love birds

medium - watercolor

medium - watercolor

True love does not come by finding the perfect person, but by learning to see an imperfect person perfectly – Jason Jordan:


isa ito sa mga ‘real’ (or realism, a style of painting that depicts what the eye can see) na gawa ko sa watercolor. ewan ko pero mas komportable ako kapag watercolor ang gamit ko.
bagaman alam kong hindi ito kasing durable ng oil paint, masgusto ko itong gamitin dahil hindi masakit sa ilong at madaling matuyo.

bilang isangbaguhang nagpipinta (noon), isang hamon sa akin na makagawa ng malalarawang painting. at isa sa naging hamon sa akin ay ang dalawang ibong ito.

noong bata ako mahilig akong manirador ng ibon. pero nung nagkaisip bigla akong naawa sa mga ito.  sigurado kaseng may nagmamahal sa kanya at tiyak na naghihintay sa kanyang pagbabalik. kawawa naman yong mahal nya kung maghihintay ito sa wala. kaya mula noon, nagkasya na ako sa pagtingin sa mga ito bahang masayang nag-aawitan sa mga sanga ng puno.

[BACK TO MAINPAGE]

Bookmark and Share

27 thoughts on “love birds

  1. Karugtong ba ito sa katagang “you complete me?” hehe…

    Hahay, araw ng mga puso na naman… araw ng mga puso nila.. haha!! Buti pa sila.

    HAHAHA..SIGURO NGA! kaya nga eh. sino ba ang nagpauso sa araw ng puso na iyan? at bakit may pre-requisit pang kapareha? dyahe tuloy magcelebrate ng valentine na mag-isa!

  2. hanep! tirador ka pala ng ibon dati! hehehe!

    hindi nagustuhang gamitin ang watercolor…nahihirapan ako…hehe! mas comportable ako sa acrylic on canvas…

    brilliant, eli! valentimes na din dito! hehe!

    noong kamusmusan ko palang yun. pero ngayon dina! depende daw kase sa temperament yun ‘sabi nila’ hehe. ako naman, nahihirapan ipahid yong oil kase malagkit. tagal pa matuto.

  3. i really wanted to learn how to paint, pero wala talaga eh, i guess it’s enough na I am interested and I know how to appreciate the works of others.

    ang sweet, ramdam na ramdam na ang balentayms sa post na ito..🙂

    sabi nga ni bob ong, hindi lang sapat na gusto mong magsulat, dapat nagsusulat ka rin..ganun din sguro sa painting. anyway, kanya kanyang hilig lang naman yan eh. ang mahalaga nakaka-appreciate ka! isang araw, yan ang magtutulak sa iyo para magpinta

  4. mahilig din akong magpinta noon gamit ang watercolor. ginawa ko pa ngang kabuhayan yun nung nasa HS ako. uso kasi dati ang mga interpretative drawings. mga fave songs na nilagyan ng drawing. gamit ang illustration board at watercolor, kumikita na rin ako ng pandagdag baon ko. ngayon, puro colored pencils nalang hawak ko. natatakot na kong i-try ulit ang pagpipinta. mukhang pasmado na yata ako eh… hehehe🙂

    p.s.
    lapit na valentine🙂

    naku nakakarelate ako dyan. dami rin classmate ko pagawa sa akin ng ganun nung hayskul ako eh. yong may boy and girl..tapos may nakasulat na kanta. ganun lang kilig moment na nung panahon na yon. hehe

  5. wow! husay talaga o! aktuli nakapag paint na din ako noon sa isang color subject namen. minsan post ko. hahaha pero wag na pangit naman haha. sa kabilang totoo din ang sinabi mo na finding love in an imperfect one. hay.. minsan kasi tayung mga tao bulag talaga no?

    tama ka dyan. pero sabi nila hindi daw bulag. nagmamahal daw sila kaya tanggap nila maging sino man siya! kung ayaw mo i-post sa blog mo send mo email ko yong painting mo at ilagay ko dito. lagyan ko ng ‘contributed by dencios’..ok ba?

  6. alam mo mahirap kaya magkulay na gamit watercolor, yan ang pinaka hate ko pangkulay.. I like pastel.. pero tignan mo you can manage.. ako di ko kaya. .pareho tayo, mahilig din ako manirador ng ibon sa hacienda ng lolo ko.. haha.. nung nagbabantay ako sa mga ibong kinakain yung palayan.. but that’s a long time ago..

