sungka

Ang larong sungka ay isang katutubong larong Pilipino na ginagamitan ng tabla na may pitong butas sa magkabilang gilid at dalawang imbakang malaking butas sa dulo nito. Sa pagsisimula ng laro, ang bawat butas ay nilalagyan ng tig-pitong bato. Ang mga batong ito ang sisikapin ng bawat manlalaro na mailagay sa kanikanilang imbakan. Masmaraming batong makuha, siya ang panalo.

 

sungka/ medium: digital graphics

 

Hmmmm… may limang bato sa unang butas, sa pangalawa may siyam at anim sa kabila. Alin kaya ang pupulutin ko para matapatan ko yong nakatumpok na bato nya. Marami rami ‘yon kapag nakuha ko!

Mga ganyang tipo ang iniisip ko nun habang naglalaro kami ng sungka ng aking bunsong kapatid.

Kung may natutunan man ako sa larong ito, ‘yon ay ang tamang pagbibilang at pagkwenta sa isip. Mahalaga ang pagkwenta at mabilis na pagbibilang ng mga bato sa bawat butas bago pumulot ng bato upang sa gayon ay alam mo kung saan ka hihinto o tatapat pag-ubos ng batong hawak.

Maliban sa kapatid kong bunso, nakakalaro ko din ng sungka si kuya, at minsan pati si tatay—pero masmadalas naming laruin ni tatay ‘yong larong lusalos. Madalas ding dumarayo sa bahay namin yong isang pinsan ko dahil sa gusting-gusto rin nitong makipaglaro ng sungka sa amin.

Dahil sa isa lang ang sungkaan namin, may mga pagkakataon na bumubutas nalang kami sa lupa ng sungkaan kapag may nauna nang gumamit ng tablang sungkaan namin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung gaano na katanda ang sungkaang iyon. Basta ang alam ko, nung nagkaisip ako, nandun na iyon sa bahay namin. Minsan inuupuan ko, minsan yakap ko, minsan kahiga ko at may mga pagkakataon ding ginagamit ko itong panghampas sa madadaya at mapang-asar na kalaro ko! Hehe.

Dahil sa dalas kong maglaro ng sungka nung bata ako, siguro nasa expert mode na akoSayang… kase wala ang ganitong laro sa mga tournament, kung meron siguro palagay ko nag SUNGKA GRANDMASTER ako! Ano sa palagay n’yo? Kaya ko nga kaya?

.

.

.

Narito ang Panuntunan ng Larong Sungka

(source: http://tl.wikipedia.org/wiki/Sungka)

May labing-apat na butas ang tabla ng larong sungka, na nahahati sa dalawa, na may kasamang imbakang butas para sa bawat manlalaro. Pinamamahalaan ng bawat manlalaro ang pitong mga butas na nasa kani-kaniyang gilid ng tabla, at ang bilang ng mga butil na naimbak sa kani-kaniyang mga imbakan, nasa gawi ng kaliwang kamay ng bawat manlalaro, ang pinakapuntos nila.

98 magkakatulad na mga buto ang ginagamit na mga piyesa.

Paghahanda bago maglaro

Nilalagyan ng pitong butil ang bawat butas maliban sa mga imbakan na nananatiling walang laman.

Layunin

Makalikom ng maraming bilang ng mga butil na higit sa kalaban ang layunin ng laro.

Paggalaw

Nagsasalitan ang mga manlalaro sa pagkakalat ng mga buto, maliban sa unang galaw na isinasagawa ng kapwa manlalaro. Sa isang ikot, pumipili ng isang pamamahalaang butas (mula sa pitong mga butas) ang isang manlalaro. Aalisin ng manlalarong nakapili ng pamamahalaang butas ang lamang butil mula sa butas na ito at ikakalat ang mga ito sa bawat butas na madaraanan ng kaniyang ikot, pakanan (galaw na umaayon sa paikot at pakanang kilos ng mga kamay ng isang orasan). Tinatawag na “pagtatanim” o “pagpupunla” ang galaw na ito ng manlalaro. Nilalagpasan ng “pagtatanim” ng mga butil ang imbakan ng kalabang manlalaro, subalit hindi ang saliring imbakan ng kumikilos na manlalaro.

