kapitan pinoy

Isang araw, nagpupulong-pulong ang mga alagad ng kabutihan:

Tinig 1: Nagkakatipon tayong lahat ngayon upang pag-usapan ang pagsali sa ating samahan ng isang bata.
Tinig 2: Isang bata?! (mataas ang boses, puno ng pag-aalinlangan at parang gusto nitong tumutol)
Tinig 1: Bata man ay may karapatan ding labanan ang kasamaan!
Tinig 3 : Oo, bakit natin aalisin ang karapatan iyon sa isang bata? (nakisabad lang)

Biglang nagbulong-bulungan ang mga iba pang superhero sa paligid. Nagpalitan muna ng kuro-kuro at sabay-sabay na nagtanong, “Sino ang batang iyon?”

Tinig 1 : (walang pag-aalinlangang sumagot) siya si KAPITAN PINOY!

.
.

Superman = tinig 1, Batman = tinig 2, Wonderwoman = tinig 3

.

.

tanong ko nun, ano kaya ang itsura nya?

tanong ko nun, ano kaya ang itsura nya?

Ang usapan sa itaas ay hango (ngunit hindi eksakto, base lang sa natatandaan at pagkakaunawa ko) sa pambungad ng isang dula sa radio noon sa DZRH. Bukod sa laro ng lahi o nga katutubong laro (syatong, tumbang preso, taguan, atbp.) naging bahagi rin ng kamusmusan ko ang mga dula sa radyo.
Kilala nyo ba si Simatar? Si Eng-eng ? O kaya naman ay si Rontonton, ang nagsasalitang aso? Napatayo rin ba ang balahibo mo ng mga katatakutang dulot ng…GABIIIII NG LAAGIIIM…(
Bihira pa ang may tv sa probinsya noong 80’s kaya sa halip na manuod ng tv ay nagkakasya nalang sa pakikinig sa radyo. Madami naman talaga noon ang mga dulang inaabang-abangan, kinasasabikan at kinakikiligan! Bagaman at hindi nakikita noon kung ano ang itsura ng mga karakter, sapat nang ang kanikaniyang emahinasyon (ng mga nakikinig) sa bumuo ng kanilang wagis at maging ng kanilang pagkatao base sa naririnig.
Todo ang tutok namin nun sa radyo kasama ng mga kababata ko kapag mag-uumpisa na yong paborito naming si KAPITAN PINOY (tumagal ito hanggang 90s). Naalala ko minsan, halos wala na kaming marinig dahil sa mahinang mahina na ang baterya ng aming radyo. Kulang na lang siguro ay pumasok kami sa loob nito para maipagpatuloy namin ang pakikinig.
Sa ngayon, uso na ang mga telenobela. Sa halip na radyo ay lumipat na sa TV ang medium ng mga drama o dula ng buhay na masasabi nating patok na patok parin. Mula sa radyo ay lumipat sa TV ang mga dulang kwento ng buhay na nagiging PAMPAKALMA  nating mga pinoy…Pampakalma dahil sa talaga namang kahit gaano kalaki ng problema pagdating ng inaabangang dula o telenobela ay nalilimutan ito. Kaya nga siguro hindi na napapansin ng ibang mga kababayan natin ang lumalalang problema ng ating bayan dahil sa natatapalan ito ng mga telenobela.

.

Hindi kaya ganito ang itsura ni kapitan pinoy?

Hindi kaya ganito ang itsura ni kapitan pinoy?

Ang muling pagkabuhay ng mga sikat na karakter sa komiks at ang hindi narin mabilang na mga kwentong hiniram natin sa ibang bansa tulad ng Korea, Japan, Mexico at kung saan-saan pa ay patunay na hindi parin nalalaos ang ganitong uri ng LIBANGAN! Nakakalungkot nga lang kase hanggang ngayon, hindi ko parin nakikita sa TV ang mukha ni KAPITAN PINOY!

.

……………………………………..

nag-ym nga pala sa akin si rod, dating boardmate ko. sabi nya may kulang daw. “yong sinisigaw ni kapitan pinoy bago ito magtransform. oo nga ano? nakalimutan ko na yun ah. kaya ito, ipinigay nya sa akin ang magic word ni kapitan pinoy:

RED WHITE AND BLUE… STARS OVER YOU, TATAY SAID NANAY SAID I LOVE YOU, KAPITAN PINOY!!!


