Ang Munting Pastol

medium: acrylic on canvas 

size: 36 in x 30 in

noong mga panahong wala pang internet, online games at text. pagpapastol ng kalabaw ang isa sa pinagkakaabalahan namin ng mga kababata ko. unahan sa pagsuga…unahan sa paghanap ng magandang pwesto para siguradong makakain ito ng sariwang damo. 

pakainin ng sariwang damo, malinis na tubig at huwag hahayaang mabilad — yan ang bilin ni tatay. upang maging malakas at ganado ito kapag ginamit na pang-araro sa bukid. 

kapag bagong panganak naman ang kalabaw, hmmm tuwing umaga may sariwang gatas. masustansiya at siguradong walang melamine ito (hehe). 

 

9 thoughts on “Ang Munting Pastol

  1. hays…ang sarap talaga ng buhay probinsiya, napaka simple. marunong ka palang magpastol. cool…

    bout the painting…astig as usual🙂 i made on using the same medium… galing mo talga…

    peace out!

  2. naalala ko nung bata ako pre, nagpapastol din ako ng kalabaw, nagkakarerahan pa nga kami, nahihiga sa taas ng kalabaw, at ang pinka- natapakan ng kalabaw ang paa ko, di ko makalimutan yun pre, buti na lang di nabali mga buto ng paa ko

  3. ang galing talaga ng frend eli ko:Dnamamangha ako sa mga drowing mo frend at mga post bout sa mga katha mo d2 sa blogs mo.brb po:D

  4. menay,
    musta na? naku salamat naman at nadalaw mo uli ako dito. salamat..balik ka ha.. hehe

    dan,
    naku, hindi ko masabi kung gaano katagal, ‘installment’ kase ang painting ko na ‘to. hindi ko natapos ito ng isang upuan
    lang at nang maalala ko ulit ituloy ay ilang buwan yata ang nakalipas. at sa pangalawang pagkakataon
    ay hindi ko parin natapos. nahirapan kase akong magpaint ng kalabaw. gusto ko kaseng i-capture
    yong basang katawan nya. Medyo matagal ito dahil binusisi ko ang mga detalye.
    hindi ito tulad ng ibang gawa ko na kapag naumpisahan ay ayaw ko nang tigilan kaya pinipilit kong tapusin sa
    loob ng isang upuan lang.

    pero may malungkot na kwento ang painting na ito…katatapos ng exhibit namin nun-naghahakot kami.
    namalayan nalang namin na wala na pala ito. hinangin siguro at di namin namalayang nahulog sa sasakyan. “SAYANG!”
    skung sinu man po ang nakapulot at kasalukuyang kumakalinga sa painting na ito…pasilip naman..lolz

    sherma,
    naku salamat po. ang ganda! naku mga kaibigan, kabagang at mga ka-blog, click kayo sa
    link na nasa comment ni sherma para mabasa nyo ang magandang sinulat niya tungkol sa akin at sa mga gawa ko.

    kulot,
    pare..musta na? naku pareho pala tayo. ang sarap mangarap habang nakahiga sa likod ng kalabaw ano?!
    ako naman ang di ko malimutan sa pagsusuga ng kalabaw ay nung biglang nagtatakbo yong kalabaw na sinasakyan ko.
    nahulog ako..sakit! mabuti nalang at medyo maganda ang bagsak ko (naalala ko kase yong pagtalon ni lito
    lapid sa kabayo nya! lol) kung hindi baka nagkabali bali ang katawan ko.

    Ron,
    o2 kase sa amin nun,paramihan ng kalabaw. asset yan nun! nasubukan ko pa nun na nakasakay sa
    inahing kalabaw at may sumusunod pang apat! masaya ring magpastol masarap humabi ng mga pangarap
    habang nakahiga sa taas ng kalabaw. Oo masarap nga ang payak at simpleng buhay…nakakamiss! hmm..salamat!

    ar-wee-der-yet
    Hi… may pagka’surreal’ ang gawa kong ito dahil kung titingnan ng malapitan ay
    may mga nakakatakot at umiiyak na mga mukhang mabubuo sa mga bato. nung bata kase ako at
    mag-isa ko lang nagpapastol, pakiramdam ko may mga matang nakatingin sa akin kaya natatakot ako.
    kaya sa painting na ito ay ipinakita ko yong takot ko nun habang nagpapastol mag-isa.
    lalo na sa madaling araw.

    kapag tag-ulan, sa gawing gilid ng bundok kami namamastol. may mga tanim na palay kase ang mga bukid kapag tag-ulan.
    strategic na place ng pastolan ay yong parteng may tubig o lilim ng puno kung saan ay pwedeng magpalamig ang kalabaw kapag nainitan.
    mahina kase sila sa init ng araw at malakas naman ang katawan nila laban sa ginaw.

    teka…miss ko na ang sumakay ng kalabaw ah?! asan na nga ba si kalakian?

    salamat po sa inyo…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s