Tagu Taguan Boom, Taya!

74 Comments

Sa larong taguan, maliwanag ang buwan..

Magbibilang,

Maghahanap.

Maghihintay,

Maghahagilap.

Laro kung saan magtatago sa lalim ng gabi.

Pagkatapos ng hapunan, may tambayan na nagaganap sa ilalim ng posteng patay sindi ang ilaw na nagsisilbing kabaret ng mga batang nasa lansangan. Mag-uusap usap ang grupo, ang edad ay nasa pito hanggang labindalawang gulang, ng tungkol sa buwan. May makakaisip na takutin ang mga nakababatang miyembro ng barkadahan. Ngunit babalik ang kanilang usapan tungkol sa buwan–ang hinihiram nitong liwanag mula sa kung saan at ang mga bituin na tinatabunan ng ulap. Itinuro ng pinakamatandang miyembro ang isang maliwanag na tala at tinawag niya itong Benus. Matatahimik ang buong barkada habang nakatitig sa langit.

Tatamlay ang ilaw ng poste.

At babalutin ng ulap ang bituin kasama na ang tala na binansagang Benus. Kasabay ng pagbalot ng dilim ang hudyat ng isang larong nakagisnan ng mga bata sa lansangan.

Tagutaguan maliwanag ang buwan, pagbilang kong.. nakatago na kayo!

Simula na ng paghahanap. Nakita niya ang mga paggalaw ng puno at isinigaw ang ‘Boom’ at lumabas ang dalawang bata. Nakita niya ang mga matang nakasilip sa bakod, at muli ay isinigaw niya ang mahiwagang salita at lumabas ang dalawa pa ulit. Nakita niya ang nagtatakbuhang kaibigan at isinigaw niya ang salitang makakapagpatigil dito. Maya maya ay nakita niya ang isang anino na humakbang sa di kalayuan.

Binanggit niya ang mahiwagang salita ngunit hindi ito lumabas. Inulit niya ang salitang ‘Boom’ ngunit ang tanging nagpakita ay ang buwan matapos itong itago ng ulap.. sa pagdungaw ng mga bituin, ang anino na kanina lamang na humakbang ay naglaho na.

Ganito ang larong tagutaguan. May mga bagay na nagtatago na kailangan mong hanapin. Ang tanging pinanghahawakan mo lamang ay ang liwanag ng buwan.

OT: May kaibigan at kalaro ako na ang pangalan ay Pag-Ibig. Tuwing maglalaro ng tagu taguan at nagkataong ako ang taya, at kung mahanap ko siya, sisigaw ako ng “Boom, Pag-Ibig, nakita na kita!” Weird.

Isa pang OT: Yay, di po ako si Kuya Eli. Hehe. Si Ax Realm po ito!

eto pa OT: Medyo palaboy-laboy lang si Kuya Eli! Pagbalik niya may hatid siyang magandang balita! Hm, oo, magandang balita yun kaya kami muna ang bahala dito! Hehe.

langit at lupa

36 Comments

Isang anghel mula sa langit

Isang anghel mula sa langit

ito ang lupa

ito ang lupa


Kapag masaya tayo bukambibig natin ang Langit.
“Hayyyy para kong nasa Langit..”
“Ale, nasa langit na ba ako??”

Ano bang meron sa langit?

Mga nag-gagandahang anghel, paraiso, payapang kapaligiran, walang hanggang kaligayahan. Pero pano mo naman nasabi eh di ka pa nakakarating doon? Habang nangangarap tayo na tayo ay nasa langit, maaliwalas ang pakiramdam. Pero kelangan nating bumalik sa realidad pagkatapos ng ilang minuto. Bawal magtagal sa langit.

Dumako tayo sa lupa.

Sa lupa lagi kang taya . Lagi kang may hawak na responsibilidad. Sa lupa maraming problema. Maraming pagsubok. Diba gusto natin palagi na may tinutungtungan o kaya ay nasa isang mataas na lugar? Habang nasa lupa ka tandaan mo lang ang isa sa pinaka importanteng rule:

“Tumakbo ka lang ng tumakbo ng deretso,
maaari kang lumiko pero
huwag na huwag kang tatakbo ng paatras.”

Langit, Lupa, Impyerno, Im – Im – Impyerno. Saksak puso tulo ang dugo….
O sumampa ka na sa upuan para hindi ka mataya. Ang bilis pa naman naming magtakbuhan.

ikaw anong interpretasyon mo sa larong ito? at sino nagpauso nito?

Teka bat naligaw ako dito? Ang bilis nya kasing tumakbo-
Tinaya ako ni pareng Eli. Hahahahaaha

http://jasonhamster.wordpress.com

Syatong (laro ng lahi)

25 Comments

 

medium: oil pastel       size: 24 in x 30 in

 

One of my entries for ‘Laro ng Lahi‘ (Filipino Indigenous Games). A group exhibit sponsored by  the National Commission for Culture and the Arts in 2001.

This game is popularly known as: Tagalog- syatong or syato; Ilocano: syatong; Bisaya: Pitiw

How to play syatong? please, click here