blographics: WAN yer old na!

1stMahaba-habang sanaysayin ito. pero pagbigyan n’yo na ako..birthday ko naman. hehe

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang, nag-iisip pa ako kung saan ako maglalagay ng blog—multiply, blogger, friendster o wordpress.

Sa totoo lang, pangatlong try kong mag-blog ang blographics. una, pusanggala.i.ph (nakaapat na post naman yta ako) at pangalawa, pilosopotasyo sa freewebs na matapos kong ilagay yong header at isulat ang about me ay nilayasan ko na ito. Paglipat ko, isasama ko sana si pilosopo tasyo –para pinoy na pinoy ang dating–kaso nagbago ang isip ko. gusto ko sanang mag-imbento ng mga kwento noong panahon ni pilosopo tasyo, at kung ano at sino na si pilosopo tasyo sa mga panahong ito. Matapos kong isipin ang buong konsepto ng blog…para akong binangungot—mukhang madugo at sersoyong pagsusulat ang papasukin ko! at isa pa..hindi naman talaga ako nagsusulat kaya siguro nagpapanggap lang ako nung planuhin ko yun. Gang sa naisip ko, ‘kung ano ang meron ako…yun nalang ang i-blog ko!” At isinilang ang blographics.

Nung una, wala akong pakialam kung may titingin sa blog na ito o wala, basta inilagay ko lang yong mga artworks (digital at manual) ko pati yong ibang ‘past projects’ ko sa pagdi-design naipost ko rin dito. . Hindi nagtagal, naisipan kong maglagay ng kaunting description para naman magka-idea yong viewer ko.

Dumating yong time na pakiramdam ko masyado naman yatang loner tong blog ko..walang kaibigan, walang kaba-blog-kada! kaya hayun, nagbasa-basa ako ng ilang tips sa pagba-blog. Namasyal ako at naki-comment sa blog ng may blog! Nakita ko na lamang na may dumadalaw na pala galing sa mga pinasyalan kong blog at may kasama pang ganito “pa-x-link naman, na-add na kita!” Ganun pala, kung gusto mong dalawin ang blog mo, matuto kang dumalaw sa blog ng iba! Aha, buhay na buhay pala ang diwa ng bayanihan sa blogging world!

Sumunod, naisipan kong likhain si elyong at busyok na kung bakit ay naikwento ko na sa mga naunang post ko. elyong31

Naisipan kong magblog dahil sa mga hindi ko maipaliwanag na dahilan. Malapit na kase ang birtday ko nun (sige sasabihin ko na, feb 18 po—enjoy ayan sinabi ko na po!hehe) kaya medyo nagkaroon ako ng self assessment. Naramdaman ko rin na gusto ko ng bagong challenge, gusto ko ng bagong journey..gusto ko ng bagong karanasan. At isa nga sa mga naisip kong gawin ang pagba-blog–yong blog na kakaririn at hindi puro umpisa lang!

Tumingin ka sa artwork ko at kung ano ang makita mo…yun ang kwento ko–yan ang ! pero namulat ako isang araw, nagsusulat narin pala ako ng sarilig kong kwento. Marahil ay epekto ito ng paghanga sa mga magaganda at magagaling na kwentong nababasa ko tuwing papasyalan ko ang mga nasa links ko .

Sa ngayon, parang gusto kong mag-concentrate sa mga bagay na pinoy na pinoy tulad ng mga laro ng lahi, mga kagamitang pinoy (tulad ng kudkuran, pambayo ng palay, bayong at iba pa), kultura, sining at tradisyong pinoy! Balak ko ring ituloy ‘yong unang plano ko na magkaroon ng basic tutorial on vector graphics (gamit ang coreldraw o illustrator) na syempre ay sa kontekstong pinoy upang sa ganun ay may mapulot namang kapakipakinabang ang ilan sa mga kabayan natin (na gustong matuto) na nagagawi sa blog na ito.

Sa isang taong pagba-blog ko, masaya ako dahil sa nakapag-contribute ako ng mga ‘images’ na pinoy na pinoy at gawang pinoy. ‘yon bang tipo na kapag nag-search ka sa google ng ‘tumbang preso’ o kaya ‘luksong baka’, lalabas yong images na gawa ko. ganun kababaw ang kaligayahan ko!

