Kayamanan sa Lupa

16 x 24

medium: watercolor size: 16 x 24

“Kayamanan sa Lupa” yan ang pamagat na naisip ko para sa obrang ito na ginawa ko noong nasa 3rd year college ako. Gamit ang water color (ordinary lang) ay ipininta ko ito sa masters illustration board.  Malaki ang kinita ko nun sa streamer kaya nakabili ako ng medyo mamahaling board.
Tao na nakagapos sa puno. Punong nababalot ng pera at ang dulo ng mga sanga nito, animo’y mga sawa na nakaambang sakmalin ang kahit na sinong maabot nito.


Minsan isinali ko ito sa aming group exhibit (CLSU Artist Club), at dahil dun ay hindi maiiwasang may mga nakapansin nito. Bakit nakagapos sa pera ‘yong tao? Iyan ang isa sa mga tanong sa akin ng mga tumitingin. Dahil siguro kulang pa sa karanasan at kakayanan kaya hindi ko sinasagot ang mga gano’ng tanong. Ngiti lang ang isinasagot ko noon saka ko susundan ng ganito “masgusto ko kaseng mag-iwan ng tanong sa isip ng bawat makakakita sa gawa ko, ‘yong tanong na sa bandang huli ay ikaw din ang sasagot”. (‘yan ang palusot!)
Ang gusto ko lang kase ay ipakita ang obserbasyon ko at bahala na silang sumagot sa sarili nilang tanong.  Sa tingin ko, masmaganda kase kung personal ang pagsagot nito. Tulad nito,  baka kase hindi natin namamalayan ay katulad na pala tayo ng tao sa obrang ito—nakagapos sa pera o sa mga iba pang bagay na materyal.

Sa ngayon (pagkaraan ng halos 11 taon [1998-2009]), nasa akin parin ang painting na ito. Walang frame, nakatago sa aparador at balot na balot ng plastic. May ngatngat na nga ng daga at anay ‘yong ilalim eh.
Palalagyan ko na sana ng frame, pero…pero at pero saka nalang kapag may mansion na akong pagsasabitan nito. 

PAHABOL: noong nag-u-umpisa palang akong magpinta, gusto ko nun puro watercolor at acrylic lang ang ginagamit ko. Gusto ko kase water base lang gagamitin ko tapos babansagan ko ang sarili ko ng ganito “THE AQUACOLORIST”.

22 thoughts on “Kayamanan sa Lupa

  1. Hanga ako sa abilidad mo sa pagpipinta. Dapat sayo me dot com na para mas malakas ang dating mo. Tago mo lang ang mga yan, malay mo pag sikat ka na o di ba ang laking pera nyan!

    ganun ba? minsan pumapasok rin sa isip ko ang dot com na yan pero siguro hindi pa ngayon. siguro nga, pero hindi na siguro kase huminto na ako sa pagpipinta. salamat, salamat sa pagdalaw.

  2. as a friend had said..

    “a question is sometimes better than a thousand statements..”

    besides, art is subjective! hehe! very well done🙂

    yeah..you are right ron. minsan talaga masmabisa kong ikaw ang sasagot sa sarili mong tanong. dahil masmalaki ang possibility na matutu ka kapag ikaw mismo ang naghanap ng sagot. tnx.

  3. what can I say, another masterpiece of yorurs.. tama si ambo.. you really a god painter..🙂

    naku salamat po. nakakataba naman yan ng puso. parang gusto ko na uli karirin ang pagpinta ah. hehe salamat sa inyo.

  4. master… mga ilang linggo ba natatapos ang ipinipinta mo… pag wala akong maicip na karir.. bka magpeint ako..(hehehehe… as if na may talent ako sa painting..) ang galing tlga..

    hindi linggo dahil buwan. haha. dapat ay isasama ko sa sinulat ko kung ga’no katagal kong ginawa yan. nung nagpaint kase ako, wala akong 5h at 1000 bill kaya hindi ko natapos. itinago ko muna ito at halos makaligtaan na. mabuti isang araw ay may pangyayari na siyang nagpaalala sa akin para ituloy ang obrang ito.

  5. Kuya you never failed to make me smile,at the same time inspiring me.
    Sa bawat mga obra maestra mo…Ang galing mo talaga Kuya….
    Sayang mas maganda sana yong comment ko kanina…Ay biglang ngclose ang browser.
    Hahay…nakalimutan ko na yong mga naisulat ko…
    Anyway Ingat poh palagai…^_^

    naku salamat naman kung ganun. at least hindi nasasayang ang ginagawa ko dito kase may mga nakaka-appreciate. balik ka uli kpag naalala mo na. paang gusto kong mabasa yun. hehe

  6. ang tingin ko sa obra mong ito(sarling pananaw) parang yung puno ay nagsisilbing pangarap at luho ng buhay na kapag sumobra na ang gamit ng pangarap at naging luho paniguradong ito rin ang magdadala sa iyo sa kapamahakan tulad ng nangyari sa lalaki na sinakmal ng mga sanga… sa buhay kailangn balanse kung ayaw mapahamak…. tama?😉

    MAY TAMA KA! hahaha ang galing mo naman. alam mo bang ang painting na yan ay base sa mga obserbasyon ko? ganun nga ang gusto kong ipakita. kung mapapansin mo, iniwan pa ng lalaki yong tsinelas nya para lang makapunta dun. parang tayo, minsan isinasakripisyo pa natin ang mga mahal natin para sa isang pangarap. pero minsan di natin alam na ‘yong pangarap na iyon pala ang magpapahamak sa atin.

