wala lang.

medyo wala pa akong maisip na bagong topic. hindi parin ako makagawa ng bagong images dahil kunwari busy pa! kaya i-share ko nalang muna sa inyo ang ilan sa mga drowing/cartoons  ko.

ito ang tinatawag na track n' field (reposted image po ito)

ito ang tinatawag na track n' field (reposted image po ito)

anong masasabi n’yo?

bakit nga ba ang daming pasaway?

bakit nga ba ang daming pasaway?

isa naman ito sa mga cartoons na gawa ko (commissioned work) patungkol sa solid waste management.

1st manga cartoon na gawa ko.

1st manga cartoon na gawa ko.

nainggit din ako sa mako-cute na ‘manga’ cartoons kaya sumubok din akong gumawa nito.

.
.

.

“Everyone makes mistakes. That’s why there is an eraser on every pencil.”

.

.

naisip ko lang din, mabuti pa sa computer, kapag nagkamali ka, pwedeng undo..pwedeng delete.. pwede ring mag-exit anytime. At kapag tinanong ka ng ganito: Do you want to save the changes to ________? click ka lang ng NO at hindi na maaalala pa nito ang ginawa mo. samantalang sa buhay ng tao, hindi pwede ang undo, hindi pwede ang delete at lalong hindi pwedeng mag-exit without saving changes sa buhay mo. kahit sabihin pang mag New ka, maaalala at maaalala ng mga tao ang minsang pagkakamali mo. haay, buhay! [senti to ah. hehe]
.
.
kung ganun na laging nasi-save sa memory ng tao ang bawat gawin natin, eh di gumawa nalang tayo ng mabuti! para mabubuting bagay ang naka-save sa mundo at hindi pait at puro kasakiman.

.
.

magbigay ng lapis at tulungan ang mga mahihirap na bata na iguhit ang kanilang kinabukasan. i-click lang po ang link na ito.

33 thoughts on “wala lang.

  1. Salamat, salamat, kapatid sa pag-link uli ng munti kong proyekto dito. Nakakataba ng puso.

    I admire people who have artistic inclinations. ako kasi, ni hindi yata makaguhit ng tuwid na linya hehehe

    ganun ba? salamat po. alam mo, tuwid man yan o liko-likong linya kung galing sapuso mo, sining parin yan! hehe. alam mo, nainspire ako sa project mo…at dahil dun alam mo bang hindi ako makatulog at nag-iisip ng mga bagay-bagay kung pano ko matutulungan ang mga batang ito na iguhit ang kanilang kinabukasan.

  2. ang galing!

    ipadrawing mo na sa akin ang lahat wag lang tao. how much more kung sa computer pa gagawin? hehe! ewan ko ba? hindi lang siguro ako nahilig magdrawing nga mga mukha. puro landscapes at stii-life lang. ayun. hehe!

    hi ron, alam mo ako rin weakness ko tao rin..mukha ng tao. kaya hindi ako nagpo-portrait. nagiging cartoons ang mga portrait ko eh. hehe

    oo nasa hilig lang din yan. kung hindi mo hilig, hirap mong gawin.

  3. pards tama ka lahat ng lapis kakambal ay pambura!
    wala kasing perpekto.

    ayos yung track and field.

    oo nga..kaya napakahalaga ng pambura. ang isa pang magandang katangian ng lapis ay yong natatasahan ito kaya napapatalim at naisusulat ng maayos.

    hehe..yan ang tunay na tack n field.

