trak-trakan

ang trak-trakan ko.

ang trak-trakan ko (medium: digital graphics)

Nasubukan ko ring maglaro ng traktrakang lata noon. Na-inggit kase ako sa mga kalaro ko kaya namulot ako ng medyo maganda-gandang lata ng gatas (liberty yata yun), nilinis ng kaunti at binutasan sa gitna gamit ang pako. Nilagyan ko ito ng alamre at pinagkabit sa pamamagitan ng kahoy. Nilagyan ng tali at ready na! May insant laruan na ako, na-explore ko pa ang paggawa nito. Noong una, hindi masyadong maganda ang pagkagawa ko nito. Pero inayos ko ito unti-unti hanggang sa napaganda ko ito. Dahil sa bagong laruan ko, s’yempre buong pagmamayabang na akong nakipaglaro sa mga kababata ko. Natatandaan ko, kinuha ko pa yong krayola ko nun para kulayan yong kahoy at yong lata na ginamit ko. Pwede pala yun! Nilagyan ko rin ng isang alamreng nakatayo sa bandang likod nito na halos isang talampakan ang haba. Oh, ha wid antena pa yan! “Okay rin siguro kapag sinabitan ng flag?”, naisip ko kaya kumuha ako ng maliit na tela at inilagay ito sa dulo ng alamre. “Yehey, may watawat pa yong traktrakan ko!”

nag-explore din ako kung pano mapapaganda ito

nag-explore din ako kung pano mapapaganda ito

.

.

Hindi ako tumigil kung paano ko mapapaganda ang laruang iyon kaya naman madalas ko itong kinakalag at dinadagdagan ng ‘features’. Sinubukan ko ring lagyan ng alamre sa apat na sulok nito para malagyan ko ng bubong. Baka kase mabasa yong driver kapag umulan. Na-try ko ring lagyan ng lupa ‘yong loob ng lata ng traktrakan ko. Sa tingin ko mas-okAY ito, nabawasan ang ingay at dahil naging masmabigat siya, hindi rin kaagad-agad natutumba! Kaya naman makipagbanggaan man ako sa mga kalaro ko, hindi ito natitinag.

Imagination is the beginning of creation. You imagine what  you desire, you will what you imagine and at last you create what you will – George Bernard

.

.

.

traktrakan

.

.

.

.

visit my gallery |back to mainpage

Bookmark and Share

46 thoughts on “trak-trakan

  1. Na-alala ko i made one like this, for my pamangkin… natuwa naman sya eh kasi 5 pa lang nung nag-6 na sya ayaw na nya hhaa.. gusto nya yung toy car na talaga at de-remote control.. LOLs

    hahaha..oo nga. kung ano kase ang nakikita ng bata yun ang gusto niya. baka napansin niya na siya lang ang mga laruang lata kaya ayaw na niya ito. mabuti hindi ka nag-imbento ng remote control na lata. hehe

  2. matindi talaga ang laman ng utak ni ka eli…ang lawak ng imahinasyon mo ka eli…

    kami naman nung mga bata pa e puro tumbang preso lang alam na laro sa lata kaya ayun, minsan nasusugatan sa paa..ehehehe

    congrats ka eli at isa na namang imahinasyon mo ang iyong nailabas..

    salamat payatot. minsan kaya e magtumbang preso tournament tayo. sino kaya ang pwede mag-sponsor? hehe

  3. hehe.. magkaklase naman tayo, naglaro din ako nyan nung bata ako🙂

    oo nga ano. ano ba yong ginamit mong lata? thanks classmate. hehe

  4. wow…you’re really creative at a very young age. promil kid ka siguro no mate? ahehehe! nako kung ako siguro naka kita ng lata, maglalaro lang ako ng tumbang preso. hehe! fave ko yun eh…


    wala kang date or kahit crush noong HS? ahehe! ok lang yun… medyo sinwerte lang ako kasi MU kami nun ni Nat. pero siguro kung hindi nako…wala akong lakas ng loob para yayain siya. hehe!

    ‘yun nga ang pinanghihinayang ko ron, wala pa kaseng promil nun. di sana (baka sakali) isa ako sa gifted child ng promil. hayaan mo, gawa tayo ng proposal, tumbang preso tournament dito sa blogosphere. hehe

  5. ilang taon ka kuya nung ginawa mo yan? Napaka-imaginative talaga ng mga bata noon noh?! ako naman yung mga dinrowing na paper dolls tas dedesign-an mo ng mga damit, yun nilalaro namen nung mga ate ko nun. May naglalaro pa kaya nun ngayon???

    May point din si Elyong dun ha! Minsan mas maganda din yung may personalized touch.🙂

    diko matandaan eh. basta alam ko hindi pa ako nag-aaral nun. ako din nag-gagawa ng paper dolls, sa akin nagpapagawa yong kapatid kong bunso kaya pati ako naglaro din nyan. isinakay ko sa traktrakan. hehe.
    oo iba kapag pinaghirapan. maspinapahalagahan.

