Sining Pambata

hand painting

nature hand paintings

There is no such thing as aspiring artists. The moment you create you become and artist.

Ang mga paintings (hand painting) sa itaas ay ilan lamang sa mga gawa ng mga batang  nag-attend ng art workshop noong lingo (April 5, 2009) sa SM City-Rosales.

Naimbitahan kami ng pamunuan ng SM na mag-facilitate ng Art and Play Workshop kaya inipon namin ang ilang myembro ng Samahang Makasining (Artist Club) Inc., upang sa ganoon ay maisagawa ng maayos ang gawaing ito.

face painting

face painting

Habang naghhintay ng mga dadalo sa nasabing workshop, agaw attention ang isinagawang libreng ‘face painting’ at henna tattoo. Para ngang gusto kong magpa-henna kaso baka naman magulat ang boss  at aakalain nitong bigla akong nagtransform sa katauhan ni Joaquin Burdado kapag nakita niyang may tattoo ako pagpasok. Nakakatuwa yong mga nanay na sila mismo ang humihikayat sa mga anak nila para magpa-face painting. Ooops..alam ko ang iniisip nyo, wag kayong mag-alala dahil non-toxic ang gamit na pang pinta sa mga bata. Bawal din po ang henna sa mga bata.

Bago mag-umpisa ang programa, nagpakitang gilas ang ilan sa mga kasapi mula sa CLSU at San Jose Chapter ng On-the-Spot Hand Painting sa entablado.

on the spot painting

on the spot painting

Pagkatapos ng tatlong kanta tapos na ang obrang ito. medyo matagla kase ginagawa namin ito sa loob ng lamang ng 2 kanta kapag nakakapag insayo bago magperform. Kalikasan ang karaniwang tema mga painting demo at art lectures namin.

lecture_demo

lecture_demo

Si bro tolitz (amangpintor.net) ang nag-lecture at nagdemo sa mga bata. Kung napanood nyo yong isang episode ng Emergency sa channel 7 na Obrang dugo siya po yun. Nagpipinta kase siya gamit ang kanyang sariling dugo. Minsan dinuguang artist ang tawag naming sa kanya. Hehe. Kasama sa lecture niya ang pangangalaga sa kalikasan, kahalagahan ng kultura, color combination at ang tamang pagpapahid ng pintura.

workshop

workshop

Kitangkita na nag-I-enjoy ang mga batang ito habang naghahalo ng mga kulay at nagpipinta sa illustration board.

workshop with nanay, tatay

workshop with nanay, tatay!

Nagpakita rin ng ‘moral support’ ang mga magulang..yong iba nga, nakipahid-pahid narin ng pintura. Okay din ito kase naka-bonding nila ang kanilang anak.

the outputs

the outputs

Ang mga bagong mga alagad ng sining. Oh ha, anong masasabi nyo? Di ba’t ang gaganda ng mga gawa nila?

group1

At syempre pagkatapos ng activity, group picture muna bago mag-uwian! Hanapin kong nasaan ako? Hehe

Hindi lang diyan matatapos dahil sa apat na araw ang aktibidad na ito. Sa pangalawa at pangatlong araw ay magkakaroon ng mga palaro kung saan ay magkakaroon ng mga paligsahan sa laro ng lahi tulad ng harang taga o patintero, tumbang preso, dama at lusalos. At syempre yong huling araw ang pinakamasaya dahil bibigyan ng award ang mga batang sumali at nanalo sa bawat patimpalak. Sayang at sa unang araw lang ako naka-attend.

Isinagawa namin ang gawaing ito upang ituro mga bata ang kahalagahan ng pagmamahal sa kapwa, kalikasan at sa ating sariling kultura sa pamamagitan ng sining.

Nakita namin ang malaking potential ng ganitong gawain sa paghubog sa kamalayan ng bawat bata, at nakita rin namin ang kakaibang saya ng mga magulang na makitang nakakapagpinta ang kanilang mga anak…dahil dito, gusto naming dalhin ang mga ganitong gawain sa mga batang hindi nakakapag-aral..sa mga batang nasa mga liblib na lugar. Sana magawa namin ito…sana magawa naming humubog ng mga mabubuting alagad ng sining sa hinaharap.

24 thoughts on “Sining Pambata

  1. pinoyna pinoy ang tema ano? buti at wala kang na miss ata na eksena kase halos lahat ata ng aktibiti ay nakuhanan mo..maganda ang hangarin, para makatulong sa mga aspiring na maggugughit ano? dun sila na tetrain sa ganyang aktibiti..ang maganda dyan ay libre pa…

    asan nga kaya dun si ka eli?

    oo nagbibigay po kami ng libreng seminar at sobrang napakasarap ng pakiramdam kapag nakikita namin ang kanilang mga obra.

    asan ako? hehe nasa harap ako…kaliwa ako nung painting. katabi nung may hawak na banner na “AC”.

  2. wow! ang galing naman ng mga kids. naalala ko tuloy noong bata pa ko. hay… hahaha! ang sarap matutong magpinta habang bata pa dahil mas nadedevelop ang kanilang pagiging artistic at creativity. at tama yung pagbibigay ng moral support ng mga parents. it helps boost their kids’ confidence.

    happy easter po🙂

    oo nga po. nakakatuwa na talagang tumutok din ang mga magulang sa activity. try mo kaya magpinta..hehe di naman nawawala ‘yong bagay na nasa iyo na eh. nandyan lang po yan. salamat po sa pagdalaw

    .

