Busyok at Elyong

oks

Ito si Busyok at si Elyong. Mga karakter na nilikha ko noong 2008 dahil sa kagustuhan kong maglagay din (sana) ng comic strip sa blog na ito—pero hindi kinaya ng powers ko na alagaan ang sequel ng ideyang ito. Bagaman hindi ko naituloy ang plano, yong karakter naman ng dalawang ito ay nanatili sa isip ko. Si Busyok, isang sosyalerong kalabaw, (lulung) sige nahihilig nalang sa internet, at mahilig sa mga hi-tek na gadget.. Si Elyong naman ay isang batang promdi na ang pag-iisip at gawi ng pamumuhay ay nakapako pa sa panahong dekada otsenta (80s).

Ganito nag-umpisa ang lahat.

busyok_mp4

Nakilala ni busyok ang internet. Natuto itong mag-surf, mag-e-mail, mag-ym at hindi nagtagal ay nahumaling sa social networking site. Natuto siyang mag-blog at nakita ang potential ng mga affiliate at referral programs. Hindi ko lang alam kung nag-pay-per post siya! (hehe) PERO KUMITA MAN SIYA NG MALAKI WALA RING MANGYAYARI KASE ALAM KONG PAMBIBILI LANG NIYA ITO NG DAMO

busyok3

At dahil babad nga sa internet, na-turn off na ito sa mga printed materials tulad ng dyaryo at mga magazine. Tinanong ko siya minsan kung bakit (nagkwentuhan kami sa isip ko) at sabi niya, mina-maximize lang daw niya ang gamit ng internet. Oo nga naman, sige payag na.

At dyan nahinto ang kwento ng buhay ni Busyok.

[Type…delete…type…type…backspace… type…delete… delete, delete…]

Sa totoo lang hindi ko maisip kong paano ko tatapusin ang post na ito. Puro delete at backspace ang sunod-sunod na napipindot ko sa keyboard dahil pakiramdam ko walang laman at puro blah..blah lang ang mga naisulat ko. O, baka naman akala ko lang yun? Naalala ko tuloy ‘yong sinabi ni Whit Criswell sa libro niyang WHAT MAKES A WINNER:

If you want to change the way you act, you must first change the way you think.

[back to homepage]




Digg!

 Subscribe in a reader

Add to Technorati Favorites

Bookmark and Share

43 thoughts on “Busyok at Elyong

  1. ok naman ang wento e, kaya nga lang di mo tinapos..

    pero ganon pa man e laganap na talaga ang may hilig sa net ano? kahit na bata ngayon e talagang humahataw sa ganitong buhay ngayon..

    oi, link mo na ko ha..na link na kita noon pa..
    salamat din sa pagdaan sa munti kong tahanan..

    o2 nga eh. sana matapos ko.
    kaya wag kang magtaka kung isang araw madatnan mo ang pusa nyo na nakababad sa net. hehe
    salamat sige add na rin kita ha.

  2. Ang galing mo talaga Kuya…Nakakarelate ako sa last few words na ito ah… “If you want to change the way you act, you must first change the way you think” Very inspiring…Sana magawa ko na ng tama,ang gusto kong gawin…

    🙂 … hindi lang ikaw..ako rin angie.

  3. Ikaw din pala Kuya?
    Lahat talaga tayo dumadaan sa not so well stage ng ating buhay,kanya kanya pakikibaka lang tayo.Ang mga taong iniidolo mo may mga challenges din sa buhay,part of being human being.
    Ang importante paano mo na iinspire ang bawat isa sa mga pinagdaanan nyo.
    Ipopost ko sa blog ko Kuya,yong inspiring poem na matagal ko ng tinatago.
    Sigurado makakarelate ka din. ^_^


    tama ka jan! nice..

    sige nga at nang mabasa ko yong poem mo.

