Nagpunta ako sa gubat. Sa isang mahiwagang gubat kung saan ang mga halaman ay pawang gumagalaw at ang tubig ay may kakaibang nilalang. Ang mga bato ay nagsasalita at ang hangin ay sumasayaw kasabay ng mga alitaptap at paniking nakikipagunahan sa gabi. Nakita kita sa isang sitwasyon kung saan sumasabay sa iyong galaw ang bawat dahon at ang ulap sa kalangitan ay tinatakpan ang iyong nilalakaran. Saan ka man magpunta ay hindi ka masikatan ng haring araw sapagkat sumusunod sa iyo ang mga ulap na pawang mga alaga mong tagak. Sinundan kita hanggang sa pusod ng kagubatan. Sa isang lugar na ang mahika ay hindi isang imahinasyon. Sa isang lugar kung saan ang bawat walang bagay ay may buhay. Isa ka bang diwata sapagkat sa unang hagip ng aking balintataw sa iyong katauhan ako ay umibig?
Sabihin mo, isa ka bang diwata ng ilog? ng ulap? o isa kang diwata na lagalag? Patuloy kitang sinundan hindi dahil ako ay iyong ginamitan ng haraya kundi dahil hindi kayang kalabanin ng aking kamalayan ang puso ko na nagsasabing kung hindi kita makikilala ay hindi na kita makikilala sa buong buhay ko. Ang mga ganitong pangyayari ay nagbibigay sa akin ng ligalig. Ang hindi ka sundan ay magiging dahilan ng aking kalungkutan. At ang sundan ka ay pagpaparaya sa akin patungo sa kapahamakan sa gubat kung saan ang leon ay isang kalaban.
Maaari bang pagbigyan mo ang aking katanungan sa iyo. Isa ka bang diwata na ililigaw ako dito sa gubat na puno ng mahika, ang lupain na tinawag nilang trahedya romantiko gubat.
May huli akong tanong lambana, kung sakaling mahalin mo ako, isasakripisyo mo ba na ikaw ay maging tao?

bakit ba puro pag-ibig ang post ko? isa lang naman ang dahilan. para magbalik na si kuya eli! si ax realm po, lumalagda at nagsasabing gusto kong maligaw sa kagubatan!











Salamat sa comments