(at mula sa simpleng batang si pipoy ay naging KAPITAN PINOY NA ITO, hehe salamat rod)

50 thoughts on “kapitan pinoy

  1. wow! bigatin na pala si elyong e. buti pa xa endorser na! hehe!

    hindi talaga ako mahilig makinig ng radyo. ewan ko ba? nasanay siguro ako na makinig na mp3 player. hehe! hindi na rin ako nanonood ng telenobela. na-colonize na ng american tv series and utak ko! haha!

    oo nga eh. nagustuhan kase siya nung isang nagpagawa sa akin. kaya yun, ipinagamit ko na.

    wala pa nman kaseng mp3 nung panahon ng mga drama sa radyo. hehe ako rin hindi na nanonood kase ayaw ko nang may inaabangan. gusto ko pagnanuod ako tapos agad

    .

  2. naku ka eli, matindi rin pala ang pagkahumaling mo noon sa dula! ganyan din kami noon dahil nga wala naman masyado pang tv noon at ang lagi kong napapakinggan noon ay ito ngang si simatar na kapatid nina prinsipe aran, akbar at arias kung tama ang pagkakaalala ko..

    isa pa yung mga tru to layp na istorya ng mga traysikel drayber na ang pamagat ay traysikel king…marami pa at ang sarap naman talaga ng pakikinig kahit wala silang mukha na tulad ng sa tv ngayon ay kuntento na kami sa pakikinig…

    welkam bak ka eli, ang tagal mo rin nawala…

    hahaha..at talagang natandaan mo ang mga pangalan nila ah. tagal ko inisip nun..diko matandaan! parang diko alam yong stori ng tricycle drivers. hehe ano ba nangyari sa TV nyo?

    oo nga..matagal abala kase ang trabaho sa pagba-blog! hehe

  3. Naalala ko nung nasa elemntarya pa’ko. yung kapitbahay naming “lola” mahilig talaga makinig ng mga drama sa Radyo! Astig naman ni Kapitan Pinoy!

    2004 pa nung e-drawing ko ito. nagbabalik tanaw lang. hehe

  4. kakulets talaga! yung unang kapitang pinoy batang-bata ang itsura! i go for the second one, napakakisig weee! *teka anu ba ‘tong pinagsasasabi ko???

    sa maniwala ka o sa hinde, di ko ata naabutan yang mga dula-dula sa radyo wehehhe.

    teka teka gawen mu yung tag ko ha.. =)

    haha..at nabisto pa yta ang idad ko sa post na ito. baka hindi mo lang nadiscover. makisig ba? cge sayo na yan. hehe

    cge po, baka magawa ko na ang tag mo. pasensya na kung natagalan

    .

  5. hehehe.. nakakatuwa naman itong post mo Eli, Yes, ako ay tagahanga noon ni simatar at eng-eng pati na rin ang asong nagsasalita. Nakikinig din ako dati ng Gabi ng Lagimmmmmm🙂

    Mabuhay ka Kapitan (eli) Pinoy🙂

    aba..sabi ko na nga ba e at mahahanap ko ang mga kaklase ko dito kay sematar! hehe. tnx. mula ngayon sintara na ang tawag ko sa iyo. hehe

  6. ako nakikinig din ko ng radyo pero hindi ko naabutan yung radyonobela. naririnig ko lang sya kinuwento sakin ng tita ko.hehe

    gang ngayon yta meron pa nyan sa dzrh. pero syempre hindi na mastadong patok ito kase mas masarap namang subaybayan yong kwento na nakikita mo yong mga karakter.