  4. tama, kelangan nating dumaan sa mga pagkakamali para matuto. Kung wala tayong natutunan, uulit lang ng uulit ang problema. Hehe.

    korek na korek yang sinabi mo na yan! hehe

  5. aray ko po! tinamaan ako dito ” sa buhay ng tao hindi pwede ang undo..delete at hindi pwedeng mag exit w/out saving changes..

    ganda naman ng works mo.. tuwang tuwa ako sa track n field🙂

    ganun po ba? hehe…bakit nga ba walang undo sa buhay ng tao..pero okay lang yun, pwde namag magsisi eh. bagaman may pagbabago na, mayroon naman DAW purpose ang bawat pangyayaring ito sa buhay natin.

    salamat po at nagustuhan nyo. actually, idea ito ng dati kong ofismate (salamat kay haze) ako lang po ang nagdrawing para sa isang study ng poster na diko alam kong natuloy o hindi (sa malamang na hindi). tungkol ito sa pagtatanim ng palay na masmainam kung gagawing sabay-sabay. oh di ba? nagamit ko din ang pagka-agriculturist ko sa drawing na ito. hehe

  6. ay ka eli musta ka naman dyan? bisi ha! teka alin ba dun ang mga mangga na sinasabi mo? yun bang babae..ok ang cartoon mo ka eli..isang araw e mababasa na lang kita sa dyaryo at nood sa tv dahil sa talento mong yan..

    okay na okay parin naman po. manga po ay isang stilo ng pagdo-drawing ng cartoon na nadevelop ng mga hapon…malalaki ang mata at cute tingnan. diko nga lang sure kung cute din ba yong na-drawing ko. hehe. naku baka naman magdilang anghel ka nyan! hehe…salamat po!

  7. May life realizations pa o, astig! Lupet mo talaga pare, natawa ko sa track ‘n field hihi.

    opo..para naman magkaroon ng silbi ang mga nilalagay ko dito. lol

    na-try ko ba yang ganyang track n field? hehe

  8. halimaw ka talaga pareng eli!nakakaasar ka!ang galing mong mag drawing..

    tao ka ba?hehe

    ‘so-ver’ naman ang description mo.. hehehe. wag ka maingay baka makahalata sila!

    hindi lang basta tao bro, pinoy pa!

    !🙂

  9. Kapatid, galing nung “track n field” ah… Hehehe…

    Ang mark ng lapis ay katulad din ng mga kasalanan natin, ngunit dahil sa mapagburang pagmamahal ng Maykapal, nabubura sila… At pambihirang pambura – hindi nauubos, hindi nagwawakas at kayang burahin lahat gaano man kadiin at karami ng mga marka!

    wow..ang galing naman ng na-share mo na yan. taya ako ng piso sa idea na yan!
    hindi katulad ng pagtingin ng tao, isang pagkakamali lang..kapag nasulatan, kahit konte lang…o isang tuldok man, kahit gaano mo tangkaing burahin, kita parin ang bakas nito. thanks po.

  10. hey! thanks for the visit😉

    tama ka, kung sana lang ay merong mga backspace functions in real life😉 hehehe

    oo nga..saka sana may ALT key rin. hehe

  11. hi Eli,

    Ayos tong blogoraphics ah! Pareho kayo ni Ever na artist.
    ..at buti pa ang keyboard, merong CTRL key.. hehe

    opo..bumibisita rin ako lagi dun kay ever.
    saka buti pa sya may space bar! samantalang tayo laging sinasabi “i need some space”

  12. di yata uso ang rules dito sa pinas…

    yun ang wala dito na meron sa iba… hehe

    pasaway ang pinoy..

    oo nga..kase kapag nasa ibang bansa tayo hindi naman marunong naman tayong sumunod. haayy.. yan siguro ang kapalit ng pagiging ‘sobrang laya’ natin. saka dito kase sa atin, yong mga dapat nagpapatupad ng batas ang unang pasaway eh.

  13. natawa ko dun sa track and field..ahehe

    honga sana parang computer na lang teo..madaling magdelete,edit at magsave…

    pero kung ganun,,,palagay ko parepareho tayong walang mararating. hehe baka puro start lang tayo. kung ganyan ang tao..palagay ko sobrang gasgas na ang back space at delete key natin!

