ang sining sa basura

title: sun set sa dumpsite/ mediem: oil on canvass

title: sunset sa dumpsite/ medium: oil on canvass

ito ang latest na painting ko. maaaring sa ngayon, iba na ang hagod ng kamay ko… at iba narin ang paraan ko ng pagkukulay. siguro ay dahil sa matagal akong hindi nagpinta o kaya ay senyalis na ito ng pagtanda. pero kahit na naiba at parang naninibago, sa bawat pinturang nakakapit sa brush ko sinisikap ko paring magkaroon ng kabuluhan ang bawat linya at kulay nito.

reuse, reduce, recylce

reuse, reduce, recycle

makakabuti raw kung yong mga nasa malalaking lalagyan ang bibilhin nating produkto upang sa ganun ay maiwasan ang madalas na pagbili ng malilit na siyang nagpaparami ng basura. makakatulong din kung magdadala ng lalagyan tulad ng basket o kaya ay bayong!

nung maliit pa ako ‘yong nanay ko tuwing mamamalengke, may dala dala itong bayong. uso pa kase ito noon. kaya naman naiiwasan nitong mag-uwi ng maraming plastik. pero ngayon, wala nang gumagamit ng bayong. nilalagay nalang nya sa plastik ang mga pinamili nya. nakakahiya na raw kaseng magbitbit ng bayong sa panahon ngayon!

kahit basura, kapag inayos at pinagsamasama ay siguradong sasaya!

kahit basura, kapag inayos at pinagsamasama siguradong sasaya!

aba..mukhang okay ang slogan na yan aH. ipa-copyright ko kaya?!

kahit basura, kapag inayos at pinagsamasama siguradong sasaya (eli 2009 hehe)

may pera sa basura

may pera sa basura

ito ang pinakagasgas pero dapat malaman ng lahat:

totoong may pera sa basura!

oo totoo yan. yun ngang may ari ng isang junk shop dito sa amin alam nyo bang malapalasyo ang bahay?! . .

The earth we abuse and the living things we kill will, in the end, take their revenge; for in exploiting their presence we are diminishing our future. ~ Marya Mannes ‘More in Anger’ 1958 ~

.

.

bago ako magtapos, magrelax, magbalik tanaw, magbatibot muna tayo! . .

.

.

nakuha ko ang idea na ito kay pareng mar. HANDOG KO SA MGA BATANG BATIBOT

.

.

every day for everybody..let’s support eart day!

.

visit my gallery |back to mainpage

Bookmark and Share

24 thoughts on “ang sining sa basura

  1. Uu nga ano? Wala na nga akong nakikitang may dalang bayong sa mga supermarket ngayon. Hihi.. Pero siguro sa mga nagpupunta sa mga palengke uso pa. May mga ganyan pa akong natatanaw doon eh.

    Ganyan din ako mamili. Malalaking packages ang binibili ko para hindi bili ng bili at tsaka mas sulit kapag malaki dahil mas mahal ang presyo ng patingi-tingi o maliliit na packs.

    Wa pareho po tayo ng kapitbahay. Ang yaman yaman na po nung kapitbahay namin dito na junk shop ang business nila. Ang galing grabeh!

    hahaha.. baka kase kapag nagdalaw ng bayong at pumasok sa supermarket maiwanan din sa labas. meron nga po sa palengke pero bihira na. siguro ang mga yun ay yong mga nagmamalasakit nalang sa kalikasan at yong mga takot sa basura.

    aba..magkapareho pala tayo ng kapitbahay! hehe

  2. Tama ka Ka eli nakakahiya na mag dala ng bayong sa panaon ngayon pero kong saan ako nanggaling (mindanao) may mangilan ngilan parin akong nakikita… at totoong may pera sa basura kong dito nga lang sana di pinagbawal ang mamasura dito marami na akong gadgets hhehehe bawal kasi pag nahuli ka ng MP nagbabasura pack ur things ang go home.. kasi pede daw kasing gawing bomb devices ang mga electronics na pinagtatapon ng mga kano.. kaya sayang na sayang talaga….sinusunog lang nila…

    Pero lupit parin ng Obra kahit walang praktis.. sulit pa rin hehhehehe

    nakigulo lang ka Eli kita kits

    HINDI LANG nakakahiya, parang out of coverage area kapa! hahaha. ganun ba? pag-uwi mo nga ako ng basura dyan. joke lang po, pero pwdeng totohanin..hehe

    tnx sa pagdalaw ser boomz

    keep the Faith Bomss

  3. Ako po, nagdadala pa rin ng bayong kapag nagpupunta sa palengkeπŸ˜‰
    Sa grocery naman, para bawas plastic, kapag pwede na pagsamahin ang ilang items, sinasabi ko na sa bagger na pagsamahin na kesa naman gagamit pa uli ng isa pang plastic bag. para naman kahit papaano, makatulong kay Mother Earth.