  7. ewan ko lang pero naaalala ko si gloria sa kapitan pinoy drawing na yun..haha!

    hahaha..bakit napunta kay gloria? wag mo sabi yan, baka magalit si kapitan pinoy. weee

  8. Naku! Naalala ko tuloy noon na pinapagalitan kami ng kapatid kong lalaki dahil sa pakikinig ng mga katatakutang drama sa radyo kasi hindi na kami nauutusan sa gabi – takot ng lumabas! Hehehe…

    80s kid din ako – nami-miss ko rin yung mga drama sa radyo…

    Hindi dahil sa gusto ko silang pakinggan ngayon… Namimiss ko sila dahil nagpapa-alala sila ng simpleng buhay noon – ang pagpapahinga sa hapon o di kaya pagpapahangin sa ilalim ng puno habang nakatingin sa malayo at nakikinig sa radyo… Kasabay ng pag-ihip ng hangin, nililipad ng mga drama sa radyo ang ating imahinasyon…

    Kung gabi naman, ang pagsisimula ng panggabing drama pagkatapos ng balita ang hudyat ng hapunan… Ang panghuling drama (alas 8 ng gabi) ang hudyat na kailangang maglatag na ng banig at ihanda ang mga mosquitero… At pagkatapos ng panghuling drama, kailang patayin ang lampara at mahiga na… Hihintayin ang pagdalaw ng antok habang pilit inu-ulinag ang mahinang boses ng komentarista sa radyo na pinapakinggan ng aking mga magulang na nasa kabilang kwarto.🙂

    Coolwaterworks

    salamat sa kwento.. oo tama ka, ako rin yan ang layunin ko. ‘yong maalala lang yong mga naging bahagi ng kamusmusan at simpleng buhay at kung may mapupulot na araw sa pagbalik ay pulutin. hindi na maaaring ibalik ang mga ito dahil siguradong hindi na magiging patok. ang sa akin kaya inaalala ko ang mga ito (pati ng mga lumang laro), baka may mapulot kase tayo sa mga bagay na ito na minsan ay naging bahagi ng ating buhay.

    ako nun, pagkatapos makinig ng katatakutan, magkukulubong na talaga. nakakatakot, pero sa susunod na gabi, siguradong aabangan parin.

  9. nakikinig ako ng kapitan pinoy nung elementary ako. hahaha.🙂
    ang kulit ng linyang sinong batang yun? hahahaha.😀

    ilovesoft ice cream! penge naman. db pag endorser merong free supply? share naman jan! :p

    uy, classmate pala kita kay kapitan pinoy! hehe oo makulet nga, kasing kult ng batang si…. nakalimutan ko name nya pad di sya si kapitan pinoy! wahhh.

    sige, padalhan nalang kita! san ko padala, LBC ba o JRS?

  10. sa pagkakatanda ko, si kapitan pinoy ay ang batang si pipoy..batang bata pa ako nyan nung napakinggan ko. Di pa ako nag-aaral..

    at cguro okay na yung unang mukha ni kapitan pinoy..pkitanggal na yung pangalawa…

    okay biro ko lang yun, pwede mo ring seryosohin.

    ah..pipoy nga ang pangalan nya kapag hindi siya si kapitan pinoy…tagal kong inisip yon diko maalala. nagkamemory gap na yta ako. hindi pwedeng alisin eh. tumanda na kase si kapitan pinoy, yan na ang mukha niya ngayon. hehe

  11. paborito ko sa radyo DZRH yung “GABI NG LAGIM” haha.. mahilig kasi ako sa horror.. nakakatuwa talaga makinig, napapagana mo ang imagination mo.. dba?.. ibang klase talaga si KAPITAN PINOY!!

    oo nakakaaliw nga talaga. kahit pa sabihing nakakatakot, masarap pakinggan. yun nga ang isang nakita ko dito, habang nakikinig ka, gumagana ang imagination mo. iniimagine kung ano ang nangyayari at itsura nung multo sa pamamagitan ng mga sinasabi ng karakter. nakakadevelop siguro ito ng creativity (hehe) kase gumagana ang isip.

  12. Hindi pa ako nakakarinig ng drama sa radyo in tagalog.. bisaya kasi sa amin.. hehehe.. pero naalala ko pa kung paano ko sinusundan ang mga drama noon.. halos nakadikit na sa tainga ko ang radyo kapag luma na ang baterya ng radio..

