Puto Kutsinta

28 Comments

POOooot… Poooooot…Pooot..!!!

“Puto kutsintaaa! Kustsintaaaa..putoooo…”  Isang umaga (pagitan ng alas nueve at alas diyes) narinig ko ang sigaw na ito habang nagsasagot ng exercises namin sa Animal Physiology. Bahagya akong sumilip sa bintana at nakita ko ang isang tao na noon ay nakapasok na sa gate ng aming boarding house. Naka-bike siya (with complete cyclist attire) at sa gawing likod nito ay may nakataling lalagyan ng panindang puto. Noon ay nasa labas ang mga ka-boardmate kong sina Kiko, Joel, Lito, Alfred at Clifford.

Balik ako sa ginagawa ko ngunit maya maya lamang ay nakuha ang atensiyon ko ng isang tinig “Pangarap ko’y di maabot…dahil sa bawal na gamot… “ Sigawan ang mga ka-boardmate ko. Naging interesado ako sa narinig ko kaya naman sumilip uli ako sa bintana. Aba ‘yong tao na pumasok kani-kanila lang. Hawak ‘yong gitara ni Clifford at todo bigay sa pagkanta. Gusto kong lumabas pero hindi naman ako bibili ng tinda niyang puto (tipid mode) kaya nagkasya nalang ako sa pagsilip sa bintana.

Sumunod na umaga, masaya kaming nagku-kwentuhan ng mga ka-boardmate ko nang: POOooot… Poooooot…Pooot..!!!  “Puto kutsintaaa! Kustsintaaaa..putoooo…” . Dahil nakabukas ‘yong gate namin ay dumeretso na ito sa loob at ipinarada ang kanyang bisekleta malapit sa amin. “Kumusta ba mga kaibigan? Narito uli si Danny Boy Puto. Kumain muna kayo ng puto kutsinta ko” bungad niya (todo ngiti pa sya). Bumili si Joel at isa-isa kaming inabutan nito (haay..salamat may nanlibre).

More

blographics bente diyes

26 Comments

2010 na!

Pero bago natin harapin ng buong buo ang taong ito gusto ko munang i-kwento sa inyo ang ilang bagay na napala ko sa pagba-blog noong 2009.

- nagkaroon ako ng maraming kaibingang bloggers

- alam kong hindi ako marunong magsulat pero napilitan kong gawin ito para mabigyang buhay ang mga kwentong nais kong ihatid sa inyo sa pamamagitan ng blog na ito.

- nakagawa uli ako ng mga bagong obra para may maipaskil ako dito. Ang tagal ko kayang hindi nagpinta.

- dahil din sa pagba-blog, may nakapansin sa mga obra ko at sa kabutihang palad ay nai-feature ang mga ito (artworks ko tungkol sa laro ng lahi) sa The Manila Times (link lost youth on canvass) noong September 11, 2009.

- napatunayan ko na buhay na buhay ang salitang ‘bayanihan’ sa mundo ng pagba-blog lalo na sa panahon ng kalamidad.

- naging mabisang libangan ko ang pagpa-blog (at blog hopping) sa panahong wala akong magawa sa buhay 

- nakigulo, nakisaya at nakisali sa ilang paligsahan sa dito blogospero at dahil dyan nagkaroon ako ng LLM shirt mula kay Otep

- nakituwa, naki-emo, nakisaya, nakiusyoso sa iba’t ibang kwento ng mga ka-x-link

- at pang huli, napatunayan ko sa sarili ko na pwede palang makahanap ng mga tunay na kaibigan dito sa internet. mga kaibigang sinsero kahit na hindi pa nakikita ng personal.

More

Lost youth on canvas

86 Comments

MT

Guys, let me share with you an article from MANILA TIMES (dated September 11, 2009, oo ngayon nga!). its about the games we used to play and brought laughter on our childhood. hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, copy and paste na!

Lost youth on canvas

By Sherma E. Benosa

When I saw Eli Avellanoza’s painting and digital renditions of traditional Filipino games on his website several months back, I recognized myself in them at once. Between the playful colors and over and beneath his fluid strokes, I could see fragments of my childhood and hear the laughter of my youth.

I did not even have to look at the paintings’ titles. I knew them by heart. Sungka, luksong tinik, luksong baka, patintero, siatong, sipa—I played them all as a young child.