    ok ang mga na-share mong tips. tama yan..iwas basura na..iwas problema pa. yong gumagamit yta ng bayong ngayon, yong mga nagmamalasakit at ‘concern’ nalang sa mga problema ng basura. bakit ba kase nawala ang bayong sa uso? hehe.. dito sa vzcaya, kahit nasa malayo kami, kita ko pati yong mga galing ng bundok hindi narin nagdadala ng bayong o basket.

    naalala ko pa..noon kapag bibili ng bigas o kaya prutas, hindi plastik nilalagay ng tindero kundi sa mga papel na brown. sana ibalik nalang ito

  4. kapag may dala akong bag at kasya ang bibilhin ko sa bag.. hindi ko na ito palalagay sa plastic bag, ilalagay ko na lang ito sa aking bag..may resibo ng binili ko..hehehe..baka akala shoplift akoπŸ™‚

    salamat sa paalala..

    haha… oo nga, kapag nilagay mo sa bag wag kalimutan ang resibo at baka bigla kang sitahin ng guard.

  5. May kilala ako mula noon hanggang ngayon gumagamit pa rin ng bayong kapag namimili..ang nanay ko sa pagtitinda ng isda may bayong pa rin kasi gumagamit pa rin sya ng bilao e… dun nya nilalagay yung mga bilao saka mga plastik na gamit nya sa pagtitinda….

    ah ganun po ba? parang bigla kong naimagine nanay mo. ako rin yong nanay ko gumagamit parin ng bilao, gamit nya ito sa pagtahip ng bigas. mayroon parin namang bumagamit ng bayong, pero sa mga kabataan, bihirang bihira na siguro.

    welkam bak po ate melai. hehe

  6. ang galing talaga, mate! (ano ba yan? redundant na yung mga sinasabi ko!) eh totoo naman di ba?πŸ™‚

    i’m not sure what’s this kind of art is called. expressionism ba? i love the way how you used and mixed colors to evoke depressing and sad emotions the art is trying to deliver.


    wow!!! tatandaan ko yan eli! LIBRE EH! joke! pero seriously, malay mo…:P

    oo expressionism nga yata haha pati ako di sigurado. ako kase painting lang ng painting. hehe. naks naman…thanks ron.

    dahil sa pambobola mo sa kin..(hahaha) oo pangangatawanan ko talaga yong sinabi ko. LIBRE basta ikaw. ang sarap sigurong maging bahagi ng isang libro na pang best seller. hehe

  7. malikhain talaga si ka eli ano? ayos naman ang lahat ng ito kaya wala akong masasabi kundi ituloy mo lang yan, ang galing nga n talento mo…

    thanks po. wala din ako masabi..salamat nalang uli!

  8. ang galing naman. grabe, ang galing mong magpaint! san ba nabibili ang talentong yan? haha.

    agree ako sa mga sinabi mo. kung lahat tayo ay makakaisip nyan, eh di sana wala na tayong problema sa basura. tsk.

    yung nanay ko, alam ko, bayong pa rin ang ginagamit nya pag namamalengke.πŸ™‚

    madami nito sa bangketa! hahaha
    oo nga eh. naisip ko tuloy…sino ba ang nagpauso ng basura na yan?! hehe

  9. Korek ka jan, ang hirap mag-manage ng basura. Pag ako namamalengke, nililimit ko talaga ang maiuuwing plastic. Hanggang pwedeng pagsama-samahin, gagawin ko. Ang medyo successful lang ako ay dun sa pag-recycle ng mga organic wastes. Lahat ng kitchen wastes sa bahay diretso sa mga halaman ko na nasa rooftop.

