  at kailangan nyong sumali dahil bonggang bongga ang MGA PREMYO dito.

sali na! para malaman ang mga detalye, pasyal lang kayo dito http://joyceish.com/?p=1380

.

.

BACK TO HOMEPAGE

{TRANSLATE IT}

About these ads

92 thoughts on “ALSUNG

  1. meron sa bahay dati ng lola ko yung di ko lam kung anu yun at para saan ee pero kinakabit daw dun yung kalabaw saka palalakarin ng paikot dun..

    • ha? iba yata yun. :-) parang may alam akong ganun..yong paikot-ikot yong kalabaw…teka diko mare-call ang tawag dun eh.

  2. Huwaw parekoy maraming salamat doon.. may identity na pala ako.. nyaahahaha.. apir* :D

    btw, ako pangarap kong makapunta sa banaue tapos doon ko itatry yung pagbabayo.. dami kasing palay dun hehehe..

    teka, bakit pala kailangan bayuhin yung palay.. dinudurog?

    pag nadurog anong ginagawa?

    parang harina?

    na curious ako dun ha.

    • alam mo kase..kapag tungkol sa pangarap ang usapan lagi kung naaalala yong LLM mo. at siguro masasabi kong isang legacy mo yun. :-)

      oo sige punta ka..at kung pupunta ka, daanan mo ako ha. :-)

      bakit ba binabayo? para po maalis yong balat ng palay at upang maging bigas ito.

      kung walang hilingan, pwde ring bayuhin dito ang nababad sa tubig na bigas o malagkit para madurog ito ng pinio o maging “galapong” (ito yong pinong pinoy na parang harina). pwede ring bayuhin dito yong nilagang kamoteng kahoy. pero mas common na gamit nito ang pagbabayo ng palay.

      okay na? hehe ;-)

      • taga saan ka ba parekoy?

        bandang mountain province?

        teka parekoy, e kung yung pagbabayo ng palay e para maging bigas edi nadurog po yung bigas?

        wow dami ko agad natutuhan ha. astig talaga :D

      • novo ecijano ako pero nandito ako sa nueva vizcaya parekoy. madadaanan mo ito kung pupunta ka ng ifugao. hehe

        hindi naman masyadong malakas ang pagpabayo, yong tama lang ang lakas para mabalatan ang bigas. basta may processo yong design ng pambayo na tamang tamang mabalatan lang yong palay. yong mga magagaling magbayo, alam na alam nila ang tamang bigat para sa ganun ay buong buo ang bigas na mababayo nila.

        masarap ang bigas na binayo kumpara sa bigas na galing sa kiskisan o kono. hindi kase masyadong malalim ang pagkaalis ng balat nito at kaya nananatili yong parte nito na kung saan ay nakakapit pa ang mga mahahalaga at masustansyang bahagi ng bigas.

      • HUwaw ganun pala yun.

        parang gusto ko tuloy kumain ng kain mula sa binayo na bigay.

        sabagay parekoy hindi na ako magtataka kung maalam ka sa bagay na yan.

        pagkakaalam ko kasi ang Nueva Ecija ay ang may pinakamalaking taniman ng bigas sa buong pilipinas kaya ganun.

        hehehee

        kailan kaya ako magagawi sa part na ‘yan.

        sasama ko ‘yan sa pangarap kong puntahan :)

      • oo tama ka jan. nueva ecija ang bayan ng mga magsasaka ng palay. hehe

        medyo mamula mula ang bigas na nabayo, hindi kasing puti ng mga pangkaraniwang nakikita sa palengke.

        saang sulok kba ng pilipinas parekoy? hehe

        oo sige, sabi mo nga LIBRE LANG MANGARAP. siguro tatawagin na kitang PAMBANSANG PANGARAP! ;-) Gusto ko kase yong mensahe sa t-shirt mo. bigyan mo kaya ako ng isa! hahaha

  3. wow, salamat, salamat, salamat! talaga naman, natouched ako dito! salamat, Eli!

    wala na akong masabi kundi salamat. may sasabihin dapat ako tungkol sa alsung pero nalimutan. salamat talaga.ü God bless!