  3. nakakamiss ang mga ganitong workshop. the first and last ko ay noong grade 4 ako sa elementary. dun ako nagsimula matutong lumikha. SCi-Art yung tawag sa workshop. nagdodrawing kami ng mga visula aids para sa mga estudyante…it was really cool…

    makapagpahenna nga.hehe!


    belated easter eli!

    i agree. to the artist, like yourself, a stain could be a start of masterful artwork.🙂

    – ako rin parang gusto kong magpa-henna..hehe
    yong pagiging artist, hindi naman nawawala..nasa iyo yan..nakatago. sa case mo, nailalabas mo ito sa pamamagitan ng pagsusulat.

  4. kala ko pati bata nagpa henna..hehe gusto ko din ng henna tattoo yaw lang ni siopauQ..hehe

    at congrats po sa success ng workshop..mainam na habang bata pa sining ang pagtuunan ng pansin kesa online games..

    may mga magulang na gusto palagyan henna anakis nila..pero sabi namin. hindi po pwede.
    salamat at sana ay maipagpatuloy namin ito at sana marami pang bata ang maabot namin.

  5. ang galing galing! hay. sana lahat ng tao nabiyayaan ng ganyang talento..tsk. kainggit.

    alam ko, may iba rin kayong talento na kailangan lang madiscover nyo. salamat po sa pagdalaw.

  6. Kakaingit naman… nag eenjoy ka na sa ginagawa mo nakakatulong pa! Haysss… *inget mode! hehe Congrats!!

    ..nxt time attend ka din? hehe tnx po.🙂

  7. Hanggagaling naman nila, dapat pala sinali ko din jan yung pamangkin ko, tignan mo anggaling nya
    http://joyceish.com/?p=43

    gusto ko din ng henna hihi..

    asan ka jan Kuya Eli???

    uy ang galing ng mga gawa ng pamangkin mo ha. tiningnan ko eh. sana suportahan nyo.
    san mo gustong magpa-henna? ako nalang maglagay sa yo. hehe
    nasa harap po ako..kaliwa nung painting na nasa tripod!

  8. Naalala ko nung bumisita ako from Singapore, nagpunta kami ng MOA to attend Summit Publication’s activity, may face painting din ang mga bata, naku nanay na nanay ako, bawat galaw ng kamay ng nagpipinta sa mukha ng anak ko e kinukunan ko ng litrato🙂 Ayun nandun sya sa friendster ko🙂

    hahaha..ganyan na ganyan yong mga nakita kong nanay habang nagpi-face painting. shoot dito, shoot doon.

  9. uy di mo sinabi sa akin na pupunta ka pala ng rosales, nung 5 nasa tarlac lang ako…nagbakasyon edi sana nakijoin ako sa mga bata para magpinta.hehehe

    oo nga ano? naku sorry at nakalimutan ko. hehe nxt time po

  10. i remember boss na naka attend na ko sa mga ganyang act noon. same na same at pinoy na pinoy din. masrap ang pakiramdam lalo kung bata.🙂

  11. very talented kids. i wish i was as talented. hehehe… i did comics when i was younger but felt that it’s not really my forte. i instead buy comics instead.

  12. ganun? bloody cool… pero iba pa rin talaga kapag visual arts noh? minsan i find it frustrating kapag sinusubukan ko uli, and fall short of my satisfaction..hays…


    : I totally agree, eli. Happiness fades. Kaya when an opportunity comes, we should embrace it. make each moment count.

  13. Ows.. pwede makijoin.. este pwede makigulo? Hehehe
    Ok nxt time ha pag meron at ok sa sched.. makikigulo ako! hehe Lalo kung dito lang sa NE.

  14. Oy congrats sa AC! Si Ces ba yung nasa gitna? Parang kailangan naming dalawang mag-sit-up.😀

    tnx.. oo si ces nga yun kuya jun at sya ang bagong chairman ng samahan ngayon.

  15. Wow, kudos to you and to your group for this noble project…
    Kakabilib naman yung mga naghand painting, kahit na mabagal pa sila…
    I used to do sketching and some works on oil pastel, kaso lang mas malakas ang hatak ng camera eh…🙂

    Btw Bro Eli, thank you for extending your sympathies… God bless!

  16. wow..ang gandang project nito sir! tamang tama ito ngayong summer.. para makabuluhan naman ang bakasyon ng mga bata… ang galing!

    sir eli, may pag-asa pa ba ako sa pagdodrawing para hindi lang ‘wento ang alam ko..🙂

  17. nice.. ang dami-dami kong natutunan sayo.. ahehe… pwede ka ng maging ambassador of goodwill sa blogosphere.. cheers;p-glesy the great

  18. Wow! In NCCA, we call such activities as cultural caregiving. I salute you and your teammates for finding the time to really make a difference through the arts, eli! Good job. Sana dumami kayo.

    And I hope you could make this a yearly thing…

    Question gayam:

    Adda nabasak idiay Bannawag a pitak ti us-usaren ti ubing a pintor ta awan igatangna iti gamit. Is it not common, to use that kind of material?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s