  6. alam mo bang dito sa alemanya e madami pa ring mga homemade na mga laruan? sempre nga lang, as high tech na. kasi nilalagyan na rin nila ng makina. pero sempre dami rin naming laruan de lata nung bata pa kami.

    ganun ba? ako nun iniisip ko kung pano ko kakabitan ng baterya eh para tumakbo ito mag-isa. hehe

  7. Nice artik. Ginagawa ko din yan nung bata ako alaska evap naman na lata pamit ko.Hehe. Uy may collaboration blog natin ah.Hehe

    oo napansin ko nga. maganda yun para mas maikalat natin ang mga laruan/larong pinoy. natuwa ako nung nabasa ko yong blog mo kase may kasama ako. hehe

  8. alaska evap, yung maliit… pero, nagpapagawa lang ako sa mga pinsan ko. Nilalagyan ng sirang goma ng tsinelas para lalong magmukhang sasakyan.🙂

    ah..alam ko din yun. bubuksan yong lata tapos lalagyan ng gulong na bilinog na tsinelas. nagpagawa ako sa kuya ko ng ganun eh.

  9. Katuwa naman ang trak-trakan mo! Meron pa kayang mga batang Pinoy na gumagawa ng ganyan sa ngayon? Kahit mga pamangkin ko (mahirap lang kami) hindi ko na nakikitang naglalaro ng mga ganyan. MP4 kagad hawak nung 5 year old kong pamangking lalaki. Hihi..

    Kaka-miss din talaga mga old days. Alala ko rin tuloy mga laruang ginagawa namin dati.

    kung meran man siguro sa mga liblib na lugar nalang. kahit sa amin wala narin akong nakikitang naglalaro nito eh. madami na kaseng murang laruan na pwedeng mabili-galing china. grabe naman yta ang hirap ng buhay nyo, at walang nakayanang laruin ang pamangkin mo kundi mp4. hahaha.. joke lang po. salamat sa pagdalaw.

  10. guess what?gumawa rin ako nyan nung bata ako.namulot ako ng lata.haha

    pero syempre, mas maganda yung sayo pareng eli. :p

    hehe..gumanda lang yan sa drawing pero tabi-tabingi yong aktwal na gawa ko. nakakamiss din minsan ‘yong mga ganoon kasimpleng laruan ano?

  11. Nakakarelate talaga ang magka-henerasyon…🙂
    Naalala ko tuloy noon na sunog na ang mga balat namin sa araw kasi hatak ng hatak ng trak-trakan sa daan…🙂

    Naalala ko rin ang isang nakakatanda kong pinsan na sumalangit na… Parati ko siyang inaaway noon, pero siya ang pinakamasigasig na gumawa ng mga ganitong laruan para sa akin…😦

    Coolwaterworks

    oo iba talaga kapag magkahenerasyon ako? hehe..pero alam mo maswerte ang henerasyon natin kase nasa transition tayo. nasubukan natin ang luma at ngayon ay umabot tayo sa hi-tek.

    yong mga nauna kase sa atin, hindi na naabutan ang internet at ‘yong mga ngayon lang naman dumating, sayang kase hindi naabutan yong simpleng buhay.

  12. Hahahah magch-charge ng toy…ke arteng busyok…pasensya inuna ko syang basahin eh. Anyway, naalala ko din yan. Kaso hindi ata ako nagkaron nyan. Milkmaid na yata naabutan ko hihihi

    Yung nga graphix lalo na yung una..astig! Parang totoo.

    hehe..ok lang, sayang, namiss mo ang pagkakarera ng traktrakan o baka puro bahay bahayan ang laro mo nun. hehe. pwede pa naman ako gumawa nya..send kita. hahaha ..salamat po.

  13. Meron ako nito.. ako talaga ang gumawa. Liberty condesada kasi ang gatas namin noon kaya nakagawa ako ng ganito.

    Minsan naman lumang tsinelas ang ginagawa naming gulong.. kaya lang mahirap makahanap ng lumang tsinelas, kasi ang tsinelas sa probinsya talagang pudpud na bago itapon.. di na puwedeng gawing gulong.

    magka-brand pala tayo… yun yta ang pinakasikat na brand ng gatas nung panahong ‘yon. oo alam ko din yun, yong bibiyakin yong lata at gagawa ng gulong na yari sa tsinelas, at problema nga nun kung saan makakapulot ng tsinelas na pwde pang pakinabangan kase ang tsinelas sa probinsya hanggat pwdeng isuot isusuot pa talaga