At dahil nga sa trying hard narin akong magsulat ng sarili kong kwento sa mga panahong ito, naalala ko yong minsan ay nabasa ko—na hindi ko na gaanong matandaan yong exact words kaya salamat sa google search!

A wise man once said,

one can already die if you did these three things in your lifetime;

planted a tree

raised a kid

published a blog book

* planted a tree nakapagtanim na ako ng ilang daang puno ng kamatis at humigit kumulang sa tatlo’t kalahating puno ng saging.

* raised a kid – binata pa ako kaya malayong magawa ko ito. Mahirap naman sigurong maging single parent. Baka diko kayanin! hehe

* published a book – baka naman pwdeng published a blog nalang! Pwede?

Sabagay…malay natin, baka nga isang araw makapag-publish din ako ng isang libro… kahit coloring book lang! Hehe

.

.

Salamat po sa pagsuporta ninyo sa blog ko! sana ay samahan n’yo pa ako sa mga susunod na post ko!

salamat talaga!

salamat talaga!

.

.

.

PS: salamat nga pala sa PLAQUE OF RECOGNITION na ibinigay ng Samahang Makasining Inc., Ito ay pagkilala sa akin bilang isang “LARO NG LAHI ADVOCATE” noong nakaraang sabado, Feb 14 (ika-27th founding anniversary ng samahan).

ito yong plaque na natanggap ko

ito yong plaque na natanggap ko. parang true. hehe

hindi lang namin sinasabi na laruin ng nmga bata ang laro ng lahi..pati kami naglalaro nito

hindi lang namin sinasabi na dapat laruin (uli) ng mga bata ang laro ng lahi... pati kami, naglalaro nito. (PATINTERO/photo by: ELIMENT)

.

.

.

kay flamindevil AT enjoy: ‘yong tag n’yo diko muna magawa ha. wait lang po. salamat!

 

58 thoughts on “blographics: WAN yer old na!

  1. kong-rats! Kongressman na daga, he he he.

    Wow! Happy b-day sa blogmo at sa may ari na rin ng blog. Isang tagay ng tapey at basi para sa iyo. Goodluck for another year.

    agyamanak ka loren. adda koma iti basi ngarud ta irugi tan.

  2. naaalala ko pa nga noon boss Eli inisnab mo ko sa unang koment haha. pero natauhan ka din naman at nalaman mong tao pala ako haha. nga pala congrats ha. one year kana. more cool inovative images. more of pinoy na pinoy entries ha. da bes ang laro ng lahi advocate! deserve mo iyan! isa ka nga sa mga pinaka paborito kong dinadalaw kasi dahil siguro halos pareho tayo ng views pagdating sa art. although hindi halata sa blog ko hehe.suportahan ka namin sa libro mo, malay mo diba in next year meron na o next month?🙂

    naku sori dencio. diko lang siguro napansin yun. oo mabuti nalang at natauhan talaga ako kung hindi e di nawalan pala ako ng artistahing bumibisita sa blog ko! salamat ha–touch ako dun

    .

  3. wow! one year na pala ang blographics! woooohoooo! cheers mate! more artworks and flights for you🙂 nakatatlo ka na pala…friendster lang ako pati blogger pero yung sa fs 11 entries lang tinamad nako. medyo busy din kasi ako sa studies nun…hehe!

    congrats ulit, mate🙂


    yeah. we should be responsible for the choices that we make.pero ewan ko ba> napaka nega ko ma-isip..hays…

    thanks😛

    salamat ron. alam mo isa ka sa mga unang nakarating sa blog ko..kaya medyo may special part ka sa blog na ito. hehe.

    ang nega naman ay nasa isip lang…try to divert it into positive.

  4. Yeheeeey! pareng eli happy betday and congrats grabe ambilis ng panahon no? Naks kulang pa ko ng dalawa dun sa itaas, yung “planted a tree” pa lang din ang nagagawa ko. Goodluck na lang sa kin dun sa pangalawa “immaculate conception” ba? haha. Lalong gudlak sa pangatlo..