  7. masisira naman sya kapag hindi mo friname agad…kahit lagyan mo lang ng plastic muna saka cardboard diba para mapreserve🙂

    oo ate melai, balot na balot ng plastic yan. hehe isa sa mga paborito kong painting ko yan kase ginamitan yan ng isip at damdamin.hehe

  8. yeah..i second that. mas maganda ang retention kapag self-study and analysis..hehe!


    gibson films? yung mga dinirect niya or yung kung saan xa gumanap? astig ang apocalypto noh?

    double check ka jan! hehe
    una, sa self analysis at
    pang 2, mel gibson films. astig na astig!

  9. Ang yaman talaga ng iyong isipan at kasing yaman din ang iyong talino sa pag pinta.

    God bless you always.

    salamat…siguro ay nagkataon lang na magkasundo ang kamay at isipan ko.

  10. really? hindi ako maxadong nakakapanood ng movies na xa ang bida eh..hehe. yung braveheart lang yata. napakahaba nun! hehe!

    wow! adik ka pala. dapat pala “jaguar paw” na ang tawag ko sayo! haha!

    DI NAMAN MASYADO..haha..pwede naman po..RON POLBURON..HEHE

  11. orig! and ordinary watercolor lang ang gamit mo? wala lang, masyado lang akong na-aamaze sa mga katulad ng gawa mo.. kakaibang concept, malalim. sana you consider to let it post to somewhere some people could see your work, wag naman sanang anay ang makinabang.

    ”yong ordinary na nakatube po! thanks for your suggestion. i will consider it. sayang nga naman…napabayaan ko na yta. mulan nung i-give up ko ang pagpipinta, hindi ko narin binigyan ng attention ang pag-aayos ng mga gawa ko. salamat sa paalala.

  12. uy, ipa-frame mo yun! saka lagyan mo ng fixer. sayang yun, madali pa namang mangupas ang watercolor…

    alam mo, parang pang-entry sa PLDT, Caltex at Petron ang painting mo. Ang galing! Nakakainggit nga kasi wala akong talent sa ganyan. Keep it up, Eli!

    may painter pala akong kaibigan. dalawin mo naman ang bahay nya:
    http://www.michaelbacol.com

    Gawain ko talaga ang mag-promote ng blog ng iba. Lalo na kapag talagang maganda.
    God bless!

    naks! alam mo, mabuti nalang at naisipan kong ilagay sa blog ang mga gawa ko. atleast may nakakakita at nakakatuwang mabasa ang mga comments nyo. nakaka-inspire!

    ok..visit ko site nya.

  13. eli kalapati…

    hirap naman i-drawing niyan tapos napakadetalyado pa… galing…

    sana may tumubong ganyang puno sa tapat ng bahay namin.. hehe

    detep atep! naku kung tutubo yan sa bakuran mo, palagay ko magiging mitsa ng buhay mo yan! hehe matutulad ka sa taong nasa painting. biruin mo, pupuntahan ka ng mga tao at mamimitas ng pera!

  14. grabe kuya eli… ang galing galing mo talaga… panalo… there so much story in every artwork you do…

    :”> :”>🙂 B-) #:-S😉 o:-) :”> :”> salamat yhen!!

    .

  15. Kuya,

    you are superb…iba ka talaga…napakatahimik mo pero dami potential…sana may exhibit ka para maexpose yan.

    naks… thanks. o2 nga eh. sana makapag-exhibit uli ako.

  16. Anak ng Tinta! Nalingat lang ako at marami na pala akong namiss! waaaa!

    OO nga naman. Teka hanap tayo ng sponsor sa domain namemo. http://www.blographics.com oks na yan. Hati tayo sa kita ng advertisement ha? Kahit wala na ako dyan sa painting proceeds, he he he.
    Mamalimos tayo sa mga Ilokano sites baka may maawa.

    Baka gusto mong pagamit ang graphicsmo sa Basi ken Daniw. Colloborative Poetry Blog eto na Ilokano. May graphics bawat entry pero kuha lahat sa net.

    anak ng pintura, salamat naman at nadaan ka! hehe naku hindi na available ang blographics.com may gumagamit na pala ng domain na yan, balak ko ngang palitan domain name ko eh, hindi pinoy ang dating. kaso, mahirap nanaman mag-umpisa. iba kase ang plano ko nung gawin ko ito. kung may magho-host, pilosopotasyo.com o tumbangpreso.com siguro? pwede ring blognilamang.com o baka eliment.net nalang!

    walang problema dun, basta may magustuhan kayo gamitin nyo lang. link back lang ang palit..lol

  17. hablotin ko nga yang tumbang preso expertmo at mapagawan ng shirt. isang shirt lang muna. pag may naaliw, by order ang dating para mas mahal ang price kasi limited stock. Hati tayo sa net income, he he he he.

