Tumbang Preso

Use this image for free. Copy the code below and paste to your blog.

Isa ito sa madalas naming laruin ng mga kalaro ko noong bata pa ako.
Sa larong ito kase ay walang kampihan at pwedeng maglaro kahit ilan.
Hindi kase mahirap ihanda ang larong ito, basta may tsinelas at lata
(lata ng sardinas, bagoong o gatas) pwede na!

Paano na nga ba ito laruin?
1. Itataya ang lata sa gitna ng bilog na guhit
2. Tungkulin ng ‘taya’ na protektahan ang lata sa bawat pagtira ng kalaban
kailangan kaseng huwag itong matumba. habang nakatayo ang lata
ay maaaring manghuli ang ‘taya’.
3. HAbang tinitira ng mga kalaban ang lata ay maaari itong sanggahin ng
‘taya’ upang sa ganun ay wag tamaan ang lata at upang makuha rin
niya ang tsinelas na pamato ng mga kalaban.
4. Ang pagtira ay maaaring isa-isa o sabay sabay.Kahit saang gawi (kanan, kaliwa, likod o harap)
ay pwedeng itira ng kalaban ang kanyan pamatong tsinelas
5. kapag natamaan ang lata at tumilapon ito ng malayo (o kahit natumba lang
sa loob ng guhit), maaari nang agawin ng ibang manlalaro ang kanilang mga
tsinelas na ipinantira sa lata
6. Samantala, upang hindi mangyari iyon ay dapat agapan ng ‘taya’ ang pagbabalik
sa natumbang lata upang mahuli niya ang mga kukuha ng tsinelas.
7. Maaaring habulin ng ‘taya’ ang mga tumirira sa lata upang hulihin.
pero dapat niyang isaalang-alang na walang bisa ang kanyang
pagkakahuli sa kalaban kung bago niya ito mahuli ay naitumba na ng
ibang manlalaro ang lata.
8. Kung naitira na ng isang manglalaro ang kanyang tsinelas, maari parin
niyang itumba ang lata sa pamamagitan ng pagsipa rito.
9. sa sandaling may mahuli ang taya,maaari na siyang tumira
at ang bagong huli naman ang ‘taya.


AddThis Social Bookmark Button

22 thoughts on “Tumbang Preso

  1. Hi Eli! Hopped here from tita Gigi’s blog. Ang ganda ng graphics mo🙂 I suggest you offer the graphics as ‘reusable’ so other bloggers can use it appropriately. With a link back to your site, of course. Much similar to blog cartoons🙂

    Happy Wednesday!

  2. i really hope someday “tumbang preso” will be on the computer already…. i hate throwing slippers…..then somebody will hit you instead of hitting the can…..

    i will never forget that incedent when the other years were palying this game, then someone was hit by slipper on the face….

    guess what…..the slipper was just “islander”….

    maybe it’s ok for me if somebody would hit havainas on my face..heheheheh

  3. ricmar,
    it seems that this game is memorable with you. i hope i can play this game with you. lol…don’t you worry i don’t use islander… i use ‘spartan’.

  4. Sorry po naputol mess.Musta kayo lahat jan lalo na mga taga Mantile at palo maria at xmpre mga kabayan ko taga Bongabon.Gandad ng graphics mo Sir. Nag search ako sa google gamit cel at napahanga ako sa yo. Keep up the good work.

  5. Good po bro.Eli at sa lahat ng mga kababayan ko.Sobra init ngayon d2 sa jeddah.September 1st RAMadan na rito at 1month fasting.God bless to all.

  6. 3rd year highschool ako sa Caritas Don Bosco School sa Biñan, Laguna. Nagtataka nga ba ako kung bakit din wala na naglalaro ng mga laro ng lahi? eh enjoy naman ito. Mas nakakawala pa ng stress. Kaysa sa nakaupo ka lang naman at kung anu-ano ang mga nilalaro na di naman nakakatulong. Mas nakakapahamak pa sa ating mga kabataan. Buti na lang, sa school namin, itinatalakay sa PE class namin ang mga iba’t ibang laro ng lahi. Kaya naman natutuwa din ako kasi yung mga larong nilalaro lang namin ng mga kakalase ko nung mga bata pa kami, ay nalalaro pa namin ngayon. Ano pang hinihintay niyo? Maglaro na ng laro ng lahi!🙂

  7. mary
    hi…salamat nman at nakasama pala ito sa PE nyo ngayon. magganda ito kase isa ito sa mga masasabi nating identity ng pagiging pinoy natin. Sige, laro tayo.hehe

  8. Pingback: Tumbang Preso Shirt « BLOGRAPHICS

  9. Galing ng graphics mo dito. Tama si Sasha, gawin mong reusable iyong cartoon mo tapos backlink sa iyo. Traffic increase ka pa:D Paborito kong laro ang tumbang preso noong bata pa ako, pangalwa sa syatong:D

    oo nga po..ginawa ko yun sa mga unang post ko. pero tinamad na akong maglagay ng code for copy paste. hehe. expert ka siguro tumbang preso. laro tayo minsan. he😀 he

  10. nakita ko to habang nagsesearch tungkol sa tumbang preso haha
    plano namin gawing video game kasi and upon seeing this lalu namin gusto i pursue 🙂 thanks

  11. Yaeh right!…but computers can’t work without electricity or generator…so it’s just useless and besides it’s too expensive. Well, I just want to say I need some help how to get a sketch of that game coz it’s our project and besides it’s too difficult to draw…hahaha just kidding…well anyway I like it.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s