  14. hahaha natawa nman ako sa wento simple lang pero makatotohanan nakaranas din ako ng ganyan dahil sa inggit sa kapitbahay na mayaman di kami makabili ng laruan kaya lata na lang.. tama ang sabi ni elyong sarap kaya pag pinagpaguran mo.. kahit sa anumang bagay.. ibang pakiramdam pag pinaghirapan mo talaga…

    coments ka kapitan pinoy.. mahilig din ako makinig ng wento sa radyo nuon sabihin nating big fan ako nuon ala pa TV kasi hehehe… tama kay kong gaano sila kasikat nuon hanggang nagyon di mo pa rin sila makikita sa ating telebisyun….. tsk tsk..

    minsan nagtataka lang ako… kong si Ka Eli bay ka edad ko lang o mas matanda pa? hahahahahah….galing kasi ng istorya mo….. yun lang ka eli nakigulo lol’s

  15. haha! oo nga mate, mas astig ka siguro! ako kasi bonakid…batang may laban!!! hahaha! sige sali ako dyan! hahaha!


    salamat, mate sa compliments!

  16. ang kulit ng pet na ito… nagchacharge ng toy habang super tipid ang amo..

    galing ng mga gawa mo parekoy…

    frustration ko ang maging magaling magpaint…

  17. Salamat sa comment!

    Newei,di ako nag karoon ng ganyan, pero twing nadadaan yung kalaro ko na may ganyan trak-trakan, di ko mapigilan maingit kasi naman kahit malayo na sya.. dinig ko pa rin yung tunog ng trak nya… ahihihi

    Masaya talaga pag laking probinsya! I added u sa blog roll ko! Salamat! Madadalas na ako dito…

  18. ba… may pHD ka na pala sa paggawa ng trak-trakan na lata…. infairness ang dami ng features nung trak-trakan

    advice: Imagination is the beginning of creation. You imagine what you desire, you will what you imagine and at last you create what you will – sabi ng lolo ko….
    nyahaha.. wala akong maisip na advice eh…. sige charge lang ako ng toy ko.. cheers;p-glesy the great

  19. WOW! Ang ganda nmn ng graphics. Anong software ang gamit mo?

    Your house looks interesting. I will visit you more often.

    Godbless! Back read muna.

  20. mas maganda ang trak trakan na yan kasi maingay para talagang trak hehe. saka yun nga matipid. naalala ko noon ang ginagawa naman namin sa lata ay iyung telepono tas magtatawagan kame kunwari haha.🙂

  21. ayos pinoy ang dating pards…ngayon nalang ako naka daan ulit dito..medyo toxic ang trabaho natin…inaabangan ko tong site mo…

    p.s.
    pwede kayang sumakay dyan si busyok?

  22. check out “the album leaf” astig yung mga music nila. ang galing kasi mag set ng mood ng music nila eh… hehe! a trick i learned from watching too much movies and tv series. hehe!

    mukhang busy ah?

    peace out!

  23. Hey eli!

    Ah my friend! You remind me of my childhood! Gawain namin yan nun, ang maglaro sa putikan, ang gumawa ng traktrakan gamit ang lata ng gatas at sardinas, ang gumupit ng mga retaso para gawing doll… at marami pang iba!

    Great, friend.

    Galing!


  24. naku salamat po sa mga patuloy na dumadalaw. salamat sa magaganda at nakakainspire na comments nyo. medyo busy po ako now kaya hindi pa ako makapag-update at hindi ko na mareplayan lahat ng comments nyo. pasyalan ko nalang kayo ha. kaya iwan lang po ang link nyo kapag nag-comment kayo para madalaw ko rin kayo.

    salamat po, alis na muna ako at maglalaro pa ako ng traktrakan. hehe

  25. Pareng Eli, sorry ha kasi parang di kagandahang balita ang dala ko. Ikaw ang napili kong ma TAG. Sorry talaga.. biktima rin ako.. at may utos kasing dala ang TAG.. kailangan may ibang mabiktima.. at ikaw ang sumagi sa isip ko.. PEACE!

  26. Ang galing mo talaga Kuya.
    Idol talaga kita.
    ===
    Kuya ang pananahimik ko ay may mga dahilan.
    At naniniwala ako na may tamang panahon para sa lahat.
    Darating din yong tamang panahon na yon.
    Di ko lang alam when.
    Sooner or later maipalabas ko rin yon. ^_^
    Maraming Salamat sa palagi mong pagpaparamdam.
    Nararamdaman kong parte ako ng buhay mo…
    Maraming Salamat poh… ^_^

  27. Aba okey ito ha, ito pala yung sinabi mo dun sa post ko na trak-trakan. Purong vector ba talaga ito? Thumbs up!

    oo nga po master nilo..hehe. vector illustration po ito master…pero yong unang image nilagyan ko ng photoshop epek after ko i-drawing kaya nagmukhang totoo yong lata. pero the rest po, pure vector na. no especial epek

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s