Pasko na!

pasko

1–2–3… sing

[play ]

pasko nanaman, 

o kay tulin ng araw (umm ahh)

paskong nagdaan 

tila ba kung kailan lang (umm ahh)…[pause]

teka pause muna…gusto ko lang ibahagi sa inyo ang sampong (10) bagay na dapat kong gawin ngayong pasko:

 

1. kakain ng puto bongbong at bibingka sa plaza

2. bibili ng bagong sapatos, bagong damit at iba pa!

3. magpapalit ng casing ng cellphone (hehe)

4. magsimbang gabi (simbang tabi ang tawag ng iba dyan)

5. maghanda ng regalo o pang-aginaldo sa mga inaanak 

6. magbigay ng christmas card sa nanay ko

7. magmano sa ninong at ninang, kay tita, kay tito, kay tyang at kay tsong

8. sasali sa exchange gift (sana maka-jockpot ako ngayon) 

9. sa halip na medyas ay sako ang isasabit ko para kumasya ang malaking regalo ni Santa

10. magpapasalamat sa Panginoon dahil sa ibinigay niya ang Kanyang  bugtong na anak upang tubusin ako sa aking mga kasalanan

Merry Christmas to all! 

10 thoughts on “Pasko na!

  1. uy tol bat baliktad inuna mo..hehe, dapat ung number 10 ung number 1! ung number 5 may dagdag +friends para kasali me.Merry Christmas!

    hahaha…talagang ganun, parang sa concert. bago kantahin ang pinakasikat ngsinger..una muna yong mga panggulo lang. kase kpag kinanta agad yong sikat na song, baka mag-uniwan na yong audience pagkatapos itong mapakinggan. gaya rin nito. hehe

  2. nice… ang saya. meri krismas tsong!
    ako din ppalit lng ng casing hehehe
    aus sa parol a, astig na naman!
    idol!

    merry christmas, minsan daw kase ay daig ng maagap ang pasipag. kaya yan inagapan ko na ang pagbati sa inyo. haha..pareho pala tayo ng plano sa mga cp natin.

  3. Simbang tabi?! May ganun pala?

    Gusto ko ‘yung #1 at #9.

    -Tenco

    haha..ang simbang tabi daw ay yong mga nagpapaalam na magsisimbang gabi pero di naman nakakaabot sa loob ng simbahan. hmm. saan kaya sila nagpupunta? hehe
    1 and 9?! o2 nga. masaa yun!

  4. Bro,

    Ba’t ngayun mo lang inilabas ang design nato. Next year yan na ang print sa give-away ko. Agahan natin pa print para makabenta pa sa iba.

    Paki print ako s malinis na coupon bond at i-market ko design pag byahe natin.

    naku kuya, wala sa plano ko ang paggawa nito basta minsan pumasok lang sa isip ko habang nagpapahinga ako. o2 nga, pwede rin ito sa card eh. hayaan mo kuya i-improve ko ito para masmaganda sa susunod na pasko!

  5. anu bang malaking regalo ni santa ang hinihintay mo?

    ewan ko ba..basta naisip ko lang yong sako para masmadaming laman. hehe..kaya ikaw, humanap kana ng sako.

  6. wahaha! sako na lang eh noh. hakhak! wala di makakapunta si santa kasi demanding isa gusto nia lumulusot sa chimneys hakhakhak! =P

    hahaha…pero alam mo, sa bagaman sa panahon ngayon na nasa gitna tayo ng crisis, madami parin namang santa..santa na may magagandang kalooban at patuloy na nagsasabuhay ng pagibig at pagbibigayan ng siyang diwa ng paskong ipinagdiriwang natin.

  7. Ang galing nyo poh Kuya…
    Idol ko poh kayo…It’s my Honor to chat with you last time..
    Hope magkachat poh tayo ulit…I’m really sure dami ko pong matutonan sa inyo…
    Take care always poh…^_^
    Have a nice day… ^_^

    naku salamat nman kung ganun. nandito lang nman ako bagaman madalas offline. hehe salamat ha.

  8. Eli, puede ba gamitin ang graphics (star) na to para sa blog banner ko sa Christmas?

    NAKU, no problem po. pwedeng pwede!!! natutuwa ako kpag may mga nakaka-appreciate ng gawa ko!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s