Kapag bumagsak ang huling butil sa isang may-lamang butas, kukuhanin ng manlalaro ang lahat ng laman ng butas na iyon, at magpapatuloy sa paglalagak ng mga butil na nagsisimula sa butas ding iyon na pinagkunan ng mga bagong hawak na buto. Magpapatuloy ang paglalagay ng mga buto hanggang sa bumagsak ang pinakahuling buto sa imbakan ng isang manlalaro, o sa isang butas na walang laman.

Kung sakaling bumagsak ang huling buto sa imbakan ng isang manlalaro, kaagad na nagkakaroon ng dagdag na pagkakataong umikot ang mga manlalaro, na maaaring magsimula sa kahit ano sa pitong butas na pinamamahalaan nila.

Pagkuha

Kapag bumagsak ang huling butil na “ipinupunla” sa isang butas na walang laman na nasa gawi o gilid ng gumagalaw na manlalaro, malilikon ng manlalarong iyon ang lahat ng mga lamang butil ng butas na tuwirang nakapahalang sa kaniya, kahit nasa gilid o “ibayo” ng kalaban. Kung walang laman ang butas na nasa gawi ng kalaban, wala malilikom na mga butil ang manlalarong gumagalaw.

……………………………….

Ang mahiwagang mensahe ni Doraemon:

Nobita: Bakit maski isipin ko na kaya ko gawin ito, di ko pa rin makaya?

Doraemon: Simple lang yan! Kasi iniisip mo lang, hindi ka naniniwala!

……………………………….

USAPANG KAPERAHAN ba? paki-click po ito.

[BACK TO HOMEPAGE ]

66 thoughts on “sungka

  1. boss ELI! sa wakas at ngka update na hehe. itong sungka na ito, naalala ko nilalaro namin ng utol ko kapag brownuot. ewn ko ba nung mga bata kame ganun kame e. hehehe.

    btw eto na ata ang pinka malinis (pero ok din yung iba) na digi graphic na nagawa mo.🙂 ( o baka na miss ko lang mga graphics mo kaya parang bago na naman sakin ang masterpiece mong ito) galing!

    • haha oo nga eh. masarap laruin ito diba?

      diko lang din alam.. baka na-miss ko lang gumawa o nag-imporve ako.🙂 pero sa totoo lang, malinis ngang tingnan. ganyang talaga kapag iniwasang maglagay ng shading flat nga lang ang itsura nito at walang 2d or 3d effect.

  2. I just left Bohol this morning, during my 4-day stay at home i played sungka every single day. We have sungka at home. I still remember how good i was with it.. hehehe.. but not anymore.. i already forgot the tricks… i was badly beated by my nieces… many times in the last 4 days..😦

    • haha… ako rin alam mo, di na uobra sa mga pamangkin ko eh. talagang ganun siguro..aminin na natin, kumupas na tayo. hehe

      nakakatuwa naman at nakakapaglaro parin tayo ng ganito. masaya din diba? nakakarelax. minsan naglaro ako nito..alam mo ba off ko muna ang cellphone para walang abala.

  3. alam mo, eli hindi ako kelanman natutong maglaro ng sungka… nahihirapan kasi ako maglaro ng mga mind games eh? hehehe!
    musta na? it’s been awhile…peace out!😛

    • ganun ba? i-try mo kaya for a change. hehe

      eto ok naman na. malapit ko nang mabuo yong puzzle. hehe salamat sa pagdaan

  4. hehe..ang sarap maglaro ng sungka.. kahit saan bahay ako dati mapunta mayroon akong nakikitang sungka, ngayon medyo bihira na.. sa probinsiya tiyak na marami pa nyan ngayon.

    larong pinoy yan!

    • naku eto pa pala ang isang sungka grandmaster! kung meron mang sungkaan sa probinsya bihira hindi narin ito pinapansin ng mga bata ngayon. siguro kpag brownout at walang tv at computer..yun saka nalang nila mapapansin ang sungka. sa amin kase halos wala narin akong nakikitang naglalaro nito eh.