    Tagay na pare!! Tama si kalabaw dagdagan sana ang exposure!! ako ang number one fan eh!!!

    kanina pa ako tagay ng tagay eh. kaw naman kaya ang tumagay! hehe apurahin mo na kaya. raised a kid na agad! at pag nagraised ka..damihan mo na. lol salamat sa pagbati at dalaw mo.

  5. uy, hepi berdey, blographics!

    asan regalo ko? eheste, ako pala dapat magregalo sa yo😀

    alam mo bang hindi nila alam dito sa alemanya ang jackstones? kaya naman kapag naglalaro kami dito ng mga little kengkays e laki ng mata ng mga tao kapapanood, hehe. paguwi ko dyan magshopping ako ng mas maraming jackstones kasi ipapauso ko dito.

    eh asan nga yong regalo?wag ka magalala..tumatanggap ako kahit late. naku, magpakackstone olympic ka kaya dyan! sabihin mo lang at bigyan din kita ng trumpo at sungka para madala mo dyan!

  6. waw! hapi birthday aah..
    blog ng blog..
    link na kita dahil bday mo..haha! (ganun?)
    🙂

    ahihi.. salamat. mabuti nalang pala bday ko. link narin kita ha. tnx

  7. pards hapi bertdey!

    ang drama ng pasok ha.pang ma-ala-ala mokaya at magpakailanman.he he he.

    binabati kita pards! wan yir anibersary!

    musta moko kay elyong at busyok!

    HEHE.. salamat sa pagbati. sige hayaan mo at ipaabot ko ang pangngumusta mo kay elyong at busyok

    .

  8. Happy birthday! Nawa ay magtuloy tuloy pa ang iyong nasimulan. Congrats!

    Ano na? Painom ka naman kabsat! Inya met!

    salamat po…anya kayat mo inumen, basi wenno gin lattan?

  9. happy bertdey sa blog mo…
    pa-canton ka na nman! nyaks!

    bagong gala d2 sa blog mo
    at ang galing ha!

    goodluck and godbless!

    hi..nadalaw ko narin ang blog mo. at magkababayan pala tayo! galing naman…nagkita ang mga tagabongabon sa blog. hehe tnx

  10. Happy birthday to you and to your blog. Gusto ko din yang mga quotes mo ha, interesting! Patintero ba yung nasa picture? Magaling ako dyan nung bata pa ko. Noon yun, ngayon, wala nako exercise. Congrats ulit. Basta tuloy-tuloy lang ang pag-blog! Congratulations!

    para tuloy gusto ko na magpainom.hahaha. oo patintero nga. nagpalaro kase kami. mayroon ding damat, syatong at iba pa. dapat siguro magkaroon ng pambansang palaro para sa mga laro ng lahi.. salamat ha

  11. minumulto yata ako ka eli. nagpost ako ng comment dito kanina pero hindi lumabas ‘yung usual prompt na “awaiting moderation”…[kamot ulo]

    naglagay pa man din ako ng hapi bertdey comment dun…

    at kinantahan pa kita imaginin mo yun…

    batiin na nga lang kita ulet….

    HAPI BERDEY KA ELI!!! MORE YEARS OF BLOGGING AND A SUCCESSFUL LIFE!!!

    Wohoo!!! Tagay na! *wink* *wink*😀

    hndi ko kase agad naa-aprove mga comments nyo. videoke na tayooooo! salamat!

  12. yehey congrats sa pers betdei ng blog mo at syempre happy verdei sayu, late na ku feb 19 na huhu.

    enjoy blogging and keep on posting your artworks.. *mwahugsss..

    *ilang taon ka na kuya????

    ok lang yun..kahit late pwde namang ihabol ang regalo diba? alam nyo ba na sa feb 25 ang official na bday ko? yun kase ang nakalagay sa birth certificate ko. pero syempre yong bday ko na sinabi ng nanay ko ang sinusunod ko. masmagaling pa sila sa nanay ko! hehe. salamat…itagay mo!

    yong sagot sa tanong mo…email ko nalang sa yo..hahaha

  13. hey congratz sa blog mo.. Happy 1 year anniv? at sa iyo na din.. naks.. kung saan saan ka palang site nagpunta, at nag settle ka din sa wakas sa wp.. CONGRATZ!!!

    nga pala, sali ka na sa SENIoR BLOGGISTA TRIBUTE CAMPAIGN..🙂

    salamat..oo, nagpagalagala din ako. salamat at nahanap ko kung ano talaga ang gusto kong i-blog at ang wordpress. hehe

    .

