Ang gusto ko sa pagiging artist, maaari mong maipakita ng malinaw ‘yong isang idea na nasa isip mo sa pamamagitan ng pag-drawing sa mga ito. Halikayo at ikwento ko sa inyo ang ilan sa mga hallucination (lol) ko!
Minsan ay pumasok sa isip ko ang ‘mango i-phone’. Wala namang special dito, sa totoo lang, kundi ‘yong pangalan at design nito na hango sa bunga ng mangga. Wala lang, naisip ko lang, kung may apple e di pwde ring magkaroon ng mango para pinoy diba?!
Hanga ako sa konsepto ng bottomless printers. Matipid at hindi mahirap ang pag-refill. Buhos lang okay na! Medyo masakit lang sa mata yong animo’y nakalabas na bituka nito. Naisip ko tuloy, maganda siguro kong gumawa nalang tayo ng built-in na bottomless printer (pati diagram ng wirings meron naidrawing ko rin…pero ayaw kong ipakita sa inyo. Hehe). Ang maganda pa sa printer na ito, wala itong mga kable kaya walang hassle. Bluetooth ang connection nito at battey operated din kaya cableless talaga!













Salamat sa comments