  5. Hahaha….Paborito kong laro to noon…^_^
    Pero pinagbabawalan kami kasi daw parang ngtatawag ng may patay.
    Ewan ko..Isip lang yon ng mga matatanda yon…Wahehe…
    Nasubukan din naming mgbutas sa lupa..Para maglaro nang sungka…Wahehe…^_^
    Kuya di ka na buamalik sa YM? hehe..o ako ba ang di na bumalik? Hehe…^_^
    Kuya bisita ka sa blog ko…Tignan mo gawa ko…
    Di ba sabi ko sayo noon na ipapalabas ko ang mga gawa ko noon? Oh ito na ang tamang panahon..Wahehe..^_^
    Isa po kayo sa mga inspirasyon ko Kuya…^_^

    Kuya ang galing nyo poh..nagawa nyo ito sa adobe photoshop???
    Hahay kailangan kaya ako makagawa din ng katulad ng sayo?
    Cguro sa tamang panahon din po cguro ano? hehe…

    • hehe..ganun ba? sa amin hindi naman..sabagay iba-ibang paniniwala ang mga matatanda at kanya kanya ng pananaw sa bawat pamahiin.

      ah ganun ba..sige nga at dadalawin kita sa blog para makita ako yang sinasabi mo.

      hindi po…sa coreldraw ko ginawa yong image. kailangan kase i-drawing ito kaya dun ko ginawa.

      • Tama ka Kuya iba-iba ang paniniwala ng mga matatanda…^_^
        Ah sa corel bah? Oki…^_^
        Kuya ano ba yang nasa gilid ng mga obra mo?
        Lagi ko yang napapansin eh….
        Signature mo ba yan? yong may pula,puti,red,na may tuldok yata yan?

        “Nobita: Bakit maski isipin ko na kaya ko gawin ito, di ko pa rin makaya?
        Doraemon: Simple lang yan! Kasi iniisip mo lang, hindi ka naniniwala!”

        Very inspiring po ito…^_^
        Fans talaga kayo ng Nobita at Doraemon tandem ah? Hehehe…
        Paborito ko ding panoorin yon eh…Parang Balibot…
        Binabalik ang pagkabata sa puson mo,ay este puso pala…Wahehehe… ^_^

      • signature yun “eli” nakalagay.

        aba at fan ka rin pala ni doraemon. nakakaaliw siya at may mapupulot na mahiwagang mensahe kaya naman gustong gusto ko sya.

    • eto pa ang isang granda master ng sungka. hehe may sungka ka ba sa bahay ngayon? tago mo at ingatan para makita pa ng susunod na henerasyon. baka kse sa susunod sa computer games nalang malalaro ang sungka. hehe

  6. Naku pano ba laruin yan? hehe matagal ko na nakikikta yang sungka pero never ko pa natry.. pakapagpaturo nga sa asawa ko hehee..

    Ganda ng pagkakagawa mosa graphics..ano software ginamit mo? mainspire tuloy ako gumawa din ng graphics para sa blog ko..para dun sa mga wala akong nakaattach na photo sa mga entry..

    galeng..

    • naku try mo na..habang libre pa..baka pagdating ng araw may bayad na paglalaro nyan. hehe…

      thnks po. corel po ang gamit ko kpag kailangan kong magdrawing ng image. masmaganda kase kung ikaw mismo ang magdrawing kesa mag-edit lang ng image. ..

  7. Whew!

    Nakapasyal na naman ako Ka Eli. Okey na okey ang sungkamo. Sa bahay dalawa ang sungka. Pag may nagsimulang maglaro kasi marami ang meron, kaya, hayun, dalawa para ang mga meron maglaro na lang.

    Matungo ako sa pinakakaabalahanko. Nagkomentoka pala e sa spam naman napunta, he he he. Maganda ang sinusubukanko. Mas epektibo para sa iyo kasi may talentoka na kakaiba. Mayroon kang target niche ikanga.

