ilog jordan

18 in x 16 in

medium: oil on canvas size: 18 in x 16 in

Ang painting sa itaas ay hango sa larawan ng Ilog Jordan na matatagpuan sa Brgy. Olivete, Bongabon, Nueva Ecija.

“Darating ang araw, matutuyo ang lahat ng ilog, ngunit ang tubig sa ilog na ito ay magpapatuloy sa pag-agos.” Ito ang pangakong nasa likod ng Ilog Jordan, isang sagradong ilog sa bundok ng Olivete–ang bagong Jerusalem ng mga Adarnista (simbahang nakabase o kabahagi ng paniniwalang rizalista). Ayon sa mga matatanda, ito ay madalas banggitin noon ni Inang Adarna (lider ng mga adarnista na pinaniniwalaang nakakagawa ng mga himala noong nabubuhay pa ito, ngayon ay may rebulta siya sa simbahan nila) sa mga tao kalakip ang panghihikayat na alagaan ang ito. Ito marahil ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang pangangalaga at paggalang ng mga Rizalista sa nasabing ilog.

Ang Ilog Jordan:

  • Nakakagamot ito ng sakit. Maraming tao mula sa iba’t ibang lugar ang dumarayo upang maligo at mag-uwi ng tubig mula sa dito.
  • Manilis. Dito nag-iigib ng inumin ang mga tao.
  • Hindi ito matutuyo magpakailanman. Pinaniniwalaang hindi kayang patuyuin ng tagtuyot ang ilog na ito.
  • Sagrado ang ilog na ito. Ipinagbabawal ang paglalaba at paliligo sa araw ng lingo
  • Ilog ng buhay. Dito nagmumula ang patubig ng ekta-ektaryang pananim ng mga taga-Olivete

Napakalaking papel ang ginagampanan ng Ilog Jordan dahil dito nanggagaling ang patubig ng mga taga Olivete. Animo’y dugo ang tubig nito na siyang dumadaloy at nagbibigay buhay sa bawat pananim ng mga magsaska.
Bagaman hindi natin alam kung totoo nga ang hiwaga at pangakong nasa likod ng Ilog Jordan, mabuti na rin may mga ganoong paniniwala dahil kahit paano ay nabibigyan nila ng halaga at napangangalagaan ang kalikasang nilikhan ng Panginoon upang pakinakangan at hindi upang sirain.

Oooppsss..parang naramdaman ko yong kakaibang lamig ng ilog. Animo ay natilansikan ng tubig nito ang mukha ko. Hmmm..naalala ko lang nung huling maligo ako dun–ang lamig ng tubig! Oh, ligo mode naba kayo? Bakit hindi nyo subukang maligo sa Ilog Jordan?

******************

About Olivete:

This place is a popular Lenten destination for people seeking spiritual rejuvenation and healing.

Pilgrims gather at the Sambahan ng Amang Kaama-amahan (it is different from adarnista but still a part of rizalista) at Inang Kaina-inahan (adarnista) church. The religious sect’s shrine has a chapel on a hill at the foot of the Sierra Madre mountain range and a spring that members call “Ilog Jordan” (Jordan River).

One of the highlights of the pilgrimage is the sect’s procession on Good Friday, where participants (ladies in white gown and men in barong) walk barefoot on the 2.3-km stretch of the village’s dirt road.

P.S. Nakalimutan ko nga palang sabihin na taga-Olivete ako!🙂


33 thoughts on “ilog jordan

  1. wow…may ganitong ilog pala dito sa pinas. buti may natitira pang mga ilog na nanatiling malinis. dapat pala m-feature to sa natgeo—yung series na “RIVERS and LIFE”


    i like watching the auditions. i don’t want to miss their humble beginnings..hehe!

    oo nga ano? magandang idea yan!
    pero sa ngayon, hindi na ganun kadami ang tagasunod sa paniniwalang yon. madami na ang na-convert dagdag pa ang impluwensyang dulot ng modernisasyon.

  2. Akala ko Jordan river talaga hehe. Another masterpiece Bro!

    thanks bro! minsan nga nakakagulat. may pagkakataon na isinama ko ang mga kaibigan ko na maligo jan.. at tuwang tuwa ang mga ito. nagsisigawan, “yehey, nakaligo na kami sa ilog jordan!”

  3. informative ito hehe
    nice paint there
    pero ok na din iyan at least jordan na sariling atin!

    oo nga..at maganda ang nangyari kase napanatiling malinis yong ilog.

  4. yah I’ve heard this ilog jordan during my theology class. naiisip ko tuloy bakit di kaya tumalon sa ilog na yan ang mga mamamatay tao ng ma cleanse naman ang kanilang spirit. Eh kaya pala you know a lot of things about this kasi taga olivete ka.. hehehe..🙂

    hahaha..o2 nga ano. para malinis ang kanilang pagkatao at pati narin ang kanilang mga kalulwa! nagtingin nga ako ng mga nakasulat tungkol sa lugar na ito sa internet pero hindi ako sang-ayon sa mga nakasulat. mali yong iba at exaggerated pa! nagmukha tuloy fantacy (‘yong isang serch ko sa net)..hehe Olivete is real!