  4. “Alsung” pala tawag sa Ilokano ng Pambayo..noong bata ako dami nyang dito sa amin, ngayon, wala na akong makita.. simpleng pamumuhay!

    Kongrats po sa lahat ng nominees! Keep it up po!

    • oo nga po. nauso na kasi ang mga cono kaya ayun..ayaw nang magbayo ng mga tao. nakakapagod nga naman kase.

      oo kase may bangis ang mga blog na yan! kaya ni-nominate ko. kaso diko namansin na ang dapat lang palang i-nominate ay nagsimula lang sa pagba-blog noong may 2008. :-) at dahil dyan may mga nainominate akong medyo hindi pasok sa date na coverage ng contest. sayang! :-(

  5. ginagamit namin yan pangbayo ng tinapay… yung mga luma,
    na nilalagay sa sapanish bread..

    naalala ko lang yung lumang bakery namin na wala na.. hehe

  6. ei ka eli, musta na si ikaw ? tagal mo rin medyo nawala, saan ka ba galing at ngayon ka lang sumulpot? yung pambayo mo e nagamit ko rin yan sempre laki ba naman sa bukid…

    • ayos naman… medyo nag-isip isip lang ng konte sa tabi-tabi. at eto, bumabalik para ipagpatuloy ang pagpapakita ng mga pinoy na pinoy graphics. naisip ko nga eh..mukhang hindi bagay ang pangalang BLOGRAPHICS sa blog ko. pero ayaw ko nang magpalit o lumipat. mahirap na uli mag-umpisa. basta don’t judge the blog by its title nalang. hahaha

  7. kasama ako sa emerging blogs mo boss eli? salamat :)
    neweys yung alsung meron kame nyan sa bicol. medyo malaki at luma nga lang.
    parang isang post na lahat ng sasabhin mo a.
    lately parang masyado kang busy boss eli? chill ka lang ha :)

    • oo naman, at diko na pinag-isipan yan! alam ko kase na dapat mapabilang ka dun sa mga ibang bloggers na pagpipilian mula sa ibang nag-mominate.

      pinili ko lang manahimik nun..nag-isip isip pero nandito rin ako at laging nagbubukas ng mga blogs nyo. ewan ko ba kung anong dumapo sa akin nung mga nakaraaang araw? ;-)

  8. Wow! This is my second nomination. Maraming, maraming, maraming salamat, kapatid! Sa mga pa-contest na ganito, alam ko naman na mas maraming ibang blog ang mas maraming bisita, mas nakaaangat, at mas deserving kaysa sa blog ko. ‘Yan ang dahilan kung bakit hindi ako mahilig sumali sa mga ganitong contest hehehe. What really warms my heart is the fact na naalala ng kapwa ko blogger ang aking blog. And that is more than enough recognition than winning the contest.

    The graphics you made actually made me teary-eyed. I grew up in a very poor family. When my father was still training for work in a government office, walang source of income ang family namin. Gumawa kami ng nanay ko ng mga kakanin. Hindi pa uso ang de-kuryenteng gilingan noon and we also don’t have a manual gilingan. Ang ginagawa namin ng nanay ko was ibabad ang rice in the morning then pagdating ko sa hapon, ilalagay namin dyan sa “lusong” (pestle) and we would pound it with a “bayo” (wooden mortar). Inaabot kami hanggang gabi sa paggawa ng kakanin which I would sell in the morning on my way to school at ipakikilagay din namin sa ibang tindahan. I was only 6 years old then, sa maniwala ka’t sa hindi. I will never, never forget those two things, the wooden mortal and pestle, as long as I live. They helped keep our family afloat kahit papaano. Thank you for bringing me down memory lane, kapatid.