  7. cge cge hahanapin ko mamaya kung dala ko dito sa dubai. naku nakakahiya sa mga painting mo. kumpara mo yung gawa ko bossing basura lang ako haha. hanapin ko mamaya🙂

  8. nyahaha! college ka na nun? wag na nga natin pag-usapan ang age at baka magkabukingan pa. pero hanestly, pag naaalala ko yun, najo-jologsgan na ko. nakakatawa! ahahha! ahaha…aha..hahahaha!🙂

    nabigla ako..bigla kong binalikan yong reply ko sa iyo..hehe nagkamali lang po HS ako nun. kalalampas ko lang kaya ng 30. hehe artist ka rin pala. nice

  9. “noong bata ako mahilig akong manirador ng ibon. pero nung nagkaisip bigla akong naawa sa mga ito. sigurado kaseng may nagmamahal sa kanya at tiyak na naghihintay sa kanyang pagbabalik. kawawa naman yong mahal nya kung maghihintay ito sa wala. kaya mula noon, nagkasya na ako sa pagtingin sa mga ito bahang masayang nag-aawitan sa mga sanga ng puno.”

    …kung ako yan pagbabarilin ko ang mga ibon na yan (*morbid*)…ahahaha..juks lng…

    pero…galing naman….how I wish marunong din sana ako nyan..🙂

    hi supergulaman, naku salamat naman at napasyal ka dito. sayang ‘yong bala! kaya tirador nalang! hehe

  10. eekkkk, bumalik ako agad nung mabasa ko comment mo sa blog ko kasi baka wala na dito yung litrato at pinadala mo na, hahahaha. sunduin ko sya, pwede? ang kapal ng mukha ni kengkay, hahahaha

    hindi yan makakawala. kase nakatali dito. hehe kung kaya mo ba sunduin eh. bakit nga!

  11. oo nga. ang tagal ngang matuyo at medyo messy. hehehe! pero gusto ko dun, matyingkad yung kulay noh?


    yeah…love is gamble at kung hindi ka tataya, mas talo kasi you’ll live the rest of your life thinking of what could’ve been🙂

    pagdating sa kulay..maganda talaga ang oil.
    masarap sumugal pagdating sa pag-ibig!

  12. i’ve read some books about oil painting, parang ang hirap i-master… i was looking sa mga famous painting made of oil…astig.


    hehe! nakajackpot ka na ba?😛

    palagay ko oo. pero hindi ko pa masabi na akin talaga yong jackpot! hindi ko pa kase ito mai-claim. marami pang balakid

    .

  13. Wah! Astig kapatid!! Ang dinig ko isa ang watercolor sa medium na mahirap gamitin..hehe napapalibutan kasi ko ng mga lalakeng artists kaya andami ko naririnig. Fetish ko magagaling sa visual arts eh lolz! Kung ibebenta mo man yan…pede…hmmm..well…bigay mo na lang sa kin haha.

    Happy Valentines! Mwaah! {walang malice}

    sabi nga nila. pero sanayan lang siguro. kase hirap naman ako sa oil. sige kunin mo na. pero depende sa bid mo! hahaha

    thanks… mwah (maslalong walang malice)</

  14. astig ka talaga parekoy..

    sabi pala nila pag water color na ang gamit mo ibig sabihin magaling ka na talaga.. nice.

    may tanong ako: ang ratio ba ng mga love birds pagdating sa kasarian ay 1:1 ? kasi parang awkward tawaging Love Birds ang parehong lalake o babae./. nyahahah (kulit ko).

    btw, happy valentines🙂

    emo lang wala kasi ka lovebirds🙂

    di naman siguro. nakasanayan ko lang. wala kase akong pambili ng oil nun. haha. kaya yun, pinagtripan ko yong mga mumurahing watercolor na nakatube. ewan ko ba.wala akong alam sa ibon. hehe. pero palagay ko pwede rin namang pareho ng kasarian..sa tao nga pwede eh diba? awkward nga lang tingnan! hehe

  15. ok lang naman manirador ng ibon.. konsensya nga lang…

    paniki eh masaya, tapos ibibilad sa araw…

    masakit nga lang sa lovebirds eh nakakatakot din ang sakit na dala niyan minsan…

    hahaha..tama ka! lahat yta ng bagay ngayon may msamang epekto eh. kaya tingin nalang, walang hawak!

  16. binalikan ko rin bigla yung comment mo dun sa unang comment ko… oo nga hayskul ang nasulat mo… san ko nakuha yung college? naduling yata ako. hehehe!

    oo, frustrated artist saka mukhang artistahin din. jowk😀

    tama ka! ako ang ngakamali ng pag-type. mali kase tong keyboard ko eh. hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s