    Nagtataka rin ako kung bakit may nagsasalita sa radyo.. akala ko noon may mga maliliit na tao sa ilalim ng radio.. hehehe

    haha..ganun ba? ako nga nun may sinira akong radyo eh. kinalag ko yong mga pyesa at hinanap yong mga nagsasalitang tao sa loob. hahaha

  13. Nyay. Di ako masyado maka-relate. Hindi ko nagawang makinig ng mga radio drama. Bakit nga ba? Kasi dito ako sa Manila lumaki at puro TV kami rito nung kabataan ko. Makabili nga ng radio mamaya. Hanapin ko si Kapitan Pinoy.

    hehe..late ka na! wala na si kapitan pinoy sa radyo. sayang namiss mo sya! hahaha

  14. astig!

    natatandaan ko pa noong bata ako, mga 1990 mga 3-4 y/o siguro ako nun.. meron pang “gabi ng Lagim” pag naririnig ko yun tinatakot ako ng mga ate ko.. kakatakot naman kasi.. tapos naiimagine ko yung chanak.. scary…….

    sa kabilang banda, may nais parating ang entry mo na ‘to. naniniwala ako at nakikisang-ayon sa mga nasabi mo.. medyo kasabay ng paglipas ng panahon, kasabay na ring nawawala ang dulang pang radyo.

    pero kahit medyo nalilihis na ng landas ang mga ‘yun, meron pa namang nagpapatuloy ng komeko.. at tulad sa isang dula ang pagguhit ay nagsasaad din ng kuwento, kuwentong nagbibigay ng aliw at aral sa dulo. Hindi man sa masining na pagbuo ng mga boses at tunog, nabibigyan naman ito ng makulay at masining na pagguhit..

    Pareng ELi, ikaw ang tunay na Kapitan Pinoy, dahil, minumulat mo pa rin kami dito😀

    \m/

    oo tama ka. at ang layunin ko lang naman ay upang ipaalala ang nakaraan, baka kase may mapulot tayo dito na magagamit natin sa ngayon. kung hindi man maibalik ang radyo (alam ko rin na wa epek na ito) sana ito yong mga estoryang pinoy nalang ang mapanuod natin sa mga local tv stations natin. para naman mapanatili yong sense of identity natin..kung meron nga! hehe

    patay! bakit sinabi mong ako si kapitan pinoy? secret ko yan eh.

  15. yung unang kapitan pinoy, bakit panot? hehe tapos yung pangalawa…based ba sa mukha mo yan kapatid!? Ayows! Wafu hehe..

    Buti pa si elyong endorser na…eh bat wala si busyok? waaaaaah! Andaya! naman! naman! ilabas mo sya pls…

    syempre para hindi ninyo makilala ang tunay na identity ni kapitan pinoy, sasabihin kong hindi ako yan! hehe.

    naku pacensya na. nung nagpicturial kase wala si busyok. hindi ko mahagilap. siguro ay busy ito sa pag-update ng kanyang blog o kaya naman ay nag-o-online game ito. saka wala kase kayang bayaran ng may-ari ng icecream yong talent fee ni busyok..kaya siguro nagtago ito. hehe

  16. ako nakikinig ng gabi ng lagim sa radyo tapos takot umuwi mag isa sa gabi, hahaha. pero nakiki-toning din ako dati, nyayyy

    parang naririnig ko yang toning na yan! pero hindi ko alam ang detalye nyan? ano ba yan? hehe kwento mo nman para maipost natin minsan dito. hehe

  17. Natatandaan ko na nga yun simatar pero hindi ako nakikinig ng radyo noon dahil wala yata kaming radyo hahaha kaya hindi ko kilala si kapitan pinoy, ang ganda ng blog mo keep it up!

    mas nauna po si simatar kesa kay kapitan pinoy. masyado pa akong bata nung panahon ni simatar. nakikipagkinig lang ako nun sa kuya ko kaya nakilala ko si simatar. matahal ytang nag-air yon kaya naman parang nakagisnan ko na ito. 90’s (yata) itong si kapitan pinoy. salamat po sa pagdalaw!