  4. hanep! kakaiba to ah. susyal naman pala yung si busyok eh..hehe! at talagang naka-ipod pa! hahaha!

    i agree on the quote. our mindset affects our behavior big time. another reason why we should be always optimistic🙂


    malayo pa valentines ah…hehe! january pa lang di ba? hehe!

    parang nabasa ko na tong quote na to somewhere…dito rin sa blog yata.

    thanks, eli😉


    alam mo ba na nung pumasok sa isip ko si busyok eh tuwang tuwa ako. kase nakikita ko sa kanya yong isipan ng maraming tao sa ngayon.

    valentine?! bukas lang nandyan na yan! kaya mag-rush na tayo! hehe

  5. Pareho na rin yan if a person wants to change his life, he must do something different.

    Regarding sa kuwento, huwag mo munang isipin ang kabuuan ng kwento kasi malay mo gusto mong ibahin ang takbo nito habang ikaw ay nasa kalagitnaan. Umpisahan mo na lang musa sa isang simpleng sitwasyon.. gaya ng nasimulan mo na.. hanggang doon na lang muna sa pagdesisyon kung bibili ba sila online or offline..

    hahahah!! parang ang galing ko ano.. ako rin naman di marunong gumawa ng kuwento..

    God bless you eli.

    tama ka dyan elyong. at salamat sa advise. o2 nga tama ka! baka may masexciting pang pangyayari ang pwedeng isama. nice. maganda nga sana ito kung magawa ko yong sequel. kaso wala time eh. siguro, isingit ko nalang dito sa blog kahit once or twice a month. tnx

  6. hehe ang kyut ni busyok, naka iPod pa.😀
    galeng..

    actually, yong ibang drawing ko flashrive naman ang nakasabit sa leeg nya. susunod siguro nakaPSP na sya! tnx

  7. hanggaling! susundan ko itong adventure ni busyok at elyong! kailangang maipromote ko ito sa next post ko! di ko lang ma-imagine kung paano magta-type sa keyboard si busyok.ü

    Keep it up, Eli! God bless!

    naku salamat kung ganun! da bes yan! o2 nga ano..gawa nalang tayo ng customized keyboard nya.

  8. astig naman nito kuya eli… pwede ka nang gumawa ng sarili mong company na gumagawa ng computer graphics…

    astig si busyok… galing!

    Oo nga ano? sa totoo lang madami akong nakikitang mga ganyang company dito sa net. balak ko ngang makigulo kaso abala sa mga plano ko ‘tong work ko eh. hehe

  9. ok tong kwento ni busyok at elyong…palagi ko tong aabangan..
    ok sa olryt si busyok ah…sosyalin na kalabaw…go busyok…
    salamat sa pagbisita ha..

  10. ayun o, may kapangalan si elyong.

    hanep na kalabaw a, paonline online na lang, samantalang sana nag aararo sya ngayon

    haha..oo nga bro. baka nga kaya nagkaroon ng rice crisis last year kase ayaw nang pumunta sa bukid ni busyok

    .

  11. natuwa naman ako sa kalabaw na iyun. ang galing ng post! btw totoo talaga na adik na halois lahat sa net. e ganun talga nag eevolve ang lahat ng bagay. ang di ko lang sigurado ay kung anu ba talaga ang safer to use. =)

    o2 ang net nga daw ngayon ang bagong tambayan eh. hindi na sa mga kanto.
    safer? naku sa panahon ngayon wala na yatang ‘safe’. salamat…salamat.

  12. hehehe… i think the story ended up with a sense. one can interpret it in many ways that’s why i think you left us an open end story that can lead us to think what can happen next.

    wow…nice dong ho. tnx for sharing.

  13. mag-rush? nako wala akong balak maghanap ng ka-date. wala akong pera eh. haha! saka na lang. hahaha!

    sige ba!🙂 basta ibabalik mo! hahaha! ang korni ko! waaaaaa!

    naku pareho tayo. hindi narin ako maghahanap. wait mo nxt story ko, malalaman mo kung bakit.

  14. ang ganda naman nito🙂 ituloy nyo pa..may aral kasing kapupulutan🙂

    siguro nga yan ang magandang project ko this year. ang ganda ng mga kwento sa blog mo ah. mga ka-blogs vsit nyo ang blog ni sani, at tiyak na mag-enjoy kayo sa mga kwento nya.