  14. Wow kung feb 25 ang bdaymo, oras lang pala ang una mo sa akin…

    feb 18 talaga..kaya lang nagkamali sa registrar. pero sa mga ‘official matters’ feb 25 ang sinusulat ko. at malapit narin pala ang bday mo. i-ready m na yong isang galoon na basi. hehe

  15. ha! eli magkakababayan tayo??
    pero teka san nga ba yung bongabon??
    hehehe…hindi ako taga bongabon.
    baka naman naligaw ka ng blog na
    napuntahan….toinks!

    ganun ba?sori po. akala ko ikaw yong nag-email sa akin. may nagsend kase ng email sa akin galing daw blog ko. bongabon.com siya. hehe akala ko ikaw yun. sori po. at salamat sa pagdalaw..rona din kase name nya at pareho pa ng date comment mo at email nya. hehe

  16. ka eli, sensya na at ngayon lang ako nakadalaw sayo..hapi 1st yr sayo ka eli..ganun din ako nung una, walang alam at basta makapaglagay lang ng entry tuwa na ako noon..pero masarap pala yung may kausap ka sa blog kahit sa pamamagitan lang ng sinulat mo..o sige at dadaan pa ako sa ibang kapitbahay natin..ingat na lang ka eli..

    naku ok lang yun. alam ko naman na busy ang mga tao. ako rin eh..bihira makapamasyal. hehe oo tama ka, masarap yong hindi lang ‘yong nasa isip mo ang pumapasok…masarap at enjoy makipagtalastasan (yan ang tagalog!) at makipagpalitan ng kurokuro online. salamat po.

  17. HAPPY BIRTHDAY ELI!!

    Wow, magkasing edad lang pala ang blog natin.. medyo matanda lang ako ng isang buwan. Tulad mo.. pang ilang blogs na rin ang na umpisahan ko at di ko tinapos.

    Sana maraming pang taon ang bilangin ng blog na ito.. HAPPY BIRTHDAY AGAIN.

    Tanong ko lang.. Elyong at Busyok kasi ang komiks mo.. kung ako ang katauhan ni Elyong.. ikaw ba si Busyok? hahahaha!!! joke lang.. happy birthday uli…

    oo nga. pero alam mo ba na kaya ko nahanap ang blog mo dahil sa nag search ako ng “elyong”? gusto ko kaseng malaman nung kung sakaling may magsearch ng elyong, makikita nila ang gawa kong si elyong (hango sa pangalan ko)… pero nung pagsearch ko nahanap kita. “ah may iba pa palang elyong”. haha

    mukhang magandang tambalan yan ah. ok lang..sige, ako na si busyok!

  18. wushu di mu naman sinend sa email ko eh, nag-aantay pa nman ako.

    waw 2 pala ang betdei mo nyahahaa… pakain ka ha!!!

    haha..baka na spam. tingnan mo. lolz anong klaseng pagkain ba? gusto mo ng kakanin? send kita..pichure na lang. haha. salamat po sa laging pagbisita

  19. WOW! ka ELI… Maligayang isang taon ng iyog Blog…

    Naway ipagpatuloy mo ito…

    sa tingin ko nman nasa puso muna ito.. pagyamanin ang talento na binigay ni Papa Lord..

    ito lang masasabi ko mula pa nong unang dalaw ko .. akoy humahanga sa.. galing.. mo…

    kita kits.. lang tayo…

    and CONGRATULATOION… and Happy 1 Year Anniversary…

  20. WOW! ka ELI… Maligayang isang taon ng iyog Blog…

    Naway ipagpatuloy mo ito…

    sa tingin ko nman nasa puso muna ito.. pagyamanin ang talento na binigay ni Papa Lord..