  18. kakaaliw naman dito. Babalik ako naenjoy ko basahin si kapitan pinoy.🙂

    Salamat pala sa pag daan ha. Okay lang ba if I’ll link you🙂

    Happy Monday!

    hehe.. sige po..link din kita. tnx

  19. hahaha… kakatuwang balikan ang mga panahon kung saan astig na astig ang mga superheroes.

    mga astig na di nakikita at nag-i-exist lang sa isip ng bawat nakikinig! hehe

  20. aheks…kapitan pinoy pla….ahehehe..

    inde ko naman maalala sya, siguro dahil walang itsura..inde tulad ni kapitan basa na nakita ko sa TV, aheks……yung gabi ng lamig este lagim, ayun mejo naalala ko…

    ^_^

    kapitan basa? hindi kaya kamag-anak yan ni kapitan pinoy? hehe diko rin matandaan kung anong taon ang gabi ng lagim na ito. hindi yta umabot ng 90s to eh. masyado pa akong bata nun.hehe

  21. hindi ko na matandaan si sintara, pero boses ni eng-eng kaya ko pang gayahin🙂

    si sintara po siya ‘yong espada ni simatar. kapag papaganahin ang power ng espada, sisigaw ito ng sintara! nagsasalita rin ito at boses babae. parang isa itong dyosa, kase naalala ko naging isang magandang babae si sintara. naku, panawagan po sa mga nakakaalam ng buong estorya, lumantad kayo at ikwento ito sa amin. hehe

  22. may ka-date ka din nung prom mo dati?

    ahehe..medyo nahuli..hehe!

    salamat, mate😛

    naku wala..puro eskwela pa ang nasa isip ko nun at hindi ang ka-eskwela. hehe salamat din

  23. ang cute ni elyong. hahaha! teka, ako ba may-ari ng soft ice cream na yan? bakit di ko alam yan! oy dapat may royalty fee ako. nyahaha!

    wee! lapit na bday ko… tatanda na naman ako! wohoo!

    naku, kapangalan mo lang po! hehe enjoy daw kaseng kaining yong icecream na yan kaya ENJOY ang ipinangalan. kelan ba bday mo? pakain ka naman.

  24. hayup yang si kapitang pinoy!!!! pagkalakas lakas pa radyo ng lolo ko dati, dinig hanggang sa barberya…

    isa siyang superhero icon sa pinas!!! sa mga taong di nakatikim ng episode niyan, malas niyo… hehe

    pero kahit kailan hindi ko naiguhit sa utak ko itsura niyang tunay… hehe

    ako bata pa ako, ini-imagine ko na ang itsura nya. siguro, may kapa, saka sarat ang ilong. pinoy kase eh. hehe may barberya ba ang lolo mo? iba ang gupit ng mga bata nung 80s diba? yun bang sa taas lang ang may buhok.

  25. uy promise mo aken na si 2nd kapitan pinoy ah wahahaha.

    ayos lang pre, take your time. di naman ako nagmamadali. good things come to those who patiently wait wahahahaha.

    sige sa ‘yo nalang.. pero matakaw yan ha at hindi pwedeng magutom dahil mawawala yong power nya.

  26. Cguro mas matanda ka skn ng onti kc naabutan ko ang kapitan pinoy ng 90’s na e.Hehe. Naaliw ako sa entry na to.

    sa pagkakatanda ko, 90s lang yta talaga itong si kapitan pinoy (ayaw pumayag na masmatanda ako..hehe). salamat naman po at naaaliw kayo. atleast, hindi ako parang lata na nag-iingay at walang laman sa loob.

  27. anak ng titing. iba ka talaga Ka Eli.

    Sabayan nga kita dyan sa topicmo. Sa tagalogka, sa ilokano ako. sori ha, nang-aagaw ako ng ideya. he he he he. nakikiumit lang ng kunti.

    bigatin ka na pala ha? endorserna si Elyong, wow!

    haha..wag kang mag-alala, gusto ko yan. sige nga samahan mo ako. isa talaga sa layunin ko sa pagba-blog yan, yong ipakalat ang mga ito. pasyal ka rin kay taympers (nasa blogroll ko) nagsusulat din siya tungkol sa mga larong ito.

    sana pala, gawa ka rin ng tula tungkol sa mga katutubong laro/laruan..para mahiram ko dito. hehehe

    sa icecream business ng frend ko yan. hindi kase nya kaya yong TF ni busyok kaya si elyong lang ang nag-endorse. hehe