    Subukan kaya natin ilipat itong mga previous posts mo sa gagawin kong site sa blogspot at lagyan ng affiliate marketing, search engine optimization, tamang meta tag, tapos tamang keywords. Itong tagalog version mo, tapos, subukan kong isalin sa English at Ilokano. Focus tayo sa Laro ng Lahi? We will begin from your oldest post at unti-untihin nating iposte ulit. Of Course, ilink back natin ang main blogmo na ito. Emailmo ako at pag-usapan natin eto kung gusto mo. Libre nilang makita ang arte mo pero baka kikita tayo sa affiliate programs.

    • haha..ok yun..para hindi makapagturo ang mga miron.

      may nag-offer sa akin minsan nya e pero diko pinansin. wala kase akong panahon na at panaka naka nalang ako magblog ngayon. may talento sa art pero hindi sa pagsusulat. hehe

      hmm..mukhang maganda ang idea mo. sige i-try natin. email kita. tnx

    • hehehe…Felt bless ako ah…Di pala talaga lahat ng tao,naranasan ang naranasan ko…
      No offense ha…Di ko lang kasi na appreciate sarili ko…^_^
      Suwerte ko pala at nalaruan ko ang sungka noong bata pa ako…
      Di pala ako naging behind sa uso ngayon…
      Tama si Kuya Eli,itago ang lumang Sungka at baka sa computer na lang malaro ito…^_^
      Nagbabago talaga ang takbo ng panahon…^_^

    • palagay po po panahon na para laruin mo rin .hehe salamat sa wekipidia, kesa isulat ko isa isa copy ko naang sa site nila. hehehe

  8. Hehe! Namiss ko ang larong ito… Ako rin marahil sungka grandmaster na rin ngayon!
    Wala kaming sungkaan… Humuhukay kami sa lupa at hilaw na bunga ng aratilis ang ginagamit namin…🙂

    • naku..kung sakali pala baka nagharap pa tayo para makuha ang title na yan!🙂

      oo masarap nga sa lupa eh..pwede naring sumulampak. ok ding gamitin yong buto ng kamatsili.😉

  9. isa ito sa pinakapeyborit kong laro nung bata pa ako.natatandaan ko pa na kailangan kong kumain ng masim na sampalok para lamang may gamitin kaming bato dito. peyborit naming mag lola ang larong ito lalo na kung tag-ulan.

    • okay yong sampalok ah. hehe sabagay magandang gamitin yon. minsan naman, namulot ako ng magagandang bato sa ilog para gamitin namin sa sungka. ang dami ko ngang nakuha eh..pero sa sobrang dami ayon, ginamit yong mga bato ko sa bingo! hehe

  10. meron din kaming sungka. naglalaro kami nyan ng anak ko. kaya lang pag nasimulan na, ayaw ng huminto ng anak ko at aminado ako na mas magaling sa akin. noong una ako ang nananalo palagi pero noong natuto na sya lagi akong talunan.

    • sa tingin ko naman po masmaganda na ayaw tigilan ang sungka kesa sa computer games.. kase di gumagamit ng kuryente yan!😉 aba ok po yan, baka sila na ang susunod na sungka grand masters.🙂

  11. eekkk, pareho nga tayo ng tungkol sa sungka ang post, hahaha. imported yung sungka ko, galing sa pinas! -´great minds think d same, ehem🙂 ano yang medium na ginamit mo sa sungka mo? parang bagay yan sa bagong bahay namin, hahaha

  12. ang ganda naman ng artwork. ang husay ng pagkakagawa!

    favorite ko yan sungka. we used to play that when i was younger. but the elders didn’t not allow us much to play because of some premonitions. pero in one of my trips to baguio, i really bought myself one. and now, i play sungka with my nephews and nieces🙂

    nice blog… babalik balik ako dito ah!

    • naku salamat po.

      napakasarap naman kase talagang laruin ito. magagamit mo ang skill mo sa math. ahh.. sa amin naman walang pamahiin na masama tungkol sa paglalaro nito. sabagay, ibang lugar, iba ibang paniniwala at tradisyon.

      nice naman po yan, sa ganyang paraan naisasalin yong laro noon sa mga bata ngayon.

      dadalawin ko din po ang blog nyo. salamat!