  15. ang daya di pa ako nakalink, hehe.. nakalink ka na kaya🙂

    na visit ko na yong frend mo. salamat sa tip..hehe

    nai-link na po kita miss tanggera. sori sa late na paglagay. nakaligtaan ko po. buti nalang sinabi mo. tnx

  16. exciting sana kung tinuloy mo yung kwento. ang kewl sigurong makakita ng hi-tech na kalabaw noh. hehe! nga pala, in-open ko na yung bago kong domain. bisitahin mo po ha at paki-update na rin ako sa blogroll mo. medyo wala pa nga lang laman pero update ko rin sooner🙂

    here’s the link: http://apieceofkeyk.wordpress.com/

    see you around!🙂

    salamat at nagustuhan nyo ang tambalang busyok at elyong…nakakainspire. ok update na kita. salamat!

  17. Pingback: Mga Newbies na May Bangis! « How Brother Utoy Failed Salvation History

  18. Unang tingin ko pa lang po sa gawa niyo alam ko na agad na artist at heart kayo. Nung bata ako parati akong sinasali sa mga painting at drowing contest dahil kilala akong mahilig magdrowing. At kung may natutunan man ako dun, nalaman kong hindi ako artist at heart. Ang talagang hilig ko ay paggawa ng komiks na kahit walang kwenta ang storya na naisip ko eh tuloy pa rin ako sa paggawa. Naadik ako sa medium na yan dahil para kang direktor at producer in one. Pwedeng maging super serious ang kwento to pwede rin sobrang baliw! haha

    Magaling kayo mapa-manual or digital. Kung talagang gusto niyong gumawa ng komiks wala akong nakikitang problema. =) Goodluck po

  19. Wow., galing parang gusto ko nang tumira sa blog mo..

    Parang year of the ox lang ang dating.. hehehe

    Busyok, parang yung mascot lang ng INQUIRER.

    galing.. nice post.. may sense talaga.. sana magka power ka ng marami para may sequel parang new moon lang😀

  20. Talaga bang nilikha mo yan? Hanef eh!!! Sana may ganyan din akong talento puro istik at circle lang kasi kaya kung iguhit. Langyang kalabaw yan…pati suka sa ebay pa ata hustong bilhin nyahaha! adik!

    “If you want to change the way you act, you must first change the way you think.” panalo to!!

    Hmm pansin ko..bonggang bongga mga blogs na nirekomend ni kuya utoy ah!

  21. wahhhh..natambakan na ako ng comments. pacensya na kayo kung hindi ko masasagot isa isa ha. salamat talaga sa pagsuporta sa tambalang busyok at elyong. isa lang ang sure ko…dadalawin ko ang mga blog nyo!

    ***at mabisa at ads ni brother utoy. salamat sa iyo! sana nxt time uli. hahaha

  22. haha..natawa ako dun sa online na lang tayo bumili ng suka eheh..ang sosyal nga ni busyok hehe..
    hindi ako mag tataka kung pati aso ng kapitbahay namen nag fafarmville na rin ehhe..

    galing mo talaga kuya ehhe..

  23. uy, english yung dulo. nag-nosebleed ako dun ah! hahaha! *peace eli*

    alam mo busyok, este eli, ituloy mo ang kwentong ito. mukhang maganda naman at may patutunguhan eh. you had a good start. bakit di mo gawaan ng other story si busyok, kunwari nagpakasal na sila ng long time carabao GF nya. ung tipong 6 years na sila na magBF-GF tapos biglang nagpakasal. hehehehe!

  24. nakakatuwa! share ko to sa anak ko. love niya cartooning kaya lang di naman kami marunong ng tatay niya. In fact, siya ang illustrator ko sa mga lesson plan na ginagawa ko. sigurado, maiinspire sa’yo yun. thanks for unselfishly sharing your gifts. God bless you bro.

    • @rema , naku salamat po sa pagdalaw sa blog na ito. natutuwa po ako at nagustuhan n’yo.

      ang galing naman ng anak nyo. pabayaan nyo lang sya mag-explore..para mahanap nya yong sining na nasa kanya.

      God bless din po.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s