BLAK-AWT

“Adyo*! nag blak-awt, kunin mo ung pusporo
nakasuksok sa gilid ng altar, ilawan nasa kabinet sa
kusina”.

Ganito lagi ang eksena sa kinalakhan kong baryo. Ewan
ko naman na, Pantabangan ang itinuturing na
pinakamalaking pinanggalingan ng enerhiya na
nagpapa-ilaw at nagpapatakbo sa industrialisasyon ng
mga karatig na bayan, subalit kaming mismong nakatupa
sa elektrisidad, laging namumrublema sa kuryente.

Paumanhin, inilahad ko hindi upang usigin ang
kunsensya ng kinauukulan, kundi upang gunitain ang
kagandahang dulot ng blak-awt na aking nakagisnan.

Mangyari¢y kapag blak-awt, obligadong maagang kakain
ng hapunan at kinakailangang sabay-sabay dumulog sa
hapag-kainan, kasi¢y mahirap mag-urong ng pinagkainan
kapag ganun kapisak. Bukod sa diman maaninag ang
nililigpitan, maginaw ng tutuo at makatakot baka may
amat at syempre nagtitipid kesyo mahal ang gaas.

Mabuti na lang at nagkaroon ako ng isang alagad ng
sining na Lolo Juan (namayapa na ilang taon na din ang
nakalipas), na ang tanging libangan sa katandaan ay
ang gumawa ng lamparang de gaas. Sa kanyang malawak na
imahinasyon, tunay na madami ang humahanga, iba-iba
ang kanyang disenyo gamit ang mga basyo ng bote ng
dextrose, botelya ng gamot at iba pa. Sa katunayan,
may apat na lampara kami sa bahay namin na iba¢t iba
ang disenyo. Un ay regalo ng mahal kong Lolo noong
ako¢y musingan pa lang.

Subalit ang blak-awt na ninanais kong ipakilala ay
hindi nagtatapos sa lampara. Kundi sa mga kakaibang
karanasang nakaukit sa aking isipan kapag ang dilim ay
lumalatag na.

Madalas ay naglalaro kaming mag-aama ng baraha, o di
kaya¢y Scrabble, o kung minsan ay pabilisang makahula
ng kung ano ang isunulat ng kalaban sa papel, ito¢y
maaaring hayop, bagay, lugar or pangalan ng tao
_____)(

Hindi ang simpleng paglalaro ng tong-it ang tumiim sa
aking isipan, kundi ang kakaibang magnetong lumulukob
sa aming mag-anak kapag kami’y naguumpukan. Walang
espesyal na pagkain kaming pinaghaharapan, subalit ang
saya’y dalisay at wagas. Sumasapat sa amin ang isang
supot na Kropek na isinawsaw sa Datu Puti, kapeng
matabang ang timpla at butong pakwan o kaya kornik,
pampatagal ng usapan.

Sapat na ang aming hagakgakan upang mapunuan ng musika
ang aming tahanan, dinadaig nito ang ingay ng mga di
mapakaling kuliglig sa mga puno.

Ahhh, kaysarap ibalik ng alaala.

Kapag blak-awt walang TV na makakaagaw ng atensyon ng
bawat isa, walang playstation, walang sounds.
Kapandaka’y makakaisip ka ng malikhaing gawain, mga
bagay na buong layang dumadaloy, mga gawaing nunungkal
sa mga puso’t isipan.

Salamat sa aking ama, na laging naglalaan ng panahon
na upang kami’y magkasama-sama.

Maaaring ang mga makabagong siyensya ay makapagdulot
din ng paglulukob ng isang “mag-anak” sa
panahong sila’y sama-samang nanonood ng telebisyon o
pelikula sa DVD, naglalaro, nagkakantahan sa videoke,
o ano pa mang makabagong teknolohiya; subalit hindi
nito matutumbasan o matatapatan man lamang ang
pagiging payak ng blak-awt. Dahil kapag blak-awt, ang
atensyon ay nasa bawat isa, nasa PAMILYA.

Ikaw, hindi mo man lang ba namimiss ang blak-awt?

* ekspresyon lang po ito

salamat kay BETTERFREND sa pagbabahagi ng sinulat niyang ito. nakita niya ang blog ko at bilang suporta ay ibinahagi niya ang akda niyang ito.

mayroon nga pala akong iba’t ibang category ng frends. sila ay ang mga sumusunod: betterfrend, trustedfrend, worthfrend, truefrend, realfrend at mayroon din namang JUST A FREND. sila ang mga kaibigang nahanap ko sa clsu.


