Sorbetes

sorbetero

This is how the iconic mamang sorbetero’s cart looks like. It is made up of locally available materials and is popular for its vivid colors. Mamang sorbetero can be found roaming on streets everyday so childrens need not to go to the grocery stores to buy icecream.

Nay, pengeng piso.bibili lang ako ng sorbetes. sige na po..’nay. Yan ang mga tirada ko nun kapag humihingi ako ng piso kay nanay. piso pambili ng sorbetes. ang sarap kase ng sorbetes lalo na kapag ginawang palaman sa monay. da best! pero kapag kulang ang pambili…okay lang din na kumain ng sorbetes sa ‘apa’. lalo na kapag mainit ang panahon naku ambilis matunaw ng sorbetes nun. kaya ang diskarte, bibilisan ang pagkain (diladilaan hehe) para sa ganun bago matunaw at dumaloy sa mga kamay ang sorbetes ay nakain na ito.sabagay, ok lang din naman na dumaloy ito sa kamay..pwede parin naman..hehe

Habang ginanawa ko ang graphic na ito, naalala ko ang isang kanta. kanta na alam kong minsan ay naging bahagi o nakaantig ng buhay ng mga Filipino. Ito at i-share ko sa inyo ang lyrics. Salamat sa google search! kung wala ito…palagay ko halungkatin ko man ng paulit-ulit at bali-baligtarin ang bahay at office namin ay wala parin akong makikita.

Mamang Sorbetero by Celeste Legaspi

Mamang sorbetero,

anong ngalan mo

Tinda mong ice cream,

gustung-gusto ko

Init ng buhay,

pinapawi mo

Sama ng loob,

nalilimutan ko

Mamang sorbetero,

tayo’y sumayaw

Kalembang mong hawak,

muling ikaway

Batang munti,

sa ‘yo’y naghihintay

Bigyang ligaya ngayong tag-araw

Masdan ang ulap sa himpapawid

Korteng sorbetes sa pisngi ng langit

Mata ng dalaga’y nananaginip

Mayro’ng sikretong nasasaisip

Mainit na labi, nagbabagang mata

Sunog na pag-ibig, parang awa mo na

Mamang sorbetero, o,

nasaan ka

Init ng buhay,

pawiin mo na


Digg!

7 thoughts on “Sorbetes

  1. naalala ko tuloy dati nung pinipilit ko yung nanay ko na ibili ako ng ice cream…

    bihira na lang akong makakita ng ganyan dito sa lugar namin. napalitan ng nung mga selecta carts na my ‘jingle’ pa. nakakamiss yung kuleleng ng mamang sorbetero. hehehe!

    peace out!

    o2 nga..ako rin. naalala ko rin yong talagang nakikipag-bargain sa nanay mabigyan lang ng piso. pero teka, wala nang pisong sorbetes ngayon! hehe. o2 nga..kung meron man dirty icecream ay naka-tricycle n ang mga ito. ayaw na nilang magtulak. ang gusto ko sa lalagyan ng mga sorbetero, makukulay talaga ang mga ito.

  2. naalala ko tuloy nung bata pa ako. aktuli kahit nuong highskul naman at hanggang college bumubili pa rin ng sorbetes kaso now na working na wala na kasi walang ganyan sa dubai. nakakamiss tuloy ang pinas.

    ang layo mo pala! o2 nga. nakakamiss ang mga ganito. kase naging part ito ng buhay eh. parang hinahanap hanap ba. salamat salamat!

  3. naaalala ko tuloy nung kapanahunan ko, nakikipag-away pa ako sa mamang sorbetero. tumatawad ako ng dalawang piso, ayaw pa!

    aba…snab ang mamang sorbetero sa inyo. tumaas na kase ang presyo ng bigas na nagbibigay ng energy sa mamang sorbetero kaya hindi na ito makapagbigay ng discount! loz

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s