  28. alam ko ang simatar, si eng-eng, si rontonton at ang gabi ng lagim pero bakit di ko kilala si Kapitan Pinoy?
    naalala ko, radyo rin kami noong bata kami, kasi wala rin kaming TV. kapag gabi na, hirap na hirap akong makinig ng Ernie Baron kasi biglang sisingit ang mga chinese airwaves sa broadcast.ü

    may available din bang shirt si Elyong about dirty icecream o sorbetes naman?ü

    90s na ang kapitan pinoy, medyo nagbibinata na nga ako nun e at may tv narin pero nakikinig parin ako ng dula sa radyo. si ernie baron? naku,lagi akong nakikinig nyan. sa kanya ko natutunan ang mga term na cleasing diet at kung anu-ano pa. sayang nga lang at hindi ako nakapagtanong sa kanya. hehe puro drawing pa lang ang mga t-shirt ko eh. wala pa talaga akong naisuot. hehe

  29. wahahaha! nakakatuwa! sana may Kapitan Pinoy din ngayon! tsk tsk.. batang 90’s na kasi ako eh. nakakatuwa naman si Kapitan Pinoy. hakhak!

    PS:
    Akala ko spoiler ito ng bagong libro ni Bob Ong na Kapitan Sino. Hakhak! Wala lang.. XP

  30. same here, di ko kilala si kapitan pinoy, pero yung simatar, peborit ko dati, ang kumakantang espada, ang dahong lumilipad ni ninang eng-eng, ang tatlong prinsipe. Kaya siguro ako napadpad sa middle east dahil dun, hahaha!

  31. waaaaaaaaaaaaaaahhh idol na idol ko yan si Kapitan pinoy a.k.a pinoy nung bata pko… b4 ako mg pnta ng skul nakikinig muna ako nyan… sana meron yan sa youtube

  32. wow! thanks for sharing.. i’m an avid listener of this program way back in elementary.. before pumasok sa skul, aun at naka-tune in sa DZRH.. hahaha.. the truth is, halos nasubayabayan ko karamihan ng programs ng DZRH.. to name some, negra bandida (nice nung ending may twist..) mister romantiko, gabi ng lagim.. sementadong gubat.. mga kasaysayan sa mga liham kay tiya delie.. hahaha.. sa BOMBO radyo namn, ung Dyesebel… hahaha.. it was so fun listening to these radio programs..

  33. Si kapitan pinoy, idol ko talaga yan. Kasama nya pa si beth ang love interest nya. hehehe.

    Nanay said tatay said yun, nabaligtad sa post sa taas.

    Eto na lang ang maalala ko sa mga characters, si pipoy at beth, si sintaro, si salome at yung bf nya, nanay ni salome na ayaw sa bf nya, nanay ni pipoy, at si lolo damaso ang nagbigay ng mahiwagang medalyon.

    At sino ba naman na die hard ang di makalimut kay BLACK VENUS! Ang demonyong bulaklak, na sa tulong ng mahiwagang tubig at ng paruparung puti natalo ni kapt. pinoy si venus sa loob ng isang kweba ata yun o bulkan.

    hehehe….

    link to ng conceptual art ko kay kapitan pinoy: http://stryfers.deviantart.com/#/d30gupp

  34. helo po:) I’m new here..sarap naman basahin ng mga comments nyo..nakakarefresh ng memories. Fan din po ako ng DZRH nun nasa Elementarya pako (it was 90s)..Palagi kong pinapakinggan yung: Kailan Darating ang Umaga (ng Matud Nila), Mister Romantiko, Bensor, Gabi ng Lagim, Ang Inyong Tiya Dely, Ako ang Mata! (ata yun), at sa Ngalan ng Pag-ibig. Nainlove pa nga din ako sa mga boses nina Fill Cruz at yung isa pang Cruz (Bobby Cruz) ata yun..hehe

    Tawag ng kuya ko nun sakin..”manang” daw ako..:))

  35. red white and bnlue stars over you tatay said nanay said I LOVE YOU KAPITAN PINOY^_^ AWEEEEEEEEEEEEEE ahehhehehe aabangan ko yan ie dati kasi ala kami tv^_^

  36. paepal po dito..