————————————-

at siyempre, gusto kong isingit ang aking…. busyok at elyong story!

buy-ol

[BACK TO MAINPAGE]

25 thoughts on “BLAK-AWT

  1. sa aking sapantaha at palapalagay; ang kawalan ng kuryente ay isang kadahilana ng paglaki ng pamilya at ang madalas na pagkaubos ng ilaw ay ang palagiang pagkain nito ni tatay😀

    kaya sang-ayon ako sayo, ang kawalan ng ibang mapaglilibangan ay isang magandang paraan para magkasamasama ang buong pamilya…kya itaas mo kapatid! kampay!

  2. Wala akong naalalang black-out sa amin noon… ang maalala ko lang ay wala talaga kaming koryente sa baryo. Lampara ang gamit namin.. lampara din ang gamit ko kung mag aral sa gabi.. kaya kinaumagahan ay itim ang ilong ko.. pati kulangot.. hahaha!!!

    Pero kahit wala kaming koryente masaya naman ang baryo… lalo na kung full moon… inaabangan talaga namin ang full moon…

    Maraming masasayang ala-ala noon sa baryo.. kasama na ang kawalan ng teknolohiya…🙂

  3. ang lalim naman niyan kuya eli… nwei, yan yung mga tintwag na ironies of life… simple lang ang explanasyon jan… ang doktor kapag nagaksit eh sa kapwa doktor lumalapit hnd nagrerely sa sariling kaalaman… ganun lang yun…

    pero like wat u said kuya… lets look on the brighter side… its really a family tym… kami pagblak awt nasa sala lang km tapos naglalaro ng jackstone… hehe… o kaya oras din yan para magmuni muni at itigil muna ang pagkaka adik sa harap ng tv at computer…😉

  4. naalala ko kapag brownout tapos gasera ang gamit, paggising ang iitim ng mga ilong namin! hahaha!


    yep…imbento yun! hehehe! nako wala yung sa isip ko… marami pa akong kakaining bigas bago makapagpublish ng libro..hehe!

  5. isang payak na buhay nga eli sa ibang lugar ng ating bayan, maagang kakain, maagang matutulog at gigising at ang maganda pa rito ay Sama-sama ang buong pamilya sa hapag kainan, magkakasamang nagkakasayahan. Ang mga bata ay naglalaro kapag maliwanag ang buwan🙂

  6. sa abot ng aking naaalala pa noong panahong una, ang aming ilawan din ay ganyan..lampara na nakasabit sa gitna ng bubong habang ika’y tulog at may alambre o kawad na pinaglalagyan para di sya bumagsak..

    kakaaliw din naman balikan ang karanasan noong araw ano? isipin mo ngayon e halos di na pansin ang mga lampara na yan…

  7. masarap ang brownout sa pinas. chismisan, kulitan, inuman, kantahan na kasama ng gitara, taguan, takutan, spirit of the glass ;D dito sa alemanya nakaranas ako ng brownout, ayun, hindi na gumana ang mundo. hindi ko na mabuksan ang garahe para kunin yung kotse, hindi na ko makapagluto, kailangan ng magtago sa ilalim ng kumot dahil sa lamig ;D

  8. Mangyari¢y kapag blak-awt, obligadong maagang kakain
    ng hapunan at kinakailangang sabay-sabay dumulog sa
    hapag-kainan, kasi¢y mahirap mag-urong ng pinagkainan
    kapag ganun kapisak.

    Ayan Kapatid na Eli, nabisita ko na rin itong bahay mo…🙂 Nakarelate ako in a different sense kasi sa amin dati, permanente ang blak-awt… Wala kaming kuryente kaya kailangang kumain ng maaga… Tama ang betterfrend mo, dalisay at wagas ang saya sa pag-uumpukan ng mga magkakamag-anak o ng pamilya para magkwentuhan… Mas may “substance” nga ang family bonding noon..🙂

    Salamat nga pala sa pagbisita sa blog ko… I’ll add you in my links…🙂

    Coolwaterworks

  9. ‘ang kawalan ng kuryente ay isang kadahilana ng paglaki ng pamilya” hahaha I second the emotion!

