sungka

65 Comments

Ang larong sungka ay isang katutubong larong Pilipino na ginagamitan ng tabla na may pitong butas sa magkabilang gilid at dalawang imbakang malaking butas sa dulo nito. Sa pagsisimula ng laro, ang bawat butas ay nilalagyan ng tig-pitong bato. Ang mga batong ito ang sisikapin ng bawat manlalaro na mailagay sa kanikanilang imbakan. Masmaraming batong makuha, siya ang panalo.

sungka/ medium: digital graphics

sungka/ medium: digital graphics

Hmmmm… may limang bato sa unang butas, sa pangalawa may siyam at anim sa kabila. Alin kaya ang pupulutin ko para matapatan ko yong nakatumpok na bato nya. Marami rami ‘yon kapag nakuha ko!

More

sketches

14 Comments

Kapag wala akong magawa ay nahilig din akong mag-sketch (gamit ang ballpen-panda o pilot lang ang ginagamit ko) ng kung anu-ano lang. Basta kung ano ang unang masok sa isip ko, yun ang ini-sketch ko.
dahon

Dahon: naalala ko ‘yong halamang ‘kataka-taka’. Kakaiba  ito dahil kapag nalaglag ang dahon nito,  tinutubuan ito ng mga bagong halaman-kaya siguro tinawag na kataka-taka. Sana ganito rin yong dahon ng mangga.

trees

Punong kahoy: mahilig din akong mag-sketch ng mga puno. Tuwang-tuwa ako kapag nakakagawa ng magandang puno.

trumpo1

Trumpo: ito naman ang isa sa mga paborito kong laruin nung bata ako. Pero sayang kase hindi ko pinagkaabalahang magpraktis ng pagpapaikot nito sa ibabaw ng aking palad.

bau

Bao’t dahon ng saging: mahilig gumawa ng kakanin (tulad ng kalamay, bibingka, at puto) ang nanay ko kapag may okasyon kaya naman kabisado ko ang bawat kanto at kurbada ng mga ito. Naging bahagi kase ng tradisyon ang mga pagkaing ginagamitan ng niyog at dahon ng saging.

More

PEACE OF MIND

15 Comments

rod

YARI siya!
lugar ng pinangyarihan: loob ng room sa isang apartment sa nueva vizcaya
Oras: pagitan ng 1-2 pm (katatapos magtanghalian) araw ng sabado
Mga kasabwat: lapis, bolpen at sketch pad
Mayayari (ang sketch habang natutulog..hehe): rod (estudyante palang siya noon. ngayon ay isa na siyang engineer at kasalukuyang nakikipagsapalaran sa qatar)

More