    • ako naman, nai-nominate kita hindi dahil sa dami ng bumibisita sa iyo, kundi para mapansin ng mila yong napaka-noble na project mo. alam ko, sa pamamagitan ng project mo na yun, hindi man ganun kadami ang maimpluwensyahan mo dito sa net palagay ko naman, yong mga batang natulungan mo…”ikaw ay isang malaking impluwensya sa kanila–mabuhay ka!”

      nakakatuwa naman ang kwento mo. naku alam mo ang nanay ko rin nun, nagtitinda ng kakanin sa palengke. kaya ako, expert sa pagbabayo at pati sa paggamit ng kudkuran ng niyog (may post din akong kudkuran..check it out) :-)
      …………. nakaka-touch tagal kong nag-pose sumandali at inalala ang mga karanasan ko.
      ‘i’m glad, nandito na tayo ngayon. :-)

  9. ;-) i remember reading one of those alamats in gradeschool about the sun, the moon, and the stars. it involved an alsung, but i don’t recall exactly what happened ;-)

    • ganun ba? balak ko nga sanang maglagay ng blank na part ng post. para ilagay ng sinuman yong ano ang tawag nila dito sa dialect nila. :-)

  10. Wala na ako nakikitang pang bayo ng palay… madalas na lang na nakikita ko yung sa paminta pero ganun din naman lumiit lang… hehe Congrats sa TOP 10 ka eli..

  11. husung and ahu? hindi ko alam yun ah..lalo na yung alsung! Nakakita na din ako nyan nung bata ako. Maganda nga pang work-out liliit siguro braso ko dyan hahaha. Kapatid welcome back! Buti naman nakabalik ka na.

    Salamat nga pala sa pag nominate kaso disqualified na ako dyan, dapat yata May 2008 nagstart eh. Pero salamat ng marami. Try ko sumali dito so I can vote din. God bless you!

    • bakit naman liliit? naku kung dika laking probinsya malamang nga na di mo kilala ito.

      oo nga, sayang! apat yta kayong disqualified kase diko napansin na daat May 2008 lang dapat nag-start. ayan kase, di nagbabasang mabuti! ;-(

  12. wow! nominated pala ako sa blog mo! wow…i can’t thanks you enough. influential pala pagiging emotero ko! ahehehe! i really appreciate it…
    :)


    nako baka mabalitaan ko wala ka nang ibang ginagawa kundi truth or consequence hahehehe! :P salamat… siguro i’ll consider publishing my works kung maging full-time writer ako balang araw..hehe!

  13. nasubukan ko na ring magbayo magandang ehersisyo nga yan. dapat masubukan mo ring magbunot. hehehe… not sure kung tama ang term.

    salamat salamat sa pagsama sa listahan mo. tagal mong nawala ah.

    • haha… tama yun! magbunot? magbunot ba ng sahig? naku, expert ako dun! ;-)

      walang anuman, sayang na lamang at dapat pala ay nag-start lang ng May 2008 ang blog na i-nominate kaya ‘out of coverage’ ka pala :-( hehe

      di naman po nawala, dito lang naman ako, naka-hang!

  14. Wow ang daming mga pa-contest. Sasali ako sa mga yan. Hihi..

    Tama po kayo tungkol dun sa alsung. May ganyan din sa probinsya namin. Hindi ko man na-try gumamit nito pero alam na alam ko na total work out talaga ikaw kapag sinubukan mong magbayo. Gamit din namin sya sa pag gawa ng banana cake, balinghoy, etc. ^_^

    • oo nga eh.. ikaw ba di pa magpapa-contest?

      san ba ang probinsya nyo? mukhang masarap yang banana cake na yan ah. :-)

  15. hehe kuya salamat sa pag bisita..:)
    lahat talaga ng contest eh nasalihan ko na yata hehe ..
    malamang ako eh naeenganyo na rin na mag pakontes hehe…:)
    kuya naka experience din ako mag bayo ng palay nun bata ako,
    ang saya nga di ka na talaga kaylangan pumunta pa ng gym eheh..:)

    • wow..sipag mo naman. kapag nanalo ka balatuhan mo ako ha. :-)

      ganun ba? gano ba karaming palay ang binayo mo? :-) ako yta baka ilang salop lang eh.
      uso narin kase ang kiskisan nun kaya mas magaan ang trabaho kung magpapakiskis nalang

  16. Alsung pala tawag dun, gusto ko matry gumamit nyan hehe..

    Naku, super thank you po sa nomination, third vote ko na ‘to weee. :)

    Thank you po ng super dame! Godbless!

    • oo sige try mo. tapos isulat mo sa blog yong experience mo sa pagbabayo :-)

      super welcome :-) you deserve it. sayang nga lamang at may mga gusto akong ipasok pa na hindi na pwede kase mahigit 1 yr na sila.