    naghahanap kasi aq ng mga drama sa dzrh na naka convert na sa mp3 sana meron kayo lalo na yung Kapitan Pinoy na lagi qng inaabangan dati pagkatapos namin mananghalian..maganda un mga eksena na pinapakita kahit di naman talaga totally nakikita hahaha..ung mga kaibigan ni Pipoy na si Atong at ung love interest nya na si Beth ba un?..saka si Shintaro un kaboses ni Leo Martinez…
    hayyy sarap mag balik sa pagkabata..taz pag-gabi naman ung Negra Bandida at Gabi ng Lagim na pagkatapos namin makinig ung kulambo tyak mahihirapan makapasok ang lamok sa loob sa sobrang pagkaipit nito sa ilalim ng kama tapos papalibot pa ang unan at naka kulubong pa sa kumot…hahaha… ganda talaga nun
    actually marami pa..un drama sa umaga pagkagaling namin sa school ung Mata ang title..monthly ata nag papalit ng kwento dun na lahat naman nakakaiyak..
    saka ung pang umaga din ung kay Susan Roces yung Isinakdal Ko Ang Aking Ina…ginawa pa ngang pelikula un…
    basta da best sa drama ang dzrh…un lang sana ibalik at palakasin pa ang signal..mahina na kasi ang dating dito samen..mula ng magkaron ng cellsite..

  37. Naririto tayong lahat ngayon upang pagpasyahan ang pasali sa ating samahan ng isang bata…

    Isang bata?

    Oo superman, isang bata.

    Isang bata, susuong sa pakikipag laban sa kasamaan?

    Batman, kahit isang bata’y may karapatan din tumutol sa kasamaan, tandaan, walang malaking nakapupuing.

    Sino sya? Sinong batang yon?

    Sya ay si… Kapitan Pinoy!

    Kapitan Pinoy! Laban sa kasamaan…
    Kapitan Pinoy! Simbolo ng katarungan…
    Kapitan Pinoy! Tagapagtanggol ng mga naaapi…
    Kapitan Pinoy!

    ah.. if my memory serves me well… hehehe

  38. hahah..eh teka..sigurado ba kau na si kapitan pinoy eh ini-ere pa sa dzrh? sira na kasi and radyo namin..sana nga kasi masarap balikan yung pakikinig sa radyo….may naalala pa nga ako dati eh…yung Zimbo ang batang prinsipe..bigla nalang nawala sa ere yun na hindi natatapos..sana bumalik..

  39. Nag hahanap din ako ng mp3 ng drama ng dzrh, sarap balikan ang kamusmusan, para ding isang awitin masarap pakingan. diko pa rin ipag papalit radyo namin noon sa loptop ko ngayon. naalala ko kahit dina kya nang baterya apatan yun. pinopokpok ko lang at ibilad sa araw tutunog nanaman yung radyo.. hehhheheh. pahingi naman ng link pag may mahanap kayo na mp3 converted ng drama sa dzrh, baka meron plaka o tape ang dzrh na naka tago. sana upload nila

    • hehe. nakakatuwa naman ang reply mo. gawain ko din ang mamukpok ng baterya kapag mahina na.
      Wala akong nahanap na mp3 e. sayang ano?s

  40. sayang di ko natapos noon sa radyo ang kapitan pinoy dahil tumira nako sa city. ang pinakahuling kalaban nya noong last tune in ko eh si pura queval.

  41. Bkit dko nabasa ung side kick ni kapitan pinoy.. Si shintaro…ya-tigidigdig eh…
    Tsaka po ung kapalit ng kapitan pinoy..ung doon po sa amin..pamilya panhik-panaog at pamilya atras abante…batang 90 dn po ako…nalalate sa elementary kc nakikinig p ng kapitan pinoy hehe..

  42. mga boss paborito q tlaga ung kapitan pinoy elementary aq nun tuwing tanghali pinapakinggan nmin ng lola q un, c pipoy eh mbait n bata at masipag nahulog sya s balon n kung saan nandun c padre damaso n pinarusahan ng langit ngaun pra mkablik sya binigyan ni padre c pipoy ng medalyon pra mgligtas sya ng naaapi, tama kpg ngpplit sya ng anyo cnsabi nya ang katagang red white and blue star over you mama said papa said i love you kapitan pinoy, heheheh nkkahiya ngang sbihin ginaya q ang costume nya kc my sweater aq nun n blue tpos nilagyan q s harap ng KP tpos ang kapa q eh white s totoo lng base s pgkkaalala hinango s watawat ntin ang costume nya, ito ang nkktawa p kpg lumilipad sya eh tunog ng eroplano ang lipad nya whahahahahahah.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s