    Malaking issue yan. Sa level kasi ng tahanan, di pa rin realized ng majority yung urgency ng problema. Parang ang hirap ipaliwanag at ang hirap ipaintindi. Masyado kasing micro ang pagtingin. Eh global ang problema natin. Haaay.

    tama ka jan. ang hirap ipaliwanag talaga. ako dito sa vizcaya naka tira lang ako sa isang apartment at sumasakit ang ulo ko kapag nakikitang pinaghahalohalo ng mga kasama ko ang basura nila. naglagay na ako ng label sa bawat sako pero parang ayaw basahin at kung saan saan parin inilalagay.

    maganda yong sinabi mo tungkol sa pagre-recycle..hmm..meron akong drawing nyan..lagay ko sa susunod! hehe maganda kung ang bwat tahanan ay magkaroon ng libangan..ang pagko-compost. galing naman ng garden mo! sa rooftop pa. alam mo pay project kami na related sa ganyan yong “urban farming”. ini-introduced namin sa mga mamamayan yong konsepto nito para sa ganun at ma-encourage silang magtanin ng halaman sa paso, lata, sirang gulong, plastic etc. itinuturo ang tamang pag-aayos pagsasaayos ng mga ito upang magamit ng maayos kahit yong pinakamaliit na bahagi ng bakuran.

    tungkol sa urgency na sinasabi mo…hindi kase nauunawaan yan ng tao hanggat walang nangyayari. kapag may nangyaring masama saka palang kikilos. hay bu—hay!buhay basura..buhay na mahirap mabura!

  10. WOW Kuya!!!!
    Ang ganda ng 1st painting mo…^_^
    (title: sun set sa dumpsite/ medium: oil on canvass)
    San mo ba talaga gipaint to???
    Adobe photoshop or barehand???
    ===============
    Kuya maraming Salamat sa pag post ng video ng Balibot….^_^
    HUHUHU….Batang Balibot poh ako….^_^
    Sinuybayan ko talaga sila,Pong Pagong,Kiko Matsing,at lahat ng cast ng Batibot…^_^
    (Di ko na isa-isahin pa).^_^
    Naalala ko talaga ang moment ng ngpaalam na sila,yong last na nilang pagpalabas sa ire…
    Parang namatayan ng kaibigan lahat ng mga kabataan noon.
    Isa na ako don…Di ko alam,o di ko maintindihan kung bakit huling palabas na nila yon.
    Mga ilang years na ng daan,napanood,or nabasa ko..di ko maalala.
    Basta nalaman ko na lang ang dahilan sa Eraserheads na dahil pala sa dating Pangulo ng Pilipinas na si Marcos…^_^
    Dahil sa Martial Law…
    Ano tawag non? Dead Media? or Something????

    Hahay napalasimple lang ng buhay noon…^_^
    Mababaw lang ang kaligayahan ng mga kabataan noon…^_^
    Makapanood lang ng Batibot kumplito na ang araw…
    Tpos laro ng tumbang priso sa hitna ng daan o tago taguan,masaya na…^_^

    ===========================
    Hahay basta Kuya inaalala mo sa akin ulit ang childhood memory ko….^_^
    Maraming Salamat poh…^_^

    barehand po. gamit ang oil paint at canvass.
    oo nga..napakasimply lang ng bata nun..nood batibot at konteng habay-bahayan o kaya tumbang preso o kaya naman maglaro ng traktrakan at kumain ng pisong sorbetes ok..solb na solb na! ngayon, ‘di na ganyan..kailangan ng ibili ng PS3, ipasyal sa mall, pakainin sa jollibww at kung anuano pa! sana nag-anak na ako nun pa! hahaha

    ako din tuwing magpopost ng mga ganito..naaalala ko ang kamusmusan ko. salamat din

  11. yung lola ko aman basket ang dala nia dati pag namamalengke kaso yung basket mas mabigat pa kesa sa pinamili nia..ahehe

    galing mo talaga sa arts kuya..gusto ko yung painting mo..naalala ko nung nagaaral pa ako 1 beses lang nappuri ang drawing ko.hayskul ako nun.si marvin the martian ang drinawing ko ayun patok sa teacher ko buhay na buhay daw ang kulay..ahkes ee black,green at yellow lang kulay nung drawing ko weh..ahahay

    sobrang laki ba ng basket nya? hehe

    wow..galing mo din pala magdrawing. drawing lang ng drawing at mahahasa ng husto yan.

  12. ElIbs na talaga ko sayo! Well, noon pa naman. You’re able to send out good messages sa pamamagitan ng husay mo sa pagguhit. Talking about talent being used for better purposes. Sana pagpatuloy mo yan kapatid…at sana padala mo an sa kin yung hinihingi ko sayo..yung may bird? wahaha.

    ehemm.(haha) salamat po. naku pano kaya yun? nasa room ng nanay ko yong painting ko na yun eh.

