an open invitation

title: an open invitation / medium: acrylic on canvass

title: an open invitation / medium: acrylic on canvass

minsan naisip ko, pa’no ako makakatugon sa inbistasyon Nya kung maraming bagay ang hindi ko kayang isakripisyo para sa Kanya?

25 thoughts on “an open invitation

  1. off-topic: hah…hah… bigla tuloy akong napasugod dito sa bahay mo para ipagbigay alam sa’yo na andun ka sa blog roll ko. mukhang malabo na mata mo ka eli. sign of aging?😀

    on-topic: guilty as charged! bilang tao, marami kasi tayong gustong mangyari sa buhay natin; marami tayong gustong marating. minsan ang mga bagay na yun ang pumipigil sa atin para maging tunay na lingkod Niya. kung tutuusin simple lang naman ang hiling Nya – na tayo ay maging isang tapat na tagasunod. this lenten season, ano ba ang kaya mong isakripisyo? ako, hindi ko pa rin alam.

    joke lang po..alam ko naman na nandun ako eh. hehe

    ako rin guilty. simple lang naman talaga ang gusto Nya..pero ginagawa natin itong komplikado. minsan gusto nating dalhin ang lahat ng bagay gayong hindi naman natin kaya at hindi naman natin talaga kailangan ang mga ito. ano nga ba? ang ganda ng tanong mo..hmm…isip muna rin ako. anu-ano ba ang laman ng bag na gusto nating dalhin sa kaharian NYA? o baka naman pwedeng wag na tayong magdala?

  2. ei ka eli, tinamaan ata ako dun ah…malimit ganun ako lalo na kung araw ng lingo na para lang dapat sa kanya..sana makagawa tayo ng paraan para maibigay natin ang tunay na para lang sa kanya talaga..salamat ka eli sa paalala ..holy week na na pala…

  3. tama ka dyan, eli…

    and i’m guilty of it. i really need to do something spiritual this holy week…hays…

    bout dun sa painting: ano yung ginagawa nung lalaki? kelan mo siya ginawa?


    salamat, eli🙂 balik ka anytime… have a blessed holy week!

  4. natamaan ako dun. totoo yun. iniisip ko kasi na kahit isang araw lang eh wag ako magnet. bale iyon na muna sana ang isasacrifice ko pero nahihirapan talaga ako lalo na’t adik na adik talaga ako sa net. siguro bukas baka itatry ko. hahanap ako ng ibang pagkakaabalahan wag lang muna magnet bukas…

  5. Sapul si Joycee.😦 Madami-dami tayong dapat pagnilayan this season, pero sana hinde lang this season noh? sana i-apply din naten sa pang-araw araw nateng buhay. Madaling sabihin eh, pero mahirap gawin. Pero nothing is impossible with God.🙂

  6. Madami na tayo na tinamaan ngayon…
    Agree ako sa statement mo Kuya Eli…
    “Simple lang naman talaga ang gusto Nya..pero ginagawa natin itong komplikado”
    Isa lang naman ang napatunayan ko sa sarili ko…
    Naging miserable,empty ang buhay ko noong pilit ko SIYANG tinatakasan dahil sa subrang guilty sa nagawa ko KANYA…
    Di ko maipalabas ang kabutihan na nasa puso ko,
    kasi pakiramdam ko wala akong karapatang ipalabas yon kasi nga guilty ako…
    Pero dapat pala di ganon…I surrender mo lahat sa kanya,may nagawa ka mang tama o mali.
    Dapat SIYA ang una bago ang lahat-lahat.

    “anu-ano ba ang laman ng bag na gusto nating dalhin sa kaharian NYA? o baka naman pwedeng wag na tayong magdala?”
    Para sa akin dapat wala talaga tayong dalahin para sa kanya,kasi walang ano mang bagay na nakakahigit na dapat ibibigay sa kanya.
    Isa lang ang dapat ialay natin sa kanya,ang kalinisan ng ating puso,at total surrender ng ating kaluluwa yon ang tanging nakakapasaya sa kanya…^_^

    Maraming Salamat Kuya Eli sa paalala..Lalo mong pinukaw ang nagtutulogan kong kaluluwa…

  7. the painting is a good motivation for every
    Christian.(and the creativity,too, instead of the
    ‘pearly gates’ what we see is ‘hagdan na luntiang ginto’)
    The ‘hagdan’ depicts the grueling steps in the christian
    life. It makes us realize that everything which really
    needs to be done in our souls can be done only by God.

  8. hay..tama ka eli,ako man ay guilty sa pagkakaroong excess baggage para maging hadlang sa paglilingkod kay papa GOD ng 100 %…

    have a blessed holy week=D

  9. haaay tama kuya eli… sometimes nakakaligtaan nating magsakripisyo para sa kanya… we oweiz think of ourselves… thou i know naiintindihan Niya tayo, pero di dapat tayo nagtatake advantage sa ganito… instead we have to do things for His own glory…

    Godbless!

  10. Ang painting na yan ay katulad din sa kanta ni Gary Valenciano na “Gaya ng Dati”. Sa tuwing mapapakinggan ko yon… ako’y nasasaktan, pero alam kong may higit pa na nasasaktan, yon ang pinakamasakit.

  11. sunday, april 12, 2009

    happy easter po sa inyong lahat.
    salamat sa pagdalaw ninyo sa blog ko. diko na iisa-isahing replayan ang mga comments nyo dahil sa limited ang time ko ng pag-online ngayon. yong gagamitin ko para replayan kayo ay gamitin ko nalang po para pasyalan kayo.

    GUILTY…I AM GUILTY. guilty po talaga ako pagdating sa pagsunod sa Kanya. at tama si sherma..wala naman talagang normal na tao ang hindi guilty suportado po ito ng Rom 3:23…a yan may reference pa.

    naipinta ko ito medyo matagal na. nasa college pa ako nun. nung time na yun, feeling ko ako yong nakaupo sa may hagdan at nag-iisip kong aakyat ba ako at magresponse sa invitation nya?….hanggang sa maisip ko, ah kailangan kong iwanan ang malaki at mabigat na bag na ito upang makaayat ako sa kinaroroonan nya. sobrang bigat kase ito at siguradong diko kayang iakyat. pagkatapos nun..eto uli ako, bitbit ang malaking bag, nag-iisip, iiwanan ko ba uli ang bag? alam kong dapat ko itong iwanan, pero ang hirap gawin.

  12. uy, malalim ang message nito a. Pero gets ko, kasi minsan naiisip ko din yan. Akala ko ako lang ang may mga ganyang tanong sa buhay. mahirap talaga iwan ang ibang mga bagay hehe.

  13. belated na sobra ang comment ko. six weeks ago na ang holy week!
    pero alam mo, Eli, pwedeng vocation promotion poster ang obra mo.
    yung tipong invitation to young men to consider a life in priesthood.ü

    God bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s