Filipino symbols

Avellanoza, a painter cum digital artist whose works are mainly on Filipino symbols like kudkuran (coconut grater) and banga (pot), started drawing as a young child, but it was only when he joined the Samahang Makasining when he was still a second year agriculture student at Central Luzon State University (CLSU) that he turned to painting. Samahang Makasining is a school-based organization of visual artists in CLSU in Muñoz, Nueva Ecija. “I want my artworks to be very Filipino,” he shares.

When Elito Circa, then chairman of the association, invited him to join an exhibit about traditional games, he was sort of “forced to paint those kinds of subjects.” But then, while on the exhibit, he started having a change of heart. “I realized that I should continue doing those kinds of paintings because [painting about our traditional games] is a form of preserving them. I also want to promote and create awareness on our traditional games. Many kids no longer know about them, especially those born in the digital age,” he shares.

Eli has been inactive for two years, but he now plans to have a comeback. This time, he plans not only to work on traditional games but also traditional toys like the tirador (slingshot) and the sumpak. He has done a digital rendition of a toy he played as a child, trak-trakan (car toy made of tin cans), and is now working on sketches related to the subjects he plans to work on in preparation for his planned comeback in the arts scene.

“I realized that traditional games are a reflection of my childhood so I’ve made it my personal commitment as an artist to continue working about them. It makes me feel young because my paintings send me back to my childhood.” read more

.

.

.

nakakatuwa rin kase sa pamamagitan nito, magiging masmalawak at masmabilis kong maipapaabot ang mensahe na nakapaloob sa bawat obra kong ito. mga mensahe na nag-ugat sa simple at payak na anyo ng mga laro natin noon na unti-unting nalilimot na natin sa ngayon. siguro dahil ito sa pagkauso ng mga video karera, PSP, at online games. at syempre lalo na ngayong nauuso ang pagsasaka online (ha..ha..) ano ngang laro yun?

tulad ng larong tumbang preso, sa bawat paghagis ng tsinelas (syempre dapat makapal at hindi kasing nipis ng papel) dapat may sapat na lakas at nasa tamang direksyon upang tumama ito sa lata. gayun din naman pangarap kong (parang LLM lang ni otep ah) maiparating ng tama at mahusay ang mensaheng nakadikit sa bawat obrang ito.

salamat kay sherma dahil binigyan niya ng pagkakataong makapaglayag ang mga obra ko upang maabot o masagi nila (ng mga obra ko) ang isipan ng masmarami.

.

.

————-

salamat nga pala sa mga naka-EB ko nung September 4 sa Tivoli garden

Kengkay- kwentongkengkay.com, Yhen- yhen1027.wordpress.com, Lovely -  anakngpating.com, Mar (salamat sa pag-ampon)- taympers.com, Ate Winkie – winkiesworld.wordpress.com,

Otep (salamat din sa t-shirt)-otep.wordpress.com, Rye (salamat sa pasalubong) – flamindevil.wordpress.com, Ax (salamat sa paghihintay)- axrealm.com, Alvin  livingstain.wordpress.com, Jason da birit hamster jasonhamster.wordpress.com, joycee- http://joyceish.com/ , Bernard – bernardumali.wordpress.com, at may dalawa pero hindi ko sasabihin kung sino. haha secret!

May mga post sila ng picture namin sa eb kaya dalawin n’yo sila..sige na, dali!

Sining Pambata

24 Comments

hand painting

nature hand paintings

There is no such thing as aspiring artists. The moment you create you become and artist.

More

CLSU Lagoon

22 Comments

clsu_lagoon

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

medium: acrylic on canvas

Title: clsu lagoon: pagbabalik tanaw

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

“Dito ako madalas tumambay noon kung gusto kong magpalipas ng oras at dito ko nalaman na enjoy rin palang makipagkwentuhan sa mga isda!”

“Dito kami madalas magkwentuhan ng mga dormmate ko nun. Habang nagkukwentuhan (kunwari) ay nakaumang ang bingwit na nakatali sa sinulid. Kapag may nakuha, dahan-dahan naming itong hihilahin para hindi mahalata ng mga secu. “

“Dito ko nalaman na mahilig pala sa chippy ang mga isda!”

“Masarap ngumuya ng turon habang nakaupo sa gilid ng lagoon”

“Dito kami madalas magkwentuhan nila Isko, Kulas at Simo. Dito namin higit nakilala ang bawat isa.”