Nasaan ang Kanin?

si mang gustin, isang pangkaraniwang manggagawa
at ang kinikita hindi naman kaliitan.

sa pamilya hindi siya nagkukulang
isang responsableng ama’t haligi ng tahanan.

sa araw ng sweldo nagtatabi ito upang may madukot sa
panahon ng pangangailangan.

minsan nadatnan niyang nagrereklamo ang misis niya
ang taas daw kase ng bilihin, lalo na ng bigas…nakakabigla!

nagplano ang pamilya ng bagong estratehiya.
binawasan ng P5 pesos ang dating P20 baon ni junior
gayon din ang kay neneng.

nagtipid sa paggamit ng kuryente, tubig, load, gas at
iba pang pwedeng tipirin.

NFA rice narin ang binibiling bigas sa nitong si aleng claring
araw-araw pumipila ito…makabili lang ng mura (daw) na bigas ng NFA

ngunit isang araw, walang naabutang NFA rice si aleng claring…
nagsesisyon itong bumili nalang ng commercial rice..
kahit masmahal na..okay lang yun…may makain lang ang pamilya.
pero laking panlulumo ni aleng claring…
dahil ubos na rin ang tindang bigas sa mga tindahan.

nagpa-ikot ikot ito sa palengket..ngunit walang nakitang nagtitinda ng bigas.
hanggang sa magdesisyon, "makauwi nalang, at hihiram nalang ako
kay mareng pokwang".

uwi na ito at dumeresto sa kumareng pokwang nya. ngunit pareho pala sila
ng problem ni mareng pokwang! wala rin itong mabiling bigas!
nagtungo ito sa isa pang kapitbahay…ngunit sapat lang ang bigas nila
kayat wala itong maipahiram.

uwi na si aleng claring…malungkot…naluluha..kase naman,
wala siyang isasaing bukas ng umaga.
paano na ang almusal ng pamilya?

halos magdamag yatang pinag-usapan ni aleng clareng at mang
gustin ang problema. "purong ulam nalang ang ihanda mo bukas", desisyon
ni mang gustin.

umaga…
"wow! fried chicken!" nanlaki ang mga mata ni junior. "sarap ng ulam!"
kuha agad ito ng ulam..maya-maya ay natigilan.
"nay, kanin po! asan yong kanin?"

nagkatinginan ang mag-asawa…..(tsk..tsk..tsk..)

Use this above image. Copy the code below and paste to your blog.

24 thoughts on “Nasaan ang Kanin?

  1. noon ang problema ng mga mahihirap, walang pambili ng bigas. aba ngayon, kung may pambili man, walang mabilan ng bigas! nadagdagan po ulit ang problema ko, problema niya,,, at problema ng bayan..hehe

    si ‘kaibigang’ RINO po ay may storya din tungkol sa bigas…

  2. nakzzzz………sa ngaun ng kagulo ang pinas sa lintik na news ng pangulo…kya ayan ng taasan na ang presyo ng bigassss lalo na kmi ng hihirap…cya ng papayamannnn….hayzzzzzz hindi patasss ang pamimigay nya ng bigasssssss marami sa mindanao d na bigyannn kung na bigyan mn once lngggg kya ang mga tao ng tyatyaga sa camote…….:(:(:(
    lage lng manila ang nakita nya…..aguyyyy….

  3. di naman pwedeng hindi magkanin ngayon, pati mga tinapay magtataas na rin ng presyo, buti pa sa probinsya kahit wlang nalutong kanin, pwede ang mga root crops doon

  4. TSK!!! tSK ANO NA BANG NANGYAYArI SA KAWAWANG PILIPINAS!!

    hay!!! akala ko ba papa Unlad taYo ei sa nakikita ko mukha papaLUbOG……

    sana maka ahon naman sa kahirapan ang pilipinas….

  5. hehehe dito naman ang tanong e nasaan na ang gas dahil sa mabilis na pagtaas ng gas..akala ko sa pinas lang me ganung reklamo lol!

    eli sensya na di nakaksagot sa email🙂

  6. ok lang yun..kaw naman..hehe
    naku kahit dito at tanong din yan.lahT na yata ngayon tumataas eh.ako nalang di tumataas..hehe

  7. talagang mahirap pumila ng bigas(based on my experience)..
    wala kasing mautusan ang nanay ko… busy kasi siya…
    by the way,,, kung walang bigas eh di ulam nalang nakakapayat yun kasi walang carbs sa katawan…. ewan ko nga lang kung makatawa ka pa sa sobrang lambot ng katawan mo..

  8. mardi, hahaha….talagang nakakapanghina yun. sexy nga, wala naman lakas…hehe aba’t nakikipila ka talaga! mabait na bata! uy mahirap kpag puro ulam. lalo na sa ting mga pinoy..

  9. Pingback: Mapiles.com | Your Partner Online » Mapiles.com Link Bombs Return | Make Money Online, Blogging and Art Blogs

  10. kaya nga eh:((sabi ng nanay ko ang mahal na ng bigas jan sa pinas katatawag ko lang kaninang umaga,at sabi ay ganito anak pakidagdagan ang budget namin d2 sa sunod na padala mo ha:((waaaa kasi ang mahal na talaga ng bigas aguy kalokah,at saka iba pa rin talaga ang energy na naibibigay ng kanin o rice sa hapag kainan mapa almusal man o lunch or diner at iba pa:D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s