    CGE NGA! basta may mag-order banatan natin!

  18. Hehehe…Oo Kuya nakakarelate talaga ako sa pagkamakata mo…
    Subukan kung ngang i-retrieve yong naisulat ko…
    Hmmm…try ko lang…Ganito…FYI kasi Kuya may pangkamakata din kasi ako,katulad mo.
    Don ko naipapalabas ang tunay kung saluobin…Daming kung kinocollect na mga tula,mga inspiring words of wisdom,na nagbibigay sakin ng direction sa buhay.At may mga sariling mga obra maestra na din ako…I love poems,paintings,at music,In short artist din ako sa sarili kong paraan.Di lang napayaman ang kaalaman ko.Walang taong tumutulong sa akin mapayaman ang mga ito.Kaya some where along the way sa buhay ko,bigla ko na lang napabayaan ang mga talents ko.Dating isang upuan na pagsusulat,ngayon di ko na magawa.Isang buong araw na pag uupo sa harap ng computer or hawak hawak ang isang lapis at blankong papel walang nangyayari…Gulong gulo ang isip ko,di ko alam san mgsisimula at san mgtatapos.Ganon talaga suguro ang mga artist.Nang gagaling sa puso ang ginagawa,di basta sa malikot na isipan lang.Kaya wala akong maisulat kasi ng suffer poh ako ng great depression.Tuyong tuyo ang damdamin ko.Simpling mga bagay di ko magawa.Di ako ngrereact sa tamang reaction.Basta ang hirap ipaliwanag Kuya…
    Nagpapasalamat ako at nakita ko ang blog mo dito.Parang binuhay mo ang tuyo kong damdamin.Nakakapagsulat na poh ako ulit,kahit kunti.Naipapalabas ko ang dati kong pagkamakata…Tulad ngayon ang haba na ng naisulat ko,di ko pa nga nasasabi ang dapat kong sabihin…Hehe…
    Masyado poh talaga akong inspirado sa mga obra maestra nyo Kuya…Palagi po akong excited pang may bago poh kayong nakapost.Ngayon na lang ako nakakaramdam ng excitement uli.

    Hmmm…ganito talaga ang gusto kong sabihin…sa drawing mo.Dati rati…Mga simpling bagay lang talaga ang gusto ko sa buhay…Mga bagay na noon na ang hirap abutin…Tulad ng bagong damit,cellphone,laptop..Naalala ko pa noon,pangarap kong maging mahaba ang buhok.Kung dumating yon,puwede na akong mamatay…Hahay…Mga kacorneyhan sa buhay na totoong ngpapaligaya sa tao.Pero ngayong naabot ko na…Madali na lang abutin.Parang di na ako makuntento,naghahanap pa ng mas hihigit pa.Siguro ganon talaga ang tao walang kakuntentohan.Hahay…don ngsisimula ang depression ko.Di ko na alam ano ang gusto ko sa buhay ko.Naging alipin na ako sa pera,na dati rati di naman importante yon sa akin yon.Dahil ang totoong kaligayahan ay di nabibili ng pera.
    Gusto kong makawala sa pagkailipin na yon.Siguro sisimulan ko ulit sa mga simpling bagay na di nabibili ng pera.
    Tulad ng pagsusulat ko ngayon,at sa mga taong di ko nabibigyan ng importansya.
    Dapat lahat equal.Wag mgbigay ng sobra,at wag din mgbigay ng kulang.Lahat ng sobra nakakasama…
    Hala…paano ko ba tatapusin tong sulat ko para sayo Kuya…Ganito na lang bigla na lang mawawala…………….toooooootttttttt———————-=Dead=End=

    wow nice. salamat sa pagshare mo nito.

  19. Hehehe…Nakakatuwa…Ako yong natutuwa sa isinusulat ko….Hehehe…Nakakatawa…(HAHAHA)
    Ang haba ng sulat ko,sya namang iksi ng response mo Kuya…Hehehe…
    Di basta….Proud pa rin ako at napapansin mo ang mga comments ko.
    Kuntento na ako don…Hehehe…
    Napakasuwerte kong tao at nakilala kita dito sa blogging world.
    Maramdaman mong totoong tao ang kausap mo.
    Madaming mga blog kasi dyan,pero parang di maganda basahin…
    Ang haba haba nga puro blah! blah! blah! naman…No offense sa mga ibang bloggers…
    Puro artista or ka ek ekan kasi.Over exposed na yan sila…
    Sa bagay kanyang kanyang hilig lang yan…Still I respect there ka ek ekan…

  20. the aquacolorist! nice! para lang pang tapata kay aguabendita?? hihi!
    ang galing nung concept ng art mo! kanya kanyang bigay ng meaning depende nga sa pananaw ng tao. tama yung moves mo na hindi sumagot sa tanong kasi nga mas mainam talaga na sila mismong mga tumutingin ang makasagot sa kanilang tanong!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s