tag-tagadag!

Ipinasa sa akin ni pareng kulotski ng kuyserongkulot.com ang tag na ito tapos sinundan pa ni payatot ng payatotlahatditochubby.blogspot.com kaya…sige mag-TAG-TAGAN na muna tayo.

busyok's tag

busyok's tag

Eto ang mga rules: Magsabi ng (10) sampung bagay-bagay tungkol sa sarili mo. (9) Siyam dun ang totoo at (1) isa ang kwentong barbero (kulot 2009).

1. masyado akong busy ngayon, nag-aayos ako ng mga papeles. Bagaman medyo nasaid yong kaunting naiipon ko, okay narin dahil sa nabili ko naman ang DISNEY PICTURES! At ang unang project, animated movie na Noli Me Tangere! Pasensya na po inuna ko yong kwentong barbero!

2. Kapag may mga bagay akong pinag-iisipan, naglalakad ako. Masnakakaisip ako ng kasagutan at solusyon habang naglalakad. Salamat at ‘di pa ako nasagasaan.

3. mahilig ako sa mel Gibson at animated movies. sa music naman, kahit ano basta wag masyadong maingay–kahit rap. Ayaw kong makinig sa kantang puro sigaw. Feeling ko kase kapag ganun, para lang akong nasa palengke. O kaya naman ay nasa terminal ng jeep. “cubao…cubao, isa nalang lalakad na!”, “ay kendi, sigarilyo dyan oh!”, hopya..mani..popcorn”

5. nagko-collect ako ng libro ni bob ong, pol medina at larry alcala at nagbabasa ng mga libro ni rick warren (the purpose driven life, the power to change your life at yong iba ‘di ko pa nabasa!?). at ang bago kung binabasa ang ENTREPRENEUR magazine. nakalimang issue na ako nito. maganda kase at ang daming idea ang pumapasok kapag nagbabasa ako nito.

6. ako ang taga sara ng ofis namin. hindi kase ako nasanay umuwi ng 5PM.

7. tahimik akong tao, pero kapag nakagaanan kita ng loob, magsasawa ka sa kakulitan ko. hindi ako nagkukwento…hindi ako nasanay gawin ito. Kaya nga nung gawin ko itong blog na ito, (Feb 2008, ilang araw bago ang bday ko. Teka, malapit na pala ang 1st bday ng blographics!) wala akong kaplano plano na magkwento dito. Ang gusto ko lang nun, ipakita ang mga gawa ko. Bahala na kayo kung ano ang interpretasyon nyo. Pero sa kapapasyal sa mga blog parang naramdaman ko na gusto ko ring sumulat at magkwento. Gagawa sana ako ng ibang blog para dito pero wala akong gaanong oras sa pag-o-online.

8. Nung nasa grade one, matapos kong makilala si Florante at Laura, may pangalan pa akong gustong-gustong makilala — si BIKA at KULTURA. Pero natapos ang skul year bigo akong nakilala sila. Hindi pala sila mga tao na kagaya ni Florante at Laura na mga characters sa kwento! Nalaman ko kase na isa pala itong subject… SIBIKA AT KULTURA! Kung nalaman ko agad, di sana sibika at kultura nalang ang favorite subject ko at hindi Science! (inis).

9. Maglalaro kami ng mga laro ng lahi sa Feb 14! Anniversary kase ng samahan namin (natapat sa valentines day) at isa ito sa taunan naming ginagawa. Bukod nga pala sa valentines day, may isa pang ipinagdiriwang sa buwang ito—FEBRUARY IS NATIONAL ARTS MONTH. Kaya happy arts month po sa inyong lahat! Malapit narin ang birthday ko. hulaan nyo kong kelan. hehe

10. busy-bisihan ako ngayon unang linggo ng feb, hindi dahil sa nagra-rush ako sa paghahanap ng ka-date sa valentine kundi dahil sa nag-host kami ng vegetable festival. Masaya (at nakakapagod) ang festival na ito dahil sa damit ng activities tulad ng exhibit, techno demo, symposia at vegetable recipe and edible landscaping contests.