    • oo nga pareng kulotski! sge na magpa-contest ka narin.

      uy mukhang astig tong bagong site natin ah. congratz sa bago mong site.

    • walang anuman mon, kung pwde nga lang sana lahat kayo sa links ko i-nominate ko eh. hehe

      basta pagbutihin mo pa..maganda at may direksyon ang ginagawa mo.

    • okay no problem. ibigay ko sa iyo yong isang slot. nahihirapan nga akong kompletuhin yong list ko eh.

      basta add mo ako sa links mo ha. hehe

  17. Hi Eli. Musta na? Matagal ding hindi ako nakabisita dito. Saw you @ bilingualpen.com.

    Mortar & Pestle, Philippine style, a very interesting subject. Napapangiti ako sa mga comments. It seems that this set of household tool is slowly disappearing. Nice of you to immortalize it in the internet.

    Ang “Alsong” in our place in Ilocos is made of stone, however the pestle is of wood of course. Ginagamit din ito sa paggawa ng lubi-lubi, a mixture of boiled ‘dippig’ half-riped bananas, brown sugar and grated coconut. Habang ginagawa ang ‘lubi’, usually during full moon nights, dito nagliligawan ang mga binata at dalaga na nagpapakitaan ng gilas sa paggamit ng pestle.

    There is this Ilocano joke where the ‘alsung’ represents a woman and the pestle as a man; one is useless without the other….

    • okay naman vf. salamat naman at napadaan ka uli dito.

      tama ka, very interesting talaga angsubject na ito. sa katunayan marami sa mga obra ni amorsolo at manansala ang may mga larawan ng kagamitang pinoy na ito.

      ay oo nga. stone pala sa inyo. sa lugar kase namin mahirap kpag stone, naghihirapan kase ng pambayo sa amin. kaya minsan kapag gagamitin mo yong pambayo mo, kailangan mo pang kuhanin ito sa nanghirap. :-) masarap yong lubi-lubi..tagal na akong hindi nakatikim nun ah.

      sa totoo lang, malaki ang naging impluwensya ng mga katamitang ito sa mga nakaraang henerasyon ng mga pinoy, naging bahagi ito ng pang-araw araw na buhay nila at naging kasangkapan din ito upang maisabuhay yong BAYANIHAN. hayyy.. palagay ko hindi matatapos ang maghapon kung yong mga bagay na ito ang pagkukwentuhan natin. nagpapatunay na malaki ang naging papel nito sa ating kamalayan at pagka pilipino.

  18. Pingback: Part 5: Who join the FUN, the copy and paste command « EXODIANS

  19. actually yung post ko ngayon ang entry ko kay pareng otep! hehe. at binabalak ko ngang sumali kay joycee! ang sarap sumali sa maraming pakontest!

    uy, salamat sa pag-add! hehe. ako rin, add din kita! not to pay the link exchange kundi dahil gusto ko tong blog! salamat uli!

    • ganun ba? dalawin ko nga para makita ko ang pangarap na sinulat mo. cge sali ka..malay mo diba?

      walang anuman. nagustuhan ko rin yong blog mo kaya add ko dito.

  20. Alsong? May iba akong alam dyan he he he (green) sa gabi lang binabayo!

    Ka Eli, pakonteska naman. Libreng blog logo ang papremyomo. Salamat pala sa pagpromotemo sa money blogko ha. Dumadami na ang laman noon, bisitahinmo paminsanminsan o kaya subscribe kayo via email. Visit me at http://moneyworkhome.blogspot.com for earning money online.

    • ka loren, nagaget ka aya nga aglubi iti rabii? hahaha.

      hindi ako tiwala na pwede ko ipapremyo yong mga gawa kong logo eh. hehe iba nalang..kapag nakahanap ako ng sponsors..gusto ko tungkol sa laro ng lahi stories ang pa-contest ko. magsponsor ka kaya! hehe ayan bumalik tuloy sa yo.

    • taga majestic town of bongabon ako at nandito ako ngayon sa nueva vizcaya. oo tama ka. gob employee nga ako. :-)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s