for sale?!

mother

ayon sa kanta:

Malilimutan ba ng ina
Ang anak na galing sa kanya
Sanggol sa kanyang sinapupunan
Paano niyang matatalikdan……

ang sketch na ito ay inspired ng kadakilaan at pagmamahal ng isang ina. ‘yong mga nanay na ibinigigay ang lahat-lahat para sa kanilang anak. pero noong sabado, kabaligtaran ang napanuod ko sa imbestigador.  napatanga ako sa ‘ibang klaseng ‘pagmamahal ng ina’ na nakita ko. may mga nanay pala talagang nagbebenta ng anak o  BABY FOR SALE!!! nakakalungkot naman.

nagagawa daw ng mga inang ito na magbenta ng anak kase mahirap ang buhay. kawawa naman si KAHIRAPAN, laging nasisisi lagi pang idinadahilan. nag-iiba na nga yata talaga ang anyo ng mundo!

sa totoo lang po, kahirapan naman talaga ang nagiging dahilan kaya nawawala sa ayos ang tao.  sana parang peste ang kahirapan na pwedeng i-spray ng POVERTICIDE (parang insecticide..hehe) para mawala na ito ng tuluyan at hindi na makapambiktima!

10 thoughts on “for sale?!

  1. a kaya naman pala nakapag sktch ka ng gnyan. ayus a. neweys nakapanood din ako nung episode na yun. oo nga nakakalungkot nga naman pero wala tayung magagawa. nag eexist na yan e. ang kailangan na lang dasal para sa ikatitinu ng mga utak nila…. hay…

    tama ka dyan parekoy. kung pwede lang sanang i-reformat eh. para mawala ang badsector..hehe

  2. Kung kahirapan nga ang dahilan, mas mabuti na ngang ibenta nalang niya yung anak niya sa taong mas maaalagaan yung bata. Kesa naman mas lalong magdusa yung anak niya, magkakasama nga sila, isa isa namang namamatay yung mga anak niya dahil sa gutom, mas masakit yun. Praktikalan kung baga. Hindi ko sinasabing mabuti ang pagbebenta ng anak, maling mali yun, pero tinitignan lang din nila yung ibang side na mas makakabuti para sa bata. Wag lang sana mapunta sa sindikato.

    Hindi ko napanood ung balita, sinabi ko lang yung opinyon ko.

    Pero ang lesson dito, hindi dahil kaya mong gawin ang isang bahay, gagawin mo na ito. Minsan kelangan mong ikonsider ang ibang tao o ang problemang kakalabasan neto.

    hehe.. okay lang po. kaya nga tayo nandito e para magpalitan ng opinyon. pero sa totoo lang, biktima lang naman tayo ni kahirapan eh.

  3. haaay kakalungkot naman ng drawing na yan kuya eli… pero minsan talaga nawawala na ang moral ng tao sa hirap ng buhay eh… ;-(

    o ayan sinisi mo nanaman si kahirapan..hehe joke lang po. tama ka jan sa sinabi mo. kaya dapat may lumabas na increbicle hulk na kayang humila sa kahirapan at itapon ito sa kalawakan…hehe

  4. nice ang pagka sketch.. pwde na rin.. halig ko din nito.. hindi ko ngalang masyadong nagagawa ngayon..

    tnx po. ako rin eh hindi ko na rin maharap. ‘yong ibang nakapost dito ay mga nahalungkat ko lang sa baul na mga lumang drawing ko.🙂

  5. hindi naman po s apagsisisi sa kahirapan pero katotohanan po kc yun di ba? these poor people exists because they choose to be poor. for sure naman kung pipiliin nilang mabuhay nang matiwasay magiging matiwasay din sila.

    hindi ako naniniwlang wala na silang magagawa at wala na silang choice dahil meron. laging may choices… kailangan lang pumili nang TAMA at tumahak nang TAMANG LANDAS!~

    o2 naman po. tama ka jan…maaaring pakiramram nila ‘game over na’ pero sa totoo lang pwede naman laging mag-start eh. kung nagmakali ka kahapon, pwede namang itama ngayon. siguro hindi lang nila natotonang tanggapin ang bunga ng bawat maling desisyon o maaari din namang hindi nila pinilit na lampasan ang pagsubok. kaya hayun hinayaan na ang sariling malugmok. its a matter of choice talaga at hindi totoo na walang choice. walang taong malas at lalong walang himala…

  6. @yhen :

    pano naman kung yung magulang nila eh mahirap din? choice ba nila yun?

    Lahat naman ng tao hindi pipiliin maging mahirap, pero panu kung ipinanganak silang mahirap? Siguro ang mas mabuti nilang gawin eh magtrabaho ng marangal. Sa maliit naman nag-uumpisa ang malaki lalo na kung magsusumikap sila.

    tama ka po jan. salamat sa pag-share.

  7. mahirap kasi sa gobyerno natin tinotolerate nila ang ganitong pangyayari walang kwenta sa atin ang child protection law ang rights ng mga bata.sino pa ang magdedepensa sa kanila? talaga bang sasabihin nalang natin na wala na tayong magagawa? bakit wala tayong magagawa para sa kanila? they are children from God,a gift, a blessings. saan ang human rights dun kung pababayaan nalang nating mangyari. Asan na yung mga politikong pagnangangampanya halos lahat ng poste ultimo public toilet nakadikit ang mga poster nila. i feel so sad and sorry to those innocent kids/children na wala silang choice kundi sundin ang ina nila ng labag sa kalooban nila, bakit di nalang yung ina ang nagbenta ng kaligayhan? fuck her,,fuck her….sorry for the bad words

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s