HUWAD NA DAMDAMIN

]mask

;-) 😦

naglalakad ako sa kawalan 

nang aking mapansain

huwad na gintong singsing

 

ibig ko sanang pulutin 

ngunit takot akong pagtawanan 

ng mga nasa paligid kong 

mga huwad na kaibigan 

 

sinikap kong magkunwari 

iginuhit kong pilit ang ngiti 

sa aking mga labi 

 

nagpaalipin ako 

sa huwad na damdamin 

kaya’t naging sunud-sunoran 

sa liku-likong katotohanan 

 

hindi nagtagal 

sa bayan ng mga taong hangal 

ako’y nakilala’t 

unti-unting nagkaroon ng dangal 

 

akala nila 

ako’y nasisiyahan 

di nila nalalaman 

sa likod ng maskara 

bumabalong ang luha

sa aking mga mata. 

 

i wrote this poem when i was ‘still young’ and pretending to be I AM NOT ME. 

6 thoughts on “HUWAD NA DAMDAMIN

  1. mayroon din akong ganitong tula noon. Datapuwat, clown ang bida sa isang palabas na siya na lang pala ang nando’n. Ganito ang mga huling linya:

    ‘at sa kanyang huling pag-ikot,
    nahuli ng hangin ang isang kislap
    bago bumagsak sa ulilang sahig.

    pumalakpak ang mga upuan
    at ginaya na rin ito
    ng mga dingding na kanina
    ay nagmamasid lamang…’

    Banatam latta, Kabsat.

  2. akala nila
    ako’y nasisiyahan
    di nila nalalaman
    sa likod ng maskara
    bumabalong ang luha
    sa aking mga mata

    *nakarelate ako dito.nice tula/poem =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s