Eto at I-share ko sa inyo ang ilan sa mga kuha kong larawan:

edible landscaping

edible landscaping

edible landscaping 2

edible landscaping 2

edible landscaping...

edible landscaping...

edible landscaping 3

edible landscaping 3

at eto naman ang ilan sa mga kalahok sa vegetable recipe contest:

kalabasa, pampalinaw ng mata

kalabasa, pampalinaw ng mata

kumain ng gulay, upag katawan ay tumibay

kumain ng gulay, upag katawan ay tumibay

gulay, pambahaba ng buhay

gulay, pambahaba ng buhay

the late comer

the late comer

at siyempre, may mga pang-agaw eksena rin

pakwan to, mukhang papaya lang

pakwan to, mukhang papaya lang

ang walang kamatayan, makasaysayan ngunit unti-unting nalilimot na tinikling

ang walang kamatayan, makasaysayan ngunit unti-unting nalilimot na tinikling

bulaklak ng mustasa...para sa 'yo

bulaklak ng mustasa...para sa 'yo

Ayan, mission accomplished na ako pareng kulotski. Ano naman kaya ang siyam na mababangis at isang mapagkunwaring kwentong barbero ng mga papasahan ko ng tag na ito na sina…… dotep, brother utoy, ellieshe dencio at angie.

Salamat sa nga pala kina  ron, hanseman, tinay ate melai, cam at yhen.

[BACK TO MAINPAGE]

Posted in tag

22 thoughts on “tag-tagadag!

  1. hello ka eli, mabuti naman at natapos na rin ang tag..pareho pala tayong tahimik lang lalo na kung unang kita mo pa lang sa akin, pero pag nakasundo mo parang wala ng bukas ang mga wento at tawanan..

    ang sarap talaga sa bukid ano, nanariwa tuloy ang alala ko noong andyan kami sa villasis pangasinan, puro kase gulay ang ulam naimn noon..malimit kami dyan dati lalo na sa urdaneta…malimit nga lang binabaha kapag umuulan..

    o, sige, salamat ulit ka eli…

    aha at taga pangasinan ka pala! malapit sa puso ko ang probinsiyang yan. dyan lumaki ang tatay ko. balita ko nga ay talong capital ofthe philippines ang bayan nyo.🙂 salamat..balik kauli ha

    .

  2. astig! bilib ako sa mga taong nagsasara ng opis. dami talagang ginagawa.

    kunwari lang yun..hehe pero sa totoo lang kase, masnakakapagtrabaho ako kapag wala nang phone na nagri-ring, kapag wala na akong naririnig na naglalakad at feeling ko talaga productive ako kapag medyo gumagabi na!

  3. ayaw pumasok ng comment ko… haaaysh.. nwei, eastwest po b yung pakwan na yan?

    pumasok yong una. diko lang na-approve. oo pakwan nga! galing ito sa “HARBEST” seed co.

  4. aba at magtatag din ako mamaya paguwi ko, masaya iyan hehe. anyways ang sarap naman ng mga gulay na iyan! lalo yung kalabasa parang gusto ko sunggaban! ang ganda din ng mga landscaping. interesado din ako sa ganyan kasi balak ko maging landscape architect.sana matuloy. sa ngayon hindi pa puede.ipon muna.

    teka pala natawa ako sa pang 8 entry mo – si BIKA at KULTURA. kulets! hahaha.

    oo totoo talaga yun. bata pa ako nun eh. akala ko talaga character din sila. hehe sige kung kailan ka may time na gumawa.
    malay natin diba?baka pagdating mo dito biglyang may opportunity at makapagstart ka na nito. basta, i-landscape mo yong itatayo kong palasyo ha. hehe

  5. hay ang sarap tingnan ng mga pechurs mo! malay mo yung number wan mo e maging totoo di ba? may kakilala akong artist din na taga marikina biglang nagpaalam na lang kasi daw e lipad na sya ng US dahil na-kuha syang bilang isang taga drawing sa hollywood ;D ang kanyang pangarap ay naging totoo, at sigurado ko, impossible dreams do come true! good luck!

    hehe..oo nga. wala namang imposible diba? galing naman ng kakilala mo na yun! sana ako rin. hehe

  6. haha! kaya pala. hindi ka nga makwento. ako rin. mahilig ako magimbento ng kwento! hahaha!

    so national arts month pala ngayon. celebration pala ng mga artista ngayong feb. hehehe!

    ganun pala hitsura ng bulaklak ng mustasa. maganda pala. pwedeng pangregalo ngayong valentines. hehe😛

    o2 pwede naman nating pausuhin yan eh. luma na kaya ang roses..dapat mustasa naman! anu2 naba ang mga naimbento mo?magpublish ka kaya ng book? arts month nga ngayon kaya…happy arts month!