  14. korek! may inatenand akong workshop about sa pagdodrawing ng tao…kamay pa nga lang hirap na ako. hays…how much more kung mukha di ba?


    tumbok, parekoy. ang weird no? kung alin pa yung masaya..ayun pa yung madaling mawala…

    hehe..may iba ka namang talent. da bes ka pagdating sa pagsusulat!
    oo nga..kung ano pa ang gustong gusto mo yun ang nawawala at kung ano ang ayaw mo yun ang dumarating.

  15. wow galing MOng pagdrawing sana idrawing morin ako katulad ni rose sa titanic hehehe jowkes

    pero seryusli love ur drawings talaga😀

    NICE BLOG AS well i link kita ha

    salamat pala sa pagdaan ng aking tahanan

    cum again

    mwah!!!

    oo ba?! sige, kelan m ba gusto i-drawing kita? hehe
    i-link din po kita. tnx

  16. busy ka na naman parekoy, ganyan talaga!

    galing ng concept mo dun sa nagtatanim ng palay, track and field, nasubukan ko din dati yang ganyan magtaning ng palay “agraep” sa ilokano

    hehe..ganun ba? ako din nakapag-raep eh

    .

  17. naks..”wala lang” pero may words of wisdom naman pala..😀
    at teka lang..parang kamukha ni bayani fernando yung nagttrack en field? haha!

    hahaha..bayani fernando ba? wag mong sabihing pati bukid lalagyan pa nya ng billboard ng nya! hehe

  18. Ayos tong mga creations mo po. Ang galing! Editorial cartooning po yung dalawang nauna di po ba? Alala ko kasi sumali ako sa ganito dati. Hehe..

    Tama po yung sinabi nyo. Dahil walang UNDO mas maganda kung lahat na lang ng gagawin natin ay tama. Kahit mahirap kung sisikapin natin lagi at yun ang laging isasaisip magiging magaganda siguro mga bakas na iiwan natin sa mas nakakaraming pagkakataon.

    aba..gleng gleng mo rin siguro mag-drawing! oo tama ka dyan! at kung lahat ganyan ang nasa isip..aba ang sarap mabuhay sa peaceful na mundo!

  19. ok ka naman pala mag-drawing ng tao parekoy eh. kala ko pa naman wala ka talagang talent dun. hehehe.teka, ano ba ibig sabihin nga ‘manga’? di ba prutas yun? sori ha. yun lang talga alam kong manga eh. hahaha!

    wala talaga kapag portrait! hehe ang mangga po (ayon sa kanila) ay isang estilo ng pagdo-drawing ng cartoon. nadevelop ito ng mga hapon. yon bang malalaki ang mata at cute na mga anime nila! yun po yun!

  20. salamat sa pagdaan sa blog ko. ang galing mo naman magdrawing. naging frustration ka yan pero hindi talaga umubra. haha.

    nakakatuwa naman ang realizations mo.🙂 minsan, natatanong ko din yan. naging hobby ko kasi ang pagreformat ng computer namin..sana ganun lang din kadali magreformat ng buhay no? haha. (sinabayan ka pa sa kasentihan..)🙂

    oo nga..okay din yong concepto ng pag-reformat! tanggal ang virus at pati mga cross linked files! hehe

  21. The first picture reminded me during planting season. Lahat kaming mag pinsan may share na area na aming tataniman ng palay.. nag uunahan kaming matapos… hehehe…

    The second picture naman about segregation medyo problema nga yan.. pero mas may malala pa nyan, kasi naka segregate nga, pero sa dumping site magkahalo halo pa rin.

    ganun ba? eh sino ang nananalo sa unahan nyo?

    oo tama..masmalaking problema pa nga minsan yong dumping site eh. lalo na kung malapit ito sa residential. at dahil dyan…tingnan mo yong susunod na post ko. hehe ito naman yong painting ko tungkol sa dumping site.

  22. ang ganda naman po ng quote sa itaas..kanino po galing yon? i bet sa inyo po o kaya kay bob ong.. mganda po ung manga ginawa nyo..pwede na ho kayong gumawa ng komiks:D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s