CLSU Lagoon

clsu_lagoon

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

medium: acrylic on canvas

Title: clsu lagoon: pagbabalik tanaw

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

“Dito ako madalas tumambay noon kung gusto kong magpalipas ng oras at dito ko nalaman na enjoy rin palang makipagkwentuhan sa mga isda!”

“Dito kami madalas magkwentuhan ng mga dormmate ko nun. Habang nagkukwentuhan (kunwari) ay nakaumang ang bingwit na nakatali sa sinulid. Kapag may nakuha, dahan-dahan naming itong hihilahin para hindi mahalata ng mga secu. “

“Dito ko nalaman na mahilig pala sa chippy ang mga isda!”

“Masarap ngumuya ng turon habang nakaupo sa gilid ng lagoon”

“Dito kami madalas magkwentuhan nila Isko, Kulas at Simo. Dito namin higit nakilala ang bawat isa.”


 

22 thoughts on “CLSU Lagoon

  1. kuhang kuha yung itsura ng lagoon kuya… galing galing!😉

    HI YHEN, naku ikaw ang bwena mano ko sa taong ito. hehe. mabuti nga at naipinta ko ito kase sa ngayon iba na ang itsura nito.

  2. as usual…really brilliant..sa unang tingin akala ko photo talaga xa…hays…gusto ko matutunan kung pano gumawa ng reflection sa tubig..hays..tried in on pastels kaya lang hindi ako satisfied…

    ahhh…freelance artist ka pala…mahirap nga yan pero ang maganda controlado mo ang oras mo… keep it up🙂

    freelance artist ako nung estudyante ako..pero ngayon hindi na po. empleyado na ako ng isang agency. mahirap kase kpag freelance walang pirmihang kita..walang pirmihang trabaho. lahat hindi sigurado.

    maari kitang turuan ng secreto ng paggawa ng reflection. actually yan ang gustong gusto kong gawin. challenging kase at kakaiba ang fulfillment kpag nakagawa ng magandang painting ng reflection.

  3. wow galing naman. i wish marunong din ako mag paint. hehe. sa computer ko lang kc alam gawin yun eh. haha.

    happy new year! =)

    naku kaya mo rin yan. basta gusto mo magagawa mo. bumili ka na ng brush at pintura at mag-umpisa ka sa mga bagay na gustong gusto mo talagang ipinta! salamat sa pagdalaw

  4. kaya nga eh, mukang retrato manong… naglaingen!

    mahirap hirap din pala ginapang mo… ako nagsisimula pa lang..

    wala pa nga eh… hahah

    gusto ko mapuntahan CLSU, pinakamalaking school daw yata yan eh… tsaka mukang presko… tsaka maiintindihan ko mga tao diyan…

    salamat ading ko..hehe san kba? naku ok dun. presko talaga at ang daming malalaking puno. text mo ako at i-tour kita dun. hehe

  5. Masakit at masarap gunitain ang kahapon. Iiyak ka habang nakangiti. God Bless You Always.

    o2 tama ka. pero ako kase kpag medyo ‘lowbat’ babalikan ko lang yong mga promises na pinanghawakan ko dati at energized na uli ako.

  6. napeke ako. ang akala ko naman lumang picture yan. un pala painting mo un… galing naman…
    HAPPY NEW YEAR!!!

    naku nandito pala ang 2008 pinoy expats bloggers awardee..congratz po uli

  7. Wow very inspiring post. Meron ka palang abilidad sa pagpipinta. Congrats sayo! Ako nga eh gustong gusto kong magpinta di ko masimulan kasi di ako marunong hehe. Naway’ matupad at makamit mo ang iyong mga pangarap Brother! God Bless.

    salamat brother! haha..naku basta magpinta ka lang di nman mahalaga na marunong ka magdrawing pwede nman ang non object painting.

