sketches

Kapag wala akong magawa ay nahilig din akong mag-sketch (gamit ang ballpen-panda o pilot lang ang ginagamit ko) ng kung anu-ano lang. Basta kung ano ang unang masok sa isip ko, yun ang ini-sketch ko.
dahon

Dahon: naalala ko ‘yong halamang ‘kataka-taka’. Kakaiba  ito dahil kapag nalaglag ang dahon nito,  tinutubuan ito ng mga bagong halaman-kaya siguro tinawag na kataka-taka. Sana ganito rin yong dahon ng mangga.

trees

Punong kahoy: mahilig din akong mag-sketch ng mga puno. Tuwang-tuwa ako kapag nakakagawa ng magandang puno.

trumpo1

Trumpo: ito naman ang isa sa mga paborito kong laruin nung bata ako. Pero sayang kase hindi ko pinagkaabalahang magpraktis ng pagpapaikot nito sa ibabaw ng aking palad.

bau

Bao’t dahon ng saging: mahilig gumawa ng kakanin (tulad ng kalamay, bibingka, at puto) ang nanay ko kapag may okasyon kaya naman kabisado ko ang bawat kanto at kurbada ng mga ito. Naging bahagi kase ng tradisyon ang mga pagkaing ginagamitan ng niyog at dahon ng saging.

prutas

Mga prutas: A as in apple, M as in Mangga at S as in Saging. Sa totoo lang, ang sinasabi nilang colonial mentality(daw) nating mga pinoy ay maaari ring maisisi sa ating edukasyon. Biruin mo, sa unang pagbasa palang ng ABAKADA ay apple na agad ang pumapasok sa kaisipan ng mga bata. Samantalang lang wala namang puno ng apple dito sa Pilipinas. Bakit kaya hindi nauso ang…A as in Atis!

kawayan

Kawayan: wala lang, basta natutuwa lang akong makapag-sketch ng kawayan. Gustong gusto ko kaseng maidetalye yong mga ‘buko’ (o nodes) nito. Okay rin daw palang gamitin sa paggawa ng bahay ang kawayan kase maaari mo itong gawing alkansya!

hatch

Happy hatchday: mahilig din ako sa fantacy. Minsan naisip ko, pano kaya kung paglabas natin sa sinapupunan ng mga nanay natin ay hindi pa tayo baby kundi isang itlog na kailangan munang limliman at mapisa para makalabas yong baby. Kung nagkaganon sa palagay nyo “alin ang nauna, tao o itlog?”

hesitance

Self control : simbolismo naman ito. Simbolo ng pagkakaroon ng lakas para kontrolin ang sarili. Dahil sabi nga ni Doraemon, “Hindi dahil kaya mong gawin, dapat mo na itong gawin”.

14 thoughts on “sketches

  1. ibenta mo kaya yang mga work of art mo kuya eli.. try mo ibenta sa ebay… mahal yan promise… hehe! tapos yung prosyento ko kung may kumagat ha… hehe joke…

    hehehe…magkano ba ang gusto mong porsyento? .001 percent ba?

  2. wow…these are, as usual, BRILLIANT! mahilig din ako magsketch, kalimitan kapag walang magawa or inspired. bolpen ang kalimitan kong gamitin kasi mas bold ang kulay niya. hehe! hindi ko na nga alam kung san napunta mga sketches ko..hehe!

    i love the buko at dahon ng saging btw🙂 very detailed🙂

    o2 masarap gamitin ang lapis dahil kailangan sa bawat guhit mo ay sigurado ka kase hindi nabubura ito tulad ng lapis. kapag nasanay ka sa bolpen, mapractice yong accuracy ng bawat stroke mo.

    ngayon nga hindi na ako nagpi-painting, plano kong gumawa ng mga artwork na puro gawa sa ballpen lang. pero as usual, hindi ko parin maharap. abala sa pagiging artist ang trabaho eh. hahaha

  3. wow^^ lupit mo.. mahilig din ako mag-drawing
    pero di ko maalalang may nagawa akong maayos..eheheh

    actually, magulo rin yan..tinanggal ko lang yong ibang part at inihiwalay ko. tnx po sa pagdalaw

  4. Naalala ko tuloy ang kabataan ko bukid. I consider myself lucky to be born in the province and experience life in the rural community.

    Nalala ko rin ang halamang halilika katulad ng picture sa pinakataas, na ang dahon kapag nalaglag sa lupa ay maraming maliliit na halamang umuusbong.

    SIGURO yong sinasabi mong halaman, yun din yong halamang sinasabi ko. magkaiba lang tayo ng tawag. diko kase alam scientific name nun eh. hehe
    masarap at napakagandang karanasan ang lumaki sa probinsya.madami ang nagsasabi nyan.

  5. kata kata ka..?oo nga no katakataka..bat kaya dahon ng mangga at kalabasa (he3) ay di ganyan din..at bat kaya nai guhit nyo po yan?he2.. Galing talaga ng God..

    o2 nga at bakit kaya hindi naging ganyan yong palay..di sana di na gagastos ng pampatatim ang mga magsasaka. hehe pero syempre ang sagot MAY DAHILAN KUNG BAKIT GANUN AT BAKIT GANYAN.

  6. y not benta ur pieces of art? tama si yhen. siguro kikita ka naman dun. yung last sktch mo typical kong nkikita sa mga artists. anu ba ang simbolisim ng gnyang porma ng art na parang stretched/curvy subjects? meron ba?

    sa totoo lang iniisip ko ngayon kung paano ko ma-convert sa cash ang talent ko..hehe
    sympolism? para sa akin depende sa iyo eh. halimbawa, kung ang tingin mo nasasakal ka sa itsura ng sketch na iyan maaaring yon ang sinisimbolo sa iyo. mahirap ipaliwanag..hehe kwentuhan tayo maikwento ko sa iyo…ayun sa mga nai-kwento rin sa akin. hehe

  7. ang gaganda🙂 lab na lab ko ang pagka promdi mo eli. siguro kase pareho tayong promdi at di natin ikinakahiya ito. lab na lab ko rin ang pag ka pinoy mo.🙂

    siguro nga. tulad ng sabi nila, kung anong lumalabas sa iyo, yun ay kug anong meron ka. sa akin naman po, pure expression lang ang art ko. tama ka, at hindi ko talaga ikinahihiya ang pinanggalingan ko, promdi province, promdi kahirapan at promdi bukid po ako! hehe salamat!!!

  8. mas-masaya nga maging probinsyano at may probinsyang inuuwian eh… dapat talaga proud tayo!

    galing ng mga drawing…

    pinakagusto ko yung trumpo… nakakamiss eh… hehe

    beyblade na kasi ngayun.

    oo nga eh. at ano naman kaya ang papalit sa beyblade? trumpo kaya uli o may bago uli? hehe

  9. a ganun ba? well sa kabilang banda i like the first sketch =) nga pla speaking benta, yeah, i know someone na nagbebenta ng art nya. it cost 5k ata depende sa frame o laki…. well just to inform. hehehe

    tnx po sa info. at salamat sa pagdalaw. hayaan mo kapag nakapagbenta ako magpapa-burger ako. hehe

  10. Hindi kawawa si Kahirapan, ang kawawa yung naapektuhan ni Kahirapan. Kailangang mawala si Kahirapan para wala ng magbebenta ng anak. Kailangan tayong maging matigas sa ganitong uri ng mga bagay na lumulukob sa pamumuhay ng tao.

    haha..tama ka dyan ate melai. kahirapan naman talaga ang ugat ng mga pangyayaring ganyan. nakakalungkot nga lang kase yong iba ginagawang excuse si kahirapan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s