Luksong Baka

luksongbk

+++++++++++++++++++++++++++++++++++

TITLE : LUKSONG BAKA       mEDIUM: DIGITAL GRAPHICS

+++++++++++++++++++++++++++++++++++

hindi mo ba napagtanto
noong ikaw ay lumukso
hawak hawak ang sidsid ng palda,
tatalon, mananalo sa luksong baka

ilang taon na ba ang lumipas?
larong ito ay umaagnas

di mo ba na isip man lang
na ang aral nito ay pupuno ng patlang

na sa bawat balakid, di kailangang umiwas
urong lang ng konti, talon at pumagaspas

Ang LUKSONG BAKA ay isa sa pinaka-popular na larong pinoy o laro ng lahi. Kinabibilangan ito ng isang taya at ng dalawa (2) o higit pang manlalaro. Ang taya ang siyang magsisilbing “baka” na kailangang lagpasan ng mga manlalaro. Habang tumatagal ang laro, tumutuwid ng tindig ang taya. Kailangan din itong hindi masagi ng mga manlalaro o ang alin mang parte ng katawan nito. Ang hindi makatalon o ang makasagi sa “baka” maliban sa kamay ang matataya. At babalik ulit sa simula ang laro. Isinasagawa ang larong ito sa isang malawak na lugar na walang magiging sagabal.

Ang larong ito ay hindi lang tumutulong sa mga kabataan na patibayin ang kanilang mga katawan o magsilbing isang maganda at masayang alaala ng pagkabata. Nagpapakita rin ito ng isang halimbawa sa buhay ng isang tao na kahit gaano kataas ang problema o pagsubok na tatalunan natin, malalagpasan pa rin natin ito. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa bagkus ay magkaroon ng matinding hangarin na makalagpas at makatalon ng mataas upang hindi maging “taya” sa tunay na mundo.

Maraming salamat sa dalawang kaibigan na nagbigay ng buhay sa aking gawang sining na ito.

kay tinay sa paglikha ng isang makabuluhang tula. maaari ninyong makita ang iba pa niyang mga katha sa http://modernpatadyong.i.ph

at kay ellieshe sa kanyang magandang insight tungkol sa larong ito. makikita nyo ang kanyang mga kwento sa http://ellieshe.wordpress.com/

PATALASTAS: Baka interesado kayo, available na po sa REDBUBBLE ang ilan sa mga artwork ko at pwede n’yo na itong mabili na nakaprint sa t-shirt, iphone case, o kaya ay canvas.

 

bili na kayo🙂

Kung interesado kayo, pasyalan lang ako sa aking REDBUBBLE account. 

19 thoughts on “Luksong Baka

  1. sayang talaga dko natutunan itong larong ito… hehe

    yhen, bakit sayang e pwede pa naman! hehe kami nga dito sa ofis isip namin kapag may mga palaro kami ay laro ng lahi ang laruin namin tulad ng chinese garter, luksong baka, syatong at iba pa! palagay ko ang hindi lang namin malalaro sa ngayon ay ang bahay-bahayan!

    mabuti pa, ayain mo na si palayman at maglaro kayo nito! hehe

  2. alaala ng nakaraan ang larong yan….nalala ko tuloy kung ano na ba ang edad ko..hehehehe..regards bro…salamat na rin sa pagdaan sa blog..link na rin kita…

    hi, o2 nga. ang sarap kaseng alalahanin ang masasayang lumipas. naku wag mong isipin ang idad numero lang yan! hehe

  3. huwaw. it reminds me of my childhood. hehe. thank you for leaving a comment in my blog. ingat.🙂

    hi, can you tell us those stories? hehe. you’re welcome. salamat din!

  4. I used to play this… nakakamiss maging bata uli🙂

    Very beautiful piece of art, parang stained glass ang dating!

    aha… at mukhang expert ka dito sa larong ito ah. it is a part of my experiment (now) on variuos styles and to make it more meaningful. i chose laro ng lahi as my subject. tnx

  5. ang bilis lumipas ng panahon. wala na yatang naglalaro niyan ngayon e. kasabay ng pagkawala ng chinese garter, pati na ng patintero… sarap bumalik sa “good-old-days”🙂

    p.s
    galing ng pagkagawa mo dun sa graphics ha. grave!🙂

    o2 nga po. kasing bilis ng paglipas ang unti-unting paglaho ng mga larong ito. pero mukhang hindi ito tuluyang maglalaho dahil alam nyo ba na nakita ng DepEd ang kahalagahan ng mga larong ito? at ayon sa magnakultura (nasa laro ng lahi page ko ang link nila) isasama na ng DepEd sa kanilang curriculum ang mga larong ito! astig diba!

  6. parekoy, nakakalungkot naman yan, naalala ko kasi nung kabataan ko pa at naglalaro ako ng ganyan.

    o2 nga, nakakalungkot minsan, pero nakakabata ring balikan yong mga nakaraan lalo na yong kamusmusan. yong time na wala pang iniisip kundi maglaro. sarap maging bata!

  7. naks! astig talaga! ibang level na ‘to! hehehe! looking forward to seeing more of your drawings. at salamat sa pag-“ENJOY” mo sa blogs ko. bisita ka ulit🙂

    ay salamat naman at may mga nag-i-ENJOY sa mga gawa ko! salamat po! hehe

  8. karangalan ko na makipagkolab sa iyo🙂 may isesend akong email eli ha. it has something to do with your passion for everything pinoy🙂

    naku ano kaya yun? hehe cge check ko email ko ha. salamat..salamat sa iyo!wag wag kang magalala..madami pa akong i-request sa iyo. hehe

  9. ANG GALING!

    One of these days, gayyem, I’d also love to write lines/poems for your graphics!

    Ang husay mo!😉

    sige nga gayyem, para may kasama ako sa pagpaparating ng minsahe. nxt time kpag may gawa ako ipakita ko sa ‘yo ha. sa totoo lang gusto ko talagang karirin ang laro ng lahi! kaya dito sa part na ito siguro ako hihingi ng tulong sa iyo. thanks in advance ha.
    nasa jessica soho nga pala ang laro ng lahi nung sabado–dec 12 (sayang diko napanuod. may importante kase akong lakad nun). nagpatulong sila sa grupo namin sa pagbibigay ng info tungkol sa mga laro ng lahi at salamat naman dahil recognize nila ang samahang namasining, inc. bilang advocate ng laro ng lahi.

  10. hi ELIment! ang galing naman ng pagkakagawa nung mga nagluluksong baka, parang stained glass effect na di ko mawari.🙂 reminded me of some of the artworks i did nung elimentary pa ko.. pero shempre di sing ganda neto!

    haha… at mukhang mahilig ka rin sa art pero bakit nung elementary lang? itinigil mo ba? sayang naman. sana makita ko rin yong sinasabi mo.

    salamat sa pagdalaw kaibigan.

  11. isa ito sa paborito kong laro nung bata pa ako…
    takot lang talaga akong maging taya dahil ambibigat ng mga kalaro ko…=D
    bibihira nalang akong makakita ng batang naglalaro nyan ngayon…

  12. galing niyo naman..nakkrelate yung mga bumabasa…lal na me!!!!
    naaalala ko pa noon,kahit ang dungis ko ng tingnan,laro pa rin,,,nice to read ur tula…
    …17 na ako ngayun pero game na game sa mga bagay n yan,no matter wat happen,online always 2…………cge bye2,………jahden!!!!!!!!!!!!!!2!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s