Good News: Mga larong Pinoy, muling binubuhay

1 Comment

Dahil isa sa isinusulong ng blog na ito ay ang muling pagpapakilala ng mga laro ng lahi, sobrang natuwa ako nang mapanood ko ang GOOD NEWS ng GMA 7 News TV. BAkit? Panoorin n’yo ito.

Nakakatuwang isipin na napapansin na ang kahalagahan ng larong Pinoy sa buhay natin.
Tara…patintero na tayo!

Ang bagong ‘canvas’ para sa aking mga obra

8 Comments

Masyado akong natutuwa sa libangan ko ngayon—ang pagdedesenyo ng mga damit na laro ng lahi (Larong pinoy, larong kalye, katutubong laro) ang tema. Wala lang, basta isang araw naisip ko lang gumawa at isuot ito.

Sa tuwing suot ko ang isa sa mga ginawa kong t-shirt, iba-iba ang reaction ng mga nakakapansin nito.

“Luksong baka… madalas naming laruin ng kapatid ko ‘yan nung mga bata pa kami.”

“Noon, kapag kabilugan ng buwan… lagi kaming nagpapatintero! Gabing-gabi na pero ang lalakas parin ng hiyawan namin.”

“Tumbang preso.. champion ako dyan! Hindi manalonalo ‘yong mga kalaro ko sa akin.”

“Minsan umiyak ako dahil kinutya ako ng mga kalaro ko. Ang panget daw ng ginawa kong trumpo kaya umuwi ako’t nagpagawa ng magandang trumpo kay tatay.”

“Tirador.. di ako lumalabas ng bahay nung bata ako nang walang nakasabit na tirador sa leeg ko.”.

“Wala ka bang design ng holen o kaya jackstone?”

More

blographics bente diyes

26 Comments

2010 na!

Pero bago natin harapin ng buong buo ang taong ito gusto ko munang i-kwento sa inyo ang ilang bagay na napala ko sa pagba-blog noong 2009.

- nagkaroon ako ng maraming kaibingang bloggers

- alam kong hindi ako marunong magsulat pero napilitan kong gawin ito para mabigyang buhay ang mga kwentong nais kong ihatid sa inyo sa pamamagitan ng blog na ito.

- nakagawa uli ako ng mga bagong obra para may maipaskil ako dito. Ang tagal ko kayang hindi nagpinta.

- dahil din sa pagba-blog, may nakapansin sa mga obra ko at sa kabutihang palad ay nai-feature ang mga ito (artworks ko tungkol sa laro ng lahi) sa The Manila Times (link lost youth on canvass) noong September 11, 2009.

- napatunayan ko na buhay na buhay ang salitang ‘bayanihan’ sa mundo ng pagba-blog lalo na sa panahon ng kalamidad.

- naging mabisang libangan ko ang pagpa-blog (at blog hopping) sa panahong wala akong magawa sa buhay 

- nakigulo, nakisaya at nakisali sa ilang paligsahan sa dito blogospero at dahil dyan nagkaroon ako ng LLM shirt mula kay Otep

- nakituwa, naki-emo, nakisaya, nakiusyoso sa iba’t ibang kwento ng mga ka-x-link

- at pang huli, napatunayan ko sa sarili ko na pwede palang makahanap ng mga tunay na kaibigan dito sa internet. mga kaibigang sinsero kahit na hindi pa nakikita ng personal.

More

Lakbay turo(2)

30 Comments

Matapos ang mahaba habang biyahe at tanungan (dahil hindi namin alam ‘yong pupuntahan namin) ay nakarating din kami sa O’ Donnel High School sa Capas, Tarlac at natuwa kami dahil sa halatang pinaghandaan nila ang pagdating namin.

Nakita rin namin ang tuwa sa mukha ng mga estudyanteng naroroon at handa nang makinig sa aming mga lecture kaya naman pati kami ay excited na rin sa nasabing workshop. More

lakbay turo

25 Comments

Noong nakaraang sabado ay nakarating kami ng O’ Donnell High School sa Capas, Tarlac dahil naimbitahan ang grupo namin sa isang ‘ART workshop’.

Pero bago yan, biyernes ng gabi ay nagkaroon ako ng pagkakataon na masaksihan ang Awards Night ng ESIHAS o 2009 Esihas 4th Digital Film Festival na ginanap sa Cinema 3 ng Mega Center The Mall sa Cabanatuan City. Sa totoo lang, aliw na aliw ako (bagamat hindi ko napanood lahat ng mga entry sa nasabing paligsahan) dahil sa nakakatuwang isipin na may ganitong uri ng paligsahan kung saan ay maaaring mapagyaman ng mga kalahok ang kanilang talento sa pag-arte at paggawa ng mga makabuluhang dokumentaryo at pelikula. Ang Esihas ay isang Digital Film Festival na kung saan ang mga kalahok ay mga guro at estudyante ng Elementarya at High School sa Nueva Ecija. Ayon sa mga organizer, ang ganitong uri ng paligsahan na pinangungunahan ng DepEd ay dito lamang isinasagawa sa lalawigan ng Nueva Ecija kaya naman excited akong ibalita ito sa inyo (kase nga po, novo ecijano ako!). Maaari n’yong mapanood ‘yong mga gawa ng bawat kalahok sa http://www.esihas.com.

Hiyawan ang lahat sa tuwing tatawagin ang mga nagkamit ng parangal mula minor hanggang sa major awards. Lalong lalo na nung i-announce ‘yong mga nagwagi sa best actor, best actress at best film! Umalingawngaw ang paligid at damang dama ang pananabik ng bawat naroon. Oh ha parang MMFF diba? “…And the Esihas goes to…… !” (para sa kompletong listahan ng mga nagsipagwagi, paki-bisita na lamang ang website ng esihas. More

Older Entries