  8. Naku Lavern ang lumabas na name ko. Ako din po si “Ambo” hehe.

    hehe..wag ka magalala brother..alam kong ikaw yan kase lagi ako nakatambay sa blog mo at nabasa ko na lahat ng info mo.🙂

  9. OMG! Eli, napaka inspiring ng kwento ng buhay mo na to…natouched talaga ako…talagang ang gumalaw sa buhay mo ang panginoon…dahil dyan, alam kong malayo pa ang mararating mo…mabuhay ka!

    eto pa ang isang pinoy blog expat awardee! salamat sa pagdalaw ng isang multi-awarded blogger. hehe o2 nga at ramdam ko po yun. salamat po and again, congratulations sa iyo!

  10. Ganun ba? Isa ka pala sa mga stalkers ko hahahaha

    naku hindi naman..hehehe nagiging ‘ambisyoso’ lang ako na sana maging ganun ka popular ang blog ko sa blog mo!

  11. isa lang masasabi ko
    bilib ako sayu!
    kaya kung anu pa mang pagsubok ang dumating, hala, suyurin mo lang! kaya nating lahat ito! =)

    tama ka dyan dencio. kung kaya mo ay kaya ko rin at kaya nating lahat! hehe

  12. Hi Eli, you can only tell what’s sweet until you know what’s bitter. Sail on friend. I wish you a more productive 2009! Naimbag a Baro-a-tawenmo adingko.

    Re: CLSU Lagoon, it looks so real. Ano ba ang dimensions? Do you still have it?

    tnx po ka VF. dimensions..siguro 17 x 24 (approx) ito. Yes po, i still have this. isa ito sa mga painting kong nai-frame ko ng maayos. ‘yong iba kase hindi ko naalagaan.

  13. Bro’

    Memorable din sakin ang CLSU Lagoon. Ang tumbok nyan ay Infirmary, on the right side ay ang nagibang CLSU Alumni Building adjacent sa Infirmary then nag reconstruct midway ng Lagoon.

    Iginuhit mo ang CLSU lagoon while out of CLSU? You mean wala kang picture reference kundi pure recollection from memory? Yun ang pinakamagaling na puntos, matalas na pag-aninag sa kawalan at na-igupo mo ang ala-ala sa canvass.

    kuya toni, sa bahay namin ko ito ipininta kuya pero may ginamit akong picture na reference. kung wala akong reference, siguro hindi ganun kadetalye ang nagawa ko. bagaman may mga bagay akong inalis at mayroon din namang idinagdag. tulad nung naglalakad na may dalang bag, idinagdag ko lang yun. at ang iba namang hindi ko gusto ay tinaggal ko. napaka memorable ng clsu lagoon, sa kahit sino siguro ay alumni ng clsu. bagaman iba na ang itsura nito ngayon, yong sari saring kwento ng mga nakitambay dun ay sariwa at nakakabata parin

  14. hello. very inspring po yung painting. ganda. at yung article. nakatutuwang isipin na nag-aaral ako sa lugar na naging isnpirasyun mu din. salamat po. un lang

    oo nga, uy mag-aral kang mabuti. wag magbulakbol. haha joke lang. salamat sa pagdalaw mo. sana ay dyan mo nabuo ang pangarap na plano mong pagtagpitagpiin.

  15. aww. astig, parang hindi painting sa unang tingin.🙂
    lahat ata ng CLSU alumni hindi malilimutan ang lagoon.
    sana pag-graduate ko hindi ko din malimutan ang lagoon. hehe.
    nakapunta ka na po ulit sa CLSU?

    oo..madaming kwento ang nabuo sa lagoon na yun. oo madalas ako dumaan dyan. taga nueva ecija lang po ako. hehe

  16. hello po ulit.🙂
    salamat sa pagdalaws sa site ku.
    yup, si Dr. Monta ay director po ng Open Univ. ngayon.
    AC po pala kayo, naging aplikante ako ng AC dati kaso nag-quit ako eh. hehe.
    nasa Vizcaya pala kayo. ang hirap pumunta dyan, nahuhulog ako sa bus pag dumadaan sa Carranglan.:)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s