  5. meron pa ba ganyang ilog sa pinas?

    sa amin kasi puno na ng tae ng mga kalabaw


    meron pa parekoy at sa amin yan! hehe sa totoo lang, nakabuti ang paniniwala ng mga tao sa sectang iyon. dahil dun, napangalagaan yong ilog. at alam mo ba? ito ang swimming pool ng buong barangay tuwing tag-araw. kapanalig man o hindi, bata o matanda, marunong lumangoy at hindi ay nagsasama samang maligo dito. at dito narin nagkikita kita yong mga magkakababata na galing sa kanikanila nang mga malayong pinagtatrabahuhan. ang sarap diba? dito nabuo ang mga kwentuhan nung bata kami, sa ngayon, dito rin namin binabalikan ang mga iyon…habang naliligo…habang nag-e-enjoy.

    bagaman, unti-unti nang lumiliit ang bilang nga mga naniniwala kay inang adarna (converted na kase ang marami) maayos parin ang ilog. inaalagaan dahil kayamanan ito ng aming lugar.

  6. Meron pala kayong sariling ilog jordan, malinis pa ba yan hanggang ngayon? Kadalasan naman sa mga ilog ay may sariling kuwento.

    meron bro! hehe malinis parin ito. ganito kase yun, nasa gilid ito ng kalsada. bago ito tumawid ng kalsada, mayroong malalim na portion at dun naiipon ang mga tubig. pabilog ito na parang pool. pagpuno na, dadaloy naman ito sa imbornal na dadaan sa ilalim ng kalsada. at paglabas nito sa kabila, nandun naman ang daluyan nito at doon ang part na labahan ng mga tao. nililinis ito palagi kaya maganda.

  7. hi!

    wow, ngayon ko lang nalaman na may ganyan palang ilog..🙂 buti naman at inaalagaan pa rin sya dun sa lugar nyo.🙂

    noong bata ako, hindi ko pinapansin ang kwento nyan. walang halaga at alam ko lang nun basta ilog lang yan. nito ko nalang naintindihan ang kahalagahan ng kwento ng ilog na yan. oo nga eh. kaya gang ngayon, malinis parin ito.

  8. hi ka eli,
    alam mo naman ang mga rizalista, may kanyang paniniwala yan…ganda ng painting ah, ikaw ba nag paint…

    ganun ba? sa totoo lang, kahit taga dun ako, hindi ko alam ang storya kung ano at pa’no naging rizalista ang mga adarnista. tnx sa info. siguro kailangan kong umuwi at makipagkwentuhan sa mga matatanda. hehe

  9. hi,,
    sa totoo lng ,yan dn ang relihiyon ng mga magulang ko..
    madlas nlang ikwento s kn ang 2ngkol dyn,,, pumupunta kame dyn tuwing mahal na araw……. maganda xa tlaga…
    ISA RN BNG KATOLIKO YAN???

    TNXXXX…….

    ganun ba. naku baka nagkita na tayo! kase madalas kaming naglilibot dun kapag madaming bisita. galing daw ito sa katoliko, sabi ng matatanda, yon daw mga nagtatag nito ay yong mga pare na tutol sa pamamalakad ng mga kastila..kaya pinoy na pinoy ang paniniwalang ito! hehe

    alam mo ba na sa tuwing prosisyon, mayroon ding daladalang bandila ng pilipinas ang mga myembro.

  10. OO, KXE DW PNAG-LA2BAN NLA ANG PILIPINAS..

    dba my 3 MARIA na pnani2wlaang galing sa 3 bato na nging supling nina
    Ama Alfonso Balantac at Ina Laureta Dion?

    SNA MGSILBI KTANG GABAY , UPANG MALAMAN PANG MABUTI O MAKILA2 ANG RELIHIYONG I2..

    TNXX..

    oo tama ka, pero naghiwalay ang grupo. ang simbahang kaama-amahan ay kay alfonso at ang simbahang kainainahan ay kay adarna. may bago pang sumulpot, si ama cesar hindi ko alam kung ano ang kaugnayan nito sa magkakapatid. tumayo itong lider ng isa pang grupo. nakakalungkot dahil ito ngayon ang halos sambahin ng kanyang mga tagasuporta. naligaw na ng husto ang pokus ng simbahang ito.

    sila ama conrado, at mga kapatid, wala akong balita. bihira narin kase akong umuwi. parang may narinig ako nun na hindi na dun nakatira yong isang kapatid nila. medyo hindi ko alam ang detalye dahil sa hindi po ako member nun. hayaan mo kpag nakauwi ako magtatanong ako at email ko sa iyo ha. salamat po

  11. maraming makasaysayang lugar sa bongabon gaya ng oliveti (also known as jordan river)subalit bakit hinayaang sirain ang isa sa nakasaysayang structure sa ating bayan ang pader na bato na gawa ng mga kastila o maaaring gawa ng kamay ng ating mga ninuno sa likod ng plasa ng bayan di ba sila mananagot o wala ba silang nalabag sa batas sa ginawa nilang yaon…….sa national institute of historical commission?????