    ito lang masasabi ko mula pa nong unang dalaw ko .. akoy humahanga sa.. galing.. mo…

    kita kits.. lang tayo…

    and CONGRATULATION… and Happy 1 Year Anniversary…

    naks..salamat po papa bomz, ‘yong gift ko kahit paguwi mo nalang. haha

  21. happy bloggerdei!🙂
    ako hnde makapagcelebrate ng bday ng blog kc palipat lipat ako ng bahay. hahaha

    NPA ka pala! No permanent address! hehe kaya pala ang hirap mong hagilapin! thanks po. sana sa susunod may dala kang gift. aba, masyado yta akong nagiging expressive. hehe

  22. heypi birtdeyyyy!!!!
    ibig sabihin nyan, mas maraming pinoy artworks pa kaming aabangan sa blog mo.😉

    tsaka ang ganda ng quote.
    (di pa pala ako pedeng mamatay)😀

    *OT

    salamat sa OM mo.
    ang haba. di ko ma gets.
    isang ganito o >>>> ”🙂 ”😀

    sana nga at yan ang gusto kong gawin yong mapuno ito ng pinoy na pinoy artworks. minsan kase nawawala ako eh. hehe salamat ha.

  23. yey, api berdey!
    galing naman ng post mo ngayon, inspirasyon ang tawag dun.
    hehehe, yung saging, indi daw yun puno, tsaka yung kamatis, mwehehehe.

    sa mga comments ng readers, malalaman mo kung me mali sa mga post mo, pero minsan, meron talagang mga pang-asar na comment.

    sige lang ng sige sa computer graphics, baka mamalayan ko, nag ti-3d ka na rin, hahaha!
    goodluck!

    naku, don’t worry..sanay ako dyan. may nag -email nga sa akin eh.wala daw ka-angas-angas ang gawa ko. hehe. pero ok lang yun at least may nakapansin. haha.

    oo nga..hindi nga naman ito puno, pero sa mga pinoy kase uso ang mga salitang ganito, “nagbigti sa puno ng kamatis”, “naglampungan sa puno ng saging” at iba pa! naku at masaya ako kung matutulungan mo ako sa 3D.

  24. Hi Eli.
    Thanks 4 dropped by in my blog.

    Well, is that someone birthday or your birthday?
    Sorry, I don’t understand the words.

    BTW, Salamat!

    =)

    P/S: The picture in my blog was been taken from Internet.=)

    hi zara, its my blog’s birhday and my bday too. nice to see you here. thanks for the visit.

  25. huli man daw at magaling….nakakabati pa din…
    happy happy birthday sa iyo at sa iyong cool na blog..

    congrats po sa nakuha ninyong award..deserving naman po kayo e=D
    im sure madami pa pong awards ang makukuha ninyo..
    malay nyo po, isang araw e ma feature po itongblog ninyo internationally…at di naman malayo na mangyari yun..

    ang galing nga po ng blographics ninyo e..isa po ako sa humahanga kung paano kayo nagsusulat.

    naalala ko yung larong patintero..hindi pa ata ako nakaka home base sa larong yan.hehe

    tama ka. huli man at magaling..ang gift tatanggapin ko parin! salamat ha atleast alam ko na na may humahanga pala sa blog ko maliban sa akin. hahaha

    praktis lang yan. keep on playing. hehe

  26. wow, really?! bloody cool! hehehe! thanks, mate! more blogging for you! hehehe!

    tama ka. mind set lang yun. the mind is a battlefield to be won.

    oo nga. pero humanda ka kase nag-iisip ako ng i-request kong ipasulat sa iyo. haha.

    so be a winner..naks parang lagi akong winner ah. hehe

  27. salamat sa pagsali!!! basta hintayin ko yang post mo sa tribute campaign!!

    WALONGBOTE, RN –NAKs ibang klase..hehe

    naku at mapapasubo yta ako..hehe cge po try ko gumawa ha. tnx ang congrats sa bagong pasang nurse. pakain ka naman

  28. hahahaha Papa Bomzz??…
    daw tama na muna yang award mo sa ngayon nyahaahaha.. tumatanda ako saiyo o talaga mabait na makulit kang bata ka hehehe ta kits uli..

    kung ayaw mo pumayag sa papa… pareng bomz nalang. para kunwari close tayo. hehe

  29. oh tingnan mo yan, binisita mo ako kaya naman binisita naman kita. YAn talaga ang tinatawag na bayanihan. haha

    happy anniversary sa blog mo.

    oo nga ano..tama at mabisa talaga yong natutunun ko. salamat sa pagdalaw ha.wait mo ako sa bahay mo, dalaw din ako.