  13. cool painting bossing. magaling kapa din!
    speaking of pagdadala ng basket, alam mo ako pag may plastic na ako di na ko humihingi pa ng ekstra para makatipid sa plastic at wala naman din akong paggagamitan. may dala na din akong recycled bag para mas makatulong sa nature.

    susundin ko ang mga tips mo bossing!πŸ™‚

    magaling..magaling..magaling… yan nga ang dapat tularan. ipagpatuloy lang natin yan parekoy at sana ay makaempluwensya tayo. salamat boss denciong balikbayan. hehe

  14. ganda ng post na ‘to, makabuluhan. ako talagang hindi ako nagtatapon ng basura sa kalye. binubulsa ko talaga hanggang sa makauwi ako ng bahay.

    “alin, alin
    alin ang naiba
    isipin kung alin ang naiba
    isiping mabuti, isipin kung alin
    isipin kung alin ang naiba!”

    – tenco

    alin..alin at alin nga ba ang naiba? haha nakakamiss ang batibot ano? alam mo kung ang bawat pilipino magbubulsa ng sariling basura at hindi magtatapon sa kalye..naku malaking bagay yan. salamat!

  15. Wow angganda naman ng post na ‘to, advisable talaga na malalaking pack ang bilhin, tipid na makakatulong ka pa sa pagbawas ng basura!

    sabi ng friend ko na nag-aaral sa UPLB, ang mga tao daw sa LB hinde na gumagamit ng plastic, paper bag nalang daw, kapag nag-grocery ka sa Robinson’s Supermarket, yun na ang ibibigay nila sa ‘yo. Astig! sana buong Pilipinas, i-adapt yun noh?!

    galing naman..sana rin i-implement ng LGUs ang no plastic policy. yun bang sa bawat palengke ay maglagay ng restrictions ng pagpa-plastic sa bawat produkto. yong mga dry goods sana wag nang iplastic. kahit yun lang ‘muna’ alam ko magiging malaki ang impact kapag naimplement ng husto. tumakbo ka kya sa 2010? hehehe

  16. oo naniniwala ako may pera sa basura. at madaming kumikita sa pagbebenta ng scrap na maramihan.

    kaya nga yong iba..kahit matino pa, ninanakaw at isinasama sa mga scrap. hehehe

  17. maganda pala sa drawing yung basura, futuristic ang dating… hehe

    ngayun hindi na bote ang gamit sa mga suka at toyo eh… kaya nababawasan na din ang pera sa basura, dati kasi binebenta ko yun pag naipon na sa bahay…

    batibot kids…

    hahaha..oo nabawasan ang pagkakakitaan at nadagdagan naman ang plastic. batibot kid ka rin ba? mag-reunion naman tayo? hehe

  18. ECO BAGS ang solusyon dyan.πŸ™‚ Meron akong palaging dala nyan para siguradong may paglalagyan ng extra kong mga gamit or kung may bibilhin ako bago umuwi.πŸ™‚

  19. Dito sa France, uso ang bayong. as in, bayong talaga ang gamit, kahit sa groceries. yung plastic kasi dito, binibili. nagbabaon ang mga tao ng sarili nilang bayong, grocery bags (na gawa sa sako) at plastic bags. ang resulta, mas konti talaga ang basura. sabi kasi ng mga pranses, ang mabasurang paligid daw ay tatak ng isang third world. Aray!

    ewan ko, pero dapat nating pausuhin ang bayong. iyan ang uso sa yuropa, bakit natin ikakahiya sa Pilipinas?

    God bless! (balik blogging ulit ako, Eli. hehe…)

  20. Ang ganda naman ng site na ito. Bigla kong naaalaala ang aking kabataan. Na-aliw naman ako sa opening song ng BATIBOT. Natawa tuloy ang anak ko sa akin. Habang sumasabay ako sa song ng BATIBOT. Bakit ko daw alam ang song na’yon? Nakakaiyak naman! Bakit kasi nawala na ang show na iyon. Ang ganda daw ng song sabi ng son ko. Gusto daw nyang matutuhan.

    Ang simple nga pala talaga ng life ng kabataan noon nuh?

  21. makikisangkot po, ugali ko ng magdala ng basket or ecobag sa palengke man o mini mart…even on pharmacies…sabi nga nila, “sana lahat ng buyer, ganyan,” then dito sa fence ko since along highway ang lugar ko, naglalagay ako ng slogans about basura…

    kahit maliit lang upfront ko, may compost area ako, ginagamnit ko sa gardening

    ……maliliit na basura, pansamantalang ibulsa…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s