  12. az in wow tlga…..yan nga ipnglalaban nmin s buong pinas…..dun z my contest kc z smart 2loy join n kmi jeje…..bsta we wil do our best pra sumikat k…mbuhay ilog jordan….

  13. – ..Elow poh,,mlapit’lapit na poh kmi pumunta ng grup kojan for some studies and researches..
    – my sasalihan pu kc kming contest d2 poh sa NEHS, and npili nmin ang Ilog Jordan..
    – Sobrang interested pu tlga kmi bout d river…
    – ang gnda dw tlga…Sna nga pu ang mistery nito ang mkpagpanalo sa study nmin…
    – MoRePoWeR pOh aNd GoDbLeSs!!!

  14. Puwede bang mahingi ang contact number nung Ama Cesar? Nakilala ko siya nung ako ay kinse anyos pa lamang. Pakisend mo na lang sa cp number ko – 09169809*** – maraming salamat po!

    • sorry po dahil diko alam ang number nya. actually po, hindi ko siya kilala personally. malayo kase yong lugar namin sa kanila.

      edit ko number mo ha baka kase magkaroon ka ng madaming txtmate. hehe

      email kita kapag may info ako abt sa kanya. tnx

  15. hello po kagroup po ako nina rannie at jean nanggaling na kmi dyan ..
    ntpos din ang paglalakad ng nalayo..hehe
    mula laur san fernando hnggang dyan po kc ang amina nilakad..
    namangha kmi sa ganda..

    maaari ko po bang mlaman kung bakit tinawag itong ilog JORDAN?

    reply pls.

    • ah ganun ba. ang haba ng nilakad nyo ah.

      yong tanong mo, hindi ko alam eh. pero nakasulat kase sa tabi ng ilog “ITO ANG BAGONG HERUSALEM (AT ITO ANG ILOG NG BUHAY–parang ganun)”. hindi ko narin kabisado kase matagal na akong hindi napunta dyan. basta namulat ako yan na ang tawag sa ilog na yan.

      pero..marahil nga kaya ito tinawag na ilog jordan kase nga itinuturing ng mga kasapi doon na ang olivete at aybagong herusalem. sariling opinyon ko lang po yan.🙂

      • pasensya na po. hindi kase ako member kaya hindi ko alam ang buong kwento.

        naipalabas nga pala sa imbestigador ang ilog na yan.pero negative kase ang commento ni mang mike tungkol sa ilog. kaya hindi ko rin nagustuhan. minsan kase para ma-appreciate mo ang kahalagahan ng isang bagay dapat maunawaan mo muna “kung bakit” para sa ganun e ma-appreciate ang isang lugar. matagal na yung episode na yun at maaasar ka lang kapag napanood mo🙂

  16. alam nyo po ba pangalan ng falls ung malapit sa burayok cave?

    tnx po!!

    infos nga po about sa ama ng kaamaamahan at ina ng kainainahan inc.
    kung ano po ang nalalaman u about dun
    ..sensitive si madam magdalena sa pagpapapasok dyan
    kailangan pa ng letter at hndi cla basta bsta nagpppsok
    ..need po namin write up para sa DPSA namin
    bka may maidagdag ka.
    nakausap din nmin ung son nya na si Salvador reg. ng SEC dw po ang church non-sec daw under permit no. 5799.

    tnx tnx ng marami !!

    sana po now u na masagot

    salamat po ulit

  17. wow ganda! til now ba maganda pa din? ive been there pero 3 yrs ago na. hope maka ligo uli ako :]
    ang linis ng tubig at nakaka enjoy🙂

  18. salamt naman at may nagmamalasakit parin sa olivete, dito ako nagbinata now im 40 still na binabalik balikan koparin ang ilog nayan twing maliligo ako dyan kakaibang sigla at lakas ang nadarama ko bata pa ako non nililinis namin yan wala akong pakialam sa mga kritiko re paniniwala ng iba ang sakin may mga tao parin pala na nagmamahal sa inang kalikasan at pananampalatayang pilipino di nagpasakop sa mga banyaga, try nyo pasyalan ang olivete mahirap lang na brgy. pero mayaman sa magagandang asal ang mga tao.diko mawawaglit sa akin ang mga magagandang pangaral sakin lalo nasi inang laoreta balantac napakatalinhaga ng kanyang pangaral
    ang lalo na ang mga pamilyang dolay napakababait nila more power

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s