    Naranasan ko din yan ng umuwi ako ng probinsya nung ako’y grade six pa lang. Di ko makalimutan ang mga gaserang yan..at syempre ang pag-itim ng ilong mo kinabukasan ahaha.

    Tagay na kapatid! salamat sa busyok at elyong..yan ang bago kong inaabangan eh! apir!

  10. hmmm medyo malalim ito a.. usually pag blak awt samen kwenuhan lang magdamag kasi walang fan. mga simpleng ganun lang. or mag ccreate ng hayop sa flashlight. simple lang pero mas masaya may time na nagkakaron ng bonding. ganda ng kwento mo bossing a. ewan ko alng pero parang na touch ako =)

  11. hay… kapag bumagyo sa probinsya ng malakas isang buwan o mahigit pa walang kuryente…

    dati nga isang buwan na radyong di-baterya na am lang ang libangan namin ng isang buwan at isang buwan din na ubod ng dilim at init…

    nung nagkakauryente na parang ayaw ko pa mag-electric fan… nakakapanibago…

  12. paxenxa na tol, a ngayon lang nakabalik.. biziness me hehehe..alam mo hanga ako sayo, yOur still thankful sa mga pinagdaanan mo kahit na puro hirap.. sabi nga nila.. NO PAIN NO GLORY.. mahirap talaga pag black out eh nog, nagkakaumpugan hahaha..

  13. ako rin wala ako maalalang black out pero nung maliit pa ako at nasa gubat pa ang tirahan namin, wlang kuryente, at pag maaga magising at madilim pa, kelangan mo kapain ang posporo sa “pasamano”

  14. Nauso din sa amin yang gasera nung pumutok ang bulkan ng Pinatubo. Naalala ko yung baso na nilagyan ng asin, tapos mantika at isang pirasong posporo sa ibaba. Magdamagan na yun!

  15. hmmm,kami saglit lang magkwntuhan then we’ll get bored na hehe

    ako pag black out nanonood pa din ng dvd buti nalang fully charged siya kaya nakakanood pa din ng full movie hanggang sa magkaroon n ulit ng power

  16. nyemas eli, dumugo ilong ko dito, kala ko ikaw may gawa hehehehe.

    pero totoo, naalala ko din tuloy nung bata ko pag nagbabalak-out pagalingan kame ng mga kapatid ko na humawak ng apoy sa gasera, ibang-iba talaga bonding moments nun hehe.

    bongga ang kalabaw! hihi..🙂

  17. naku pasensya na kayo at hindi ko nasagot ang mga comments nyo. pero makakasiguro kayo na nabasa ko lahat ito at papasyalan ko nalang kayo. salamat sa pagdalaw nyo at salamat din daw sa feedbacks sabi ng betterfrend ko!

  18. nung maliit pa ko…(ilang taon pa lang naman..siguro mga 2 years..hehe) laging nagbablack out.panahon yata ni ramos yun.hehe.tagal na.ang maganda dyan,pag walang kuryente,nag bobonding kaming magkakamag-anak.kwentuhan ng nakakatakot,asaran.sumisimple buhay in an instant.ayun. :p

  19. napadaan ;p

    administrasyon yata ni cory nong madalas mag bran awt, bata pa ko non, naaalala ko pag ganon naglalabasan mga abaniko sa bahay, pinapaypayan kami nila inay hehe

    kwentuhan din, takutan, minsan tambay sa kalye, tugtugan gitara yung mga mama tas kaming mga bata ginagaya yung mga kanta ng mask rider, mask man, five man atbp ;p

    naku naranasan ko yong time na yun. bagaman maraming negative ang nagawa ng blackout, mayroon din naman talagang magandang dulot ito..tulad ng mabilis na pagpaparami sa pamilya! hehehe. kami nun ang laro namin karakaratihan o kaya barilbarilan. ginahaya ko nun si bruce lee saka si fpj! fav ko nun bioman! naku, nahahalata ang mga idad natin nito!

  20. madalas din ang brown out noon sa clsu. at kung sa ilan ay sadyang nakaiinis ang brown out, may ilan din namang lihim na natutuwa.

    lalo na kung magkaulayaw ang dalawang pusong nagmamahalan sa bleacher o sa tapat ng admin bldg.

    -hector_olympus
    alumnus-science high.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s