  7. Ka Eli,

    Huwagmo akong subukang i-tag. Wala akong hilig dyan a. ‘di ko pinpansin ang mga kulit na nagtatag e.

    Pero, tapos na ang tagmo sa akin. Naisentkona sa emailmo, he he he. Baka sobra iyon. Pati IP address e, nakalagay. ‘di ko nga lang inilagay ang computer signal beamko para hindi nyo matrace ang locationko, bwa ha ha ha. Kahit sa ASPIC, baka mahirapanka sa akin.

    Puera biro. Oks ang kuwentomo. A, si BIKA at KULTURA. Kinilalako rin sila noon. Buwisit lang, hindi totoo ang ilang entries sa mga aklat. Hindi sinabi na paglakiko, e, malulublob ako sa utang, hak hak hik!

    ibang klase ka talaga. hehe akala ko nabiktima karin ng tambalan nina BIKA at Kultura.

    lol

  8. talagang barbero yung number 1? hehe.

    gusto ko din mga libro ni rick warren, peborit author yan ng tatay ko, nakikibasa lang ako ng mga books nya wahahaha..

    malapet na betdei ng blog mo, papakain kaba?? pede na yung mga gulay na yan, di naman kame choosy eh wahehe!

    akala ko pa nman hindi obvious na kwentong barbero kaya bumusina ako. hehe. maganda at masarap basahin ang mga libro nya. pero isa lang ang sure ko. hindi kami magkasingtanda ng tatay mo. cge, eat all you can tayo sa bday ko. kain ka dyan at ako naman eh kakain dito!

  9. yum-yum naman yung mga nasa pics mo. ginutom tuloy ako bigla. hehehe!

    ok din yung wentong barbero mo ha. in ferness, may wenta. animated na noli me tangere? ahihi! you have a future friend😀

    uy hindi kaya sa feb 14 ang bday mo? pa-burger ka naman. burger… burger…burger! 😀

    mahilig kba sa gulay? actually, naiisip ko nga yang noli na yan ah. kase yong mga local networks natin, naipalabas na yta ang lahat ng drama na pwedeng ipalabas. nag-import narin sa korea, china, mexico at kung saan saan pa pero yong sariling atin hindi nila naaalala.

    feb 14?hmmmmmmm… kinapos! konte pa! malapit na!wag nang burger…suman nalang!

  10. Hahaha tawa naman ako sa number eight!! Ang ganda sana talaga kung merong animated versions nga mga gawang pinoy..Ibong Adarna..Noli Me Tangere..El Filibusterismo. Gusto ko rin si Bob Ong at medyo adik ako sa mga Filipino short stories..yung libro kung “Panitikan” ang pinakagamit na libro ko lolz

    At weakness ko nga pala mga artists hehehe…idol na kita mula ngayon! apir!

    oo nga..maganda siguro kong meron diba?kahit na sa mga telenobela lang sana. kung saan saan na nanghiram ng story ang mga local networks natin pero ang sariling atin nandiyan at halos malimutan na ang sariling atin. madami na tayong adik kay bob ong ah. ganun ba? naku, bigla ako nagblast..hahaha

  11. ah okei.btw parekoy, bakit walang link site mo pag nagko-comment ka sa site ko?add na nga kita sa flamindevil’s angels ko para hindi ako mahirapang hanapin to.dumadaan pa ko kay Otep para lang makabisita dito. okey. ? :p

  12. yup, mahilig ako sa gulay at fruits. pampahaba at pampakinis daw ng kutis yun eh. hehehe! ang kuripot mo naman manlibre… suman. pero ok na rin kasi masarap naman yun eh.🙂

    alam ko na FEB 15 ang bday mo!!!😀 *hula mode*

    p.s.
    pwede ka rin gumawa ng animated noli me tangere na korean version tpos ibenta mo sa mga koreano para pinas naman kumita sa knila. hehehe! wla lang… ala lang masabi.

    kapos parin…!!!hahaha

  13. okey itong proyekto nyo eli! Green na Green🙂

    Gusto ko nong pakwan na dilaw ang balat, ngayon lang ako nakakita non🙂

    Mayron ba kayong tanim na miracle fruit? yung prutas na kapag kinain mo, lahat ng susunod mong kainin ay matamis🙂 it’s a miracle di ba🙂

  14. Pingback: Edited: Malagong buhok sa.. « H i s N a m e I s D e n c i o s

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s