  30. ipapasulat? yeah, naalala ko may request ka nga..nakaka-pressure naman! kelangan ba maganda? hahahaha!

    pang-TAGAY IDOL pwede pa! hehe!

    astig talaga yung si hales. 11 uwi nun lagi tapos sa umaga xa nagaaral, tapos pasok ng 9 am.🙂

  31. Dumaan ako upang magpahabol ng isang pagbati. Harinawang hindi lang sa blog umunlad ang iyong pagkatao kundi maging sa iyong totoong buhay sa labas ng blgosperyo.

    Ang tiwala sa sariling kakayahan ang nakapagpapaunlad, kung minsan ng kaisipan. Dito mo higit na makikilala ang tunay na sining at kultura na nasa iyong kalooban. Kahit putulin man ang iyong kamay at paa, kahit patayin man ang hininga, magpapatuloy ang nasimulang sining sa iyong kaluluwa…

    Mabuhay ka, kapatid!

  32. Hey, hey hey!

    Mah gudness! Ganito na ba ako katagal nawala at hindi ko na naamoy na may party pala! Waaaaa!

    Congratulations, gayyem! Yes indeed, nagsusulat ka na at nakakaaliw ang kuwento mo. Nice to see how you started.

    Happy birthday to you and to blographics. More power and blessings!
    🙂 Good luck sa lahat ng endeavor mo sa buhay… at sa pagba-blog.🙂

  33. pareng eli, may latest post ako.. Deja Vu All Over Again, about Filipino games.

    nagsearch ako sa google ng pics..i really liked this ‘luksong baka’ pic. i just realized na ikaw pala ang gumawa nun.woooooooooowwwwwwww..

    ang galing mo talaga.pahiram muna sa post ko ha, pwede?para may visual aid.hope you dun mind. ayun. :p

  34. Belated Happy Birthday poh Kuya Eli…Sayo at sa blog mo…
    Pasinsya na Kuya at late na akong naka greet.Pero sabi nga nila “Better late than never”.Hehehe…Palusot lang poh,at baka sakaling makalusot sa inyo.Hehehe…Daming kasing nangyari mis adventure ko,nakakasira ng ulo.Sana maisulat ko ng maayos sa post ko yon.
    Kuya Malaking Pasasalamat ko poh sa inyo sa natagpuan ko ang blog mo,or ako ang natagpuan mo?
    Kung paano di ko na maalala.But ang importante ng cross ang landas natin.Sabi nga sa book na nabasa ko.”It’s not how you started but how you ended”.Tama ba yon? Or likha na naman ng malikot kung isipan? Hehehe…
    Basta Kuya proud ako sa sarili ko at proud ako sayo.
    That’s all that matter most.
    More Power Blographics!!!! (Kuya Eli) ^_^
    More Meaningful,colorful Journeys to come… ^_^

  35. hoops! (humahangos na dumating…)

    whew! muntik na ako mahuli ng tuluyan!

    senxa naman!

    nagpakadalubhasa ako sa mga nakaraang araw, kaya di ako nakabisita dito,

    happy birthday manung!

    agbiag ka!

  36. pacensya na po mga frends. diko na masagot lahat ng comments nyo at matagal narin ako hindi nakapag-update. medyo kunwari busy kase ako ngayon. salamat po sa patulog na pamamasyal dito.

  37. nahihiya ako sayo, eli. ngayon ko lang ito nakita. sobrang belated na. anyway, happy birthday pa rin and wag ka sanang magsawa sa blogging para marami pa kaming makitang artwork mo.ü

    uy,si busyok, redhead!

    God bless!

    ok lang yun, sabi ko nga tumatanggap naman ako ng regalo kahit late. ano email ko sa ‘yo address ko? hehe. salamat po at sana ay mag-enjoy pa kayo sa mga susunod na post ko. God bless you too

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s