  13. Uy sungka!! Miss ko na tong laro na to, ginagabi kami sa kakalaro nito, sa araw naman, nde na kami nakakatulog ng tanghali, hahaha..

    May sungka din dito sa Malaysia, dito yata nanggaling yang laro na yan eh, hehehe..

    Godbless!

    • oo tama ka. hindi nga galing dito sa pinas ang laro na yan. may nabasa ako pero hindi ko na matandaan. pero kahit paano ay naging bahagi ito ng kamusmusan ng bawat pilipino kaya naman, parang pinoy na pinoy narin.

      talaga lang ha, sungka grandmaster ka rin pala! hehe

  14. hi Eli, magandang post, buti nung panahon ko hindi pa gaanong nawawala ang sungka, natatandaan ko humuhukay pa kami sa lupa para mas maganda, kapalit un ng gawa sa kahoy…

    sabi nila masama daw ang sungka kasi may mga salitang ginagamit dito gaya ng PATAY, AT SUNOG.

    but then hindi naman totoo un…

    • yong mga ganung sinasabi naman ay mga pamahiin lang. na masama kase baka may mamatay, o kaya magkasunog pero ang lahat ng ito ay wala namang batayan.

      sa ngayon palagay ko masmagkakaroon ng masamang pangyayari kung sa halip na maglaro ng sungka at manunood ng tv o kaya ay maglalaro ng computer games o ps3 maghapon… ang masamang dulot, maakasagap ng radiation at siguradong tataas pa ang bill mo sa kuryente. hehe

      o sarap maglaro ng sungka sa binutas na lupa, kase pwde kang gumawa ng super laki at maluwang na sungkaan🙂

  15. Hindi ako marun0ng maglaro neto. Ang totoo nyan eh nagmagaling lang ako nung nakipaglaro ako sa mga pinsan ko noong nagkaroon ng semi reunion ang angkan namin. Haha..wala akong kinalaman jan pero sana natuto ako..wala na akong makitang sungka ngaun…hays

    • haha..okay ka rin ha.

      madali lang namang ang larong ito. nkalagay naman ang panuntunan sa paglalaro kaya sundan mo nalang..para sa nxt na reunion nyo, ilampaso mo na ang mga pinsan mo. hehe

  16. ay nakaka miss. nilalaro ko yan noon bata pako kasama mga kapitbahay. may sungkaan sila sa bahay at sa kanila ako naututo maglaro.

    at syempre, natuwa nanaman ako sa quotable quotes mo. importanteng may tiwala sa sarili. hehe!

    • wow. ang sarap malaman na hindi lang pala ako ang nag-enjoy sa larong ito. sana may mag-organized ng sungka tournament for bloggers. hehe

      okay ba? natutunan ko yan sa panonood ng doraemon.🙂

  17. hello! pacoment poh huh… wow sungka grandmaster ka na poh!! nakakatuwa naman poh itong post mo. dahil ako never pang nakapaglaro sa tablang sungkaan.. hehe parang gusto ko na din tuloy maglaro nun^^,

    salamat nga poh pala sa pagdaan at pagcomment sa blogsite ko^^,

  18. marunong akong maglaro nitong sungka..
    sa cellphone na 3310 ko to natutunan…

    meron kami nyan dati, kaya lang nawawala…
    kung may tournament ssali ako. Hahahah

  19. Sungka is really fun! khit hndi paq nkkapaglaro nito. hhe..I know some of the rules but I haven’t really tried playing it coz wLa nman tlagng sungka samin. Sana natuto ako kasi Sungka game yung project nmin ngayon s Computer programming. hayy..

  20. happy new year, eli!!! type na type ko tong sungka na ito e. pero alam mo bang may sungka din pala sa afrika??? anyway, marunong na ang mga little kengkays magsungka, enjoy kami🙂

  21. Pingback: Mga Katutubong Laro ng Lahing Pilipino | Pilipinas atbp.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s